PROLOGUE

Isang taon na ang nakalipas simula noong nagtungo sila Zaira sa Terrain at doon nanirahan.

Marami na ang nagbago simula noon; pinag-aralan niya mabuti ang tungkol sa Outlandish sa tulong ni Queen Eliza, at nagsanay siya upang mas lumakas sa pakikipaglaban sa tulong ni Haring Jacob at ng ibang warrior sa kaharian nila.

Unti-unting natanggap ni Zaira ang pagkatao ko niya at ang tungkol sa pamilya niya.

At sa paglipas ng panahon nagbago na si Zaira.

Hindi na siya ang Zaira Athena Lundberg na mahina.

Sa kanyang pagbabago kasabay nito ang pagdala niya sa tunay na apelyido ng kanilang pamilya.

Ngayon siya na si Zaira Athena Black Fiester, isang alter at misyon niyang humuli at pumatay ng mga masasamang nilalang sa mundo.

Samantala, dahil sa nangyari sa mortal world noong nakaraang taon namatay ang magulang ni Max.

Walang awa itong pinatay ng isang bampira sa harap niya.

Pakiramdam niya gumuho ang mundo niya dahil sa isang iglap nawalan siya ng pamilya.

Pinapangako niya sa sarili niya na magpapalakas siya upang makaganti siya bampirang punatay sa kanyang magulang, magiging malakas siyang hunter at papatayin niya ang mga masasamang nilalang sa mundo.

Ngayon siya na si Max Ken Lauritzen, isang hunter na nabibilang sa organisasyon na tinatawag na white legion, misyon niyang protektahan ang mga tao mula sa mga masasama nilalang.

Sa Black Academy,

Nakatingin si Blaize kay Zaira, pansin niyang malaki na ang pinagbago nito.

Ngunit isa lang ang tumatakbo sa isipan niya, kung noon hindi niya ito nagawang protektahan ngayon nagbalik ito hindi na niya ito hahayaan mawala pa.

Gagawin niya ang lahat para hindi na ito mapalayo sa kanya. Sa taong wala ito napagtanto niya kung gaano niya ito kamahal at kahalaga sa kanya.

Poprotektahan niya si Zaira mula sa kalaban. Kahit sino man sila, oras na saktan nila si Zaira, hindi siyang magdadalawang-isip na patayin ito.

Siya si Blaize Ian Deuhurst, nangangakong gagawin ang lahat para lang maprotektahan si Zaira.

Sa pagbalik nila Zaira sa Black Academy, unti-unting lalabas ang lihim na matagal na itinago.

At mga bagong pagsubok ang darating.

Dahil sa mundong kanilang kinaroroonan may dahilan kung bakit sila isinilang at may mga nakatadhana sa buhay nila na hindi maiiwasan.

Ang tadhanang iyon ay maaring makasama o makabuti sa kanila dahil nakadipende ito sa desisyong gagawin nila.

Sa pagsapit ng itinakdang taon ni Zaira, magising ang eternal blood na tinataglay niya.

Makikilala na niya ang tatlong pang may hawak na eternal blood.

At kinailangan nila hanapin ang celestial guardian na nakatadhanang magprotekta sa kanila.

Magtatagumpay kaya sila kung sa kalagitnaan ng paglalakbay nila nagbalik ang demon king mula sa pagiging bato?

Sa pagbalik niya wala itong ibang hinangad kung hindi sakupin ang Outlandish, maghiganti at lumikha ng maraming malalakas na demon.

Magagawa kaya mailigtas nila Zaira ang buong Outlandish sa kamay ng mapaglinlang na demon king kung ang grupo nila ang kauna-unahang target nito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top