CHAPTER 62
Nanginginig ang mga demon habang nakatingin sa kanilang hari.
Umuusok ang ilong ni Samael habang nakatingin ng matalim sa mga nagsisilbing bantay kila Zarah.
"Hanapin niyo sila! Wag kayo titigil hanggang hindi niyo sila nakikita," sigaw niya.
Pinagpawisan ang mga demon habang magtitinginan kung sino ang magsasalita. Tinulak ng isang demon ang isang itim na kuneho.
Nanginig ang katawan nito.
"King, nilibot na po namin ang buong kaharian. Wala po talaga sila," aniya habang nakababa ang tenga dahil sa takot.
Hinagisan siya ni Samael ng itim ba apoy at hinayaang masunog.
"Sino gusto masunod? Mga wala kayong silbi! Kung wala sila dito, hanapin niyo sila sa Outlandish. Bantayan niyo rin si Max baka magpakita sa kanya si Zarah," sambit ni Samael.
"Masusunod mahal na hari," tugon ng mga alagad nito at dali-daling nagsialisan.
Napahilot sa noo si Samael habang nakaupo sa trono.
Sinenyasan niya ang isang babaeng demon na magsalita.
"King, tagumpay po ang inutos niyo sa amin. Dalawa sa mga kakampi ni Zeque ang naging bato," sambit nito.
"Good. Wag kayo titigil hanggang hindi niyo sila nagagawang bato lahat."
Ngumiti si Samael. Kahit papaano may magandang balita siya nakuha sa mga alagad niya.
"Oras na mabawasan ang mga pwersa ng kalaban, hindi na nila tayo mapipigilan sa pagsakop sa Outlandish!"
Dugtong ni Samael sabay senyas sa babaeng nasa harapan niya.
"Masusunod kamahalan. Mauna na po kami."
Pagkalabas nito abot tenga ang ngiti ni Samael.
"Zeque, sa aking ang huling halakhak. Hahaha. Malapit na ang pagbagsak niyo," aniya ni Samael sabay tawa.
Nagkaroon ng kidlat sa madilim na kalangitan ng Infernal World.
Sa Outlandish, hindi na alam nila Zaira kung ano gagawin. Pagkatapos nila Kim maging bato, parami ng parami sa mga kasamahan nila. Kung magpapatuloy iyon mauubos sila at mas mahihirapan silang tapatan ang mga demon.
Higit pa doon isang masamang balita ang nakuha nila.
"Zeque! Emergency!" sigaw ni Zera habang nagmamadaling lumapit kay Zeque.
Nagkasalubong ang kilay ni Zeque nang makita ang nag-aalalang mukha nito.
"Ano nangyari?" tanong niya.
"Si Samael sumugod sa Outlandish, kasama ang mahigit isang daang libong demon."
Nagdilim ang mukha ni Zeque nang marinig ito. Tinignan niya ang tatlong anak niya na nakakalabas lang. Gusto pa niya ito makasama pero dahil kay Samael kailangan niya agad bumalik sa Outlandish.
"Pumunta ka na doon. Ayos lang ako dito. Mag-iingat ka sa pakikipaglaban," sambit ni Erie.
Kahit nakangiti si Erie sa harapan ni Zeque nakikita nito na wala ang kislap sa mga mata nito.
"Sorry."
"Naiintindihan ko. Kailangan ka nila doon."
Napabuntong hininga si Zeque.
"Baka hindi ako agad makabalik."
"Alam ko."
"Papatawag kita kapag natapos na yung sasakyan ni Greg para mailipat na sa Aurora ang mga nailigtas namin. May kutob ako na hindi magtatagal babagsak ang Outlandish sa kamay ni Samael."
Tumango si Erie bilang tugon. Hinalikan siya ni Zeque sa labi bago gumawa ng portal.
Dumaan muna si Zeque kay Greg.
"Mga tatlong lingo pa bago ko matapos. Pupunta ako agad sa Black Academy kapag natapos na ako," sabi ni Greg.
"Okay. Habang wala ka pa pipilitin naming protektahan ang Black Academy. Madadagdag kami ng barrier."
Tumango si Greg.
Isang batang babae ang humila sa laylayan damit ni Greg.
"Papa," sambit nito.
"Anak mo?" tanong ni Zeque nang mapansin niya ang bata.
"Yeah. Bagong panganak ang asawa ko kaya ako muna ang nagbabantay sa kanya."
Hinawakan ni Greg sa kamay ang batang babae saka nilingon si Zeque.
"Pwede bang pakitingin ang asawa ko? Huling balita na narinig ko na papunta sila Black Academy."
Pakiusap ni Greg sabay buntong hininga.
"Isang member ng white legion ang asawa ko. Siguradong hindi niya matitiis ang hindi tumulong. Kung makikita mo siya, pakidala siya sa ligtas na lugar."
"Nasaan daw sila? Wala na kami masyadong nakikitang survivor sa paligid?" tanong ni Zeque habang nakakunot ang noo.
"Sa underground base. Doon sila nagtatago pero para makarating sila Black Academy kailangan nilang lumabas. Nag-aalala ako na baka maabutan sila ni Samael."
Tumango si Zeque saka nagsalita.
"Sige. Hahanapin ko ang asawa mo."
Ngumiti si Greg.
"Salamat," aniya.
Pagkarating ni Zeque sa Black Academy, natanaw niyang abala sila Jiro sa pakikipaglaban. Kapansin-pansin na kumpara sa mga nakakalaban nila mas malalakas ang mga ito. Lumipad si Zeque palapit sa pwesto nila.
May naramdamang papalapit sa kanya si Zeque. Pagtingin niya sa likod, isang dark ball ang papalapit. Painit nang painit ang paligid habang palapit ito. Lumihis pakanan si Zeque upang iwasan ito.
"Zeque, nagustuhan mo ba ang surpresa ko? Hahahaha!" sambit ni Samael habang abot tenga ang ngiti.
Binigyan siya ng nakakamatay na tingin ni Zeque.
"Ano pinapaplano mo?" tanong ni Zeque.
"Plano?"
Lumabas ang ngipin ni Samael sa sobrang pagkangiti nito bago muling magsalita.
"Nandito ako para patayin ang lahat ng batang babaeng sa mundo. At ang mga batang nasa sinapupunan pa lang. Tulad niya!"
Lumipad si Samael palapit kay Zaira. Akmang kakalmutin niya ang tiyan nito nang humarang sina Blaize at Max.
Binaril siya ni Blaize at nang napaatras si Samael, umatake naman si Max gamit ang espada nito.
Hinagisan ni Jiro ng dark ball si Samael.
"Ako kalabanin mo! Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo kay Zera" sigaw ni Jiro saka sinuntok si Samael.
"Ako ang kalaban niya," sigaw ni Zeque sabay suntok rin.
Tumawa si Samael habag iniiwasan ang atake ng dalawa.
"Kahit magtulungan pa kayo hindi niyo ko matatalo!" aniya.
Alam nilang hindi sapat ang kapangyarihan nila dahil sa alter necklace. Parehong kalahati ng original na kapangyarihan nila ang nagagamit nila.
"Zeque, bakit hindi na lang natin gawin sa kanya ginawa sa akin noon? Mas may silbi siya kung magiging alter necklace siya," suhestiyon ni Jiro habang sumusuntok.
"Tingin mo ba hindi ko naisip yan? Mas delikado kung gagawin natin iyon. Hindi natin alam kung may kakayahan ba siyang magbago tulad mo," sagot ni Zeque sabay hagis ng fire ball kay Samael .
"Pureblood demon si Samael. Likas na sa kanya ang maging masama."
Paliwanag ni Zeque. Base sa kinikilos ni Samael impossibleng magbago ito. Baka kapag ginawa nila itong alter necklace, gawin lang niyang sunod-sunuran sa kanya ang nakatadhanang gumamit sa kanya.
Hindi naniniwala si Zeque na kayang maging mabait ng mga demon maliban na lang kung half lang sila tulad ni Jiro.
"May punto ka pero wala bang ibang paraan para mapigilan siya? Hindi natin siya mapapatay kahit ano gawin natin," tugon ni Jiro.
"Sa ngayon wala pa pero hindi ka ba nagtataka kung bakit target niya ang mga sanggol o isisilang pa lang?"
Natigilan saglit si Jiro.
"Sinasabi mo ba na sa hinaharap may nakatadhanang tumapos sa kanya?"
Tumango si Zeque.
"Kaya napaaga ang pag-atake niya dahil gusto niya pigilan ang nakatadhanang mangyari sa kanya. Kung ano man yun sigurado maganda iyon para sa atin. Kaya naman..."
Tinapik ni Zeque ang balik ni Jiro bago magsalita.
"Gawin mo ang lahat para protektahan ang mga sanggol at buntis," aniya.
Isang malakas na pagsabog at malakas na tawa ang nagpatigil sa pag-uusap ng dalawa.
"Hahahaha. Katapusan niyo nang lahat! Ayan ang nararapat sa mga kumakalaban sa akin. Uubusin ko kayo! Hahahaha," sigaw ni Samael saka nagpaulan ng dark ball.
Para itong meteor shower na nagsisilaglagan mula sa kalangitan. Sunod-sunod ang pagsabog ng lupa at nagdudulot ito ng malaking hukay.
Kung sino man ang matataman nito siguradong wala itong takas kay kamatayan.
Unti-unting nawala ang bakas ng mga building sa Occult City. Malayo na ito sa itsura noon.
"Zeque, papunta sila sa Black Academy!" sigaw ni Zaira.
"Mahina na ang barrier ng Black Academy. Kung si Samael ang aatake doon sigurado patay ang lahat," sambit ni Jiro.
"Pigilan mo si Samael na pumunta doon. Athena, tulungan mo kong gumawa ng mas matibay na barrier," tugon ni Zeque.
Tinulungan ni Zeque na patayin ang mga nakapalibot kay Zaira saka niya ito hinila papasok sa portal.
Napatingin si Zeque sa tiyan ni Zaira bago ito bitawan.
"Mas mabuting manatili ka muna dito. Malapit ka na manganak. Delikado kung magkikilos ka pa," sabi ni Zeque.
Hindi niya maiwasang mag-alala dito.
Hindi ba siya pinipigilan ni Blaize? Dapat hindi na siya sumasama panahon ngayon.
Sa isip ni Zeque.
"Kaya ko pa naman. Hindi naman ako masyado gumagalaw. Hinagisan ko lang sila ng fireball o kaya pinapatamaan ng kidlat. Minsan pinapalipad ko sila gamit ang wind blade," paliwanag ni Zaira.
"Kahit na. Gusto patayin ni Samael ang batang dinadala mo. Hindi ko alam kung ano sinabi mo kay Blaize para pumayag siya na tumulong pa rin."
Napailing nila si Zeque. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit sumasama pa si Zaira sa kabila ng pagbubuntis nito. Hindi ba sila natatakot na malaglagan ito?
"Payagan man ako o hindi ni Blaize, gagawin ko pa rin ang gusto ko. "
Bumuntong hininga si Zeque.
"Kung gusto mo tumulong pa rin, dito ka lang. Bantayan mo ang barrier. Protektahan mo ang mga nandito habang wala pa si Greg."
Utos ni Zeque. Ngayong wala si Crystal walang ibang pwedeng gumawa ng barrier.
Hindi rin pwedeng manatili si Zeque sa Black Academy dahil kailangan niya pa hanapin ang asawa ni Greg. Nababahala siya pagkatapos makita ang pagpapasabog ni Samael sa paligid ng Black Academy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top