CHAPTER 7
"Salamat Zeque," sabi ni Zaira.
"Walang anuman," tugon ni Zeque bago bumalik sa pagiging kwintas.
"Balik na tayo sa school."
Maglalakad na sana si Zaira nang may mapansing siyang puting envelope si paanan niya. Kamuntik na niya ito maapakan, mabuti na lang napigilan niya ang paa niya
"To: White Legion's President," basa niya sa nakasulat sa envelope saka ito pinulot.
"Para kay papa, saan galing ito?" aniya habang sinusuri ito.
Gusto niya buksan ang envelope para makita ang laman subalit natatakot siya na baka confidential ang laman nito.
"Nahulog yan ni Blaize kanina," sabi ni Zeque.
"Alam kaya niya yung totoo?"
"No. Aksidente lang na nahulog niya yan."
"Bakit hindi natin sila sundan? Baka papunta sila ngayon sa headquarters," sabi ni Max.
"Good idea. Kamusta braso mo?" tanong ni Zaira habang nakatingin sa braso ni Max.
"Medyo masakit pero kaya ko naman tiisin."
Galit na tinignan ni Zaira si Max.
"Bakit mo titiisin? Paano kung lumala yan? Bumalik na muna tayo sa academy para mapatingin mo yan."
Walang nagawa si Max kundi sumunod sa kanya lalo na ang sama ng tingin sa kanya ni Zaira. Pakiramdam niya kapag hindi siya pumayag, madadagdagan pilay niya.
"Inumin mo lang itong healing potion," sabi ng healer.
"Thank you."
Pagpapasalamat ni Max saka ininom ang potion. Sumama ang mukha niya nang malasahan niya ito.
"Ang pait," bulong niya.
Kumuha siya ng lollipop sa bulsa niya at agad na kinain ito.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Zaira.
"Ayos na ako. Nagagalaw ko na braso ko," sagot ni Max.
"Wag ka na makikipag-away sa susunod. Pinag-alala mo ko."
Nagpaalam na sila sa healer saka lumabas.
"Ano na gagawin natin? Nawala yung sulat," rinig nilang tanong ni Adrian.
Nagkatinginan ang dalawa sa narinig. Alam nila na yung sulat ang tinutukoy nito.
"Ito ba hinahanap niyo?" tanong ni Zaira sabay pakita ng envelope.
Napatingin sa kanya ang tatlong bampira. Kung hindi siya nagsalita, hindi nila mapapansin na nasa likod sila.
"Bakit napunta sayo yan?" tanong ni Adrian.
"Napulot ko."
"Pwede mo na ba ibalik sa amin yan?"
"No."
"Why?!"
Ngumiti lang si Zaira bilang tugon saka tinago ang sulat.
"Sumama ka sa akin," sabi ni Blaize sabay hila sa kanya.
"Saan mo siya dadalhin?"
Pigil sa kanya ni Max. Muling nagtinginan ng masama ang dalawa.
Napabuntong hininga si Zaira.
"Ken, dito ka lang. May pag-uusapan lang kami," sabi niya bago magkainitan ang dalawa.
Dinala siya sa mansion ni Blaize.
"Para saan yung sulat?" tanong agad ni Zaira.
Kanina pa niya gusto malaman ang laman ng sulat. Nagbabakasali siya alam ni Blaize ang laman.
"Invitation letter."
"Invitation saan?"
"Hindi ko alam. Inutusan lang kami na ibigay yan. Kilala mo ba kung sino presidente ng White Legion?"
Seryosong tinignan ni Blaize si Zaira. Alam niyang hindi nito sasabihin na siya na magbibigay ng sulat kung hindi niya ito kilala.
"Of course, isa ako sa member ng White Legion," nakangiting sabi ni Zaira.
"..."
"Kung titira ka sa bahay, dapat lang malaman mo yung totoo. Ako, Sina Ken, Finn, Kuya Paris, Kuya Hades at pati kuya mo ay member ng White Legion."
Paliwanag ni Zaira habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Blaize.
"Boring. Hindi ka man lang nagulat?"
Napasimangot na lang siya dahil wala man lang bakas na gulat sa mukha ni Blaize. Kalmado lang itong nakatingin sa kanya.
"Aaahhh!"
"May sumisigaw, saan galing yun?" tanong ni Zaira.
"Sa taas," sagot ni Blaize kaya napatingin sa taas si Zaira.
Nanlaki ang mata ng dalaga nang makakita ng taong nahuhulog sa langit.
"Oh my god! Babagsak siya. Saluin mo siya dali!" natarantang sabi ni Zaira kahit na malayo pa ito sa lupa.
"Help! Aaahhhh!"
"Ayan na! Ian, tulungan ko siya."
Napatakip ng mata si Zaira sa takot na mamatay ito.
Napabuntong hininga si Blaize saka sinalo ang babae.
"Nasalo ko na siya," sabi ni Blaize.
Inalis ni Zaira ang pagkakatakip sa mata niya.
"Buhay pa ba siya?" tanong niya habang sinusundot ang pisngi ng batang babae hanggang sa dumilat ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zaira.
Tumango ang batang babae.
"Pwede mo na po ako ibaba salamat," sabi nito.
Pagkababa sa kanya ni Blaize, tumingin ito sa paligid.
"Nasaan ako?" tanong niya.
"Nasa Black Academy ka," sagot ni Zaira.
"Black Academy..." pabulong na sabi ni Heidi.
"Ako nga pala si Zaira, siya naman si Blaize. Ikaw? Ano pangalan mo?"
"Heidi."
"Heidi, saan ka galing? Bakit bigla ka na lang nahulog mula sa taas?"
Napakamot ng ulo si Heidi.
"Hindi ko po alam kung paano ako napunta sa langit. Ate, alam mo ba kung paano pabalik sa Vendon?"
"Hindi ko alam pero may kilala akong pwedeng maghatid sayo doon. Halika sama ka sa amin para maipakilala kita sa kanya."
Tumango si Heidi saka sumunod kila Zaira.
Heidi's POV
Habang nakasunod si Heidi, pinagmamasdan niya ang mga nadaanan nila. Hindi niya akalain na mapupunta siya sa Black Academy.
Naririnig niya lang noon ang tungkol sa dito pero ngayon naglalakad na siya sa hallway ng academy. Parang panaginip ang lahat.
Tumigil sila sa tapat ng isang kulay gintong pintuan at sa taas may nakasulat na Elites.
"Bakit may kasama kayong bata?" tanong ni Adrian.
Natakot si Heidi sa biglaang paglapit nito.
Napakapit siya sa uniform ni Zaira.
"Adrian, wag mo takutin," sabi ni Kim.
"Huh? Wala naman ako ginagawang masama. Lumapit lang ako para magpakilala."
"Natatakot siya sa pagmumukha mo kaya wag kang lumapit. Tabi diyan!"
Tinulak ni Kim si Adrian saka ngumiti. Nang makita niyang nakasilip pa rin sa likod ni Zaira si Heidi, nag-umpisa na siyang magpakilala.
"Hi! I'm Kim."
"Heidi."
"Hahahahaha. Isa ka rin eh! Tignan mo? Takot din siya sayo. Pangit ka kasi!" tumatawang sabi ni Adrian.
Nagtatakang tinignan ni Heidi si Adrian dahil hindi naman pangit si Kim sa paningin niya. Sa katanuyan pagpasok pa lang nila pansin na niya na magaganda at gwapo ang mga nasa loob ng classroom.
Kaya siya natatakot dahil iyon ang unang beses na may nakausap siyang hindi tao. Lagi rin bilin sa kanya ng kanyang ama na umiwas sa mga katulad nila kung may masasalubong siya.
May nangalabit sa likod ni Heidi. Kusa naman siyang napatingin dito kaya hindi niya inaasahan ang sasalubong sa kanya.
"Aaaaaahhhhh," sigaw niya sabay takbo sa kabilang dulo.
Malayo sa mukhang lobo na nasa likod nila.
'Werewolf! Waahhh! Ano ba itong napuntahan ko? Gusto ko na umuwi.'
Halos tumulo ang luha ni Heidi sa takot habang sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
"Hahahahaha!"
Tawa ni Tyler saka bumalik sa human form. Napahawak pa siya sa tiyan niya.
"Aray! Masakit!" sabi niya nang hampasin siya ni Zaira.
"Loko ka talaga Dwayne! Wala ka na talaga magawa sa buhay mo no? Lalo mo lang siya tinakot."
Sermon sa kanya ni Zaira habang pinaghahampas siya.
"Aray! Tama na! Nagbibiro lang naman ako."
Tumingin si Tyler kay Heidi.
"Sorry," aniya.
Pumasok sa isipan ni Heidi ang aso niya noon dahil katulad ito ng mukha ni Tyler tuwing pinapagalitan niya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Gin.
Tumango si Heidi bilang the tugon habang pasimple lumalayo. Hindi man lang niya napansin ang paglapit nito sa kanya. Bukod doon napansin niya ang kulay asul nitong mata.
"Pasensya na sa ginawa ni Tyler. Wag kang matakot, wala kaming gagawing masama sayo. Ako nga pala si Gin."
"Hiedi."
Sa kalagitnaan nang paglayo ni Heidi inakbayan siya ni Asher.
Napatayo siya ng tuwid sa takot pero nang makita niyang itim ang mata ni Ashet nag-umpisa na siyang kumalma.
"I'm Ash, kapatid ni Gin at Zaira," sabi ni Ashet habang nakangiti.
"K-kapatid mo siya?" tanong ni Heidi.
Kung titignan niya ang mata nila, sigurado siyang tao sina Zaira at Asher pero iba si Gin.
Mali ba siya sa pagkakainti tungkol sa kulay ng mata nila?
"Oo, magkakapatid kami. Magkakaiba lang kami ng uri pero iisa lang ang pinagmulan namin. Hindi mo kailangan matakot sa amin. Magkakapamilya at magkakaibigan kaming lahat. Umupo ka muna dito sa tabi ni Max."
Dinala siya ni Asher sa tabi ni Max. Pakiramdam niya mas magiging komportable ito dahil tao si Max.
"Crystal, pwede mo ba siyang tulungan makauwi sa Vendon?" tanong ni Zaira pagkatapos niya sabihin ang tungkol kay Heidi.
"Mamaya ihahatid ko siya," tugon ni Crystal.
"Okay na Heidi. Makakauwi ka na," masayang sabi ni Zaira pero hindi siya pinansin nito.
Tahimik na nakatingin si Hedi sa kalendaryong nakasabit sa pader dahil sa taon na nakalagay doon.
"Heidi? May problema ba?"
Nag-aalalang tanong ni Zaira dahil sa itsura nito.
"Year 2017 po ba ngayon?" tanong ni Heidi.
Naguguluhan man sumagot agad si Zaira.
"Oo, bakit?"
"Kung ganun gumagana talaga yun. Paano ako makakabalik?" bulong ni Heidi.
"Ano ba sinasabi mo? Ano yung gumagana?"
Sasabihin na sana ni Heidi ang problema pero natatakot siya na baka hindi siya maniwala. Pasara bukas ang bibig niya dahil sa pabago-bago ang isip niya.
Sasabihin ba niya o hindi?
'Galing siya sa hinaharap,' sabi ni Blaize sa isipan ni Zaira.
Nang marinig ito ni Zaira sigurado siyang binabasa nito ang isipan ni Heidi.
'Hinaharap?'
'2037 ang taon sa pinanggalingan niya. Nakapunta siya dito nang aksindente niyang magamit ang time machine na imbento ng kaibigan niya.'
Hindi makapaniwala si Zaira sa narinig hanggang sa magsalita si Heidi.
Kung magic ang gamit baka maniniwala pa siya pero time machine ang pinag-uusapan nila. Posible ba yun?
"Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong galing ako sa hinaharap?" tanong ni Heidi.
"Oo," sagot ni Zaira sabay sulyap kay Blaize na saktong nakatingin sa kanya.
Okay, naniniwala na siya sa sinabi nito.
"Galing ako sa hinaharap," seryosong sabi ni Heidi.
"..."
"Paano ka nakapunta dito? Hindi ka naman wizard para makapag-time travel?" tanong ni Adrian.
"Nakapunta ako dito sa pamamagitan ng time machine. Hindi ko naman sinasadya na magamit yun."
Nalungkot bigla si Heidi dahil wala siyang ideya kung paano siya makakauwi.
Hinawakan siya sa ulo ni Zaira.
"Wag ka mag-aalala gagawa kami ng paraan para makabalik ka sa inyo. Wag ka na malungkot, makakauwi ka rin."
"Sana nga."
Sa harap ng bahay ng Fiester.
"Ayos lang ba talaga na tumira ako sa inyo?" tanong ni Heidi bago sila pumasok.
"Oo naman. Wag ka kabahan, mabait naman sila mama," tugon ni Zaira.
Para mabawasan ang kaba ni Heidi, hinawakan niya ito sa kamay.
"Pasok na tayo?" tanong niya.
Tumango si Heidi bilang tugon.
Binuksan ni Zaira ang pinto saka masiglang sumigaw.
"Nandito na po kami!"
"Buti maaga kayo. Tamang-tama gumawa ako ng cupcake. Magmiryenda muna kayo," sabi ni Mrs. Fiester.
"Sige po. Magbibihis po muna ako," sagot ni Gin saka naunang pumunta sa kwarto niya.
Nagsiakyatan na rin ang iba hanggang sina Zaira at Heidi na lang ang naiwang nakatayo.
"Ma, si Heidi nga po pala."
Pakilala ni Zaira.
"Good afternoon po tita," bati ni Heidi.
Ngumiti si Mrs. Fiester.
"Good afternoon. Halika dito, kumain ka muna ng cupcake habang nagbibihis sila."
Hinila niya si Heidi papunta sa mesa saka pinaghila ng upuan.
"Salamat po."
Binigyan siya ni Mrs. Fiester ng cupcake at mango shake.
"Ma, pwede po ba na dito muna siya sa atin?" tanong ni Zaira habang pinapanood ang dalawa.
"Bakit anak? Lumayas ba siya kanila?" tanong ni Mrs. Fiester.
Tinignan niya si Heidi. Sigurado siya na mas bata ito kila Zaira.
"Ilang taon ka na?" tanong niya kay Heidi.
"14 po."
"14 ka pa lang. Bata ka pa. Baka nag aalala na sayo yung magulang mo."
Napayuko si Heidi sa sinabi nito. Sigurado siyang nag-aalala na sa kanya ang kanyang ama.
"Ma, hindi po siya lumayas. Galing po siya sa hinaharap. Hindi po niya alam kung paano pabalik kaya dito po muna sana siya hanggang hindi pa siya nakakauwi sa kanila," paliwanag ni Zaira bago pa lumala ang sitwasyon.
Sumeryoso lalo ang mukha ni Mrs. Fiester sa narinig.
"Galing siyang hinaharap?" tanong niya upang makasigurado sa narinig.
Tumango si Heidi bilang tugon.
"Sige, dito na muna siya. Pahiramin mo muna siya ng damit mo."
"May problema po ba?" tanong ni Zaira nang mapansing nag-iba ang aura ng kanyang ina.
Kung kanina masaya itong pinapakain si Heidi, ngayon may mabigat itong aura.
"Wala anak. May pupuntahan ako saglit, kayo muna bahala dito."
Nagmamadaling tinanggal nito ang apron bago umalis gamit ang portal.
"Galit yata mama mo?" tanong ni Heidi.
"Hindi yan. Baka may importante lang siyang pupuntahan kaya nagmamadali."
Isang maliit na lion ang pumasok sa kusina. Nang makita nito si Heidi, agad ito nag-anyong tao.
"Athena, sino siya?" tanong ni Shiro habang nakatingin kay Heidi.
Nanlalaking matang tinignan siya ni Heidi. Iyon ang unang beses na nakakita siya ng hayop na naging tao.
"Siya si Heidi, dito muna siya titira sa atin. Heidi, siya nga pala si Shiro."
"Hello," nahihiyang sabi ni Heidi habang pinagmamasdan ang mukha ni Shiro.
"Hello."
Ngumiti si Shiro saka umupo sa tabi ni Heidi. Kumuha siya ng cupcake at tahimik na kumain.
"Kapag nasa school kami, ikaw na bahala sa kanya ha? Kausapin mo siya," sabi ni Zaira kay Shiro.
Tumango ito bilang tugon.
"Iwan ko muna kayo. Magbibihis lang ako saglit."
Pagkaalis ni Zaira, doon lamang sinuri ni Shiro si Heidi.
"Bakit?" tanong ni Heidi nang mapansin niya nakatingin lang ito sa kanya.
Nag-umpisang mailang si Heidi dahil hindi ito nagsasalita. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya habang kumakain.
Hindi niya mapigilang tignan ito ng masama.
"May dumi ba ako sa mukha?"
Pinunasan ni Heidi ang bibig niya para matanggal ang dumi kung meron man.
"Wag kang gagalaw," sambit ni Shiro sabay hawak sa kamay niya na nasa bibig.
Hinila niya ito at saka pinagmamasdan bago magkaroon ng kulay asul sa kamay niya.
Sa takot ni Heidi, sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero ayaw ito bitawan ni Shiro.
Nag-umpisang maramdaman ni Heidi ang init at hapdi sa bahagi kung saan nakahawak si Shiro.
"Aray! Ano ba? Masakit!"
Agad siyang binitawan ni Shiro, hindi niya alam kung dahil ba sa sigaw niya kaya tunigil na ito. Wala siyang ideya sa nangyayari basta ang alam niya lang may mahapdi sa kamay niya.
Magrereklamo na sana si Heidi nang mapansin niya ang seryosong mukha ni Shiro.
"Mag-iingat ka. Meron kang marka ng demon monster. Saan ka man magpunta masusundan ka niya."
Napatiklop ng bibig ni Heidi saka nakinig ng mabuti kay Shiro.
Wala siya maintindihan sa sinasabi nito na marka.
"Sinubukan ko itong tanggalin pero mas malakas siya sa akin."
Napansin ni Shiro ang maraming tanong sa mukha ni Heidi kaya tinuro niya ang kalmot sa kamay nito.
"Yung kalmot mo sa kamay, hindi yan basta kalmot lang," aniya.
Napatingin si Heidi sa tinuro nito.
"Ha? Saan ito galing? Wala ito kanina," sambit ni Heidi.
"Meron. Hindi mo lang ito nakikita, pero nakikita naming mga mythical animal. Nakalmot ka ba kanina?"
Napaisip si Heidi sa sinabi nito hanggang sa maalala niya ang nangyari bago siya mahulog mula sa langit kanina.
"Ano ito?" tanong niya kay Zeki habang tinitignan ang bago nitong imbento.
Pabilog ito na mataas na parang malaking tube. May pintuan na ito na sliding door at gawa ito sa glass.
Pumasok sa loob si Heidi upang matignan ang loob nito.
Sa gilid maraming pindutan at may hologram na nagsisilbing screen.
"Time machine, hindi pa yan tapos. Wag ka magpipindot ng kung ano baka saan ka mapunta," sagot ni Zeki.
"Ito na pala ung sinabisabi mo sa akin noon. Kapag ginamit mo ito, sama din ako ha? May gusto din ako malaman sa nakaraan."
"Okay. May kukunin lang ako sa labas wag kang mangingialam sa kahit anong pindutan diyan. Kung maari wag ka didikit."
Tumango si Heidi saka naglakad palabas ng time machine.
Wala siyang balak magtagal sa loob.
"Meow!" sigaw ng isang pusa sabay lundag sa harapan ni Heidi.
Kusa siyang napaatras dahil sa takot lalo ba ang sama ng tingin nito sa kanya.
Sinong hindi matatakot sa pusang nasa harapan niya? Bukod sa kulay itim ito, nanlilisik din mata nito.
Muli ito tumalon sa harapan ni Heidi, agad naman niyang pinangharang ang kamay niya sa mukha.
"Awts!"
Dumikit ang matalim nitong kuko sa kamay niya saka siya nawalan ng balanse at aksidenteng may napindot sa time machine.
Nataranta siya nang umilaw ang time machine.
"Hala! Napindot ko! Ano gagawin ko? Haiisstt! Kasalan mo itong pusa k-- nasaan na yun?" aniya.
Sinubukan niyang hanapin ang pusa pero bago pa siya makapalabas ng time machine, sumarado na ang pinto.
"Yung itim na pusa! Siya may kasalanan kung bakit ako napunta dito," inis na sabi ni Heidi nang maalala ang nangyari.
'Lagot ako nito kay Zeki. Baka iniisip niya na ginalaw ko yung time machine.'
Napakagat sa labi si Heidi dahil ilang beses siya sinabihan na wag gagalawin ang time machine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top