CHAPTER 6
"Kanino ka sasabay?" tanong ni Asher kay Zaira habang palabas sila.
"Kay Ke--"
"Sa akin ka sasabay."
Putol sa kanya ni Blaize at bago pa siya makaangal hinila na siya nito sa tapat ng sasakyan.
Binuksan ni Blaize ang pinto.
"Sakay na," aniya habang seryosong nakatingin sa kanya.
Napabuntong hininga na lang si Zaira. Alam niya kapag sumabay siya kay Max, magseselos nanaman ito. Kahit na close sila takot pa rin siya dito tuwing magagalit ito.
Tinignan ni Zaira si Max at saktong nakatingin ito sa kanila.
"Sorry Ken, kita na lang tayo sa school," sabi ni Zaira saka sumakay sa sasakyan.
Napag-usapan nila na sabay sila papasok pero hindi na niya ito magagawa. Babawi na lang siya sa ibang bagay.
Nagsitaasan bigla ang balahibo ni Zaira nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya na masama. Nilingon niya si Blaize na nakaupo na sa tabi niya.
"Bakit nanaman?" tanong niya dito.
"Mula ngayon sa akin ka lang sasabay papasok at pauwi," sagot ni Blaize.
Noong una gusto niya sabihin kay Zaira na wag mag-isip ng ibang lalaki pero ayaw niyang malaman nito na binabasa niya ang isip niya. Nagseselos man siya mas pinili na lang niya manahimik.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Zaira.
"Sasabay ako kung kanino ko gusto."
"Anong sabi mo?"
Tumalim lalo ang tingin nito sa kanya. Hindi tuloy maiwasang mapalunok ni Zaira sa takot lalo na nang lumapit ito.
Pansin pa naman niya tuwing may nasabi siyang hindi maganda palagi siyang hinahaliksn nito.
"A-ano gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Zaira nang malapit na ang mukha nito sa kanya.
Bumaba ang tingin ni Blaize sa labi niya habang palapit nang palapit ang mukha nito. Pipikit na sana si Zaira nang huminto ito bigla.
Narinig ni Zaira ang tunog ng seatbelt niya kaya napatingin siya dito.
Namula siya bigla dahil akala niya hahalikan siya nito. Nang muli niyang tignan si Blaize, nakangiti na ito sa kanya.
"Kung gusto mo ng kiss, pagbibigyan kita," aniya saka muling nilapit ang mukha niya.
"..."
Hindi na alam ni Zaira ang gagawin niya. Gusto niyang magtago pero alam niyang hindi siya hahayaang paalisin nito. Hiyang-hiya siya sa nangyari.
'Bakit kasi hindi niya sinabi na ilalagay lang niya ang seatbelt? Saka pwede naman na ako maglagay nun,' reklamo ni Zaira sa isipan niya. Wala siya balak sabihin ito kay Blaize.
"Ahem, tama na ang landian mahuhuli na kayo sa klase."
Napaayos bigla ng upo ang dalawa saka napatingin sa likod kung saan nakaupo si Ivan.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Blaize.
Lalong lumawak ang ngiti ni Ivan nang mapansing ang pamumula ng tenga ni Blaize.
"Ganyan pala ginagawa mo kapag dalawa lang kayo ha. Tsk. Tsk. Sa sobrang busy niyo hindi niyo namalayan na sumakay ako."
Lalong namula si Zaira sa isip na baka nakita rin ni Ivan ang reaction niya habang nilalagay ni Blaize ang seatbelt niya.
"Yeah right, kung mahalaga ako sayo bumaba ka na para masolo ko si Athena," sagot ni Blaize.
"Sorry, hindi kita mapagbibigyan. Kailangan ko ng masasakyan at nagkataon na papunta rin ako sa Black Academy."
Pinakita ni Ivan ang id niya sa Black Academy.
"Teacher ka na sa Black Academy?" tanong ni Zaira.
"Oo, pero part time job lang. Kailangan ko pa rin magtrabaho sa company ng papa mo."
"Ito na pagkakataon ko," bulong ni Max habang nakatingin kay Zaira.
Tumingin siya sa paligid upang masigurado na wala si Blaize bago naglalakad palapit kay Zaira.
Inakbayan niya ito.
"Saan ka pupunta?" tanong niya habang sinasabayan niya ito sa paglalakad.
Nagulat si Zaira sa pag-akbay nito at nilingon ang binata.
"Ken, ikaw pala."
Napalunok bigla si Max nang mapansin na magkalapit ang mukha nila. Sa sobrang lapit natutukso siyang halika si Zaira.
'Siyet! Tukso layuan mo ko. Ang babae dapat nirerespeto.' sa isip ni Max sabay iling.
"Huy! Ayos ka lang?" tanong ni Zaira.
"Ha? O-oo. Tara kain tayo, libre kita."
"Gusto ko ice cream."
"Labas tayo ng Black Academy."
Minsan lang niya masolo si Zaira kaya hindi na niya susulitin na niya ito. Lalo na wala si Blaize para magbantay.
"Baka hanapin nila tayo," alanganin na sagot ni Zaira.
"Itetext ko kuya mo."
"Sige. Basta libre mo ko ice cream."
"Opo," tugon ni Max sabay kurot sa pisngi niya.
Lumabas sila ng Black Academy sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader upang walang makakita sa kanila.
Sa tulong ng puno na malapit sa pader nagawa nilang makaakyat agad.
"Talon na! Sasaluin kita," sabi ni Max.
Hindi nagdalawang isip si Zaira na tumalon, malaki ang tiwala niya kay Max at alam niyang hindi siya hahayaang masaktan.
Sa opisina ni Headmaster Black,
"May mission akong ipapagawa sa inyong tatlo," sabi ni Headmaster Black.
"Anong klaseng mission? Pupunta po ba kami ulit sa ibang lugar?" tanong ni Adrian.
"Pumunta kayo sa base ng white legion at ibigay ang kasulatang ito."
Isang envelope ang inabot sa kanila.
"Para saan po ito?" tanong ni Rhys habang kinukuha ito.
"Isa yang invitation letter para sa nagpapatakbo ng organization nila. Siguraduhin niyong sa pinuno nila mismo mapupunta yan saka wag kayong aalis hanggang hindi siya sumasagot sa invitation."
Napaisip si Rhys sa sinabi nito. Kilala ang white legion sa kahit saan man sa Outlandish pero kabaligtaran nito ang nagpapatakbo nito. Walang sinuman nakaalam kung sino ang nasa likod ng organisasyon nila
"Diba hindi basta-basta nakikipag-usap ang mga taga White Legion? Hindi din madali pumasok sa base nila," tanong ni Rhys.
"Tama! Kaya kayong tatlo ang napili kong pumunta. Gamitin niyo ang ability niyo para makapasok kayo. Mag-iingat kayo dahil marami silang naimbentong kagamitan laban sa mga katulad natin. May tanong pa ba kayo?"
"Wala na po."
Nagpaalam na silang tatlo saka lumabas ng opisina.
Habang pabalik sila natanaw ni Adrian sila Zaira sa bintana.
"Si Zai yun diba? Kasama niya si Max, saan sila pupunta?" tanong niya.
Napatingin sila kay Blaize. Pansin nila ang pagpigil nito kay Max na makalapit kay Zai buong mahapon. Kundi lang sila pinatawag ni Headmaster Black hindi ito aalis sa tabi ni Zaira.
"Sundan natin?" tanong ni Rhys nang mapansin ang pagdilim ng mukha ni Blaize.
Tumalon mula sa bintana si Blaize na ikinagulat ng dalawa.
"Wait!" sigaw ni Adrian saka sumunod sa kaibigan.
Patago nila sinundan ang dalawa at ngayon nakatingin sila sa pader kung saan dumaan sila Zaira.
"...."
"Bakit diyan sila dumadaan? Pwede naman sa gate," tanong ni Adrian.
Hindi niya maintindihan ang tumakbo sa isip nila Max. Hindi naman bawal sa kanila ang lumabas ng Black Academy.
"Bilisan na natin," sabi ni Blaize.
Pagkababa nila Rhys nanlamig sila bigla at nakaramdam ng masamang aura na nagmumula kay Blaize
Nang makita nilang magkahawak kamay sila Zaira naunawaan nila agad kung ano nangyayari sa kaibigan nila.
"Rhys, ano gagawin natin? Mukhang siyang papatay," bulong ni Adrian.
Napabuntong hininga si Rhys.
"Ang swerte ni Max," mahinang sabi ni Rhys.
Katulad ni Blaize may gusto rin siya kay Zaira pero wala siyang balak makipag-agawan sa dalawa. Alam niyang wala siyang laban saka kung saan sasaya si Zaira, doon siya. Kontento na siya na makitang masaya ang dalaga kahit na hanggang kaibigan lang siya.
"Tara na sa White Legion," sabi ni Rhys bago pa sumabog sa selos si Blaize.
"Chocolate flavor yung sa akin," sabi ni Zaira.
"Dalawang chocolate ice cream," sabi ni Max sa babaeng nagtitinda.
Kapansin-pansin ang pagsulyap nito kay Max. Nang mag-umpisa na itong magpacute sa harap nila, hindi mapigilan ni Zaira na mainis. Bukod sa mabagal ang kilos nito, mukha itong walang balak ibigay ang ice cream nila.
"Miss, yung ice cream namin tunaw na," sabi ni Zaira pero parang walang narinig ang babae.
"..."
Lumapit si Zaira kay Max saka bumulong.
"Ken, konti na lang tatamaan na siya sa akin. Pigilan mo ko."
"Ahem. Miss?" sambit ni Max.
Nagliwanag ang mukha ng babae na para bang nanalo sa lotto.
"Yes?" sagot nito.
"Yung ice cream namin kanina pa. Naiinip na girlfriend ko," sabi ni Max sabay akbay kay Zaira.
Napangiti si Zaira nang makita ang pamumula ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa galit o sa hiya.
"Sorry sir!"
Dali-daling binigay ng babae ang ice cream.
"Sayang taken na," bulong ng babae habang nakatingin kila Zaira.
"Lakas ng tama niya sayo," sabi ni Zaira.
Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang bulong ng babae.
"Ganun talaga kapag gwapo. Ikaw nga lang itong hindi tinatablan ng kagwapuhan ko. Minsan tuloy napapaisip ako kung babae ka ba talaga," tugon ni Max.
"Babae ako!" sigaw ni Zaira saka tumayo sa harapan ni Max.
"Tignan mo ko," aniya sabay gaya sa babaeng nagpapacute kay Max.
"..."
Natulala na lang si Max sa kanya.
'Cute,' sa isip ng binata.
Kahit hindi ito umarte sa harapan niya na katulad ng ibang babae, matagal na tumatak sa isipan niya na babae ang kaibigan. Kahit hindi ito cute magdamit.
Noon pa man may gusto na siya dito.
"Ken, namumula ka?! Tinatablan ka na ba ng charm ko?" pabirong sabi ni Zaira sabay tawa.
"..."
Umiwas ng tingin si Max.
"Bakit hindi ka sumasagot? Ken?" tawag ni Zaira sa kanya sabay sundot sa tagiliran nito.
"Wag kang makulit," sambit ni Max habang umiiwas subalit hindi siya tinigilan ng dalaga.
"Athena, tumigil ka na. Nakikiliti ako!"
Napatakbo na lang si Max dahil sa kulit ni Zaira.
"Hahaha."
Tumatawang hinabol siya ni Zaira hanggang sa makaramdam na ito ng pagod.
"Ayoko na! Tunaw na ice cream ko." sigaw niya.
Hinihingal siyang umupo sa bench. Pagtingin niya sa ice cream niya tumulo na ito sa kamay niya. Habang kumakain siya naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Pagtingin niya kay Max, kinakain na rin nito ang ice cream.
Napasimangot si Zaira nang makita ang kamay niya na may kulay chocolate na nakadikit, ramdam niya ang lagkit nito. Gusto niya maghugas ng kamay.
"Ang dumi ng kamay ko," sabi ni Zaira habang nakanguso.
"Akin na, punasan ko," sabi ni Max.
Walang reklamong inabot ito ni Zaira.
Gamit ang sariling panyo pinunasan niya ang kamay ng dalaga. Nang malinis na niya ito binuhasan niya ito ng alcohol upang mawala ang lagkit.
'Para siyang nanay...' sa isip ni Zaira habang pinagmamasdan ang kaibigan.
Napadpad ang paningin niya sa buhok nito nang may mapansin siyang kulay puti. Nilapit niya ang mukha niya para ito makita ng maayos.
Nang makita niyang dumi ito, inangat niya ang kamay upang tanggalin ito.
"Okay n--"
Natigilan si Zaira at nanlaki ang mga mata nang inangat ni Max ang ulo niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya habang tumatakbo sa isip ang magkadikit nilang labi.
"..."
Natauhan si Max sa nangyari.
"Sorry," aniya sabay tayo.
Hindi niya sinasadyang halikan si Zaira.
'Galit ba siya?'
Kinakabahang tinignan ni Max ang kaibigan. Kahit gusto niya ang nangyari, ayaw niyang magalit si Zaira sa kanya.
Halos hindi na niya alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Lalo na nang makitang nakayuko lang ang dalaga.
"Athena?"
"..."
Nag-umpisang mataranta si Max.
"Sorry, hindi ko sinasadyang hali--"
Parang tumigil ang mundo ni Max nang halikan siya ni Zaira.
Lalong nagwala ang puso niya sa nangyayari.
Hinawakan siya sa batok ni Zaira kasabay ng paggalaw ng labi.
'Ano nangyayari? Nanaginip ba ako?'
Hindi makapaniwala si Max sa nangyayari. Kung panaginip man ang lahat mas gugustuhin na niyang wag gumising.
Pero agad din siya natauhan nang tumigil si Zaira, lalo na nang makita niya ang kulay ng mata nito.
"Zarah?"
Ngumiti si Zarah sa siya mabilis na hinalikan sa labi.
"..."
Nang maging itim ang buhok ng dalaga masigurado niya na hindi Zaira ang humalik sa kanya. Hindi na niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa ginawa nito.
"Max, kita na lang tayo sa bahay. May pupuntahan lang ako saglit," sabi ng dalaga sabay takbo.
Malayo na siya nang kumilos si Max.
"Sandali! Saan ka pupunta?" sigaw ni Max pero hindi na ito napansin ng dalaga dahil isa lang nasa isip niya...
Kailangan niya makalayo kayo Blaize. Napansin niya itong nakatingin ng masama sa kanila kanina habang hinahalikan niya si Max. Bago pa nito sugurin ang pinakamamahal niyang lalaki mas pipiliin na niyang lumayo.
"Kung wala lang siya kanina, hindi ako titigil sa paghalik kay Max. Sa tagal nilang magkasama ngayon lang yun nangyari," bulong ni Zarah sabay hawak sa labi niya.
Hindi niya mapigilang mapangiti sa nangyari.
'Nakakatulong din pala sa akin ang paghalik ni Max para macontrol ko ang katawan ni Zaira,' sa isip ni Zarah.
"Where are you going?"
Nanlaki ang mata ni Zarah nang sumulpot si Blaize sa harapan niya.
'Paano siya napunta sa harapan? Wait! Hindi yun ang problema. Hindi niya ako pwede mahuli."
Tumalikod si Zarah at muling tumakbo subalit sa pangalawang pagkakataon sumulpot sa harapan niya si Blaize.
'Ang bilis niya...'
Bago pa siya muling nakatakbo, hinawakan na siya sa kamay ni Blaize at hinila. Sinandal siya nito sa pader nakitang pader saka tinignan ng masama.
"...."
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ni Blaize.
Sa galit ni Blaize humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Pero sa halip na mainis si Zarah, ngumiti pa ito.
"Alin? Yung paghalik ko kay Max?" tanong niya.
Sumama lalo ang aura ng binata. Kung ordinaryong tao lang ang nasa harap niya baka nanginig na ito sa takot. Pero iba si Zarah.
Hindi niya pinansin ang sakit na nararamdaman kahit bumakat pa ang kamay ng binata sabrang higit ng pagkakahawak sa kanya. Kahit lumabas na ang pangil nito at lalong namula ang mga mata nito na tila ba umiilaw.
Lahat iyon balewala sa harap ni Zarah. Malamig niyang tinignan si Blaize.
"Sige, saktan mo ko. Para masaktan din ang babaeng iniibig mo. Ano na lang sasabihin ni Zaira sayo kapag nalaman niya itong ginagawa mo?"
Parang binuhasan ng malamig na tubig si Blaize sa sinabi ni Zarah. Lumuwag ang pagkakahawak niya saka bumuntong hininga.
Kahit gusto niya saktan si Zarah, katawan pa rin ni Zaira ang gamit nito.
"Zarah!" sigaw ni Max.
Kusang napatingin sa kanya ang dalaga nang marinig nito ang tinig ng binata.
Nagdilim ang mukha ni Max nang makita ang sitwasyon ni Zarah.
"Blaize, ano ginagawa mo sa kanya?" galit na sigaw niya.
Lumundag ang puso ni Zarah nang makitang galit si Max. Masaya niyang nilingon si Blaize upang inisin ito.
Hindi niya inaasahan na isang halik ang sasalubong sa kanya. Agad niyang pinagsisihan na humarap siya sa binata.
Bumalik na sa dati ang kulay ng mata ni Zaira ngunit tuloy pa rin sa pahalik ang binata.
Bago pa makakilos si Zaira nasuntok na ni Max ang binata.
"Ian!" sigaw niya nang mapaupo ito.
Tumayo si Blaize saka sinugod si Max. Nag-umpisang magsuntukan ang dalawa sa harapan ni Zaira.
"Tama na yan! Tumigil kayo!"
Awat sa kanila ni Zaira. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na niya alam kung paano niya aawatin ang dalawa.
"Ken tama na! Ian!" sigaw niya.
Halos maiyak na siya nang makakita siyang dugo.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Zeque.
Tumango si Zaira bilang tugon.
Nang magkaroon ng katawan si Zeque agad niyang nilapitan ang dalawa at pinaglayo sa pamamagitan ng hangin.
Pareho silang tumalsik sa magkabilaang direksyon.
"What the hell!" sigaw ni Blaize habang tumayo.
Balewala lang sa kanya ang sakit ng pagkabagsak. Hindi tulad ni Max na halos mamilipit na sa sakit ng nararamdama.
"Sh*t! Nakalimutan mo na bang tao ako?"
Reklamo ni Max kay Zeque habang nakahawak sa balikat niya. Pakiramdam niya nabali ang buto niya dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya.
"Ken, ayos ka lang ba?" tanong ni Zaira habang tinutulungan siya makatayo.
"Tsk."
Tinignan sila ng masama ni Blaize. Lalo uminit ang ulo niya nang makitang mas unang nilapitan ni Zaira si Max.
"Athena, mamili ka. Ako o siya?" tanong ni Blaize.
"Bakit kailangan ko mamili? Para saan?"
Sa bilis ng pangyayari, hindi na maintindihan ni Zaira kung bakit siya napasok sa sitwasyon nila ngayon. Ang alam lang niya kasama niya si Max kumakain ng ice cream kanina.
"Dahil mahal kita," sabay na sagot ng dalawang lalaki.
Nagtinginan sila ng masama.
"Athena, alam mo naman kung ano nararamdaman ko sayo diba? Alam ko sinabi ko sayo na maghihintay ako pero hindi ako kampante kung may kaagaw akong iba," sabi ni Max.
"Ayaw kong nakikita kang malapit sa ibang lalaki," sabi naman ni Blaize.
Napakamot ng ulo si Zaira. Hindi niya alam kung sino pipiliin niya. Ayaw niyang masaktan sila pareho at alam niya oras na pumili siya may mawawala.
Tinignan ni Zaira ang dalawa.
'Sino ba pipiliin ko? Si Ken, bata pa lang kami magkasama na kami. Mabait siya, maalaga, sweet at gwapo. Isa siya siya perfect ideal man kung titignan.'
"Hmmm..."
'Si Ian naman gwapo din pero masungit at nakatatakot magalit. Mahirap basahin. Magnanakaw pa ng halik. Ibang-iba siya kay Max.'
"What the hell. Bakit puro negative sa akin?" tanong ni Blaize pagkatapos niya mabasa ang iniisip ni Zaira.
"Wag mo basahin ang iniisip ko."
Napabuntong hininga si Zeque. Sumsakit ang ulo niya sa tatlo.
"Bakit hindi niyo siya bigyan ng panahon para makapag-isip? Manligaw muna kayo, patunayan niyo na mahal niyo siya talaga bago niyo siya papiliin," sabi niya.
"Tama! Kailangan ko pag-isipan mabuti ang desisyon ko para hindi ko pagsisihan sa huli. Hindi ako pwede basta-basta na lang pumili. Dumaan muna kayo sa tamang proseso," sabi ni Zaira.
Wala siya balak pumili ngayon. Gusto niya muna masigurado ang nararamdaman niya bago siya mamili sa dalawa.
"Magpaalam muna kayo kila papa."
Dugtong ni Zaira saka ngumiti.
"Okay. May the best man win," sabi ni Max saka nakipagkamay kay Blaize.
"Fine. May the best man win," tugon ni Blaize.
"Blaize, kanina ka pa namin hinahanap," sabi ni Rhys nang makita a ang kaibigan.
"Ano nangyayari dito?" tanong niya kila Zaira.
Pansin niya ang kakaibang atmosphere sa kinatatayuan nila.
"Let's go," sabi ni Blaize saka siya nilapitan.
Wala siya balak sabihin ang lahat. Wala naman nagawa si Rhys kundi sumunod sa kanya lalo na kapansin-pansin na masamang aura nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top