CHAPTER 51
Sa isang art museum, naglalakad sila Zeque habang pinagmamasdan ang mga naka-display na lumang gamit at painting.
"Pansin ko lang. Karamihan ng nandito tungkol sa god at goddess," sabi ni Rhys pagkatapos basahin ang history at description.
Kundi larawan ng mga god at goddesses, mga gamit nito ang nakikita nila. Unang kita pa lang nila sa art museum alam na nilang hindi ito ordinayong museum.
"Pero wala silang sinusulat na pangalan. Parang doon sa painting kanina, Goddess of Peace lang ang nakalagay," sabi ni Zeque habang pinagmamasdan ang paligid.
"Sa mundo niyo ba may diyos din?" tanong ni Erie.
"Oo naman at tanging mga grimreaper at angel lamang ang may pagkakataong makausap sila. May sarili silang mundo katulad sa mga demon," sagot ni Zeque.
Interesadong tinignan ni Erie si Jiro.
"Pero wala na ang mundong tinutukoy niya 200 years ago. Wala na din kaming connection sa kanila, hindi rin namin alam kung may diyos pa ba kaming pinagsisilbihan," sabi ni Jiro sa kanya.
Umiling si Zeque saka bumuntong hininga.
"Sira na talaga ang balanse ng apat na mundo kaya madaling nakakakilos sila Samael," sambit niya.
"Apat? Hindi ba tatlo lang yung meron tayo?" tanong ni Rhys.
"Ngayon tatlo lang ang tinututo. Noong panahon namin apat ang mundo: Demon World o Infernal, Magical World o Outlandish, Mortal world na tinatawag nilang Earth at ang pinakaimportante sa lahat ang Xaterrah, ang mundo ng nga diyos at diyosa," paliwanag ni Zeque.
"Xaterrah?" tanong ni Erie.
"Sa Xaterrah nakatira ang mga tinuturing naming diyos pero dahil sa kasamaan ng mga demon, nawala na lang bigla ang mundong yun. Mula noon wala ng nakakakita sa Xaterrah."
"Bakit? Ano ginawa ng mga demon?
"Pinasok nila ang Xaterrah para sakupin ito. Pagkatapos noon nawalan na kami ng connection sa Xaterrah."
"Ah! Hindi porket sinabi naming apat ang mundo, hindi ibig sabihin nun na apat lang talaga. Meron pa mga hidden world bukod sa apat."
Tumango si Erie.
"Ano ginagawa niyo dito?"
Sabay silang napalingon kay Jasmine nang magsalita ito.
"Nandito rin pala kayo. Narinig namin na may exhibit ngayon kaya naisipan naming dumaan bago umuwi."
Pagsisinungaling ni Zeque pero nagdududa pa rin si Jasmine. Napasimangot siya bigla saka hinawakan si Tina.
"Umuwi na tayo," sabi nito sa kaibigan.
"Pero hindi pa tayo tapos maglibot," tugon ni Tina.
Bago sila makaalis muling nagsalita si Zeque. Alam niyang walang silbi ang pagsisinungalin niya. Mas mabuti pang diretsuhin ang lahat.
"Tingin mo ba hindi ka mamatay kapag nasa katawan ka ng iba? Nandito kami para tulungan ka, hindi para saktan ka. Kung mananatili ka diyan parang pinapatay mo na rin ang sarili mo. Aware ka naman siguro kung anong klaseng katawan yung gamit mo. Kapag nalaman ng iba ang tungkol diyan, magkakaroon ka pa kaya ng normal na buhay tulad dati?" litanya ni Zeque.
Natigilan si Jasmine saka nilingon si Zeque.
"Ano ba talaga kailangan niyo sa akin?" tanong niya.
"Bakit hindi ka sumama sa amin para malaman mo? Ipapaliwanag ko sayo lahat. Sa magical cafe tayo. Pwede mo isama kaibigan mo."
"Magical Cafe? Ililibre mo ba kami kuya pogi?" tanong ni Tina habang kumikislap ang mata.
"Yeah. Sagot ko lahat ng order niyo," sabi ni Zeque habang nakangiti.
"Pumayag ka na Jasmine. Minsan lang ito, diba Steph?" sabi ni Tina.
Tumango si Stephanie bilang tugon.
"Oo na."
Pagsang-ayon ni Jasmine sabay buntong hininga.
Pagkadating nila sa magical cafe dumiretso agad si Rhys sa kusina.
Susunod na sana sa kanya si Erie pero pinigilan siya ni Zeque.
"Samahan mo ko makipag-usap," bulong nito.
Tumango si Erie saka sumunod kay Zeque.
"Hihiramin muna namin si Jasmine saglit. Mag-order lang kayo ng kahit ano, ako na bahala sa bayad," sabi ni Zeque kila Tina bago sila maghanap ng ibang table.
Umupo sila malayo sa pwesto nila Tina.
"Ano gusto mo?" tanong ni Zeque kay Jasmine habang natingin sa menu.
"Milk tea," tugon ni Jasmine.
"Yun lang?"
Tumango si Jasmine bilang tugon.
"Isang milk tea," aniya kay Ash na nagsisilbing waiter ngayon.
Habang hinihintay nila ang order, hindi mapigilan ni Jasmine na magtanong.
"Palagi ba silang nandito?" tanong niya habang nakatingin kila Thea.
Sa Magical Cafe niya ito unang nakita at ngayon nakita nanaman niya ito ulit.
"Kasamahan namin sila. Hinanap namin ang katawan mo sa ospital. Katulad ng ginagamit mong katawan may kapangyarihan din ako, may kakayahan ako manggamot. Ligtas na ang katawan mo. Ang kailangan na lang bumalik ka."
Napataas ang isang kilay ni Jsmine.
"Paano ako makakasigurado na totoo ang sinasabi mo?"
Timingin si Zeque kay Erie.
"Pahiram muna ng kamay mo," aniya.
Bago pa makasagot si Erie, kinuha na ito ni Zeque saka kinagat hanggang sa magdugo.
"Aww!" sambit ni Erie.
Gusto niya hilain ang kamay niya ngunit hinigpitan ni Zeque ang pagkakahawak niya. Nang tignan ni Erie ang mata nito, kitang-kita niyang kulay pula ito.
Nagkasalubong ang mata nila kaya agad na napatingin sa ibang kumakain si Erie.
Tumigil na si Zeque saka dumila sa labi bago muling magsalita.
"Manood ka mabuti," sabi niya kay Jasmine.
Pagtingin ni Erie sa kamay ni Zeque, umiilaw na ito ng kulay green at unti-unting nawala ang sugat niya.
Napanganga na lang si Jasmine habang pinapanood ang buong pangyayari.
Pinunasan ni Zeque ang dugo bago pinakita kay Jasmine ang makinis na kamay ni Erie.
Inagaw ni Jasmine ang kamay ni Erie saka tinignan ng malapitan.
"Nawala nga. Baka naman hindi ka din tao?" tanong ni Jasmine kay Erie.
Iniisip niya na baka may healing ability si Erie kaya nawala ito.
"Tao ako," sagot ni Erie habang diretsong nakatingin sa mata ni Jasmine.
"Kung tao ka, bakit nakikipagkaibigan ka sa katulad niya? Hindi ka pa natatakot?"
"Bakit naman ako matatakot? Hindi naman sila masama. Mas nakakatakot pa nga minsan yung ibang tao na gumagawa ng krimen."
Hindi alam ni Jasmine ang sasabihin niya kaya tinuon na lang niya ang atensyon sa katawan niya.
"Paano ko masisigurado na mabubuhay ako kapag umalis ako sa katawan na'to?"
"Mabubuhay ka. Basta maniwala ka lang sa sarili mo. Habang pwede pa, bumalik ka na sa katawan mo. Oras na mamatay iyon, hindi magtatagal lalamunin ng kasamaan ang kaluluwa mo," sagot ni Zeque.
Kinalabutan sila Erie sa sinabi ni Zeque.
"Zeque, ano ibig mo sabihin?" tanong ni Erie.
"Mga spirit noon ang ibang mga demon. Oras na hindi sila mahatid sa langit, unti-unti silang mawawala sa sarili hanggang sa maging demon sila. Posible rin mangyari yun kahit na nasa ibang katawan siya," paliwanag ni Zeque.
Napalunok si Jasmine sa sinabi nito sabay inom sa milktea na nilapag ni Asher sa harapan niya.
"Mamili ka... babalik ka sa katawan mo o magiging demon ka? Lalo mo lang binabawasan ang buhay mo sa ginagawa mo," sabi ni Zeque.
Binaba ni Jasmine ang milktea saka nagmamakaawang tinignan si Zeque.
"Gusto ko mabuhay. Marami pa ako gustong gawin. Tulungan niyo ko. Ayokong maging demon," tugon nito sabay hawak kay Erie.
Ngumiti si Zeque.
"Kami bahala sayo. Magkita tayo mamayang 6 sa ospital kung saan ka nakaconfine."
"Okay."
Sa ospital,
Dumating ang oras na napag-usapan nila.
Tahimik na naghihintay sila Zeque sa kwarto kuny saan ang katawan ni Jasmine.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jasmine.
"Sorry ngayon lang ako."
"May nangyari ba?" tanong ni Zeque nang mapansin niyang hingal na hingal ito at namumutla.
Tumango si Jasmine sabay hinga ng malalim bago magkwento.
"Kanina paglabas ko ng bahay, may humarang sa akin. Inatake nila ako. Mabuti na lang dumating yung dalawa sa mga kasamahan niyo saka yung batang werewolf. Tinulungan nila ako makatakas."
"Umpisahan na natin bago pa nila tayo mapipigilan," sambit ni Zeque.
Sigurado siyang sila Samael ang nasa likod ng pag-atake. Kung hindi nila mapapakinabangan si Jasmine mas mabuti pang patayin nila ito. Mabuti na lang pinagsabihan ni Zeque sila Zaira na bantayan si Jasmine.
"Handa ka na ba?" tanong ni Erie kay Jasmine.
Tumango si Jasmine kaya nag-umpisa na kumilis si Erie.
Sinali ni Zeque ang katawan ni Thea, nagliwanag ito ng kulay asul kasabay ng spirit ni Thea. Nang magsanib ito, unti-unting nawala ang liwanag at dumilat si Thea.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Gin.
Tumango si Thea bago tumayo. Inalalayan siya ni Zeque hanggang sa makatayo ito ng maayos.
Pagkalabas nila ng ospital sumalubong sa kanila si Persephone.
"Pakisabi kay Samael na kahit ano gawin niya, hindi siya matatagumpay," sabi sa kanya ni Zeque pagkalampas niya dito.
Napakuyom ng kamao si Persephone habang nakatingin ng masama sa likod ni Erie.
Nagsitayuan ang balahibo ni Erie nang maramdaman niya ito. Napayakap siya sa sarili saka binilisan ang lakad. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at pakiramdam niya may masamang mangyayari kung hindi siya makakalayo kay Persephone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top