CHAPTER 57
Napakunot ang noo ni Zeque habang nakatingin kay Zaira. Limang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin ito natututo ng earth magic.
"Ilang beses ko na ba sasabihin sayo na hindi ganyan?" sabi ni Zeque kay Zaira.
Napaiwas ng tingin si Zaira.
"Sorry. Hindi kasi ako sanay sa kapangyarihan ko."
"Kailan ka pa masasanay? Kapag patay na lahat ng mga tao? Paano mo na lang malalabanan sila Samael? Wala na tayong oras. Nag-uumpisa nang kumilos sila Samael."
Napahinto ang lahat sa sinabi nito.
"Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Jiro.
"Sobrang gulo na ngayon sa Outlandish nung nagpunta ako. Ginagawa na nila lahat para lang labanan ang mga demon."
Paliwanag ni Zeque.
Napakunot ang noo ni Gin. Base sa sinabi nito wala na silang oras pa para magsanay.
"Kung nakakagulo na pala doon. Ano pa ginagawa natin dito?" tanong niya.
"No. Kailangan niyo magpalakas at hindi tayo aalis dito hanggang walang improvement sa inyo at sa mga guardian."
"Kaya ba hindi mo na kasama sila Kuya Paris nung bumalik ka," sabi ni Zaira.
Noon kahit hindi nagsasanay sila Asher lagi silang nakasunod kila Zaira.
Tumango si Zeque.
"Nagpaiwan sila doon para tumulong sa mama mo. Kaya bilisan mo nang magsanay para makatulong na tayo Basic pa lang pinapagawa ko sayo. Hindi mo pa magawa ng maayos."
Napasimangot si Zaira. Ano magagawa niya kung nahihirapan siya? Ang hindi niya maintindihan noong nagsasanib sila ni Zeque maayos niya nagagamit ang kapangyarihan nito pero ngayong sarili na niya kapangyarihan nahihirapan siya.
"Dahil yun sa tinutulungan ka ni Zeque na kontrolin ang kapangyarihan niya," bulong ni Blaize nang mabasa nito ang nasa isip ni Zaira.
Napabuntong hininga si Zaira.
"Nasaan na nga pala yung mga alaga niyo?" tanong ni Erie nang mapansing wala ang mga mythical animal nila.
"Sinamahan nila si Homura na hanapin yung ibang dragon," tugon ni Crystal.
"Ah! Ayos lang ba yun na sila-sila lang?"
"Kaya na nila yun. May mga kapangyarihan naman sila. Kaya nila labanan ang demon kung sakali," tugon ni Zeque.
"Paano nga pala si Tyler?" tanong ni Gin.
Makalipas ang isany araw nang bumalik si Tyler muli nanaman itong nawala. Sigurado silang kasama na nito si Alyza pero ang problema useless ang contact na binigay ni Liam dahil kinailangan nilang umalis sa mortal.
"Kung mag-isa siyang pumoprotekta kay Alyza, siguro naman matututo rin siya sa kapangyarihan niya. Kaya ayusin niyo yung pinapagawa ko. Ano pa hinihuntay niyo? Bumalik na kayo sa ginagawa niyo!" sambit ni Zeque.
Nagsikilos agad sila Zaira at kanya-kanyang nagsanay.
Sa Infernal World,
Sa isang madilim na kwarto sa kaharian ng mga demon, isang babaeng wizard ang nakaupo dito. Nakakandado ang pinto at tanging kandila lang ang nagbibigay liwanag sa kanya.
Sa edad na 23 halos puti na ang buhok nito gawa ng labis na paggamit ng kapangyarihan niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Samael.
"Pahina na raw ang kapangyarihan mo," sambit ni Samael.
Kung makikita nila Zeque ang babae malalaman nila na ito ang time traveler na hinahanap nila. Matagal na itong bihag nila Samael. Tanda nito ang pagputi ng buhok nito dulot ng labis na kapangyarihan.
Bawat paggamit ng time traveler ng kapangyarihan nila nababawasan ang oras nila sa mundo.
"Ano naman ngayon? Mas magandang mamatay na ako para wala na kayo magamit," sabi ng babae habang matalim na nakatingin kay Samael.
Ngumisi si Samael saka lumapit sa babae.
"Hindi ako makakapayag na mawalan ako ng katulad mo. Kailangan ko ng makakapalit mo bago ka mawala," aniya bago sumeryoso.
Namutla ang babae. Alam nito ang sinasabing kapalit.
"W-wag ka lalapit! Papatayin ko ang sarili ko kapag lumapit ka,"
Nilabas ng babae ang tinatagong kapirasong basag naplato saka tinutok ang matulis na parte nito sa leeg.
Nanginginig ang kamay nito sa takot. Alam niya ang binabalak ni Samael dahil minsan na niya nakita ang hinaharap sa panaginip.
"Hindi mo magagawa yan."
Ngumiti si Samael sabay gawa ng isang dark whip. Pumulupot ito sa kamay ng babae saka niya hinila ito palayo sa leeg.
Inagaw ni Samael ang hawak nito at tinapon sa sahig bago sipain palabas ng pinto.
Hinila niya ang babae saka hinagis sa kama bago pumatong habang hawak-hawak ang dalawang kamay nito.
"Wag! Maawa ka!" sigaw ng babae habang nagpupumiglas.
Tumalim ang tingin ni Samael at sinampal ang babae.
"Manahimik ka. Kung makasigaw ka naman akala mo gagahasain kita. Kailangan ko lang magdadala ng anak ko na may kapangyarihang katulad sayo," sambit nito.
Sa kamay ni Samael may bilog na parang beads ang nabuo saka ito sapilitang pinasubo sa babae. Kung makikita ito ni Zarah maalala niya na katulad ito ng isinubo sa kanya noong niligtas siya nito.
May nilabas rin na injection si Samael saka ito tinusok sa babae. Ngumiti si Samael ng makitang nailagay na niya ang lahat ng laman ng injection.
Nagdilim ang mukha ng babae.
"Hayop ka! Napakasama mo talaga! Kahit ano gawin mo hindi mananalo ang kasamahan. Darating ang panahon na babagsak ang kaharian niyo!" sigaw ng babae.
Tinignan lang siya ni Samael saka tumayo.
"Sa ngayon wala pang makakatalo sayo pero oras na isilang ang batang papatay sayo. Matatapos lahat ng kasamahan mo."
Napataas ang isang kilay ni Samael.
"At sino naman ang batang yun? Papatayin ko siya bago niya ako mapatay," tugon nito.
"Bakit ko naman sasabihin sayo?"
Hinila ni Samael ang buhok nito saka inangat ang mukha upang iharap sa kanya.
"Ipapapatay ko ang lahat ng batang isisilang mula ngayon kung hindi mo sa akin sasabihin."
Pananakot ni Samael ngunit ngumiti lang ang babae. Alam niyang kahit anong gawin nito hindi nito mababago ang kapalaran niya.
"Hindi mo magagawa yan."
"Wala akong hindi kaya. Wag mo ko subukan. Bibigyan kita ng oras para makapag-isip. Wag mo kong subukan lokohin."
Pagkasara ng pinto kung saan lumabas si Samael, bumulong ang babae.
"Isa sa anak mo ang papatay sayo. Ikaw mismo ang magdadala sa sarili mo sa kamatayan," mahinang sabi saka pabagsak na humiga sa kama at pumikit.
Sa mundo ng mortal, isang batang babae na nasa edad limang taong gulang ang pagala-gala. Halos pagtinginan ito ng mga tao dahil wala itong kasamang nakakatanda.
Hindi nakatiis ang isang matandang babae kaya nilapitan niya ito.
"Bata, nawawala ka ba?" tanong niya.
Napaangat ng ulo ang bata at nang magkasalubong ang mata nila, natulala ang matandang babae gawa ng kakaibang kulay ng mata nito.
Umiling ang bata bilang tugon saka tumuloy sa paglalakad. Nang magkalayo ito sa mga tao ay agad itong nagbago ng anyo.
Naging isa itong dragon na kulay rainbow na katulad sa crystal ang scale nito. Lumipad ito sa kalangitan at nagtungo sa mapunong lugar para magtago.
"Dragon?"
Turo ni Shiro sa langit nang makita ang dumaang dragon sa langit.
Kapansin-pansin ito dahil sa pagkinang nito nang matapatan ng araw.
"Si Niji yun," sambit ni Homura saka nagpalit ng anyo at sinundan ito.
Nagpalit rin ng anyo sila Shiro at hinabol si Homura.
Bumaba si Niji sa napiling gubat saka muling bumalik sa anyo niya bilang tao.
"Niji!" sigaw ni Homura bago ito bumaba sa lupa.
Nagliwanag ang mukha ng batang babae nang makita si Homura.
"Kuya!" sigaw niya sabay yakap dito.
Umupo si Homura para makatapat niya si Niji. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa upang masiguradong ayos lang ito.
"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan na yung iba?" tanong ni Homura nang masiguradong wala itong sugat.
Nawala ang kinang sa mata ni Niji at nawala ang sigla.
"Hindi ko po alam. Pagkatapos nila ako tulangan makatakas sa mga demon hindi ko na sila nakita."
"Bata pa yung isang dragon?" tanong ni Tora habang nanlalaki ang mata.
"Oo. Siya si Niji," tugon ni Homura.
"Sino sila?" tanong ni Niji.
"Mga kakampi natin sila. Nakita ko na ang mga wizard na nakatadhanang pagsilbihan natin," tugon ni Homura.
Hinawakan niya sa kamay si Homura saka sila bumalik sa bahay nila Zaira upang hintayin si Zeque.
Makalipas ang apat na taon, nagpatuloy ang pag-atake nila Samael sa Outlandish hanggang sa idineklara ang digmaan sa pagitan ng dalawang mundo.
"Aaahhhhhh! Tulong!" sigaw ng isang batang babae habang hinahabol ng isang demon.
Nanginginig ang katawan nito habang lumuluha. Hindi nito pansin ang nakauslint bato sa harapan kaya natisod ito at natumba sa lupa.
Ngumanga ang demon at akmang kakagatin ang bata.
"Aaaahhhhhh!" sigaw ng bata sabay pikit.
Isang hangin ang pumaikot sa bata at nang tumama dito ang demon, tumalsik ito kasabay ng pagkawala ng hangin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kaycie sa bata habang tinutulungan itong makatayo.
Walang kahit na anong bakas na katarayan ang mukha nito. Kung hindi ito kilala ni Kayden iisipin niyang mabait ang kakambal niya.
Hindi mapigilang magkomento ni Kayden.
"May puso ka din pala," aniya.
Tinignan siya ng masama ni Kaycie.
"Ano tingin mo sa akin walang puso?"
Umubo kunwari si Kayden sabay iwas ng tingin.
"Mamaya na kayo magdaldalan. Tumatakas na yung demon," sabi ni Gin sabay turo sa mga demon na humahabol sa bata kanina.
"Ako na bahala sa kanya," sambit ni Kayden.
Nagkaroon ito ng pakpak na gawa sa apoy saka lumipad. Hinabol niya ang mga demon na nagtatangkang tumakas. Gumawa ng fireball si Kayden saka ito binato.
"Aaaahhhhhh!" sigaw ng mga demon nang matamaan sila.
Mabuti na lang low level lang ang mga ito. Mabilis na nasunog ang katawan nila at naging abo.
Tumingin si Gin sa mga demon at sa batang niligtas nila saka napahawak sa ilalim ng baba.
"May problema ba Gin?" tanong ni Thea.
Umiling si Gin.
"Iniisip ko lang kung bakit kadalasan bata ang inaatake ng mga demon. Panglabing dalawa na siyang nailigtas natin."
"Baka mas masarap ang bata kaya gusto nila," sabi ni Kaycie.
"Gawing alipin ang matatanda at patayin ang mga bata."
Napatingin sila kay Blaire sa sinabi nito.
"Ayan ang utos sa kanila ni Samael. Nabasa ko sa isip ng mga demon," paliwanag nito.
"Dapat pala unahin natin iligtas ang mga bata. Kailangan ito malaman ng iba," sabi ni Gin.
Tumango si Blaire.
"Bumalik na muna tayo sa Black Academy," sabi niya.
Pagpasok nila sa gate ng Black Academy, humarang sa harapan nila si Zaira.
"Sakto ang dating niyo. May meeting daw tayo sa Xaterrah. Sabay-sabay na tayo bumalik," aniya.
Nagliwanag ang mukha ni Kayden.
"May balita ba kayo kila Crystal?" tanong ni Kayden.
"Babalik din sila. Susunduin sila ni Zep sa Mortal World. Malakas si Crystal, wag ka mag-aalala."
Tinapik ni Zaira ang balikat ni Kayden habang nakangiti.
"Alam ko mas malakas siya sa akin. Pero mas gusto ko siya makasama," bulong ni Kayden at saktong nakatayo si Kaycie sa likod nito.
Tinulak ni Kaycie ang ulo ni Kayden.
"Wala ka talagang kwentang kakambal. Mas pinipili mo pa siya kaysa sa akin. Hindi ka ba nag-aalala na baka makain ako ng demon?" sabi ni Kaycie.
"Selos ka naman. Siyempre nag-aalala rin ako sayo. Pero kumpara kay Crystal... tignan ka lang ng demon matatakot na sila sayo."
Ngumiti si Kayden saka umakbay kay Kaycie.
"Alam ko na ayos ka lang kahit wala ako," sambit ni Kayden.
Tinignan siya ng masama ni Kaycie pero sa huli napailing na lang siya. Nauunawaan niya si Kayden. Katulad niya gusto niya rin sa grupo nila Crystal.
"Hindi lang ikaw ang gustong sumama sa mortal world. Gusto ko rin makasama si Max. Isipin ko pa lang na kasama siya ni Zarah, naiinis na ako."
Reklamo ni Kaycie.
"Wag na kayo magtalo! Mas kailangan kayo dito habang kailangan nila doon sila Crystal para kung sakaling may makaharap silang demon malalabanan nila ito at madali naman sila makakalibot sa mortal world sa tulong nina Max at Zarah. Alam niyo naman doon sila lumaki," sabi ni Blaire.
"Alam ko," sabay na sabi ng kambal.
Napatingin si Kayden kay Zaira.
"Kung titignan diba mas magandang si Zaira ang nandoon? Doon siya lumaki at may kapangyarihan siya na katulad kay Crystal," aniya.
"Gustuhin ko man pero mas makakatulong si Crystal sa paghahanap ng dragon. Saka ayaw ko mahiwalay kay Ian," tugon ni Zaira sabay hawak kay Blaize.
Napasimangot si Kaycie saka nagreklamo.
"Gusto ko rin makasama si Max. Dapat sina Peirce at Finn ang nandito."
"Madidistract lang kayo kapag nadoon kayo."
Kontra ni Gin pero tinaasan lang siya ng isang kilay ni Kaycie saka inirapan.
"Ayoko marinig yan mula sayo. Wala kang ibang inisip kundi ang protektahan si Thea."
Namula ang dalawa sa sinabi ni Kaycie.
"Ehem. Bumalik na tayo sa Xaterrah," sambit ni Blaize nang mapansing walang katapusan ang reklamo nila.
Binuksan ni Zaira ang pinto patungo sa bagong mundo na tinutuluyan nila.
"Welcome back!" bati sa kanila ni Zeya.
Si Zeya ay isa sa mga kapatid ni Zeque. Kasalukuyan itong tumutulong sa kanila sa responsibilidad nila bilang diety. Katulad ni Zeque naging imortal din ito subalit kumpara kay Zeque, sikreto ang paggamit nila ng eternal blood.
"Nasaan si Zeque?" tanong ni Zaira.
"Busy pa sila sa kwarto ni Erie," bulong sa kanya ni Zeya.
Tumawa ng mahina si Zaira.
"Hindi na ako magtatataka kung mauunang magkaanak si Erie."
Nilingon ni Blaire si Blaize nang marinig niya ang sinabi nito. Binalik niya ang tingin kay Zaira.
"Sabihin mo lang kay Ian na gusto mo ng baby. Papayag yan agad," aniya habang nakangiti at taas baba ang kilay.
Nag-init ang mukha ni Zaira.
"Ano ba sinasabi mo kuya? Bata pa ako para diyan."
Tumawa si Blaire saka naawang tinignan si Blaize.
Samantala, sa Terrain isang digmaan sa pagitan ng demon at ng kaharian ng Terra Firma ang nagaganap. Maraming nilalang mula sa gubat ang kumampi sa mga demon laban sa kanila. Ngayon, patuloy silang inaatake nito upang masakop nila ang buong Terrain.
"Haring Jacob, labing walo na sa ating madirigma ang sugatan at dalawa naman ang patay. Kung magpapatuloy ito tuluyan na sila makakalapit sa Terra Firma. Kapag nangyari yun madali na lang nila masisira ang barrier," sambit ni Leo.
Isang portal ang sumulpot sa tabi nila at iniluwa nito si Geo at Rina.
"Prisesepe Geo," sambit ng isang mamayan ng Terra Firma.
Tinanguan sila ni Geo bago lumapit sa amang hari niya.
"Geo, ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Haring Jacob.
"Nabalitaan po namin na sinusugod kayo ng mga demon. Nandito kami upang tumulong."
Hinila ni Geo sa tabi niya si Rina.
"Tutulong ako sa paggamot sa mga kasamahan niyo," sabi ni Rina kay Leo.
Nagliwanag ang mukha ni Leo saka ngumiti.
"Salamat, malaking tulong ang paggamot mo," sabi ni Leo.
Nagkasalubong ang kilay ni Haring Jacob saka nagtanong.
"Paano ang Occult?"
"Nandoon po sila Hades para tumulong. Malaki na ang pinagbago nila simula nung nawala sila," tugon ni Geo.
Tumango si Haring Jacob saka ngumiti.
"Kung ganun maghanda kayo. Susugod tayo sa gubat mamaya. Bago pa sila tuluyang makalapit sa atin, uunahan na natin sila. Rina, kailangan ko ang tulong mo para mas palawakin ang sakop ng barrier."
Utos ni Haring Jacob. Sabay-sabay na napayuko sila Geo.
"Masusunod mahal na hari," sabay na sabi nila.
"Umpisa pa lang ito ng digmaan. Mag-iingat kayo at sabay-sabay tayong uuwi ng ligtas," sigaw ni Haring Jacob upang palakasin ang loob ng mga kasamahan niya.
Tinignan nito si Geo.
"Geo, pwede ba tayo mag-usap saglit?"
Tumango si Geo bilang tugon saka sumunod sa palasyo.
"Anak, kung sakaling may masamang mangyari sa akin nais kong ikaw ang pumalit bilang hari."
Napabuntong hininga si Geo.
"Sabi na nga ba tungkol diyan ang pag-uusapan natin. Wala talaga akong takas sa tungkulin bilang hari."
Naisip ni Geo ang mga itsura nila Leo nang dumating. Alam niyang kailangan ng ama niya ng katulong sa Terra Firma.
"Naiintindihan ko ama. Handa ako palitan ka kahit buhay ka pa. Saka hindi ko po hahayaang may masamang mangyayari sa inyo," tugon ni Geo.
"Bakit hindi mo ko palitan ngayon? Matagal na ako handa bumaba sa pwesto, ikaw na lang ang hinihintay ko. Alam ko na magiging magaling kang hari ng Terra Firma."
Napaiwas ng tingin si Geo. Kahit na sabihin niyang handa siyang maging hari, sa panahon ngayon mahirap maging hari.
"Pakatapos ng digmaang ama, papalitan ko kayo. Sabay tayong babalik ng ligtas para sa pagpasa mo ng trono," sabi ni Geo saka seryosong tinignan ang kanyang ama.
"Alam ko balak mo ibuwis ang buhay mo para sa kaharian pero hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa inyo."
Ngumiti si Haring Jacob saka ginulo ang buhok ni Geo katulad ng ginagawa nito noong bata pa ito.
Natulala si Geo sa likod ng kanyang ama habang palayo ito sa kanya. Gusto niya sana magreklamo pero nang makita niyang good mood ito, natawa na lang siya.
Tumingin siya sa paligid at nang makitang walang nakakita sa nangyari, inayos nito ang sarili saka sumunod sa kanyang ama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top