Chapter 2
Umangat ang araw, nagliliwanag ang kalangitan. Nag-umpisang magsiawitan ang mga ibon mula sa puno, sa tabi nito may bintana kung saan masisilip si Kazumi.
Sa gilid ng higaan ni Kazumi, nakatayo si Lucas; nakatulala ito sa mukha ni Kazumi, tila ba may malalim itong iniisip.
Bumuntong hininga si Lucas bago tumalikod at naglakad papuntang pinto.
"Faust?"
Napahinto si Lucas saka humarap kay Kazumi.
"Gising ka na?"
Sa halip na sumagot si Kazumi, nagkasalubong ang kilay nito habang nakatitig kay Lucas. Nang magising siya una niyang naramdaman ang pamilyar na aura na katulad kay Faust.
"Sorry, akala ko ikaw si Faust. Sino ka? Nasaan ako?"
"Ako si Lucas, nasa bahay ka namin. Sandali lang, tatawagin ko sila Tita Zai."
Bago makasagot si Kazumi, nakita na lang niya ang pagsara ng pinto. Napatikom siya ng bibig at nag-umpisang ayusin ang mga nasa memorya niya.
Napahilot siya sa sintido dahil sa naghalo-halo na ang memorya niya at ang memorya ni Heidi.
Bumukas ang pinto at dali-daling pumasok si Zaira. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Kazumi anak, kamusta pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo? Gusto mo ba ng tubig? Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Ipaghahanda kita."
Napanganga na lang si Kazumi dahil sa sunod-sunod na tanong nito. Idagdag pa na hindi siya makapaniwalang makikita niya ang kanyang ina pagkagising niya. Tinawag pa siya nito sa totoong pangalan niya kahit na Heidi ang pagkakakilala sa kanya nito noon.
Sa pagkakaalam niya wala silang ideya na siya ang long lost daughter nila Zaira. Kahit si Zeque walang ideya.
Bakit Kazumi ang tawag sa kanya?
Nag-umpisang mapaisip si Kazumi kung nasa mundo ba siya ni Heidi o napapadpad nanaman siya ibang mundo habang wala siyang malay.
"Heidi, siya ang tunay mong ina. Sina Zaira at Blaize ang tunay mong magulang. Kazumi ang tunay mong pangalan."
Paliwanag ni Zeque nang mapansin niya ang pagkalito sa mukha ni Kazumi.
"Ah!"
'Hindi ako napunta sa ibang mundo? Ito pa rin ang mundo ni Heidi.'
"Mommy, ayos lang po ako."
Ngumiti si Kazumi habang nakatingin si Zaira. Matagal na niyang pangarap na tawaging mommy si Zaira. Hindi nagbago iyon sa kabila nang paglalakbay niya sa iba't-ibang dimension.
Simula noon wala siyang ibang hiling kundi ang makasama ang mga magulang niya. Ngayong nasa harapan na niya ito pakiramdam niya panaginip lang ang lahat.
Walang kurapang tinitigan niya si Zaira. Natatakot siya na kapag sinara niya ang mata niya magigising na lang siya bigla na wala na ito. Pansin niyang walang pinagbago ang itsura nito noong dalaga pa si Zaira. Kung titignan para lang silang magkapatid.
Alam ni Kazumi na mas bata ang itsura ni Zaira sa edad nito.
Nag-umpisang kumalam ang sikmura ni Kazumi.
"May almusal na sa ibaba. Ikukuha kita!"
"No!"
Hinawakan ni Kazumi kamay ni Zaira. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.
"Sasama ako sa ibaba."
Mahinang sabi ni Kazumi.
"Okay."
Tinulungan siyang makatayo ni Zaira. Habang pababa sila hindi umalis si Kazumi sa tabi ni Zaira. Kahit nang kumakain sila, sumusulyap si Kazumi kay Zaira.
Tumawa ng mahina si Zaira saka nilagyan nang hotdog ang plato ni Kazumi.
"Anak, hindi ako mawawala."
Aniya na tila ba nababasa nito ang nasa isip ni Kazumi. Yumuko si Kazumi saka tinusok ang hotdog habang bumubulong.
"Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat. Totoo ba talaga na buhay ka?"
"Totoo ang lahat. Nandito ako ngayon sa tabi mo. Kung gusto mo mamaya pakikiusapan natin si Nova na dalhin tayo sa daddy mo."
Nag-umpisang tumulo ang luha ni Kazumi ang nakagat sa hotdog.
"Bakit ka umiiyak?"
Hinawakan ni Zaira ang mukha ni Kazumi saka ito hinarap sa kanya upang punasan ang luha nito.
Binaba ni Kazumi ang hawak na tinidor saka tumulong na punasan ang luha niya.
"Masaya po ako na makita kayong buhay."
Tugon ni Kazumi habang sumisinghot. Gustuhin man niyang wag umiyak pero tuloy pa rin sa pagtulo ng luha niya.
Sinong hindi mapapaiyak sa sitwasyon niya? Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, natupad na rin ang isa sa hiling niya.
Lagi sinasabi ni Kazumi sa sarili niya tuwing mamatay ang magulang niya na sana sa susunod na mundo hindi sila mamatay. Hindi man iyon mangyari sa mundong pinanggalingan niya, atleast man lang sa ibang dimension maranasan ng ibang Kazumi na makasama ang magulang niya.
Sa sitwasyon niya ngayon hindi lang nagkatotoo ang hiling niya. Siya mismo nakaranas makasama si Zaira sa mundo ni Heidi. Kahit hindi niya alam kung bakit siya napadpad sa katawan ni Heidi, masaya siya sa nangyari. Sana nga lang manatili siya sa dimension o mundo kung nasaan siya ngayon.
"Gusto mo pa ba ng kanin?"
Umiling si Kazumi bilang tugon.
"Mamaya may sasabihin sayo si Nova."
"Okay. Maliligo na muna ako."
Tumayo si Kazumi saka naglakad pabalik sa kwarto kung saan siya nagising. Pakababa niya nakabihis na siya. Basa pa ang buhok niya.
Naabutan niya si Lucas; nakatingin ito sa laptop at marinig ang tunog ng keyboard dulot ng mabilis niyang pagpindot. Sa tabi niya nakaupo si Luna habang nakatingin sa cellphone.
Lumihis ang tingin ni Kazumi at sumalubong sa kanya ang mukha ni Sage. Umangat ang ulo nito nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya.
"Zumi"
"Nasaan sila mommy?"
"Lumabas sila tita."
Sinara ni Sage ang librong hawak saka binaba sa mesang nasa harapan.
Tumango si Kazumi saka umupo sa tabi ni Luna.
"Gusto mo lumabas? Sasamahan ka namin," tanong ni Luna.
Umiling si Kazumi. Wala siyang interest sa mortal world. Mapapagod lang siya sa kakalakad.
Tinignan ni Kazumi si Sage.
"Salamat sa pagligtas sa akin. Dami ko nang utang sayo."
Kasama sa utang na sinasabi ni Kazumi ang pagligtas nito sa kanya noon sa mundong pinanggalingan niya. Kahit ibang Sage ang kaharap niya handa pa rin siyang bayaran lahat ng nagawa nito sa kanya.
"No problem."
Wala na muling nagsalita at tanging tunog lang ng keyboard ang maririnig sa sala. Hindi tuloy maiwasan ni Kazumi na mapatingin kay Lucas. Bukod sa ingay ng keyboard nito, pakiramdam niya gusto niyang mapalapit dito kahit na napapalibutan ito ng dark aura.
Tumigil sa pagpindot si Lucas saka tinignan si Kazumi.
Napasuklay ng buhok si Kazumi gamit ang kamay.
"Nagkita na ba tayo dati?"
"No."
Walang emosyong sagot ni Lucas. Kahit subukan ni Kazumi na basahin ang mukha nito, wala siyang makikita dito.
"Okay."
Umiwas ng tingin si Kazumi. Hindi niya maintindahan kung bakit sa kabila nang iba ang itsura ni Lucas, hindi niya pa rin maiwasang maisip si Faust tuwing nakikita niya ito.
Sa pag-iisip ni Kazumi hindi niya namalayan na nakatingin nanaman siya kay Lucas.
Samantala, nakahawak sa baba si Sage habang pabalik-balik ang tingin niya kay Lucas at Kazumi.
Nabasag ang katahimikan nang apat nang may pumasok. Lumawak ang ngiti ni Luna nang makita niya ang babaeng pumasok. May malaki itong itim na backpack.
"Ate Mira, bakit napauwi ka?"
Binaba ni Mira ang backpack sa sahig saka minasahe ang sariling balikat.
"May napanaginipan ako," tugon nito saka tinignan saglit si Kazumi.
Pinulupot ni Luna ang bisig niya sa braso ni Mira saka bumulong.
"Tungkol saan?"
Alam ni Luna na hindi ordinaryong panaginip ang tinutukoy nito. Marahil napanaginipan nanaman nito ang future.
Kinuha ni Lucas backpack nito saka umakyat sa hagdan. Sumunod sa kanya si Mira habang kinakausap si Luna.
"Bakit hindi maalis ang tingin mo kay Lucas?" tanong ni Sage nang mawala sa paningin niya ang tatlo.
"Naalala ko sa kanya si Faust."
Wala sa sariling sagot ni Kazumi.
"Iba ang itsura niya kay Faust."
Nagkasalubong ang kilay ni Sage habang pinagkukumpara ang mukha ni Faust kay Lucas.
Nanlaki ang mata ni Kazumi sa sagot nito saka pinagmasdan si Sage.
"Bakit kilala mo si Faust?"
Natigilan si Sage, napagtantong niyang walang Faust sa mundong ginagalawan nila. Napahawak siya sa pagitan kilay.
"Sorry. Sinong Faust tinutukoy mo?"
Tinitigan siya ni Kazumi. Sa hindi malamang dahilan gusto niya aminin dito ang tungkol sa nangyari sa kanya.
"Naniniwala ka ba sa transmigration? Or reincarnation?"
Matalino si Sage. Alam ni Kazumi na sa tanong niya mapapansin nito ang ibig niyang sabihin.
Napaupo ng tuwid si Sage saka tumingin sa hagdanan. Nang masigurado niyang walang ibang tao, lumapit siya kay Kazumi saka bumulong.
"Saang mundo ka galing?"
Umiling si Kazumi. Hindi niya alam kung saang mundo siya galing. Ang alam lang niya siya si Kazumi sa mundong iyon.
Nag-umpisang magkwento si Kazumi tungkol sa pinanggalingan niya.
"Sa mundong pinanggalingan ko namatay ka dahil sa mga zombie."
Namula ang mata ni Kazumi at nag-umpisang mamuo ang luha niya.
"Hindi pa ako patay. I guess?"
"Ha?"
Naudlot ang luha ni Kazumi saka patanong na tinignan si Sage.
"Pagkatapos ko makagat ng zombie, isinilang ako sa mundong ito. Tugma sa memorya ko sa kwento mo."
Isinilang si Sage na may memorya ng past life niya. Akala ng iba na genius siya pero sa totoo ginagamit lang niya ang lahat ng mga natutunan niya sa past life niya.
"Ginamit mo ba yung mini time machine na binigay ko sayo?"
Naalala bigla ni Kazumi ang wrist watch na time machine na iniwan sa kanya ni Sage. Wala sa sariling napahawak siya sa wrist pero wala na ang time machine.
Nang mapansin ni Sage ang kilos ni Kazumi, tumaas ang gilid ng labi niya.
"Kung tama ang hinala ko maglakbay ang soul mo dahil sa time machine na ginawa ko."
"Pero hindi ko alam kung paano gamitin yun."
Hindi na nagulat si Sage sa sinabi ni Kazumi. Malamang wala itong ideya dahil tanging siya lang nakakaalam kung paano ba magagamit ang time machine.
Hindi iyon gagana hanggang hindi tumitigil ang tibok ng puso ng owner nito. Bukod doon kailangan ng patak ng dugo para maging owner si Kazumi.
"Ayos lang. Ang importante nandito ka na."
Abot tengang ngumiti si Kazumi. Masaya siya na malamang hindi siya nag-iisa sa mundo. Nag-umpisa siyang magkwento kay Sage habang tahimik na nakikinig sa kanya ang binata. Paminsan-minsan nagbibigay ito ng komento pero bilang lang ang salita nito kumpara kay Kazumi na walang tigil sa pagdaldal.
Hapon na nang makabalik sila Zaira. Magkatabi silang nakaupo ni Kazumi sa sofa habang sa harapan nila si Nova.
"Kapalaran mong mamatay sa kamay ni Samael."
Umpisa ni Nova. Kung hindi lang ito seryosong nakatingin kay Kazumi, iisipin nito na nagbibiro lang si Nova.
"Okay..."
Yumuko si Kazumi habang hindi mapakali ang kamay niya. Alam din ni Kazumi na totoo ang sinasabi nito nang marinig niya ang pangalan ni Samael.
Hindi lang isang beses siyang namatay sa kamay ni Samael. Kung hindi siya sumapi sa katawan ni Heidi noong oras na sinasak siya ni Samael, marahil patay na ito.
"Hindi mo siya maiiwasan hanggang hindi mo napuputol ang thread of fate."
Umangat ang ulo ni Kazumi.
"How?"
"May ipapasa akong kapangyarihan sayo. Iyon ang tutulong sayo ara maging malaya ka sa kapalaran mo. Pero baka hindi kayanin ng katawan mo ang kapangyarihan ko."
Tumaas ang isang kilay ni Kazumi saka napatanong.
"Bakit?"
"Kapangyarihan na nagmumula sa soul ang ibibigay ko sayo. Kung ang katawan mo mahina sasabog ito, para maiwasan iyon kailangan mo maging absolute immortal."
"Absolute Immortal?"
"Absolute ang pinakamataas level ng pagiging immortal. Higit pa ito sa immortal na katulad ni Zaira."
"Paano ako magiging absolute immortal?"
Pinaliwanag ni Nova ang mga hakbang para maging absolute immortal siya at hindi madali ang lahat. Kailangan pa nila maglakbay para doon.
"Tandaan mo na oras na ipasa sayo ang soul power kailangan mong maging absolute as soon as possible."
Napakunot ang noo ni Kazumi sa paalala ni Kazumi. Nag-umpisa siyang mapaisip.
'Ano mangyayari sa akin kapag pumalpak ako? Paano kung hindi ako maging absolute immortal?'
"Kung takot ka makaranas ng non stop pain, kailangan mo nagong absolute immortal."
Sambit ni Nova na tila ba nabasa nito ang nasa isip ni Kazumi.
"Why? Gaano ba kasakit yung mararansan ko?"
"Sa sobrang sakit baka mas gugustuhin mong mamatay na lang."
Napalunok si Kazumi sa sagot ni Nova. Sa tono ni Nova sobrang tinding sakit ang mararansan niya. Hindi alam ni Kazumi kakayanin ba iyon ng pain tolerance niya. Parang ayaw na niyang tumuloy.
"Pwede ko bang taguan si Samael? Basta hindi kami magkakaharap, hindi ako mamatay."
Umiling si Nova. Biglang nanghina ang katawan ni Kazumi. Hindi na niya alam kung saan ba siya dapat matakot.
Sa kamatayan? O sa pain?
"Hindi mo siya matatakasan. Kahit anong gawin mo palalapitin kayo ng kapalaran."
Paliwanag ni Nova kaya napatango na si Kazumi.
"Okay."
Siguro naman acceptable pa ang pain na mararansan niya. Napabuntong hininga si Kazumi saka mapait na ngumiti. Ayaw niya rin na habang buhay na may takot dahil kay Samael.
Isipin niya pa lang na sasaksakin siya ni Samael gamit ang kamay niya nagsisitaasan na ang palahibo niya kasabay ng paninikip ng dibdib. pagkatapos niya maalala ang sakit na naramdaman niya bago mamatay.
Hinawakan ni Zaira ang kamay ni Kazumi at diterminadong tinignan ito.
"Wag ka mag-alala anak, sasamahan kita sa paglalakbay mo."
Gustong sabihin ni Kazumi na hindi paglalakbay ang problema. Iniisip niya kung ano ang mas masakit yung paghugot ni Samael sa puso niya o yung mararanasan niyang sakit after ipasa ni Nova ang kapangyarihan niya?
"Ako rin."
Napatingin si Kazumi kay Sage; nakatayo ito sa tabi nila Lucas. Subukan man nila bigyan ng privacy si Kazumi, hindi pa rin nila mapigilang lumapit para marinig ang usapan nila. Gusto nila malaman ang sasabihin ni Nova.
Tumingin si Lucas kay Nova.
"Pwede rin ba ako sumama?"
Tumaas ang gilid ng labi ni Nova bago sumagot.
"Sure. Kahit sino pwedeng sumama basta siguraduhin niyo lang na hindi kayo magiging pabigat sa paglalakbay."
Tinaas ni Mira ang kamay niya upang kunin ang atensyon ni Nova saka siya nagsalita.
"Hindi ba pwedeng patayin na lang si Samael para walang problema?"
"Kung madali lang siya patayin, matagal na sana siya patay?"
Saka kahit mapatay nila si Samael sa mundong ito. May Samael pa rin sa ibang mundo.
Sa isip ni Nova. Wala siyang balak sabihin sa kanila ang tungkol sa main world. Kaya niya sinabing hindi matatakasan ni Kazumi ang kapalaran niya dahil kahit saan man siya apektado siya ni Samael.
Kahit anong konektado kay Samael pwedeng ikamatay ni Kazumi.
"Kailan ang alis?" tanong ni Kazumi.
"The day after tomorrow."
Tinignan ni Zaira sila Lucas.
"Magsabi na kayo agad kay Zarah kung sasama kayo."
Hindi sigurado si Zaira kung papayag ba si Zarah. Base sa paliwanag ni Nova sa kanila, hindi madali ang paglalakbay na gagawin nila. Kung may ibang paraan hindi papayag si Zaira na sumugal si Kazumi.
Binalik ni Zaira ang tingin kay Nova.
"Pwede ba tayong dumaan muna sa kung nasaan si Blaize?"
Gusto muna ni Zaira makita ni Kazumi ang ama niya. Walang nakakaalam sa resulta ng paglalakbay nila kaya mas mabuting puntahan muna nila si Blaize. Namiss niya rin ito.
Sa Aurora,
Nakaupo si Blaize sa damuhan habang nakatulala sa estatwang bato. Pinapanood niya ang mga ibong nakadapo sa balikat at ulo nito.
Sa paanan ng estatwa may makukulay na wafer stick; nakalagay ito sa loob ng malaking babasaging garapon. Kung hindi lang estatwa si Zaira marahil kanina pa nito kinain ang paborito nitong wafer stick.
Simula nang magpunta sila sa Aurora, walang ibang ginawa si Blaize kundi gumawa ng wafer stick. Dadalhin niya ito sa estatwa ni Zaira at doon mananatili siyang nakaupo hanggang sa panibagong araw ang darating. Wala siyang pinalampas na araw maliban noong araw na nag-aral siyang gumawa ng wafer stick. Isang araw siya hindi nagparamdam noon hanggang sa lumabas siyang may bibit na garapon na naglalaman na chocolate flavor wafer stick.
Nanlalaking matang tinignan ni Blaire ang garapong may pulang ribbon pabalik sa walang emosyong mukha ni Blaize. Kung hindi niya alam na paborito ni Zaira ang wafer stick, iisipin ni Blaire na may nililigawang ibang babae ang kapatid.
Sa huli, napabuntong hininga na lang si Blaire saka umiling habang pinapanood ang kapatid na naglalakad papunta sa kinatatayuan ng estatwang bato.
Kung may maganda man na nangyari kay Blaize, iyon ay ang paglakas ng mental power niya kahit na nakaupo lang ito sa harapan ng estatwang bato ni Zaira. Nang tanungin niya kung paano niya ito napalakas, sinagot siya nito na gusto niya malaman kung may impormasyon na sila kung paano tatanggalin ang spell kila Zaira. Sa kakasubok niyang basahin ang mga nasa isip ng mga nasa paligid, lumakas ang mental power niya hanggang sa masakop nito ang buong Aurora.
Kung may gusto sila hanapin pupuntahan lang nila si Blaize. Basta nasa Aurora pa ang hinahanap nila alam ni Blaize kung saan ito. Bukod pa sa mental reading at telepathy, natuto rin si Blaize ng ibang mental ability: tulad ng mind control, telekinesis at iba pang mental attack. Sa kagustuhang manatili ni Blaize sa tabi ni Zaira natutunan niya ang mga ito. Kung may gusto siyang utusan, kontrolin niya lamang ang isip nito. Dahil doon isa si Blaize na kinatatakutan sa Aurora. Walang sinuman sa Aurora ang mas higit na malakas sa kanya pagdating sa mental power, kahit si Erie walang ligtas kung gugustuhin ni Blaize na atakihin ito.
Lumipas ang mga oras, isa-isang nagsisialisan ang mga ibon sa estatwa. Medyo bumababa na rin ang haring araw. Lilipas sana ang araw katulad sa mga nakaraan, pero naiba ito nang may babaeng kumuha ng garapon at umupo sa harapan ni Blaize.
Kung hindi ito kamukha ng estatwang bato na nakatayo sa likod ng babae, baka kanina pa ito inatake ni Blaize. Simula nang kunin nito ang wafer stick, hindi na inalis ni Blaize ang tingin niya. Simula sa pagbukas nito ng garapon, pagkuha ng chocolate flavor wafer stick at nang kagatin ito ni Zaira, nakita ni Blaize ang pagliwanag ng mukha nito at abot tengang ngumiti habang mabilis na kinain ang wafer stick. Bawat kuha ni Zaira ng wafer stick, iba ang flavor.
Lahat iyon hindi nakalampas sa mata ni Blaize. Mukha man kalmado si Blaize, sa isip nito maraming ideya ang pumasok hanggang sa makuha niya ang tamang kasagutan sa tanong kung totoo ba ang nakikita niya.
Naniniwala siya totoo ang nakikita niya at kahit ang kasalukuyang sitwasyon ni Zaira nahulaan ni Blaize.
Samantala, tutok na tutok si Zaira sa wafer stick na kinakain niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa matagal na siyang hindi kumakain ng wafer stick kaya nasasarapan siya dito. Pakiramdam niya pinakamasarap na wafer stick ito. Sa lahat ng nakain niya, iyon lamang ang may malasang flavor.
Walang ideya si Zaira na kaya masarap ito dahil natural na sangkap ang gamit ni Blaize, kumpara sa ibang wafer stick na nabibili na puro artificial flavor ang gamit. Kung alam iyon ni Zaira baka kanina pa ito napalundag sa sobrang sabik at tuwa at nagpagawa ng maraming wafer stick kay Blaize.
Tumaas ang gilid ng labi ni Blaize pagkatapos marinig ang tumatakbo sa isip ni Zaira.
"Gusto mo pa?"
Tumango si Zaira habang kinakain ang huling wafer stick. Kinuha ni Blaize ang garapon saka hinawakan sa kamay si Zaira. Hinila niya ito patayo saka sila naglakad paalis.
Sinundan sila ng tingin ni Kazumi.
"Akala ko ba ipapakilala ako kay dad?"
Gusto magreklamo ni Kazumi kay Zaira pero wala siyang balak guluhin ang magulang niya. Simula nang magkita sila parang nagkaroon ng sariling mundo ang mga ito. Nihindi man lang sila tinignan ng kanyang ama.
Binaling na lang ni Kazumi kila Sage ang reklamo niya.
"I guess, hindi na kailangan."
Nagkaroon ng question mark sa taas ng ulo ni Kazumi. Hindi niya maintindihan kung bakit nasabi ni Lucas na hindi na kailangan pang ipakilala siya.
"Mind reading."
Napatango si Kazumi nang maalala niyang mind reader ang kanyang ama, marahil alam na nito ang totoo.
Tulad ng nasa isip ng dalawa, kasalukuyang binabasa ni Blaize ang iniisip nila. Simula nang dumating sila napansin na ito ni Blaize, sadyang ayaw niya lang alisin ang atensyon niya kay Zaira sa takot na baka magkahiwalay nanaman sila. Saka kahit na hindi niya basahin ang isip nila Kazumi, sa isip pa lang ni Zaira malalaman na niya ito.
Kahit hindi sila tinignan ni Blaize, ang atensyon ng mental power niya umiikot kila Kazumi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top