CHAPTER 9


"Pa, ano na sasabihin mo?" tanong ni Zaira pagkatapos magbihis.

"Bago kayo lumangoy, ibibigay ko muna sa inyo yung mga gagawin niyo. Kayo na lang hindi ko nasasabihan. Paris, sasama  ka sa  amin sa pangingisda."

"Okay pa."

"Ikaw Max , tulungan mo sila Gin mag-ihaw mamayang hapon."

"Okay tito."

"At ikaw naman Athena, tulungan mo ngayon ang mama mo sa paghahanda ng tanghalian."

"Sige pa," sagot ni Zaira saka lumapit kina Crystal at Hazel.

Katulad niya naka-assign sila sa paghahanda ng tanghalian, habang sina Alyza, Kim, Kaycie at Clara sa hapunan.

Ang mga lalaki naman ay nakaatasan sa pangingisda at taga-ihaw.

"Ma, ano maitutulong ko?"  tanong ni Zaira.

"Ikaw bata ka, hindi mo sa akin pinakilala si Stephanie."

Sermon sa  kanya ng kanyang ina nang makalapit siya. Kung hindi pa nito kinausap, hindi niya malalaman ang pangalan ni Stephanie.

"Oo nga pala. Sorry nakalimutan ko."

Napakamot ng ulo si Zaira saka nilapitan si Stephanie.

"Ma, si Steph po. Siya po una kong naging kaibigan sa Black Academy."

"Alam ko, natanong ko na siya kanina. Sa susunod wag mo iiwan basta ang kaibigan mo. Mabuti na lang nandyan si Crystal para kausapin siya. Mukhang hindi siya masyado malapit sa iba."

"Sorry."

"Hugasan mo itong gulay saka balatan at hiwain."

Agad sumunod si Zaira bago pa siya masermunan.

"Ako na dito, salamat sa tulong niyo. Pwede na kayo pumunta sa dagat. Tatawagin ko na lang kayo kapag  kakain na," sabi ni Mrs. Fiester.

Nagliwanag ang mukha ni Zaira.

"Salamat, makakalangoy na rin ako," aniya saka hinawakan si Crystal.

"Tara na sa labas. Ma, labas na po kami. Ate Hazel tara!"

Patakbo niyang hinila si Crystal palabas at sumunod naman sa kanila si Hazel.

Naabutan nila ang iba na nasa dagat na at may kanya-kanyang ginagawa.

Natigilan si Zaira nang mapansin niya si Blaize; kakaahon lang nito sa dagat. Tinaas nito ang basang buhok na humaharang sa mata niya.

Bumaba ang tingin ni Zaira sa katawan nito kung saan kitang-kita niya ang abs nito dahil wala itong suot na paitaas.

Napalunok si Zaira habang tulala hanggang sa marinig niya ang tinig ng lalaki sa isipan niya.

'Ganda ng view no?'

Napaangat ang ulo ni Zaira at sumalubong ang nakangising mukha ni Blaize.

'Shocks! Nahuli niya ako nakatingin,' sa isip ni Zaira habang pulang-pula ang mukha.

Umiwas na siya ng tingin at si Max naman ang nasilayan niya. Katulad ni Blaize wala rin itong damit.

Naglalakad ito palapit sa kanya habang may bitbit na puting carnation.

"Para sayo," sabi ni Max sabay abot ng bulaklak.

"Saan mo ito nakuha?" tanong ni Zaira habang inaamoy ang bulaklak.

"Doon sa may cliff. Nakita ko kanina habang nag-iikot ako."

"Dalhin mo ko doon."

Dali-daling kumapit si Zaira sa braso ni Max upang samahan siya sa tinuturo nitong cliff. Gusto niya makita ang pinagkuhaan nito.

Maglalakad na sana sila nang hilain ni Blaize ang damit ni Zaira sa likod.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito.

Kahit hindi pa ito lingunin ni Zaira ramdam na niya ang masamang tingin nito. Nanlamig siya bigla kahit na nasa kalagitnaan sila ng sikat ng araw.

'Kapag hindi ka pa bumitaw isa sa kamay niya o kamay mo ang mapuputol.'

Agad na napabitaw si Zaira nang marinig niya ang malamig na tinig ni Blaize sa kanyang isipin. Hindi niya alam kung totohanin ba nito ang sinasabi niya o hindi. Mas mabuti na ang sigurado kaya sinunod na lang niya ito.

"Pupunta kami sa cliff, sama ka?" sabi ni Zaira.

"Okay pero tayong dalawa lang."

Bago pa makapagsalita si Zaira, binuhat na siya ni Blaize at patakbong dinala sa cliff.

"Sandali! Athena," sigaw ni Max.

Akmang hahabulin na niya ito nang bigla siyang harangin ni Adrian.

"Sali ka sa amin sa beach voleyball, kulang kami ng isang player," sabi nito at sapilitang hinila ang binata.

Pagdating nila sa may cliff nasilayan ni Zaira ang mga kumpol-kumpol na carnation.

"Bakit kaya meron nito dito?" bulong niya habang pinagmamasdan ang naggagandahang bulaklak.

Pagkarating nila sa dulo ng cliff sumilip si Zaira sa ilalim kung nasaan ang dagat.  Nang makita niyang tama lang taas nito para tumalon sa dagat, pumasok sa isipan niya na magdive.

"Delikado. Baba na tayo bago mo pa maisipang tumalon," sabi ni Blaize nang mabasa niya ang iniisip nito.

"Hindi naman masyado mataas yung cliff," sagot ni Zaira.

Gusto niya talaga tumalon.

"Paano kung may bato pala sa ilalim? Masugatan ka pa."

"Hindi mo naman ako pababayaan diba?"

Ningitian niya si Blaize kahit masama ang tingin nito.

Hindi siya magpapaawat kaya tinanggal niya ang suot niyang damit para hindi mabasa.

Lalong nagkasalubong ang kilay ni Blaize nang makita ang itim na swimsuit ni Zaira. Kita kasi ang maputing likod nito at nang humarap ito sa kanya nasilayan niya ang flat nitong tiyan.

"What the hell! Bakit  ka naghubad?" sigaw niya dahil ayaw niyang may ibang makakakita ng katawan nito.

Kahit t-shirt lang ang tinanggal nito, sexy pa rin ito.

"Lalangoy ako. Konting damit lang dala ko."

"Pahihiramin na lang kita kapag wala kang masuot."

Pinulot ni Blaize ang t-shirt ni Zaira.

"Ayoko," sagot ni Zaira sabay talon sa cliff.

"Tsk."

Sumunod sa kanya si Blaize habang hawak pa rin ang damit niya.

Nang makita ni Zaira ang basa niyang damit sa kamay nito, hindi niya mapigilang magreklamo. Kaya nga niya ito tinanggal para hindi mabasa pero sa huli nabasa rin ito.

"Bakit hindi mo binitawan damit ko? Basa na tuloy."

"Para suotin mo."

"Bahala ka diyan. Mas komportableng lumangoy ng ganito."

Mag-uumpisa na sanang lumangoy si Zaira nang yakapin siya sa bewang ni Blaize.

"Bitawan mo ko!"

"No!"

"Bakit ka nga pala nakakalangoy sa ilalim ng sikat ng araw kahit ja bampira ka?"

Pang-iiba ni Zaira sa usapan.

Napansin naman ito ng binata pero sinagot niya pa rin ito.

"Daywalker ako, hindi mo ba alam na ang mga bampirang may royal blood, pwedeng maglakad sa arawan?" sagot ni Blaize sabay halik sa leeg ni Zaira.

Napadiretso ng katawan si Zaira nang maramdaman niya ang labi nito.

"Ian, Ano gagawin mo?"

Nag-init ang pakiramdam ni Zaira nang mapadpad ang labi ni Blaize sa batok niya. Para siyang kinukuryente.

Bumababa ang ito patungo sa likod hanggang sa maramdaman niya ang pagkagat ni Blaize gamit ang labi saka sinipsip ang balat niya.

"Aahh!"

Napangiti si Blaize nang marinig nito ang dalaga.

Agad naman napatakip ng bibig si Zaira.

"May hickey ka na sa likod, kung ayaw mo makita ng iba mag-suot ka ng damit."

Nakangiting sabi ni Blaize habang nakagingin sa namumulang parte ng balat ni Zaira sa likod.

"Fine!"

Inagaw ni Zaira ang damit niya at agad itong sinuot.

"Okay na?" tanong niya kay Blaize pero nakatingin lang ito sa kanya.

"Not good," sambit nito sabay hila ulit sa kanya.

Muli nanaman niyang naramdaman ang labi nito sa leeg.

"Ano nanaman gagawin?"

Kinagat ni Blaize ang balat niya saka ito sinipsip.

"Ian, wait!"

Tinulak siya ng dalaga pero humigpit ang pagkakayakap nito saka siya hinalikan sa labi.

Hindi alam ni Zaira kung gaano katagal siyang hinalikan nito basta ang alam lang niya halos mawalan siya ng hininga bago ito tumigil at muli siyang hinalikan sa kabilang leeg niya.

"Sa akin ka lang," bulong nito bago siya binitawan.

Napahawak sa kabilaang leeg si Zaira.

"Nilagayan mo rin ba ako ng hickey sa leeg?" tanong niya pero ningitian lang siya ng binata bago lumangoy palayo.

"Sagutin mo ko!"

Sinundan siya ni Zaira hanggang sa makaahon sila.

"Saan kayo galing?" tanong ni Tyler.

"Diyan lang," sagot ni Zaira habang nakasunod kay Blaize.

"Ate, ano yang nasa leeg mo? Bakit namumula?" tanong ni Heidi habang inosenteng nakatingin sa kanya.

Namula si Zaira sabay hawak sa leeg niya kung saan siya kinagat ni Blaize kanina. Ngayon sigurado na siya na may hickey sa leeg niya.

"Kiss bite yan. Si Blaize ba may gawa niyan? Talagang dalawa pa ha?" sambit ni Adrian.

Samantala, galit na hinila siya ni Max.

"Ano ginawa sayo ni Blaize?" tanong nito.

"Ken..."

Natigilan si Zaira nang makita ang mukha nito. Iyon ang unang beses na makita niyang galit ito.

"Don't touch her. She's mine," sambit ni Blaize sabay hablot kay Zaira at saka ito niyakap sa harap ni Max.

"Ian, hindi ako makahinga."

Reklamo ni Zaira dahil nakasubsob ang ulo niya sa dibdib ni Blaize habang maghigpit itong nakayakap.

"Bakit? Kayo na ba?" tanong ni Max habang masamang nakatingin kay Blaize.

Lumuwag ang pagkakayakap ni Blaize kay Zaira.

Akala ni Zaira bibitawan na siya nito pero nagulat siya nang halikan siya nito sa harap ni Max.

"Sapat na ba yun para maniwala ka?" tanong ni Blaize kay Max.

Nagdilim ang mukha ni Max saka ito umalis.

"Ken," sigaw ni Zaira at akmang hahabulin ito pero pinipigilan siya ni Blaize.

"Dito ka lang!"

Tinignan siya ng masama ni Zaira.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Dahil gusto ko."

Natahimik na lang si Zaira sa sagot nito. Lalo na inosente itong nakatingin sa kanya na para bang wala itong maling ginawa.

'Kailan pa ito natutong umarte?' sa isip ni Zaira.

Lumipas ang tanghalian nang hindi nakakausap ni Zaira si Max dahil nakabuntot sa kanya palagi si Blaize.

"Tara libot tayo. Sino gustong sumama?" tanong ni Gin.

"Ako, saan tayo pupunta?" tanong ni Zaira.

"Kahit saan."

"Sama kami," sabi ni Kim.

"Sige. Magpapaalam muna ako kila Mama."

Napangiti si Zaira nang tawagin ni Gin na mama si Mrs. Fiester. Sa kanilang tatlo nila Alyza, siya lang ang mabilis na napalapit kanilang magulang na para bang hindi ito napalayo sa kanila.

"Ma, alis po muna kami," rinig nilang paalam ni Gin.

"Sige, balik agad kayo. Lalo na yung mga mag-iihaw mamaya."

Naglakad lang ang magkakaibigan hanggang sa may makita silang mga tindahan ng swimsuit at iba pang gamit panglangoy. Meron ding tindahan ng mga sovenier.

"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" tanong ni Kim kay Zaira habang nakatingin sa suot nitong jacket.

Balot na balot ito kahit na mainit.

"No," sagot ni Zaira kahit na pinapawisan na siya.

Hindi naman niya pwedeng sabihin na tinatakpan niya ang tungkol sa hickey niya sa leeg. Laking pasalamat niya na sila Adrian lang ang nakakita nito.

"Wait! May titignan lang ako," sabi ni Zaira nang may nakita siyang tindaha  ng bracelet.

Gawa ang bracelet sa embroidery floss or thin yarn na iba't-ibang kulay. Hindi inaasahan ni Zaira na makakakita ng ganun sa Outlandish.

Sa mortal world tinatawag na friendship bracelet ang mga ito.

Bimili si Zaira ng iba't-ibang kulay saka binigay sa mga kaibigan niya.

"Remembrance ko yan sa inyo para hindi niyo ko makalimutan," aniya habang nakangiti.

"Salamat."

Tumingin pa ng ibang tinda si Zara hanggang sa mapapad naman siya sa mga kwintas na may pendant na letra. Sa pambabae bumili siya ng letrang A, C at Z at sa panlalaki naman letrang G.

Binigay niya kay Alyza ang may letrang A na pendant habang C at G naman kina Crystal at Gin. Sa kanya naman ang letrang Z.

"Masaya ako na naging kakambal ko kayo saka salamat din pinabigyan niyo ang hiling nila mama," sabi ni Zaira.

"Yung totoo? Anong meron? Bakit mo kami binibigyan ng regalo?" tanong ni Gin.

"Wala, masaya lang ako na nakasama ko kayo ngayon," nakangiting sagot ni Zaira.

"Salamat Athena," sabi ni Crystal saka sinuot ang kwintas.

"Hmm... Ano pa ba pwedeng bilhin?" bulong ni Zaira habang nag-iikot sila.

May nakita siyang tindahan para sa mga couple. Hindi niya ito mapapansin kung hindi lang niya nakita ang bracelet at kwintas na nakadisplay. Nagandahan siya sa disenyo ng bracelet.

"Bili na po kayo ma'am ng Love lock bracelet and key necklace for couple. Maganda po yan Maam. Yung key necklace lang ang makakabukas sa heart lock," sabi ng babaeng nagtitinda.

"Gusto mo?" tanong bigla ni Blaize.

"Hindi, tinitignan ko lang," sagot ni Zaira sabay iwas ng tingin sa bracelet.

Hinawakan siya sa kamay ni Blaize.

"Miss, patingin po nito." sabi ng binata sabay turo sa bracelet na may heart shape na lock.

Agad ito binigay ng nagtitinda habang pinapaliwanag kung paano gamitin. Mula sa rectangle na pendant na kwintas  kung saan nakalagay susi na pwedeng tanggalin kapag gagamitin hanggang sa pagbukas ng lock sa bracelet, tinuro ng nagtintinda.

Kinuha ni Blaize ang kamay ni Zaira saka nilagay ang bracelet na sinusi niya kanina.

Click

Tunog ng lock.

"Good," sambit ni Blaize sabay ngiti pero agad rin ito nawala nang lingunin niya ang tindera.

"How much?" tanong ni Blaize sabay suot sa kwintas.

Natulala na lang si Zaira sa binata dahil hindi niya inaasahang bibilhin niya ito.

"P450," sabi ng tindera habang nakangiti.

"Miss, ang swerte mo sa boyfriend mo," sabi nito kay Zaira.

Nag-init bigla ang mukha ni Zaira.

"Hindi ko po siya boyfriend," pabulong na sabi ni Zaira.

Nang marinig ito ni Blaize, sa halip na mainis ngumiti ito lalo.

"Asawa ko siya," aniya habang nagbabayad.

Nanlaki ang mata ni Zaira sa sinabi nito at bago pa siya makapagsalita muling nagsalita ang tindera.

"Ah! Asawa pala. Sorry," tugon ng tindera.

"Hin--"

"Let's go."

Putol ni Blaize kay Zaira habang nakaakbay.

"Bakit mo yun sinabi?" tanong ni Zaira sabay alis ng kamay ni Blaize.

"Bakit ayaw mo? Kahit hindi mo sabihin, alam ko kung ano tumatakbo sa isip mo..."

Lumapit si Blaize sa kanya saka bumulong.

"Alam ko na mahal mo rin ako."

Bumilis ang tibok ng puso ni Zaira kasabay ng pamumula niya. Napangiti naman si Blaize nang makita niya ang mukha nito.

"Athena," sigaw ni Max.

Napatingin sa kanya ang dalaga.

"Pwede ba kita makausap ng tayo lang?"

"Okay," sagot agad ni Zaira dahil gusto niya rin ito makausap.

"No!" sambit ni Blaize sabay hawak sa kamay ni Zaira.

Tinignan siya ng masama ni Max. Kanina pa niya napapansin ang pagsunod nito kay Zaira na para bang aso.

"Mag-uusap lang kami," sabi ni Zaira bago pa magkainitan ang dalawa.

Nagpalitan muna ng masamang tingin ang dalawa bago bumitaw si Blaize.

"Pagbibigyan ko kayo ngayon," aniya bago umalis.

"Saan tayo?" tanong ni Zaira.

"Lakad lang tayo," sagot ni Max sabay hawak sa kamay niya bago maglakad.

Mabagal lang ang lakad nito, tama lang para masabayan siya ni Zaira.

Tahimik lang siyang nakasunod kay Max. Wala siyang ideya kung gaano ba sila katagal naglakad bago ito magsalita.

"Kayo na ba talaga?" tanong nito bigla.

"Ha?"

Huminto sa paglalakad si Max saka siya tinignan sa mata.

"Kayo na ba talaga ni Blaize?" 

"Hindi."

Nagkasalubong ang kilay ni binata sa sinabi nito pero alam niyang hindi nagsisinungaling dalaga. May hindi lang siya maintindihan sa kinikilos nito.

"Hindi kayo pero pumayag ka na halikan niya."

"Hindi ako pumayag, nabigla lang ako kanina kaya hindi ako agad nakareact."

Pinagmamasdan siya ng binata bago muling nagtanong.

"Gusto mo naman?"

Namula ang mukha ni Zaira saka umiwas ng tingin.

"Hindi."

Parang tinusok ng milyong karayom ang puso ni Max sa nasilayan. Alam niyang nagsisinungaling ang dalaga.

"Mahal mo na ba siya?"

Napakagat ng labi si Zaira. Hindi niya alam kung ano isasagot niya tanong nito.

Alam niyang oras na sumagot siya may mawawala sa kanila at tuwing maiisip niya yun parang pinipiga ang puso niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.

Napaangat lang ng ulo si Zaira nang marinig niya ang sunod na tanong ng binata.

"Ako? Mahal mo ba ako?"

Napabuntong hininga si Zaira saka sumagot.

"Ken, bata pa lang tayo kilala na kita. Sabay tayong lumaki. Lagi kang nasa tabi ko. Mahalaga ka sa akin. Sa tagal nating magkasama tingin mo hindi kita matutunang mahalin?"

Tinignan niya sa mata si Max at diretsong sinabi ang nararamdaman niya.

"Mahal kita Ken pero nagbago na ang lahat simula nung nakilala ko siya. Komportable ako sa  kanya kahit na masungit siya. Naiinis rin ako kapag nilalandi siya ni Kaycie. Pareho kayong mahalaga sa akin."

Ngumiti ng pilit ang dalaga. Pakiramdam niya napakamakasarili niya dahil pareho silang ayaw niyang mawala. Ayaw niya pumili dahil ayaw niyang may mawala.

"Ang totoo niyan nalilito na ako. Hindi ko alam kung gaano ba kita kamahal. Kung higit ba yun sa pagkakaibigan? Maisip ko lang na mawawala ka sa akin parang pinipiga ang puso ko. Bakit ganun? Mahal ba kita kaya ganun? Pero ganun rin nararamdaman ko kay Blaize. Litong-lito na ako."

Sa sobrang inis ni Zaira sa sarili, nasabunot siya sariling buhok. Alam niyang may mali sa naramdaman niya.

Agad siya inawat ni Max saka niyakap.

"Sorry," bulong niya sabay halik sa noo ng dalaga.

"Hindi ko alam na nahihirapan ka na dahil sa amin. Hindi ko mapigilang magselos kay Blaize tuwing nakikita ko kayo."

Humigpit ang pagkakayakap niya kay Zaira.

"Athena, mahal na mahal kita. Handa ako tanggapin ang kahit na anong desisyon mo. Saka kahit siya piliin mo pangako nasa tabi mo pa rin ako. Kahit bilang bestfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top