CHAPTER 60
Nakatanaw sa kulay abong kalangitan si Samael. Walang buhay ang mga mata nito kumpara sa tuwing maghaharap sila ni Zeque.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Risa. May hawak itong itim na libro.
"Ito na po ang pinapakuha niyo," sambit ni Risa.
Tinignan ni Samael ang librong may titulong The Book of Prophecy bago kinuha.
Umilaw ito at kusang bumukas at mabilis na lumipat ang pahina nang huminto ito isang salita ang lumabas sa blankong pahina.
Isang batang babae ang isisilang taon na ito at siya ang magdudulot ng kamatayan mo.
"Sino ang batang papatay sa akin? Saan siya manggagaling?" tanong ni Samael.
Isang pangungusap ang muling lumabas.
Nagmumula ito sa pamilyang nagtataglay ng eternal blood.
"Eternal Blood? Zeque?"
Napahawak sa baba si Samael habang salubong ang kilay.
'Anak mo ang papatay sayo...'
Napailing si Samael nang maala ang sinabi ni Heloisa sa kanya. Naisip niya rin na kahit walang eternal blood si Zarah, galing pa rin ito sa pamilya ng mga eternal blood.
Sinara ni Samael ang libro.
"Kailangan ko malaman kung sino sa kanila ang magkakaanak sa taon na ito. Kailangan ko makausap si Heloisa," aniya habang nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Nagtunggo siya sa kwarto ni Heloisa. Pagbukas niya ng pinto naabutan niya itong pinapatulog ang anak nila na mag-iisang taon na.
Bago pa makapagsalita si Samael, niyakap ni Heloisa ng mahigpit ang anak habang nakatingin ng masama kay Samael.
"Ano kailangan mo?" tanong ni Heloisa.
"Sabihin mo sa akin, sino ang papatay sa akin? Ayon sa librong ito, isisilang ngayong taon ang papatay sa akin."
Pinakita ni Samael ang librong hawak. Sinulyapan lang ito ni Heloisa bago sumagot.
"Sinabi ko na sayo. Anak mo ang papatay sayo."
"Sinungaling! Sinasabi mo lang yan para masira lahat ng plano ko."
Nanlisik ang mata ni Samael at akmang sasampalin si Heloisa.
"Uwaaaaaahhhhhhh!" iyak ng baby.
Huminto sa ere ang kamay ni Samael sabay tingin sa anak nila.
Tinignan siya ng masama ni Heloisa bago sinuyo ang bata.
"Kung ayaw mo maniwala, edi wag! Kung wala ka na kailangan, makaalis ka na. Iniistorbo mo ang tulog ng anak ko."
"Anak natin."
Pagtatama ni Samael. Nabuo ang bata dahil sa demon blood essence niya.
"Walang kang karapatang maging ama ng anak ko. Umalis ka na!" sigaw ni Heloisa.
Nagtinginan sila ng masama bago lumabas si Samael. Kung hindi lang kailangan ni Samael ng kapangyarihan nito, matagal na niya ito pinatay.
"Mas mabuti pa siguro kung dalawin ko sila Zeque," sabi ni Samael saka gumawa ng blackhole.
Mula sa langit tinignan ni Samael ang Black Academy. May barrier ito na pumipigil makapasok ang mga demon at zombie.
Lumipad palayo si Samael habang palingon-lingon sa paligid. Kahit saang bahagi may nakikita siyang naglalaban. Lahat yun nilampasan niya nang hindi niya makita ang pakay niya.
Napangiti si Samael nang makita ang isang babae na may itim na buhok.
"I found you!" aniya sabay lipad palapit sa babae.
Napalingon ito sa kanya na tila ba naramdaman niyang may palapit. Napahakbang ito paatras.
"Samael!"
Tinignan niya ng masama si Samael subalit lalo lang lumawak ang ngiti nito.
"Long time no see, Zarah."
May nabuong hugis espada sa kamay ni Samael at pinanghiwa ito.
Sinalo naman ito ni Zarah gamit ang hawak na espada. Napilitan siyang mapahakbang ng tatlong beses dahil sa lakas ng impact nito. Mabilis na lumapit sa kanya si Samael at muli itong inatake.
Walang magawa si Zaira kundi dumipensa. Hindi nito mapigilang mapakunot ng noo at binigyan ng nakakamatay na tingin si Samael.
"Ano kailangan mo sa akin?" tanong niya
"Kailangan ko patayin ang batang dinadala mo," sabi ni Samael.
Namutla si Zarah at napahawak sa tiyan gamit ang kaliwang kamay.
Napansin ito ni Samael kaya tinangka niya itong tusukin. Hindi man siya sigurado kung babae ba ito o lalaki mas mabuting patayin niya ang lahat ng batang isisilang na nagmumula sa pamilya nila Zeque.
"No way!" sigaw ni Zarah sabay hakbang paatras ng mabilis.
Itinutok niya ang espada kay Samael bago ito makalapit.
Walang emosyong tumingin sa kanya si Samael bago magsalita.
"Hanggang hindi ba siya tuluyang nabubuo, mas mabuting mawala siya."
"Hindi ako makakapayag na patayin mo ang anak ko!"
Humakbang palapit si Samael at bago ito matusok huminto ito saka ngumiti sa kabila nang nakatutok na espada sa kanya.
"Ano naman magagawa mo? Kaya mo ba ako patayin?" tanong nito sabay lakad hanggang sa tumusok sa dibidib niya ang espada.
Nanlaki ang mata ni Zarah habang nakatingin sa dugong nagmumula sa dibdib ni Samael.
"Kita mo na? Hindi mo ko mapapatay. Wag ka mag-aalala, bibigyan kita ng panibagong anak. Gagawa tayo ng marami," sabi ni Samael.
"Kung ikaw ang magiging tatay ng anak ko, mas gugustuhin ko pang wag magkaanak."
Napataas ang isang kilay ni Samael saka ngumiti.
"Paano kung sabihin ko sayo na anak ko ang dinadala mo? Papayagan mo ba ako na patayin siya?"
Bumilis ang tibok ng puso ni Zarah. Tinignan niya ng masama si Samael.
"Sino niloko mo? Anak namin ito ni Max."
"Anak niyo nga ba siya? Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa atin?"
Nawalan ng dugo ang mukha ni Zarah. Gusto niya sabihin na walang nangyari sa kanila pero hindi niya alam kung panaginip nga lang ba yung nangyari.
"No way! Panaginip lang yun."
Hindi mapigilang matawa ni Samael dahil sa reaksyon nito.
"Panaginip? Totoo ang nangyari. Ginawa natin yun sa black dimension."
Nanginig si Zarah. Halos gumuho ang mundo niya sa narinig. Gusto niya makita sa mukha ni Samael kung nagsasabi ba ito ng totoo pero hindi niya ito mabasa.
"Sinungaling! Hindi totoo yan," sigaw ni Zarah.
Hinawakan ni Samael ang kamay ni Zarah sa espada at hinila ito palapit sa kanya sa kabila ng pagbaon ng espada.
Hinawakan niya sa baba si Zarah at direktang tumingin sa mga mata nito.
"Totoo ang sinasabi ko."
Nanigas sa kinatatayuan si Zarah ngunit nakipaglaban pa rin ito ng tingin kay Samael.
Napangiti si Samael ng mapansin walang pahid ng takot ang mata nito.
"I like you," sabi ni Samael.
"..."
"Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang may kayang makipagtitigan sa akin ng ganyan."
Binitawan niya si Zarah habang may ngiti sa labi subalit bago pa magkakilos si Zarah nagulat siya sa sunod nitong ginawa.
"Dahil natuwa ako sayo, hindi ko muna papatayin ang bata. Sasama ka sa akin at pareho natin hihintayin ang paglabas niya. Oras na babae ang bata, kakainin ko siya," sambit ni Samael sabay tulak sa kay Zarah papasok ng blackhole.
Habang nakikipaglaban si Max, napakunot ang kilay nito sabay hawak sa puso niya. Tumingin siya sa paligid.
"Nasaan si Zarah?" tanong ni Max nang hindi niya ito makita.
"Hindi ko alam. Nakikita ko pa siya kanina malapit sa atin," sagot ni Kayden.
"Baka may hinabol na kalaban? Babalik din yun," sabi ni Zaira nang mapansin niyang hindi maganda ang mood ni Max.
Tumango si Max at pinagpatuloy ang ginawa subalit wala pa rin ito sa sarili. Ilang beses ito kamuntik na mapatay, mabuti na lamang nailigtas siya nila Kayden.
"Bro, ayos ka lang?" tanong ni Gin habang tinutulungan makatayo si Max.
"Maggagabi na wala pa rin si Zarah," sabi ni Max.
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira.
"Sigurado akong ayos lang siya pero bakit wala pa siya?" sabi nito.
"Hahanapin ko siya," sambit ni Max sabay takbo palayo.
Naglibot si Max pero hindi niya nakita si Zarah. Nang dumilim ang kalangitan, wala siya magawa kundi bumalik ng mag-isa sa Black Academy.
"Nandyan na ba si Zarah?" tanong niya.
Nakasimangot na umiling si Zaira.
Bumaba lalo ang balikat ni Max at mabagal na naglakad. Hindi ito nakatulog magdamag sa kakaisip kay Zarah. Sigurado siyang may nangyari dito kaya nawala na lang ito bigla.
Nang lumabas ang haring araw, nag-ikot agad si Max.
"Nakita mo na si Zarah?" tanong ni Zaira nang magkasalubong sila.
"Hindi pa rin," sagot ni Max habang nakayuko.
Hinawakan siya sa balikat ni Zaira.
"Wag ka mag-aalala. Kung nasaan man siya, nararamdaman kong ayos lang siya."
"Kahapon pa siya hindi bumabalik. Wala ba talaga nakakita sa kanya?"
Umiling si Zaira. Nagtanong na sila kahit kanino pero walang nakapagsabi kung nasaan si Zarah.
"Max! May balita ako tungkol kay Zarah," sigaw ni Kayden sabay baba sa langit.
Nawala ang pakpak nito at tumakbo sa harapan ni Max.
"Narinig ko sa usapan ng mga demon na inuwi daw ni Samael si Zarah para pakasalan," aniya.
Nanlaki ang mata ni Zaira
"Kasal?" tanong ni Max.
Nagdilim ang mukha ni Max habang napayakap naman sa sarili sila Kayden. Nilingon ni Kayden si Zaira upang huningi ng tulong.
"Rumor lang yun. Imposibleng magpakasal si Zarah kay Samael. Ikaw lang mahal nun," sabi ni Zaira.
Napakuyom ng kamao si Max.
"Hindi ako makakapayag na ikasal sila. Kukunin ko siya kay Samael. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba," sabi ni Max.
Ngumiti si Zaira habang si Kayden nanlaki ang mga mata.
"Hindi ko alam na may nararamdaman ka talaga kay Zarah. Akala ko napipilitan ka lang," sabi ni Kayden.
"Matagal ko na alam na mahal niya si Zarah. Pero nakakagulat pa rin yung sinabi niya," sambit ni Zaira.
Tinapik naman ni Blaize ang balikat ni Max.
"Goodluck," aniya.
Nag-init ang mukha ni Max. Wala sana siya balak umamin sa harap nila Zaira pero dumulas ang dila niya at nasabi ang nasa loob niya.
"Sa isip ko lang dapat yun," bulong ni Max.
Samantala sa kwarto ni Samael, halos umusok ang ilong ni Zarah habang kinakatok ang pinto.
"Samael! Palabasin mo ko dito! Balik mo ko kay Max!" sigaw niya.
"Sinabi ko na. Dito ka na titira kasama ko," sagot ni Samael habang nakatayo sa tapat ng nakandadong pinto.
"Ayokong makasama ka! Palabasin mo ko dito."
Nawala si Samael sa kinatatayuan niya at sumulpot sa likod ni Zarah.
Bang! Nanigas sa kinatatayuan si Zarah habang nakatingin sa kamaong tumama sa pinto. Dahan-dahan siyang humarap kay Samael at sinamaan ito ng tingin.
"Hindi mo ko matatakot sa suntok mo," sabi ni Zarah.
Walang emosyon siyang tinignan ni Samael.
"Paano kung sabihin ko sayo na papatayin ko si Max? Hindi ka pa rin ba matatakot? Ano kayang itsura ang ipapakita mo sa akin oras na makita mo ang malamig na bangkay niya?"
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah at pinagpawisan. Hindi siya takot kay Samael pero takot siyang saktan nito si Max. Subalit wala siyang balak magpakita ng kahinaan sa harapan ni Samael.
"Bakit hindi mo subukan? Isa nga palang immortal si Max. Hindi ko matiis na maiiwan akong ganito habang siya tumatanda. Binigyan ko siya ng dugo nila Athena."
Ngumisi si Zarah.
"Oh! Totoo nga na makasarili ka?"
Hinawakan ni Samael ng mahigpit ang mukha ni Zarah. Halos mapanguso ito dahil sa pagkakahawak nito sa kanya.
Nilapit ni Samael ang mukha niya at tumigil bago magdikit ang labi nila.
"Nadagdagan nanaman ako ng dahilan para gustuhin ka. Pareho tayo na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto natin. Mas bagay tayo kaysa sa taong yun. Ako lang magmamahal sayo ng ganito."
Halos matawa si Zarah sa sinabi nito. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito pero bago siya mapangiti muling sumama ang mukha nito sa sunod na sinabi ni Samael.
"Si Max? Hindi ka talaga mahal niya."
"Hindi totoo yan! Mahal ako ni Max," tugon agad ni Zarah sabay tulak kay Samael.
"Kung mahal ka niya bakit wala pa siya? Naalala ko noon, agad siya pumunta dito para lang iligtas noon si Zaira."
"Hindi niya lang alam na nandito ako. Sigurado ako hinahanap na niya ako."
Lalong napakunot ang noo ni Zarah nang makitang ngumiti lalo si Samael.
"Oras na malaman niyang dinukot mo ko, pupuntahan niya ako agad."
Pahabol ni Zarah.
"Kung sigurado ka bakit hindi tayo magkaroon ng kasunduan?" tugon ni Samael.
"Kasunduan?"
Tumango si Samael.
"Bibigyan ko siya ng tatlong buwan. Oras na hindi siya dumating papakasalan mo ko," paliwanag niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Zarah.
Tinulak ni Zarah ang mukha nito.
"Lumayo ka nga sa akin. Masyado ka malapit. Payag ako. Kapag dumating siya palalayain mo na ako at hahayaan mo na kami."
Hindi gumalaw sa kinatatayuan si Samael sa kabila ng pagtulak ni Zarah. Ngumisi lang ito bago sumagot.
"Okay," aniya sabay hawak sa kamay ni Zarah.
Dumikit si Samael kay Zarah hanggang sa mapasandal ito sa pinto. Bago pa manlaban ang dalagita, kinagat niya ang leeg nito.
"Teka! Ano ginagawa mo?" sigaw ni Zarah habang sinubukang itulak si Samael.
Subalit para itong poste na kahit anong tulal niya hindi gumagalaw. Napakagat na lang sa labi si Zaira dahil sa hapdi ng balat niya. Tuwing madidikitan ito ng dila ni Samael para siyang napapaso.
Pakiramdam niya may sumusulat ito gamit ang dila pero hindi niya ito maintindihan.
Nakangiting binitawan siya ni Samael.
"Done. Tanda yan ng kasunduan natin. Mawawala lang yan oras na may manalo sa atin," aniya bago mawala sa harapan ni Zarah.
Napahawak si Zarah sa leeg niya. Gusto niya ito tignan pero wala siyang makitang salamin sa kwarto ni Samael.
'Ano nilagay niya sa akin? Wala akong tiwala sa kanya. Baka may iba pang ibig-sabihin ito. Kailangan ko umisip ng paraan para makatakas dito,' sa isip ni Zarah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top