CHAPTER 55

Huminto sila Zaira sa tapat ng isang maliit na bahay.

Tumingin si Zaira sa maliit na papel kung saan nakasulat ang isang address bago binalik ang tingin sa gate.

"Dito na yata tayo," aniya bago sumigaw.

"Raziel, Nandyan ka ba? Raziel! Knock knock."

Pagkasilip ni Zaira sa gate saktong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Raziel. Binuksan niya ang gate.

"Tuloy kayo."

Naunang pumasok si Zaira habang palingon-lingon sa paligid. Nagkalat ang mga bote ng alak at plastic ng chichirya.

"Pasensya na makalat."

Pinagpupulot ni Raziel ang mga nagkalat na basura.

"Ayos lang po," tugon ni Zaira.

"Upo kayo. Gusto niyo ba ng maiinom? Juice? Kape?"

"Wag na po. Salamat na lang," sagot ni Erie.

Hindi umimik sila Zaira senyales na pareho sila ng iniisip.

"Napag-isipan niyo na ba yung sinabi sa inyo ni Kuya Paris? I mean Kuya Ash," tanong ni Zaira.

Noong pumunta si Raziel sa cafe, kinausap ito ni Asher at ngayon nandito sila para alamin ang desisyon nito.

"Sige. Payag ako. Wala rin naman saysay kung gagamitin ko ang katawan na ito. Mas mabuti pa ngang mamatay na lang ako," tugon ni Raziel.

"Wag niyo po sabihin yan. Habang may buhay may pag-asa. Alam kong sa ngayon hirap kayo pero malalampasan niyo rin yan," sabi ni Erie.

"Oo nga po. Darating din ang panahon na malilinis niyo rin ang pangalan niyo."

Pagsang-ayon ni Zaira. Pagkatapos nila malaman na hindi makahanap ng trabaho si Raziel dahil napagbintangan siyang magnanakaw sa dati nitong pinagtatrabahuhan. Nakalaya naman ito agad gawa ng walang sapat na ebidensya laban sa kanya. Subalit hindi mawawala ang bad records nito pagkatapos kumalat sa social media ang nangyari.

Hindi maiwasan ni Zaira na mag-aalala dahil doon. Minsan na niya naranasang mapagbitangan at hindi biro yun.

"Sana nga. Gawin niyo na ang kailangan niyo gawin. Doon din naman ang punta nun. Wag niyo na patagalin," sabi ni Raziel sabay ngiti.

Tumango si Zaira saka tumayo si Erie habang

"Tayo po kayo," sabi ni Erie.

Pagkatayo ni Raziel tinapat ni Erie ang pendant sa dibdib nito saka ito itinulak.

Pagkalabas ng kaluluwa nito isang imahe ang nakita ni Erie. Nakahiga si Raziel sa ospital bed; may oxygen ito at may monitor sa tabi nito na nagpapakita ng kanyang pulso at heart rate. Doon nakita ni Erie ang pagtuwid nito.

Nanlaki ang mata ni Erie sa nasaksihan.

"Erie!"

Natauhan si Erie nang marinig niya si Jiro. Nakasimangot na tumingin si Erie.

"Wala na siya," aniya.

"Sino?" tanong ni Zaira.

"Si Raziel."

Bumaba ang labi ni Zaira. May halong paghihinayang ang itsura nito.

"Sayang naman. Balak pa naman namin siya tulungan."

"Sumuko din siya sa bandang huli."

Bago mawala ang imahe ni Raziel, nakita pa ito ni Erie na nakatingin sa sariling katawan habang nakangiti. Sigurado si Erie na ginusto niya rin ito. May chance siya mabuhay kung babalik siya katawan niya subalit mas pinili niyang umalis.

"Tsk. Bakit ba kayo nalulungkot? Hindi niyo naman siya kaano-ano," sabi ni Blaize habang salubong ang kilay.

Hindi niya gustong makitang malungkot si Zaira.

"Bakit ba? Nakakalungkot kaya. Kawawa naman si kuya Raziel," tugon ni Zaira sabay buntong hininga.

"Ganyan talaga ang buhay. Darating ang panahon na mamatay sila. Ipagdasal na lang natin na sa panibagong buhay niya maging maayos ang lahat," sabi ni Jiro.

Bilang isang grimreaper mas naiinitindihan niya ang tungkol sa buhay at kamatayan ng isang tao.

"Umuwi na tayo," sabi ni Erie.

"Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako."

Paalam ni Zaira saka tumakbo.

"Saan ka pupunta?" sabay na tanong nina Blaize at Liam.

"Diyan lang. Walang susunod!"

"Hindi niyo talaga siya susundan?" tanong ni Erie nang mawala si Zaira sa paningin niya.

"Susundan," tugon ni Blaize saka tumakbo.

"Alam ko kung saan siya pupunta. Maiwan na namin kayo," sabi ni Liam.

Sa ospital dumiretso si Zaira. Iyon ang unang naisip na gawin ni Zaira nang marinig niya ang tungkol sa pagpanaw nito.

"Excuse me. Meron ba ditong pasyente na Raziel John Flores? Kapatid  niya po ako."

Pagsisinungaling ni Zaira.

"Wait lang po Ma'am," sabi ng nurse sabay pindot sa computer.

"Ma'am, sorry po pero kamamatay lang po kanina ni Mr. Flores."

Napayuko si Zaira. Kahit narinig niyang wala na ito hindi niya pa rin mapigilang umasa na buhay pa ito.

Napaangat ng ulo si Zaira nang may humawak sa balikat niya. Paglingon niya sa likod, bumungad sa kanya sina Blaize at Liam.

"Sabi na nga ba dito ka pupunta," sabi ni Liam. Mula sa likod nito sumilip sina Shiro at Red na kasalukuyang mukhang tao.

"Kuya..." sambit ni Zaira.

Gusto ni Zaira na mabigyan ng maayos na libing si Raziel at matulungan ang pamilya nito na nasa probinsya. Walang ibang maisip si Zaira na pwedeng tumulong sa kanya kundi si Liam.

Naunawaan naman ni Liam ang tingin na binibigay ni Zaira sa kanya kahit wala itong sabihin. Kahit hindi ito magsalita makikita niya sa mukha nito ang gustong sabihin ng kapatid.

"Ako na bahala. Aayusin ko lahat," sabi ni Liam saka nakipag-usap sa nurse upang ayusin ang lahat.

Tinanong niya kung magkano lahat ng bayarin sa hospital at kung may dumating na ba na ibang kamag-anak ni Raziel.

"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Blaize nang mapansin salubong ang kilay ni Zaira.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang ito mukhang nainis sa halip na maging masaya ito.

"Kung hindi ginawa nila Samael yung car accident, hindi sana siya mamatay. Ang daming nadamay na inosenteng tao," sabi ko ni Zaira.

Si Raziel ang nagmamaneho ng bus na sinasakyan nila Marcky. Iyon ang unang trabaho niya noong nakalaya siya.

"Kaya nga nandito tayo para pigilan siya. Hindi natin hahayaan na may madamay pa na iba. Gagawin natin ang lahat para lang pigilan si Samael. Sama-sama natin siya lalabanan. Wag ka na mainis," sabi ni Blaize sabay yakap kay Zaira.

Bumuntong hininga si Zaira saka pinulupot ang kamay sa bewang ni Blaize.

"Ganito na lang tayo palagi," sabi ni Zaira sabay subsob ng mukha  sa dibdib ni Blaize.

Gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos siyang yakapi  ni Blaize. Pakiramdam niya rin ligtas siya sa yakap nito.

"Gustuhin ko man pero hindi pwede. Hinihintay na tayo ng kuya mo," bulong ni Blaize nang makita ang masamang tingin ni Liam.

"Hayaan mo siya. Gagawin din nila ito mamaya ni Ate Naomi."

Narinig ni Liam ang usapan ng dalawa kaya pinaghiwalay na niya ito.

"Tama ka kaya umuwi na tayo. Ayos na ang lahat. Tatawagan ko na lang ang pamilya ni Raziel," sabi ni Liam habang nakatayo sa pagitan nila.

Pagkatapos mabawi nila Zaira ang katawan ni Raziel, binilisan na nila ang pagbawi sa katawan ng iba.

"Sino na lang ba wala?" tanong ni Zarah pagkatapos nila mabawi ang katawan ni Kayden.

Sinakay ni Max sa sasakyan ang katawan ni Kayden bago sumagot.

"Katawan na lang ni Tyler ang wala."

"Pagkatapos nito, babalik na ba tayo sa Outlandish?"

"Oo," sagot ni Zeque sabay tango.

Kailangan nila bumalik agad sa Outlandish.

"Paano si Erie? Iiwan ba natin siya?" tanong ni Max.

"Nasa kanya na yun kung sasama siya,"  tugon ni Zeque.

Kung siya tatanungin hindi nararapat na manatili si Erie sa mortal world. Subalit hindi rin sa Outlandish dahil mas delikado siya doon.

"Hey! Tapusin na natin ito," sambit ni Zarah.

Bakas sa mukha nito ang pagkainip. Gusto na niya umuwi.

Naunang sumakays sa sasakyan si Zarah saka tinignan ang dalawa.

"Mas mabuting dito na lang siya. Kung ako lang masusunod mas gusto ko manirahan dito," sabi ni Max bago sumunod kay Zarah.

Napaisip si Zeque sa sinabi ni Max. Kung noon sigurado siyang ligtas si Erie sa mortal world pero nagbalik na si Samael.
Hindi nila alam kung lalapitan niya ba o hindi si Erie oras na wala na sila.

Nagmaneho si Max patunggo sa bahay ng gumagamit sa katawan ni Tyler at saktong naabutan nila itong papasok sa pinto.

"Carlos," sigaw ni Max saka nagmadaling bumaba ng sasakyan.

"Sino ka? Bakit kilala mo ko?" tanong ni Carlos.

"Hindi ako masama. Kaibigan ako ni Henry. Pwede ba kita makausap?"

"Kaibigan lang? Hindi pa niya sinabi na kapatid," bulong ni Zarah.

Napataas ng isang kilay si Zeque sa sinabi nito.

"Mas malala ka pa sa kanya. Hindi mo nga tinatawag na kuya sila Liam," sabi ni Zeque sa kanya.

Tinignan siya  ng masama ni Zarah.

"Kung hindi lang ikaw yung alter necklace, pinatay na kita."

"Kung may choice lang ako. Ayokong maging alter princess ka. Hindi bagay sayo."

"Sino mas bagay? Si Erie?"

"Wala akong sinabing siya."

Umirap si Zarah bago tumabi kay Max.

"Wag mo nga ako kausapin. Tapusin na lang natin ito," sabi ni Zarah saka ginawang espada ang kwintas niya at inatake si Carlos.

"Zarah!" sigaw ni Max habang nanlalaki ang mata.

Hindi akalaing susugod ito bigla. Mabuti na lang naiwasan siya ni Carlos.

"What the-- Sino ba kayo?" tanong ni Carlos habang umaatras.

Tumalikod si Carlos saka tumakbo.

Pinalitan ni Zarah ng bow and arrow ang espada saka tumira.

Tumama sa likod ni Carlos ang pana sala ito natumba. Isang puting bilog na liwanag ang lumabas sa katawan ni Tyler.

"Done!"

Nakangiting sabi ni Zarah habang napakunot ang noo ni Max.

"Ang kulit mo talaga. Sabi ko dahan-dahan lang," sermon ni Max.

Pagbalik ni Zeque sa katawan niya napailing na lang ito.

Kailan ba nakinig si Zarah sa kanila?

"Ang tagal eh. Nainip na ako. Doon din naman ang punta nun," sagot ni Zarah.

Binuhat ni Zeque ang katawan ni Tyler saka sumakay sa sasakyan at hinayaang magtalo ang dalawa.

Nang hindi siya makatiis, tinawag na niya ito.

"Kayong dalawa! Sumakay na kayo," aniya sabay patunog ng sasakyan.

Pagtingin nila Max nakaupo na si Zeque sa driver seat.

"Welcome back!"

Salubong ni Zaira sa kanila habang nakangiti.

"Nasa sa sasakyan na yung mga katawan niyo," sabi ni Zeque kila Gin.

May mabilis na hangin ang dumaan sa tabi ni Zeque.

"Ayun! Salamat," sabi ni Gin bago lumabas.

"Tapos na ba lahat?" tanong ni Zaira.

Nang tumango si Zeque, napalakpak si Zaira habang abot tenga ang ngiti.

"Yes! Makakauwi na tayo," aniya.

"Zeque, paano itong si Tyler?" tanong ni Gin habang buhat si Tyler.

"Oo nga pala. Tuturuan ko kayo kung paano magsummon ng celestial guardian."

Nagliwanag ang mukha nila Gin.

"Matagal ko na gusto malaman kung paano mag-summon ng celestial guardian. Magagawa ko na rin sa wakas," sabi ni Gin habang hinihiga sa sofa si Tyler.

"Gusto mo lang matuto para kay Thea eh," sabi ni Zaira habang nakangiti.

"Counted na yun siyempre."

Hindi kailangan itago ni Gin ang tungkol kay Thea. Alam naman ng lahat na gusto niya ito. Sigurado siyang kahit si Zaira gusto rin gawin kay Blaize ang summoning.

"Ako ba hindi pwedeng gawin yan?" tanong ni Zarah.

Umiling si Zeque bago magpaliwanag.

"Hindi ka eternal child saka iba ang dugo mo sa kanila."

Napasimangot si Zarah.

"Gusto ko rin gawin yan kay Max."

Isang question mark ang nabuo sa isip ni Max. Hindi niya maintindihan kung ano ba tumatakbo sa isip ni Zarah.

"Hindi mo naman ako kailangan tawagin. Lagi ka naman nakasunod sa akin," aniya sa dalagita.

"Kahit na. Kailangan ko yan incase of emergency."

"Oo nga naman. Bakit hindi tayo maghanap ng ibang paraan? Sigurado meron. Diba Zeque?" tanong ni Zaira.

Kumpara kay Max mas naiinitindihan ni Zaira ang problemang pinagdadaanan ni Zarah.

"Meron nga pero hindi ko sasabihin," tugon ni Zeque.

Walang tiwala si Zeque kay Zarah. Bakit niya sasabihin ang tungkol doon? Kailangan muna nito patunayan ang sarili bago niya ito turuan.

Tinuon ni Zeque ang atensyon kay Gin sa kabila ng masamang tingin na binibigay ni Zarah.

"Kumuha ka ng papel tapos isulat mo pangalan niya gamit ang sarili mong dugo."

Kumuha ng puting papel si Gin saka kinagat ang kamay at sumulat dito.

"Okay na ba ito?" tanong niya habang pinapakita ang pangalan ni Tyler sa papel.

Tumango si Zeque.

"Ngayon ilagay mo yan sa ibabaw ng katawan ni Tyler para doon na agad ang punta niya pagkatawag mo sa kanya. Isipin mo lang ang itsura niya at umpisahang banggitin ang pangalan nito."

Binaba ni Gin ang papel sa tiyan ni Tyler saka pinatong ang kamay ni Tyler dito.

Pumikit si Gin saka inisip ang kaibigan at paulit-ulit na tinawag sa kanyang isipan.

Lumiwanag ang nakasulat sa papel at nang mawala ito, dumilat si Tyler.

"Bro, nakabalik ka na," sabi ni Gin.

Umupo si Tyler habang hawak ang papel na ginamit nila.

"Ganito rin ang ginawa ni Eris," aniya sabay tayo.

Bigla itong nataranta.

"Si Eris, nakita ko na siya! Kailangan ko siya balikan."

"Nasaan ang kapatid ko?" tanong ni Liam.

"Nandito siya sa mundo ng mga mortal."

"Nandito siya? Saan? Alam mo kung paano siya puntahan?" tanong ni Zaira.

Napailing si Tyler. Malay ba niya sa mundo ng mga mortal. Hindi siya pamilyar sa mga lugar.

"Hindi ko alam. Pero hahanapin ko siya," tugon nito.

Bago ito makalabas, hinawakan siya sa kwelyo ni Zeque.

"Sandali! Malawak ang mundong ito. Wala ka bang idea kung saan yun?" tanong ni Zeque.

Nagkasalubong ang kilay ni Tyler at napahawak sa ilalim ng baba.

"Wala. Basta ang alam ko lang, wala masyadong nagtataasang bahay doon hindi tulad dito. Karamihan mga kubo ang bahay nila at may mga taniman sila ng palay. Simple lang pamumuhay sa lugar na yun."

"Baka nasa malayong probinsya siya. Nasa manila tayo kaya ibang-iba dito," sabi ni Liam saka tumingin sa papel na hawak ni Tyler.

"Bakit hindi mo na lang hintayin na tawagin ka niya ulit? Kapag nandoon ka na, tawagan mo kami sa numerong ito para mapuntahan namin kayo," sabi ni Liam sabay abot ng papel na may number nila.

Kinuha ito ni Tyler saka tumango. Kumpara kanina mas kalmado na ito. Sigurado siyang tatawagin siya ulit ni Alyza dahil siya lamang ang maasahan nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top