CHAPTER 8
"Iha, ano nangyari sa kamay mo?" tanong ni Mrs. Fiester kay Heidi habang naghahapunan sila.
Kapansin-pansin ang nakapulupot na benda sa kamay ng dalaga.
"Nakalmot po ng pusa," sagot nito.
Napakunot ang noo ni Zaira nang marinig niya ang sagot nito. Kahit saan angulo niya tignan hindi mukhang kamot ng pusa ang sugat nito nang lagyan niya ng benda.
Malalim ang sugat nito ang makapal ang pagkakahiwa. Parang kalmot ng tigre ito kung iisipan.
Nag-aalalang tinignan niya si Heidi saka bumuntong hininga bago tinuon ang atensyon sa pagkain.
"Kumain ka pa. Marami pang ulam."
Nilagayan ni Mrs. Fiester ng ulam ang plato ni Heidi.
"Salamat po."
"Ano na nga pala balita sa mga guardian? Nakita niyo na ba yung iba?" tanong ni Mr. Fiester
"Sina Kim, Piers at Blaize pa lang po ang nadagdag," tugon ni Zaira.
"Kulang pa ng lima."
Tumango si Zaira sabay bilang pagsang-ayon.
"Sabi ni Granny, tadhana ang maglalapit sa eternal child at guardian. Hindi kaya kilala na natin yung lima tulad ni Blaize at Kim?" sabi ni Liam.
"Hmmm. Pwede," sagot ni Zaira.
"Bakit hindi niyo tignan kung may mga marka din sa katawan yung iba?" suhestiyon ni Asher.
"Paano? Hindi naman namin sila pwedeng pahubarin sa harap namin para lang matignan kung may marka sila."
Kontra ni Zaira sa kapatid.
"Bakit hindi niyo sila isama sa outing natin?" sabi ni Mrs. Fiester.
Kung lalangoy sila kailangan nila magsuot ng swimwear. Malaki ang chance na makita nila ang mga marka ng iba.
"Magandang idea yan. Imbitahan niyo lahat ng mga kaibigan niyo."
Pagsang-ayon ni Mr. Fiester sa asawa.
"Okay," sagot ni Zaira.
Time: 11:45pm
Tahimik na nakatulala si Blaize sa kisame. Pilitin man niya ang sarili, hindi pa rin siya makatulog.
Dahan-dahan siya tumayo at naglakad palabas. Sinigurado niyang hindi siya makagawa ng ingay habang naglalakad siya.
"Alis na po kami."
Natigilan sa pagbaba ng hagdan si Blaize marinig niya ang boses ni Zaira.
'Gabi na, saan sila pupunta?' sa isip niya habang nakatulala sa hangin.
"Mag-iingat kayo," sabi ni Mrs. Fiester.
Tinuloy ni Blaize ang pagbaba hagdan.
"Ay! May ibibigay nga po pala ako sayo Pa," sabi ni Zaira.
Muli itong bumalik at inabot ang puting sobre kay Mr. Fiester.
Sinundan ng tingin ni Blaize ang sobreng inabot nito.
"Kanino galing ito?"
"Ayan ba yung sobre na nahulog ni Blaize kanina?" tanong ni Max.
"Oo," sagot ni Zaira.
'Tama ako na yun ang sobreng kinuha ni Athena kanina.' sa isip ni Blaize.
Madali na lang sa kanya intindihin ang sitwasyon. Pumasok agad sa isip niya na si Mr. Fiester ang nagpapatakbo ng white legion ngayon.
"Ian? Ano ginagawa mo diyan?" tanont ni Ivan nang mapansin ang kapatid.
Natigil sa pag-iisip si Blaize nang marinig niya ang kapatid. Tinignan lang niya sila Zaira. Wala man lang ito pahid na kahit anong emosyon.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Zaira pero bago pa makasagot si Blaize nagsalita si Mr. Fiester.
"Alis na kayo kung aalis kayo."
Walang nagawa sila Zaira kundi umalis dahil mahuhuli na rin sila.
"Usap tayo sa taas," bulong ni Mr. Fiester kay Blaize.
Nagtungo sila sa rooftop.
"Wala ka sana pagsasabihan tungkol sa nalaman mo."
Umpisa ni Mr. Fiester saka binalik ang invitation letter.
"Pakisabi sa kanila na handa kami makipagtulungan sa kanila pero hindi ako makikipagkita sa kanila. Magpapadala na lang ako ng tauhan ko para sa pagpupulong na magaganap."
Tumango si Blaize bilang tugon.
"May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Mr. Fiester.
Gulat na napatingin sa kanya ang binata. Pakiramdam niya nabasa nito ang isip niya.
Naging payapa ang gabi sa bahay ng pamilyang Fiester hanggang sa sumapit ang umaga at isang sigaw ang gumulat sa kanila.
Nagising si Heidi nang maramdamang sumasakit ang kalmot niya. Pagtingin niya dito hindi niya mapigilang mapasigaw sa nasaksihan.
"Aaaahhh!"
Nagmamadaling pumasok sa kwarto niya si Mrs. Fiester.
"Iha, ano nangyari sayo? Bakit ka sumisi-- Jusko! Ang kamay mo."
Agad na sinuri ni Mrs. Fiester ang kalmot ni Heidi nang makitang naglalabas ito ng kulay itim na likido na may mabahong amoy.
"Hindi ito pangkaraniwang kalmot," sambit ni Mrs. Fiester.
"Anong nangyayari sa kamay mo? Hindi pa yan ganyan kahapon," tanong ni Zaira nang makitang mas malaki na ang sugat ni Heidi kumapara nang gamutin niya ito.
"Papuntahin mo si Sir Gus dito. Sabihin mo magdala siya ng pampatanggal ng demon's mark. Kailangan niya magamot bago pa siya matunton ng demon dito."
Utos ni Mrs. Fiester kay Zaira habang abala ito sa pagpupunas ng sugat ni Heidi.
Hindi nagtagal bumalik si Zaira kasama si Sir Gus.
Agad nitong ginamot ang sugat ni Heidi.
"Malakas ang mahika ng may gawa nito," sabi niya habang pinipiga ang sugat upang palabasin ang itim na likido.
Napakagat sa labi si Heidi sa sobrang sakit.
Nang kulay pula na ang lumabas sa sugat , tumigil na ito sa ginagawa.
Nilagay ni Sir Gus sa isang lalagyan ang mga ginamit na pamunas saka ito binigay kay Zaira.
"Sunugin niyo ito," utos niya.
"Okay," sagot ni Zaira sabay tingin kay Cyrstal.
Pagpitik ni Cyrstal sa ere, umapoy ang pinapasunog ni Sir Gus.
"Rina, pagkabuhos ko nitong anti-demon mark potion, gamitin mo agad healing ability mo," sabi ni Sir Gus habang binubuksan ang isang boteng may kulay green na potion.
Pagkabuhos nito, napasigaw sa sobrang hapdi si Heidi pero agad rin siyang kumalma nang umpisahang gamitin ni Mrs. Fiester ang healing ability.
Sunday, abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit para sa outing.
"Good morning tita!"
Bati ni Tyler kay Mrs. Fiester habang pumapasok. Sa likod niya nakasunod ang ibang kaibigan nila maliban sa isa.
"Bakit kasama niyo siya?" tanong ni Alyza nang makita niya si Kaycie.
"Inimbitahan siya ni Crystal," sagot ni Kim.
"Crystal."
"Naging malapit siya sa akin. Kahit papaano naging kapatid ko pa rin siya."
Nakayukong sagot ni Crystal.
"Hi!"
Bati ni Kaycie kay Max dahilan para mapataas ang isang kilay ni Zaira.
Sa unang tingin alam na niya ang binabalak nito.
Lumapit siya kay Kaycie saka kumapit sa braso nito at pasimpleng hinilang palayo kay Max.
"What are you doing?" sigaw ni Kaycie.
Isang magandang ngiti ang pinakita ni Zaira.
Kung hindi lang nila Alyza alam ang away sa pagitan ng dalawa, iisipin nilang magkaibigan ito.
"Tara dito tayo," sambit ni Zaira habang hinila si Kaycie papuntang sofa.
"Wag mo nga ako hawakan."
Inis na sabi ni Kaycie habang pilit na inaalis ang kamay ni Zaira. Hindi naman nagpatalo ang dalaga, mas hinigpitan pa niya ang pagkakapit.
Tinignan siya ng masama ni Kaycie pero ngiti lang niya ito.
"Kainis! Bakit pa kasi isa ako sa napiling guardian nila?" bulong ni Kaycie.
Napabitaw bigla si Zaira sa narinig.
"Isa kang guardian?"
Tumaas ang isang kilay ni Kaycie at saglit na ngumisi bago sumagot.
"Oo, bakit? Ayaw mo? Kung ayaw mo, mas lalo naman ako. Bakit ko ibubuwis buhay ko para lang protektahan ang katulad mo?"
'Hindi ko rin ipagkakatiwala buhay ko sayo,' sa isip ni Zaira.
"Nasaan symbol mo?"
"Sa dibdib. Gusto mo makita?"
Nag-umpisang magtanggal ng butones si suot nito. Hindi makapaniwala si Zaira sa nakikita niya.
Hindi ba siya nahihiyang maghubad sa harap nila?
"Wag na."
Pigil ni Zaira habang pulang-pula ang mukha. Hindi niya akalain na sa sobrang kapal ng mukha ni Kaycie, kaya nitong magtanggal ng damit sa harap ng mga lalaki. Kung puro babae lang sila ngayon baka pumayag na siya.
"Maghanda na kayo, nandito na yung sasakyan," sabi ni Mrs. Fiester.
Nagkanya-kanyang bitbit na sila ng mga gamit at isa-isang lumabas.
Nang mapansin ni Zaira na madilim ang paligid, napatingala siya. Isang malaking sasakyan na katulad sa isang spaceship ang sumalubong sa kanya.
"Ayan sasakyang natin?" tanong niya.
"Oo anak," sagot ni Mr. Fiester.
"Cool! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang sasakyan," sambit ni Gin.
Huminto na sa paggalaw ang sasakyan. Mula sa ilalim nito isang kulay asul na liwanag ang lumabas. Mula doon lumabas si Greg.
"Sumunod kayo sa akin," aniya saka muling naglakad pabalik sa kulay asul ng liwanag.
Huminto sa tabi nito upang hintayin sila Zaira.
"Ano yung asul na liwanag?" tanong ni Zaira.
"Alternative Portal, ayan ang daan para makapasok kayo sa loob," tugon Mr. Fiester.
"Pasok na kayo, sino mauuna?" tanong ni Greg.
"Ako muna," sabi ni Asher.
Katulad sa portal, nawala si Asher pagkapsok nito sa kulay asul na liwanag. Nagsisunuran na rin ang iba.
"Sasakyan ba ito o bahay?" tanong ni Kim.
Pagkapasok nila isang living room ang sumalubong sa kanila.
"Sabihin na natin na isa itong bahay na sasakyan. May tatlong kwarto ang Constantine. Kung gusto niyo matulog punta lang kayo doon. Pwede niyo din gawing kwarto yang nasa harap niya. Pindutin niyo lang itong remote," paliwanag ni Greg.
Pinindot ni Greg ang pindutang may nakaguhit na bed.
Mula sa gilid may bumaba na kama at ang upuan sa living room ang nagsilbing paa nito. Pinakita rin ni Greg ang iba pang gamit ng remote katulad na lang nang pindutin niya ang may guhit na table, humaba at tumaas ang coffee table na maliit lamang noong una.
"Kung may tanong pa kayo nasa control room lang ako."
Paalam ni Greg sabay turo sa pinto ng control room.
Nag-umpisang mag-ikot si Zaira, interesado siyang tignan ang mga nilikha ni Greg. Minsan napapaisip siya kung inventor ba talaga si Greg o magician.
Naging komportable ang lahat habang nasa biyahe sila.
"Nandito na tayo," sigaw ni Mr. Fiester.
Nagsibabaan na ang lahat.
"Dagat!" sigaw ni Zaira sabay takbo palapit sa tubig.
Ngayon na lang siya ulit nakakita ng dagat simula noong ngpunta sila sa Outlandish.
"Athena, yung gamit mo!" sigaw ni Mrs. Fiester pero malayo na ito.
"Hayaan mo na. Sigurado namiss niya magpunta sa beach. Ako na magbaba ng gamit niya," sabi ni Mr Fiester.
Samantala lumapit si Zaira sa gilid ng dagat kung saan abot ng tubig. Nakatayo lamang siya soon habang pinapanood ang alon ng dagat na mabasa ang paa niya.
Wala pa siya balak lumangoy kaya nasa gilid lang siya hanggang sa may tumulak sa kanya.
Sa gulat niya nawalan siya ng balanse at natumba. Nagkataon pa na palapit ang alon kaya tuluyan siyang nabasa.
"Ken!" sigaw ni Zaira nang makita ang kaibigan sa likod niya.
Nahuli niya pa itong nagpipigil ng tawa.
"Humanda ka sa akin!" inis na sabi niya saka tumayo upang hilain ito papunta sa dagat.
Tila ba nabasa ni Max ang binabalak niya, tumakbo ito agad bago pa siya mahawakan.
"Kuya, wag mo siyang papadaanin," sabi ni Zaira nang makita si Asher.
Agad na kumilos si Asher. Para silang naglalaro ng patintero tuwing susubukan ni Max makadaan. Iniiwasan niya rin mahawakan ni Asher.
"Power hug!" sigaw ni Zaira.
Pagharap sa kanya ni Max, bigla siya lumundag. Kusang gumalaw ang kamay ng binata upang saluin ang dalaga.
Nawalan pa siya ng balanse at sabay silang natumba. Nakahiga siya sa buhangin habang si Zaira nasa ibabaw niya.
"Basa ka na."
Tumatawang sabi ni Zaira. Napangiti na lang si Max habang pinagmamasdan ang dalaga. Masaya na siya na makita itong masaya.
"~Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?~" kanta ni Asher habang pinapanood ang dalawa.
Doon lamang napansin ni Zaira ang posisyon nilang dalawa, nakapatong siya sa ibabaw ng binata. Natigilan siya sa pagtawa at namula sa sobrang hiya.
"S-sorry," sabi ni Zaira saka nagmadaling tumayo habang iniiwasang tumingin sa binata.
Nilahad pa nito ang kamay niya upang tulungang makatayo ang binata.
"Ehem. Okay lang," sagot ni Max.
Napangisi si Asher nang makitang namumula ang tenga ni Max. Tinuloy niya ang pagkanta para lalong tuksuin ang dalawa.
"~Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you~"
Napansin naman ni Zaira ang ginagawa nito kaya inis na tinignan niya ito.
"Tumigil ka nga!" aniya.
Mas lalong nag-iinit ang mukha niya sa kinakanta nito.
Ibaba na sana niya ang kamay niya dahil sa sobrang ilang pero nahawakan na ito ni Max.
"Hindi pa ako nakakaganti," sambit ni Max.
Nagtatakang napatingin sa kanya si Zaira.
Bakit siya gaganti? Siya naman naunang tumulak sa kanya sa dagat?
Bago pa makareact ang dalaga, hinila na siya ng binata at saka kiniliti.
"Waahhh! Hahahaha!"
Halos kapusin na ng hininga si Zaira sa kakatawa.
Kung hindi pa sumingit si Asher hindi matatapos ang dalawa.
"Waaahhh! Kuya ibaba mo ko! Saan mo ko dadalhin?" sigaw ni Zaira nang bigla siyang buhatin ni Asher.
Tumakbo ito patungo sa dagat. Kitang-kita ni Zaira na palayo sila nang palayo sila sa lupa.
Umabot na sa dibdib ni Asher ang tubig.
"Ku--waahhh!"
Halos mainom ni Zaira ang tubig nang bigla siyang bitawan nito. Kumapit siya sa damit ni Asher saka umahon mula sa pagkakalubog sa tubig.
"Nakakainis ka kuya! Tignan mo? Basang-basa na ako."
Pinunasan ni Zaira ng kamay ang mukha niya saka tinignan ng masama ang kapatid.
"Paris! Athena! Umahon na muna kayo diyan may sasabihin daw si Papa!" sigaw ni Liam.
Hinampas ni Zaira ang tubig nang malakas upang matalsikan sa mukha si Asher bago ito lumangoy papunta kila Liam.
"What the hell! Athena!" sigaw ni Asher saka hinabol ang nakakabatang kapatid.
Dali-daling umahon si Zaira.
"Suot mo ito," sabi ni Max sabay bigay ng jacket.
"Salamat."
"Hi! Ako si Hiro, isang Human Intelligence Robot Operator."
Salubong sa kanila ng isang robot pagkapasok nila sa tinutuluyan nilang bahay.
Hugis tao ito na gawa sa metal. Kung lalagyan ito ng balat na katulad sa isang tao siguradong magmumukha na talaga itong tao.
"Hi! Ako si Zai," sagot ni Zaira bago tumingin kay Mr. Fiester
"Pa, ano sasabihin mo?"
"Magbihis na muna kayo. Nasa kanan yung kwarto ng babae, sa kaliwa naman sa lalaki."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top