EPILOGUE

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagsayaw ng mga dahon. Tuloy ang paglipad nito patunggong kweba na tila ba hinihigop ito.

Sa takot ng mga nagkalat na spirit na hugis hayop, nagsitakbuhan ang mga ito palayo sa kweba sa kabila nang malakas na spiritual energy.

Sa loob ng kweba isang babae ang nakahiga sa higaan na gawa sa bato na pinagtulungan ng mga dahon.  Nakapatong ang kamay nito sa bandang tiyan habang nakapikit na tila natutulog.

Huminto ang hangin at muling nanunbalik ang katahimikan sa gubat.

Unti-unting dumilat ang mata ng babae kasabay ng paggalaw ng daliri nito.

"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili saka  umupo.

Napakunot ang kanyang noo nang maalalang naging bato siya pagkatapos niya mahulog sa patibong ni Samael.

Mabagal siyang naglakad palabas ng kweba.

Nanlaki ang mata niya kasabay ng panganga nang sumalubong sa kanya ang isang gubat na nagliliwanag. Kinusot pa niya ang kanyang mata upang makasigurado sa nakikita.

Iba't-ibang maliit na ilaw ang nagsasayawan na para bang alitaptap na nagsisiliparan. Nang idikit niya ang daliri niya dito, nawala ito bigla kasabay ng masarap na pakiramdam sa katawan niya.

Mabilis na yapak ng isang kabayo ang nagpakalma kay Zaira.

Isang lalaking may paa ng katulad sa isang kabayo ang palapit sa kanya. May hawak itong bow na may arrow. Unang pumasok sa isip ni Zaira si Sagittarius ng celestial spirit nang makita niya ito.

"Gising ka na," sabi nito.

Tumango si Zaira saka nagtanong habang pinagmamasdan ang paa nito na katulad sa kabayo.

"Nasaan ako?"

"Nasa Celestial Realm o tinuturing na isang spirit world sa ibang mundo," sagot nito kasabay ng pagpitik sa ere.

Sa isang iglap napalitan ng paa na isang tao ang paa nito. Kung hindi nakita ni Zaira ang tunay na anyo nito, iisipin niyang tao ito.

"Ako nga pala si Sagittarius."

Pakilala nito sabay lahad ng kamay sa harapan ni Zaira.

Hindi mapigilan ni Zaira na mapangiti nang makita ang ngiti nito.

"Ako si Zaira."

"I know."

Nanlaki ang mata ni Zaira habang lalong tumaas ang labi ni Sagittarius.

"Sinabi na ni Nova ang tungkol sayo bago umalis."

Paliwanag ni Sagittarius. Lalong naguluhan si Zaira sa sinabi nito. Wala siyang kilalang Nova. Napakamot ng ulo si Zaira.

"Sino si Nova?"

"Hindi mo nga pala alam pangalan niya. Naalala mo ba yung babaeng pinakiusapan mo bago ka maging bato?"

"Ah! Ano na nangyari sa anak ko? Saka bakit ako nandito?"

"Wag ka mag-aalala nasa maayos na kalagayan ang anak mo. At kaya ka nandito dahil hinila ni Nova ang spiritual body mo at dinala ka niya dito upang gumaling."

"Gumaling? Bakit? May problema ba sa spiritual body ko?"

Napatingin si Zaira sa katawan niya na materialize na katulad ng physical na katawan niya. Kung hindi sa kanya sinabi ni Zaira na spiritual body lang siya hindi ito mapapansin.

"Dahil bato ka na nang ang spiritual body mo, nagkaroon ng damage spirit mo. Nang dinala ka niya dito wala kang paa at walang malay."

Napatadyak si Zaira sa sinabi nito. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdaman niyang ayos ang paa niya.

Tumawa ng mahina si Sagittarius.

"Magaling ka na ngayon. Tulad ng nakikita mo buong-buo ang spiritual body mo at materialize na rin ito."

Namula si Zaira. Nawala sa isip niya na nasa harapan pa niya si Sagittarius.

"Isang taon ka pa naman nanatili dito, hindi nakakapagtaka na lumakas ang spiritual form mo," sabi ni Sagittarius.

"Isang taon na ang nakalipas?!"

Tumango si Sagittarius.

"May surpresa kami sayo."

Tumingin si Sagittarius sa punong nasa tabi niya.

"Lumabas na kayo diyan, ipapakilala ko siya sa inyo."

Isang maliit na puting wolf ang lumabas sa likod ng puno. Sa tabi nito lumilipad ang isang maliit na puting dragon. May bumabang paniki mula sa puno at pumatong ito sa lukod ng maliit na wolf.

Kumislap ang mata ni Zaira nang makita ang mga ito. Gusto niya lapitan ang mga ito pero baka matakot ito sa kanya.

"Sino sila?" tanong ni Zaira.

"Wala ka bang nararamdaman sa kanila?"

Napataas ng isang kilay si Zaira saka isa-isang pinagmasdan ang mga ito.

"Pamilyar ang aura nila. Naalala ko sa kanila si Kazumi. Baka dahil sa baby pa sila?"

Napakunot ang noo ni Zaira. Kahit na iba ang itsura ng nasa harapan niya, nakikita pa rin niya ang anak niya sa tatlo.

"Normal lang na makita mo si Kazumi sa kanila."

Patanong na nilingon ni Zaira si Sagittarius.

"Bakit?"

"Dahil anak mo sila."

Nanlaki ang mata ni Zaira saka tinuro ang sarili.

"Anak ko sila?" tanong niya.

Kung hindi lang isa sa celestial spirit ang kausap niya, baka nasuntok na niya ito. Paano siya magkakaroon ng tatlong anak? Sa pagkakaalala niya isa lang ang anak niya. Bukod doon tao ang anak niya.

"Sa madaling salita spiritual body sila ni Kazumi. Bawat nilalang na may mixed blood sa loob nila may iba't-ibang klase ng spiritual body. Hanggang hindi sila naging-iisa mananatili itong hiwalay. Katulad ng sayo noon."

Napatango si Zaira nang maalala niyang minsan na niya nakita ang sarili sa loob niya bilang isang bampira, wizard at werewolf. 

"Ganun din sila. Kinuha ni Nova ang tatlong spiritual body na may maliit na parte ng soul ng anak mo saka sila dinala dito."

Nang muling pagmasdan ni Zaira ang tatlo doon lang niya naisip kung bakit ganun ang itsura nila.

"Sa madaling salita itong wolf ang spiritual form ni Kazumi bilang werewolf, itong paniki sa bampira at itong dragon? Bakit dragon yung isa? Saka bakit hindi sila baby katulad ni Kazumi."

Gusto sana tanungin ni Zaira bakit dragon sa halip na wizard. Pero naisip ni Zaira si Kura kaya hindi malabong may dragon na anyo ang anak niya.

"Dahil hindi pa nila alam kung paano magtransform sa human form. Mukha lang silang bolang apoy nang dumating sila dito? Kung ano na sila ngayon dahil yan sa isang taon nilang pamamalagi dito."

"Bakit dragon yung isa?"

Pinagmasdan ni Zaira ang baby dragon saka pinindot ang pisngi nito.

"Alam mo ba na ang wizard nagmula sa dragon?"

Natigilan si Zaira sa tanong sa kanya. Iyon ang unang beses na narinig niyang nagmula ang wizard sa dragon.

"Ha? Hindi ba magkaiba sila?"

Umiling si Sagitarius.

"Ang wizard nabuo gawa ng anak ng isang dragon at tao. Isinilang ito sa katawang tao na nagtataglay ng kapangyarihang tulad sa dragon."

"Bakit may history na pinagbawal makatuluyan ang isang wizard sa dragon kung may dugo naman sila ng isang dragon?"

Bumuntong hininga si Sagitarius saka seryosong tumingin kay Zaira. Kusang napalunok si Zaira dahil sa itsura nito na parang may importante itong sasabihin.

"Dahil yun sa kagagawan ng mga nakatira sa Xaterrah. Sa paglipas ng panahon maraming nakalimot sa pinagmulan ng wizard kaya para sa iba magkaibang uri sila."

Nagkasalubong ang kilay ni Sagitarius na para bang may naalala ito na hindi maganda. Gusto sana magtanong ni Zaira pero napaurong ang dila niya sa sunod nitong sinabi.

"Mabuti na lang wala na ang nasa likod ng batas na yun. Salamat sa shadow lord."

Ngumiti si Sagitarius at nag-uumpisang gumaan ang aura nito na para bang ilusyon lang ni Zaira ang nakita niya kanina.

"Kung ang wizard nagmula sa dragon, may chance ba na maging dragon sila kahit na isinilang sila bilang wizard?" tanong ni Zaira.

"Bakit? Gusto mo maging dragon? May chance naman pero mangyayari lang yun kapag tumaas ang percentage ng dragon blood niyo."

"Paano patataasin?"

Naging interesado bigla si Zaira sa sinabi nito. Kahit wala siyang balak maging dragon gusto niya pa rin malaman kung ano ba ang sikreto para maging dragon ang wizard.

"Kailangan niyong mag-absorb ng pureblood ng isang dragon. Mas maganda kung dugo ng isang dragon lord ang gamitin dahil sila lang ang may pinakamalakas na bloodline. Kumpara sa ibang dragon, 100% pure ang dugo nila."

Naalala ni Zaira si Nova. Nang sumulpot ito sa harapan niya noon, nakaanyong dragon ito.

Sa una matakot siya dahil bukod sa mga dragon na kasama nila Crystal, wala na siyang ibang dragon na nakita. Subalit nang maging anyong tao ito, kumalma siya bigla. Parang may bumulong sa kanya na magtiwala kay Nova kahit na unang beses pa lang niya ito nakita.

Bago siya maging bato ibinigay niya si Kazumi dito at nakiusap na ibigay ito alagaan ito.

"Si Nova? Isa ba siyang dragon lord?"

"Hindi. Naging dragon lang siya dahil sa pagsanib niya sa katawan ng dragon lord."

Napansin ni Sagitarius na interesado si Zaira malaman ang tungkol kay Nova kaya nag-umpisa itong magkwento.

"Noong oras na yun pawala na ang soul ng tunay na dragon lord pagkatapos nitong makaranas ng soul attack habang pinoprotektahan ang itlog nito."

Niyakap ni Zaira ang baby dragon saka tumabi sa baby wolf saka tahimik na nakinig.

Tumaas ang labi ni Sagitarius nang makitang tutok na tutok sa kanya ang isang baby wolf, baby bat, baby dragon at si Zaira.

"Ang mga dragon kapag bagong panganak, kalahati ng kapangyarihan nila ang kailangan ipasa sa anak nila upang mabuhay ito loob ng itlog bago mapisa."

Nag-umpisang mamuo ang luha ni Zaira. Naalala niya ang sarili habang pinoprotektahan si Kazumi.  Naramdaman ni Zaira na may matang nakatingin sa kanya.

Pagbaba niya ng tingin sumalubong sa kanya ang mata ng baby dragon. Hinawakan ni Zaira ang ulo nito.

"Ayos lang ako," sabi ni Zaira habang nakangiti bago binalik ang tingin kay Sagitarius.

"Pagkadating ni Nova pinatay niya ang mga umatake dito. Nang makita niyang  hindi na maganda ang lagay ng dragon lord, kinumbinsi niya itong ibigay ang katawan nito sa kanya kapalit ng pagprotekta sa anak nito hanggang sa mapisa ito."

"Wala ba siyang ibang paraan para mailigtas ang soul ng dragon lord?" tanong ni Zaira.

Para sa kanya mas maganda pa rin ang magulang ang mag-alaga sa anak.

"Para mailigtas yun kailangan niyang dalhin ito sa Celestial Realm bago ito maglaho. Sa huli maiiwan din ang katawan nito."

"Dinala niya ba ito sa Celestial Realm?"

Tumango si Sagitarius.

"Makakabalik ba siya sa katawan niya kapag magaling na ito?" tanong ni Zaira.

"Hindi immortal ang katawan niya. Sa tagal ng panahon baka hindi na rin kayanin ng katawan niya ang mabuhay. Hindi rin madaling pagalingin ang isang soul na malapit na maglaho."

"Magiging spirit na lang siya?"

Ngumiti si Sagitarius saka pumalakpak.

"Correct. Maliban na lang kung gusto niya mabuhay sa pamamagitan ng reincarnation."

Nang mawala ang ngiti nito, tinalasan ni Zaira ang pandinig niya. Tuwing nakikita niya itong seryoso, palaging may importanteng impormasyon siyang nakukuha. Kahit hindi nito direktang sabihin sa kanya, pakiramdam ni Zaira na para sa kanya ang salita nito.

"Sa mga may malalakas na soul, minsan nabubuhay sila ulit ng may memorya ng past life nila."

Pumalakpak si Sagitarius habang nakangiti.

"Okay, tapos na ang storya. Oras na ngayon para magsanay."

Maluha-luhang tumingin ang tatlong katabi ni Zaira kay Sagitarius.

"Kahit tignan niyo ako ng ganyan, kailangan niyo pa rin magsanay. Kasama niyo naman ang mama niyo."

Napanganga si Zaira.

"Pati ako magsasanay?"

Nang tumango si Sagitarius, katulad ng tatlo naging teary eyes rin ito. Akala ni Zaira na ligtas na siya sa pagsasanay ngayong nasa Celestial Realm siya. Kahit saan na lang ba siya magpunta kailangan niya magsanay?

"Mas mabuting matuto kang gumamit ng spiritual power habang nandito ka."

Paliwanag ni Sagitarius kaya napatango na lang si Zaira.

Ano magagawa niya kung mahina siya? Alam niya kung babalik siya sa Outlandish ng katulad ng dati, wala pa rin siyang laban kay Samael.

Wala rin masamang magpaturo sa celestial spirit. Noon sa libro niya lang nababasa ang tungkol sa kanila ngayon sa harapan na niya si Sagitarius. Kung nandito si Sagittarius marahil nasa Celestial Realm rin ang iba.

Pagkukumbinsi ni Zaira sa sarili habang nakasunod kay Sagitarius.

"Athena!"

Napaangat ng ulo si Zaira.

"Max?"

Ngumiti ito sa kanya.

"Kasama mo siyang dinala rito. Nauna lang siya sayong gumising. Mas maraming spiritual energy ang kailangan mo kumpara sa isang tao," bulong ni Sagitarius bago lumapit sa ibang celestial spirit.

"Okay."

Kalamadong sagot ni Zaira. Sa dami ng nakakabiglang impormasyong nakuha niya, magugulat pa ba siya?

Sa loob ng labintatlong taon nanatili si Zaira sa Celestial Realm.

"Mama!" sigaw ng tatlong anak niya na hanggang ngayon hindi pa rin nagpapakapalit ng anyo.

Napatangin si Zaira sa babaeng nakasunod sa tatlo. Ngumiti ito sa kanya saka kumaway.

Kumislap ang mata ni Zaira nang makita si Nova. Paminsan-minsan dinadalaw siya nito at nagkukwento tungkol sa buhay ni Kazumi. Bago ito umalis noong huli nitong dalaw, nagsabi ito sa kanya na pagbalik nito makikita na niya si Kazumi.

"Pupunta na ba tayo kay Kazumi?" tanong ni Zaira.

Napaiwas ito ng tingin saka tumango. Nawala ang ngiti ni Zaira.

"May problema ba kay Kazumi?"

"Masigurado ko sayong buhay siya. Ipapaliwanag ko sayo kapag nandoon na tayo," tugon ni Nova.

Pagpitik niya sa ere nakatayo na siya sa harapan ng isang babae na pamilyar ang mukha. Nanlaki ang mata ni Zaira nang makilala niya ito.

"Heidi?"

Patanong na tinignan ni Zaira si Nova pero bago ito makasagot bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki.

Natigilan si Zeque ng makita si Zaira at ang isang babae. Sa tabi ng higaan ni Heidi may wolf na nakapatong habang may lumilipad na paniki at dragon sa itaas nito. Nakatingin sila kay Heidi habang may ngiti sa mga mata nito.

Nagdilim ang mukha ni Zeque dahil pakiramdam niya gusto nilang kagatin si Heidi.

"Hindi mo kailangan mag-aalala. Spiritual body sila ni Heidi," sabi ni Nova sabay kumpas ng kamay niya kay Heidi.

Naging mukhang bolang apoy ang tatlo bago ito pumasok sa katawan ni Heidi. Nakahinga ng maluwag si Zeque nang makitang ayos lang si Heidi.

"Ngayon may importante akong sasabihin sa inyong dalawa."

Umpisa ni Nova. Parehong tumingin sa kanya sila Zaira. Nang mag-umpisang itong magsalita hindi alam ni Zaira kung tatawa ba siya iiyak.

-The End of Book 2-

Author's note:

Edited version na po ito!

Salamat sa pagsuporta at pagbasa ng Bloodline 2. Sana suportahan niyo din ang Book 3: The Child from Cursed Family

~ImaXlover

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top