CHAPTER 61
Nag-aalalang tinignan ni Zaira si Max.
Simula nang nalaman nito ang tungkol kay Zarah, nagtangka itong pumunta sa Infernal World. Kundi lang ito pinigilan ni Zeque at pinagsabihan na hindi pa sapat ang lakas nito para labanan si Samael, hindi ito magpapapigil.
Ano nga naman silbi ng pagpunta niya kung hindi rin niya magagawang iligtas si Zarah kay Samael?
Ngayon walang tigil si Max sa pagpatay ng mga demon.
Sa sobrang pag-alala ni Zaira sa kaibigan sinamahan niya ito saan man magpunta.
"Wag mo pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka muna," sabi ni Blaize kay Zaira habang salubong ang kilay.
Bumaba ang tingin ni Blaize sa malaking tiyan ni Zaira. Halatang hirap itong maglakad ngunit pilit pa rin sumasama sa kanila.
"Pero gusto ko tumulong," sagot ni Zaira habang nakahawag sa balakang.
"Kung pipilitin mo ang sarili mo baka makasama yan sa anak natin."
"Pero..."
Tinignan ni Zaira si Max. Hanggang ngayon hindi pa rin ito tumitigil sa paghiwa sa demon at zombie. Kahit saan man sila magpunta. Minsan napapaisip si Zaira kung hindi ba ito napapagod.
Lalong napakunot ang noo ni Blaize saka tinignan ng masama si Max. Naiintindihan ni Blaize na gustong makatulong ni Zaira kay Max. Kaya hanggang ngayon kalmado pa rin si Blaize dahil na rin sa walang ibang laman ang isip ni Max kundi si Zarah.
"Ako na bahala sa kanya," sabi ni Zeque.
"Okay," sagot agad ni Zaira.
Inalalayan siya ni Blaize pabalik ng Black Academy habang lumapit naman si Zeque kay Max para kausapin ito.
Hinawakan niya ang kanang kamay nito na itataas sana upang atakihin ang zombie.
"Tama na yan. Magpahinga ka na muna," sambit ni Zeque.
"No. Kulang pa ito para iligtas si Zarah. Kailangan ko lumakas sa lalong madaling panahon."
Hiniwa ni Max ang zombie gamit ang kaliwang kamay.
"Hindi kita dadalhin kay Samael kung ipagpapatuloy mo yan."
Banta ni Zeque habang nakatingin ng masama kay Max.
Nanigas sa kinatatayuan si Max bago bumuntong hininga at yumuko.
"Kung nabantayan ko siya hindi sana siya makukuha ni Samael," aniya.
"Wala ka kasalanan. Sa atin dalawa ako dapat ang magbantay sa kanya bilang guardian ng alter princess."
Napailing si Zeque. Gusto niya tulungan si Zarah noong pumunta siya sa Infernal World pero hindi siya pinagbigyan ng pagkakataon ni Samael.
3 days ago...
Nang malaman ang pagdukot kay Zarah, nagpunta siya agad sa palasyo ni Samael.
"Samael, ibalik mo si Zarah sa amin!" sigaw ni Zeque habang nakatayo sa harap ng gate.
Sumulpot sa harapan niya si Samael. Nakangisi itong tumingin sa kanya bago bumati.
"Yo! Long time no see."
Tinignan siya ng matalim ni Zeque.
"Nasaan si Zarah?"
"Wag ka mag-aalala. Ligtas siya. Hindi ko sasaktan ang taong mahal ko."
"Mahal? Kailan ka natutong magmahal? Sa pagkakaalam ko hindi mo alam ang salitang yan."
Gustong sumugod ni Zeque pero pinigilan niya ang sarili.
"Ano pinaplano mo?" tanong ni Zeque.
Hindi siya naniniwalang may nararamdaman ito kay Zarah. Sigurado siyang may masamang binabalak ito.
"Seryoso ako," sabi ni Samael.
Nang makita ni Zeque ang seryoso ang mukha nito, nag-umpisa siyang magdalawang isip. Peri hindi sapat yun para paniwalaan niya ito.
"Ayaw mo sa mga babae nagalaw na ng iba. Bakit si Zarah?"
Sa tagal na naging kaibigan ni Zeque si Samael, kilala niya ito.
Posible ba na nagbago na ito? Sa isip ni Zeque.
"Iba itong nararamdaman ko sa kanya. Kumpara kay Persephone noon, mas higit pa itong nararamdaman ko sa kanya."
Paliwanag ni Samael sabay buntong hininga.
"..."
"Inaamin ko noong una gusto ko lang siya gamitin pero pagkatapos ko siya makausap, naging interesado ako sa kanya."
Bumalik sa pagkaseryso ang mukha ni Samael.
"Sabihin sa taong karibal ko na may tatlong buwan lang siya para makuha si Zarah. Umalis ka na kung ayaw mo na galawin ko kayo ng asawa mo. Para sayo," aniya sabay bato ng alter necklace kay Zeque.
Pagbalik ni Zeque sa Black Academy, sinabi niya kay Max ang napag-usapan nila. Doon nag-umpisang maging agresibo si Max.
Inaamin ni Zeque na magaling na magaling na swordsmab si Max pero hindi ito sapat para matalo si Samael. Paglalaruan lang siya ni Samael kapag naglaban sila ngayon.
"Laban ko ito para kay Zarah," sabi ni Max.
Natigil sa pag-iisip si Zeque.
"Hindi mo kilala si Samael. Hindi siya patas lumaban. Sigurado may binabalak siyang masama sayo para hindi mo mapuntahan si Zarah."
Malaki ang chance na bago pa sila magkita ni Zarah may masamang nangyari na kay Max. Hindi yun hahayaan ni Zeque na mangyari.
Lumipas ang mga araw. Medyo kumalma na si Max. Tuloy pa rin ito sa pagsasanay pero hindi na ito agresibo.
Naging maayos ang lahat hanggang sa isang masamang balita ang nakuha nila mula sa Bizarre.
"Sorry, kailangan namin pumunta ngayon sa Bizarre. Gusto namin kayo tulungan dito pero lumala ang lagay sa amin," sabi ni Kayden.
Ngumiti si Zaira.
"Ayos lang! Nandito pa naman sila Gin," tugon niya.
"Pasensya na Athena," sabi ni Crystal.
Gusto ni Crystal na manatili kasama nila pero hindi mapigilang mag-aalala sa nag-alaga sa kanya sa Bizarre.
"Naiintindihan ko. Doon ka lumaki kaya importante sayo ang lugar na yun. Saka may pinoprotektahan kayong tao doon. Kung babagsak ang Bizarre, magiging ganito din sa Vendon City. Ayoko rin mangyari yun."
"Wag kayo mag-alala. Kung mapapansin niyo nabawasan ang mga demon dito. Kaya na namin ito," sabi ni Zeque.
"Mag-iingat kayo doon. Gusto ko sana sumama sayo pero mas kailangan ako dito."
Palam ni Gin kay Thea.
"Kayo rin. Mag-iingat kayo palagi. Babalik kami agad kapag naayos na ang lahat sa Bizarre," tugon ni Thea.
Lumikha ng portal si Crystal at isa-isa silang pumasok nina Kaycie, Thea, Kayden at ang mga kasama nilang mythical animal at legendary dragon.
Pagkawala ng portal, hinaling ni Zeque ang tingin kila Zaira.
"Kailangan natin maghiwa-hiwalay. Ako, si Zero at Levi dito sa Livingston. Sa Grambell naman kayo Athena, Blaize at Max. Sorry, Max alam ko na wala ka na oras para di--"
"Naiintindihan ko."
Putol ni Max kay Zeque.
"Balewala rin ang pagligtas ko kay Zarah kung masasakop tayo nila Samael. Saka naniniwala ako sa sinasabi niyo na hindi niya sasaktan si Zarah."
Paliwanag ni Max habang kalmado ang mukha. Hindi na ito tulad noong mga unang lingo na nalaman niya ang tungkol kay Zarah.
Tumango si Zeque bago pinagpatuloy sinasabu.
"Okay, sa Howland naman sina Rhys at Finn. Kayo Ivan, Adrian at Kim sa Copeland, at sa Whitehills ka naman Gin at Peirce. Nagkalat naman doon ang mga taga white legion kaya may makakatulong kayo doon. Mag-iingat kayong lahat."
"Okay!" sagot nila Zaira bago nagsialisan.
"Ken..." sambit ni Athena habang naghahagis ng apoy sa zombie.
"Hmm?"
Sumulyap si Zaira kay Max bago nagsalita.
"Ayos ka lang ba talaga? May apat na araw ka na lang para bawiin si Zarah."
"Hindi rin naman ako dadalhin ni Zeque kay Samael kahit gustuhin ko. Mas kailangan ako dito."
Nanlaki ang mata ni Zaira nang makitang kalmado pa rin ito habang sumasagot. Kahit na gusto niya na hindi ito padalos-dalos tulad noon, naninibago pa rin sa kinikilos nito. Pakiramdam niya wala na itong pakialam kay Zarah.
"Ikakasal si Zarah sa iba kung hindi ka pupunta doon. Ayos lang ba sayo iyon?"
"...."
Napahawak ng mahigpit sa espada si Max at inatake ang demon sa harapan niya.
"Hindi mo ba mahal si Zarah? Kung mahal mo siya, puntahan mo na siya. Kami na bahala dito ni Ian."
Pagkukumbinsi ni Zaira kay Max pero walang emosyon na tingin ang ibinigay nito.
"Athena, ayos lang talaga. Saka tingin mo pa papayag si Zarah na ikasal?"
Umurong ang dila ni Zaira sa taning nito. Alam niyang hindi papayag si Zarah.
"Kahit may usapan sila alam ko na yung gusto pa rin niya ang gagawin niya. Sana nga lang mapatawad niya ako dahil pinahintay ko siya sa wala," sabi ni Max habang may lungkot sa mga mata.
"Pero Ken... kung ako si Zarah, masa--"
"Athena, tama na yan. Nakapagdesisyon na siya. Wag mo na siyang pilitin," sabi ni Blaize sabay hawak sa balikat ni Zaira.
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira.
"Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman ngayon ni Zarah. Iisa lang kami kaya alam ko lahat. Alam kung malungkot ba siya o masaya," sigaw ni Zaira.
Pinunasan niya ang luhang nagtatangkang tumulo sa mata niya bago pinagpatuloy ang sinasabi.
"Alam ko lahat kahit malayo siya. Totoong ligtas siya pero sa loob niya nasasaktan siya, bawat araw na hindi ka dumadating. Hinihintay ka niya Ken. Hindi ka pa rin ba pupunta?" tanong ni Zaira.
Umiwas ng tingin si Max.
"Sorry," sagot nito.
"Okay. Bahala ka," sabi ni Zaira sabay lakad palayo kay Max.
Umiiling na sumunod sa kanya si Blaize habang naiwang mag-isnag nakatayo si Max.
Nakatingin sa lupa si Max habang tumatakbo sa isipan niya ang mukha ni Zarah noong panahong kasama niya ito.
"Max..." tawag sa kanya ni Tora.
Bumuhos ang ulan at nang iangat ni Max ang ulo nito, tumulo ang mga luha niya.
"Ayos lang ako," sagot ni Max habang nakatingin sa langit.
Naghalo ang luha at ulan sa mukha niya ngunit hindi pa rin ito gumalaw. Tinikom ni Tora ang bibig niya habang binabantayan si Max.
Sa Infernal World,
Hawak ang isang marker minarkahan ni Zarah ng ekis ang petsa sa calendar. Lumipas nanaman ang araw subalit wala pa ring Max na dumadating. Naglalapit ang araw ng kasunduan nila ni Samael.
Darating pa kaya si Max?
"Sumuko ka na. Hindi na siya darating," sambit ni Samael habang nakatayo sa may pintuan.
Tinignan siya ng masama ni Zarah.
"Shut up! Sigurado ako na may ginawa ka para hindi siya makapunta."
Nagkibit-balikat si Samael.
"Kahit may ginawa ako. Nasa kanya pa rin kung pupunta siya o hindi."
Nagdilim ang mukha ni Zarah at bumalik sa pagkakahiga.
"Matutulog ako. Wag ka maingay," aniya sabay tago sa ilalim ng kumot.
Lalo lang sumasama ang pakiramdam niya kapag nakikita niya si Samael. Iinit lang ulo niya kapag kinausap niya ito.
"Okay. Goodnight sweetheart."
Kinikilabutan si Zarah nang tawagin siyang sweetheart. Halos dumugo ang mga palad niya dahil sa pagkuyom ng kamao.
Nang marinig niya ang pagsara ng pinto doon lang siya bumangon.
Wag mo ko tawaging sweetheart," bulong niya habang nakatingin ng matalim sa pinto.
"Gusto mo ba makaalis dito?"
"Gustong-gusto."
Napaupo ng tuwid si Zarah nang mapansin niyang may ibang kumausap sa kanya.
Pagtingin niya sa gilid niya may isang babaeng nakatayo habang may karga na baby.
"Sino ka?" tanong ni Zarah.
"Ako si Heloisa. Katulad mo kinulong din ako ni Samael... pero dahil iyon sa kapangyarihan ko."
Napataas ng isang kilay si Zarah sa sinabi nito. Wala siyang pakialam sa dahilan kung bakit ito nakakulong. Ang gusto niya malaman bakit ito nasa kwarto niya.
"Tutulungan kita makatakas pero may isa ako kahilingan," sabi ni Heloisa.
Nagliwanag ang mukha ni Zarah saglit pero napalitin rin ito ng paniningkit ng mata.
"Mapagkakatiwalaan ba kita? Saka paano ako makakatakas dito?"
Kahit gusto ni Zarah tumakas ayaw niyang magtiwala agad. Baka kasabwat ito ni Samael at isa lamang sa patibong nito si Heloisa.
"May kinalaman sa time and space ang kapangyarihan ko. Pwede kita ibalik sa Outlandish. Ah! Hindi pala. Mas mabuti kung sa mortal world pumunta."
Patanong na pinagmasdan ni Zarah si Heloisa.
"Mas ligtas kayo doon. Malapit na masira ang Occult. Kahit anong gawin ng mga kaibigan mo, hindi nila mapoprotektahan ang lahat. Kailangan nila isuko ang iba para sa nakakarami."
Paliwanag ni Heloisa. Mas lalong naguluhan si Zarah pero hindi iyon ang oras para pag-usapan ang kaligtasan ng nakakarami sa Occult. Gusto niya malaman kung makaalis ba siya sa Infernal World.
Hindi importante kung saan siya pupunta basta malayo kay Samael.
Wala naman masama kung maniniwala siya kay Heloisa.
"Ano kapalit ng pagtulong mo sa akin?" tanong ni Zarah.
"Gusto ko alagaan mo ang anak ko."
Bumaba ang tingin ni Zarah sa baby. Niyakap ito ni Heloisa.
"Konti na lang ang oras ko sa mundong ito dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan ko. Bago ako mamatay gusto ko kayo matulungang makaalis."
Nag-uumpisang kabahan si Heloisa nang makitang walang reaksyon si Zarah. Tinuloy niya ang pagpapaliwanag kahit hindi ito nagtatanong.
"Dahil sa kapangyarihan ko nabago ang hinaharap. Pero... dahil din sa pagbabago ng hinaharap, isisilang ang batang tatapos kay Samael."
Gusto sabihin ni Zarah wala siyang pakialam sa sinasabi nito. Gusto niya lang makaalis pero umurong ang dila niya sa sinabi nito.
"Gusto ko gamitin ang kapangyarihan ko sa pagprotekta sa batang iyon. Kahit ayun pa ang ikakamatay ko. Bago ko gawin gusto ko makasiguradong ligtas kay Samael ang anak ko."
Inabot ni Heloisa kay Zarah ang anak niya.
"Itong bata, anak ba siya ni Samael?" tanong ni Zarah habang pinagmamasdan ang bata sa harapan.
"Oo. Gusto rin ni Samael na gamitin ang kapangyarihan nito sa kasamaan. Ganun din ang balak niya sa magiging anak niya. Nakikiusap ako sayo na ilayo mo siya kay Samael. Kahit half demon siya, gusto kong lumaki siya na isang mabuting bata."
Kinuha ni Zarah ang bata kay Heloisa.
"Naiintindihan ko. Payag ako pero hindi ko alam kung maalagaan ko siya ng maayos. Hindi ako mabuting tao."
Ngumiti si Heloisa at mas naging relax ang katawan nito kumpara kanina.
"Nagkakamali ka. Hindi ko siya ipagkakatiwala sayo kung alam ko na masama ka. Naniniwala ako na mapapalaki mo siya ng maayos. Siya at ang mga anak mo," aniya.
Hindi alam ni Zarah kung ano sasabihin niya. Iyon ang unang beses na may nagtiwala sa kanya.
Sabay sila napatingin sa pinto nang makarinig sila ng mabilis ng yapak.
Namutla si Heloisa.
"Natuklasan na nila na wala ako sa kwarto. Kailangan na natin umalis," aniya sabay hawak kay Zarah.
Huminto ang paligid at nawala silang dalawa sa kwarto.
Nang mag-umpisang umandar ang oras, nakita na lang ni Zarah na nasa tapat na sila ng lagusan patunggong mortal world.
"Bakit dito mo ko dinala? Hindi pa ako pumapayag na pumunta sa mortal world," sabi ni Zarah.
Gusto niya muna sana makita si Max bago magtago.
"Kung pupunta ka sa Black Academy, madali ka lang matatagpuan ni Samael. Mas mabuting lumayo ka sa mga kasamahan mo para hindi ka niya makita."
May nilabas na libro si Heloisa mula sa nakabalot na kumot.
"Pagsapit ng labing walong taon gulang ng mga anak mo. Doon lang kayo bumalik dito. Kunin mo ang librong ito."
Tinignan lang ni Zarah ang libro sa harapan.
"Malaki ang maitutulong niyan para makapagdesisyon ka ng maayos."
Paliwanag ni Heloisa nang mapansin niyang walang balak si Zarah na kunin ito. Binalik ni Helosa ang libro sa pagkakabalot bago sapilitang binigay kay Zarah.
"Anak ko, patawarin mo si mama kung iiwan kita. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita," sabi ni Heloisa sabay halik sa noo ng batang buhat ni Zarah.
May nilagay na kwintas si Heloisa na may pendant na hourglass. Tinutok ni Heloisa ang daliri niya sa pendant at doon nagliwanag ang kulay gintong buhangin sa loob ng hourglass. Umikot ito saka bumagsak ang buhangin sa ibaba.
"Ang kwintas na yan ang gagabay sayo para magamit mo ng tama ang kapangyarihan mo. Oras na mamatay ako, mapupunta ako dito. Para kahit wala na ako, makakasama pa rin kita kahit na wala ang physical na anyo ko."
Hinawakan ni Heloisa sa ulo ang anak niya habang nakangiti sa kabila ng luhang nagtatangkang tumulo.
"Ano pangalan niya?" tanong ni Zarah.
"Mira Clockston. Pero mas mabuting itago mo na isa siyang Clockston. Pwede mo ba siyang bigyan ng ibang apelyido?"
"Walang problema. Mula ngayon ikaw na si Mira Lundberg."
Tinignan ni Zarah ang batang buhat-buhat. Mas mabuting gamitin niya ang apelyidong gamit ng pamilya niya sa mortal world.
"Salamat. Ikaw na bahala kay Mira. Bubuksan ko na ang portal. Mag-iingat ka. Gabayan ka sana ng panginoon."
Nguniti si Helosa bago binuksan ang lagusan. Nang magliwanag ito, tinaguan ni Zarah si Heloisa bago pumasok sa loob.
Lumabas siya sa pamilyar na gubat. Pagtingin niya sa likod niya balik sa normal ang lagusan.
Napabuntong hininga si Zarah sabay tingin sa buhat niyang bata.
"Saan na ako pupunta ngayon?" tanong niya sa sarili.
Kahit na nakatakas siya kung wala siyang pera, paano siya makakahanap ng matitirahan? Bukod doon malayo ang gubat sa bahay nila sa mortal world.
"Ano na gagawin ko ngayon?"
Napaupo sa damuhan si Zarah sabay hawak sa tiyan niya.
"Miss, mukha kang kawawa diyan."
Napaangat ng ulo si Zarah nang may magsalita sa tabi niya. Nagkasalubong ang kilay ni Zarah nang makita ang pamilyar na mukha ngunit hindi niya maalala kung sino ito
"Ah! Ikaw?! Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ni Zarah.
"Iron."
"Ayun! Ikaw yung kasama ng taong ahas. Ano kailangan mo sa akin? Wag mo sabihin balak mo ko ibalik kay Samael."
Tinignan ni Zarah ng masama si Iron.
"Matagal na ako hindi nagtatrabaho kay Samael. Nagkataon lang na pabalik ako sa Outlandish. Alis na ako," sabi ni Iron sabay lakad patunggo sa lagusan.
Itataas na sana nito ang kamay upang buksan nang hawakan siya ni Zarah.
"Sandali! May pera ka ba?" tanong ni Zarah.
Tumingin saglit si Iron sa kamay ni Zarah na nasa balikat nito.
"Kalaban ako. Baka nakakalimutan mo kung ano ginawa ko sa inyo dati?"
Paalala ni Iron. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng ginawa nila kakausapin siya nito para bang magkaibigan sila.
"Wala ako pakialam sa nakaraan. Kailangan ko ng pera ngayon. Hindi ako makakauwi sa amin kung wala akong pera. Hindi ka ba naawa sa bata?"
Kumalma ang mukha ni Iron nang makita nito ang buhat ni Zarah.
"Anak mo?"
"Hindi. Pinakiusapan lang ako na alagaan siya. Konti na lang ang oras ng mama niya..."
"Bakit hindi mo siya hayaan? Hindi mo naman siya anak."
Naningkit ang mata ni Iron.
"Hindi pwede. Kawawa ang bata. Walang mag-aalaga sa kanya."
Niyakap ni Zarah ng mahigpit ang batang hawak.
"May puso ka pala? Akala ko katulad ka rin ng kapatid mo," sabi ni Iron.
Kinuha ni Iron ang wallet sa bulsa sa pinahawak kay Zarah.
"Sayo na itong pera ko. Babalik na din naman ako sa Outlandish. Hindi ko magagamit yan."
Nanlaki ang mata ni Zarah ng buksan niya ito.
"Ang dami. Saan mo ito nakuha?"
"Ninakaw ko."
Napairap si Zarah saka binulsa ang wallet.
"Ano pa ba aasahan ko sa katulad mo? Pero salamat pa rin."
Napasimangot si Iron sa sinabi nito. Tinignan niya ng masama si Zarah bago bumaba ang tingin sa batang hawak nito.
Muling umamo ang mukha nito.
"Hindi yan libre. Bayad yan sa pag-aalaga mo sa anak ni Alyza. Kung babalik ka sa bahay niyo, sigurado akong makikita mo siya. Hanggang nandito sila, ikaw muna tumingin kay Alice. Alis na ako, bye!"
Paalam nito at nagmadaling pumasok sa lagusan.
Huli na nang mapansin ni Zarah ang ibig nitong sabihin.
"Teka!" sambit ni Zarah.
Napahinto siya saglit sa paglakad.
"Pinakiusapan niya rin ba ako na mag-alaga ng bata? Kailan pa ako naging yaya?" tanong niya sa sarili habang salubong ang kilay.
Napahawak sa baba si Zarah habang napapaisip kung bakit nag-aalala si Iron sa anak ni Alyza.
Siya ba ang tatay nito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top