CHAPTER 53

Habang lumilipas ang mga araw, tuloy lang sila Zeque sa pagbawi ng mga katawan nila Crystal.

"Zeque!" sigaw ni Adrian habang lumalapit.

Napatingin si Zeque kay Adrian at sa babaeng kasama nito. Nakilala ito agad ni Zeque dahil sa katawan ni Kim ang gamit nito at kaibigan din ni Cane.

"Jessa, siya nga pala si Zeque. Yung sinasabi ko sayo na tutulong sa inyo ni Cane."

Pakilala ni Adrian nang mapansin niya nakatingin si Zeque kay Jessa.

"Hello," sabi ni Jessa habang namumula ang mukha.

Tumango si Zeque bilang tugon saka sila naghanap ng mauupuan sa cafe.

"Iwan ko na kayo. Erie, dito ka na,"  sabi ni Adrian saka pinaupo si Erie sa tabi ni Zeque.

"Matutulungan niyo ba talaga kami? Lalo na si Cane," tanong ni Jessa.

"Ano nangyari kay Cane? Bakit hindi siya pumapasok?" tanong ni Erie.

"Ilang araw  na siya nagkukulong sa kwarto niya. Nung-isang araw sabi niya kamuntik na raw niya mapatay yung kapatid niya, may bumubulong daw sa kanya na gawin yun," pabulong na sagot ni Jessa.

Hinawakan niya sa kamay si Erie.

"Nakikiusap ako, tulungan niyo siya."

Bumuntong hininga si Zeque.

"Tama ako. Unti-unti na siyang nagiging demon. Kailangan niya makabalik sa katawan niya," sabi ni Zeque saka nilingon si Jessa.

"Dalhin mo kami sa bahay niya."

"Sasama ako!" sabi ni Zarah nang makita niyang nagsitayuan sila Zeque.

Pagkarating nila sa bahay ni Cane, napakunot ang noo ni Erie.

"Wait!"

Pigil niya kay Jessa saka tumingin sa second floor.

"Doon ba kwarto niya?" tanong niya sabay turo sa may bintana kung saan napapaligiran ng itim na aura.

"Oo. Paano mo nalaman?" sagot ni Jessa.

Hindi sumagot si Erie dahil alam niyang hindi nito nakikita ang nakikita niya.

"Pwede ba tayo pumasok?" tanong ni Erie.

Umiling si Jessa.

"Pinagbawalan si Cane na makipagkita kahit kanino."

Pagtingin ni Erie kay Jiro, nilabas ni Jiro ang papak niya. Binuhat niya si Erie saka lumipad patungo sa balcony ng kwarto ni Cane.

Hinawakan ni Zeque si Jessa saka sumunod kila Jiro.

"Nakalock yung pinto," sabi ni Erie kila Zeque.

"Pahiram ng hairpin mo," sabi ni Zeque kay Jessa habang nakatingin sa buhok nito.

Agad itong tinanggal ni Jessa at binigay kay Zeque. Gamit ang hairpin binuksan ni Zeque ang pinto.

Click.

Nakita nila si Cane na nakaupo sa sulok habang nakasubsob ang ulo sa tuhod.

"Cane!" sambit ni Jessa sabay lapit sa kaibigan.

Napaangat ng ulo si Cane at nanlaki ang mata nito habang namumutla ang mukha.

"Wag mo ko hawakan. Wag ka lalapit sa akin," sigaw ni Cane.

Napahinto sa paglakad si Jessa.

"Konting oras na lang natitira sa kanya... kailangan na natin siya maalis sa katawan ni Zarah," sabi ni Erie sabay kuha ng kwintas niya pero bago pa siya kumilos tinulak siya ni Cane.

"Papatayin kita," sambit nito habang sinasakal si Erie.

Sa bilis ng pangyayari hindi agad nakakilos sila Zeque.

"Erie!" sigaw nito subalit bago siya makalapit kay Erie, may braso na pumulupot sa leeg niya.

"Zeque, namiss kita. Napakabango pala talaga ng dugo mo," bulong nito habang inaamoy ang leeg ni Zeque.

"Persephone..."

Sumulpot rin si Samael at mabilis na hinawakan si Jiro.

"Hindi ko akalain na ganito ko kayo kabilis mahuhuli."

Ningisian ni Samael si Zeque.

"Hindi lang kayo nakakaalam ng mga galaw ko, alam ko rin ang bawat galaw niyo."

Napakunot ang noo ni Zeque habang sinusubukan alisin ang kamay ni Persephone.

"Cane! Itigil mo yan!" sigaw ni Jessa habang hinihila si Cane paalis sa ibabaw ni Erie.

"Wag ka mangialam dito!" sigaw ni Cane sabay tulak kay Jessa.

"Patayin mo na siya Cane," utos ni Persephone habang nakangiti.

Humigpit ang pagkakahawak ni Cane sa leeg ni Erie.

"Wag! Kapag ginawa mo yan magiging demon ka," sigaw ni Zeque.

Lumuwag ang kamay ni Cane ngunit bago niya ito bitawan nagsalita si Samael.

"Wag ka makinig sa kanya. Papatayin ka ng babaeng yan kapag pinakawalan mo siya."

Pasisinungaling ni Samael.

Muling humigpit ang pagkakasakal ni Cane.

Namumutla lalo si Erie kasabay ng pag-ubo.

"Erie, gamitin mo yung kwintas!" sigaw ni Jiro.

Tinaas ni Erie ang kamay niya pero bago niya ito maidikit kay Cane, itinulak ni Samael si Jiro saka pinalitan si Cane.

"Ang bagal mo!" aniya sabay tulak kay Cane sa pamamagitan ng kapangyarihan nito.

Hinawakan ni Samael ang kamay ni Erie saka sinadal ito sa sahig.

Sinubukang ni Jiro na atakihin si Samael ngunit isang barrier ang humarang sa kanya.

"Samael!" sigaw ni Jiro habang umuusok ang ilong.

Pinagsusuntok niya ang barrier ngunit wala itong epekto.

"Panuorin niyo kung paano ko patayin ang babaeng ito. Ano na gagawin mo ngayon Zeque?" sambit ni Samael.

Tumawa ito at hinawakan ang leeg ni Erie gamit ang isang kamay.

"Wag mo siya gagalawin!" sigaw ni Zeque.

Buong lakas na tinanggal ni Zeque ang kamay ni Persephone. Lalapitan niya na sana sila Samael ngunit niyakap siya ni Persephone saka kinagat ang leeg niya.

Napakunot ang noo ni Zeque.

"Dito ka lang mahal ko," bulong ni Persephone saka isinandal si Zeque sa pader bago muling sinisip ang dugo nito.

Nagdilim lalo ang mukha ni Zeque nang mapansin niyang hindi siya makagalaw

"Ano ginawa mo sa katawan ko? Bakit hindi ako makagalaw?" tanong niya.

"Alam mo ba kung ano kakayahan ni Zaira bilang bampira?" patanong na sagot ni Persephone.

Natahimik si Zeque nang maalalang hindi pa niya nakitang magtransform bilang bampira si Zaira.

"Body manipulation. Simula nung kinagat kita, kontrolado ko na ang katawan. Ngayon yakapin mo ko," bulong ni Persephone.

Kusang gumalaw ang kamay ni Zeque. Hinawakan niya sa bewang si Persephone saka hinila ito palapit sa kanya.

Ngumiti si Persephone saka pinulupot ang braso nito sa batok ni Zeque.

Halos hindi maipinta ang mukha ni Zeque nang makitang palapit nang palapit ang mukha ni Persephone.

Kung titignan mukha ni Zaira ang nasa harapan niya. Kahit na sabihin pa na si Persephone ito hindi maiaalis sa isip niya si Zaira. Kung hahalikan siya nito parag hinalikan na niya rin si Zaira.

Hindi gusto ni Zeque ang ideyang yun.

"Itigil mo yan," aniya bago magdikit ang labi nila.

Ngumiti si Persephone bago nilayo ang ulo.

"Bakit mahal? Mas gusto mo ba na ikaw ang kumilos para sa akin?"

"Ano ba sinasa--"

Bago pa matapos ni Zeque ang sasabihin niya, gumalaw nanaman ang katawan niya.

Nanlaki ang mata ni Zeque nang buhatin niya si Persephone saka hiniga sa kama at pumatong sa ibabaw nito.

Umurong ang dila ni Zeque habang nakatingin kay Persephone.

"Zeque, ano ginagawa mo?" sigaw ni Jiro.

"Hindi ko kontrolado ang katawan ko."

Gustuhin man ni Zeque umalis, hindi niya maigalaw ang katawan niya. Para siyang puppet na sunod-sunuran kay Persephone.

"Ngayon mahal ko. Halikan mo ko," sabi ni Persephone.

"Sh*t!" sambit ni Zeque nang gunalaw nanaman ang katawan.

Pababa ng pababa ang mukha niya kay Persephone.

Halos pawisan si Zeque sa pagtatangkang pigilan ang sarili.

"Wag mo na pigilan mahal ko. Gawin mo lang ang palagi mo ginagawa sa akin noon."

Hinawakan ni Persephone ang mukha ni Zeque.  Sa hindi malamang dahilan, nagbago ang itsura nito sa paningin ni Zeque. Nawala ng mukha ni Zaira sa harapan niya. Ngayon itsura na nang totoong Persephone ang nasa harapan niya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zeque nang makita ang babaeng minahal niya noon.

"Mahal na mahal kita Zeque," sabi ni Persephone habang nakatingin sa mga mata ni Zeque.

Pakiramdam ni Zeque bumalik siya nakaraan at wala sa sariling sumagot.

"Mahal na mahal din kita Persephone," aniya sabay halik dito.

Hindi na alam ni Zeque kung kinokontrol pa rin siya ni Persephone o nadala na siya ng damdamin niya. Nag-umpisang malito si Zeque ngunit tuloy pa rin sa pagkilos ang katawan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top