CHAPTER 5

"Matagal tagal din ako hindi nakalabas. Iba talaga ang pakiramdam  kapag  may katawan,"  sabi ni Zarah habang sara bukas ang kamay nito.

Pinaikot niya rin ang balikat niya na para bang nag-iihersisyo.

"Lumabas ka nanaman. Ano balak mo?" tanong ni Asher.

Ngumisi si Zara saka tinutok ang pana sa kalaban.

"May dadalawin lang ako," aniya.

Napakunot ang noo niya dahil sa sobrang likot ng kalaban. Tinignan niya ang mga kasamahan niya.

"Gumawa kayo ng paraan para pigilan  sila sa paggalaw."

Utos niya. Ayaw niya mahirapan sa pagtira. Doon siya sa madaling paraan para matapos agad ang laban.

Nag-usap saglit ang tatlong lalaki bago umatake.

Gumawa ng hagdanang yelo si Finn para makalapit sina Max at Asher sa kalaban na nasa itaas. Naging yelo rin ang kinatatayuan ni Finn.

Palawak ito nang palawak hanggang sa makaabot sa tumatakbong kalaban. Bumagal ang pagtakbo nito dahilan para madaling matamaan ni Zarah.

"Waahhh!" sigaw habang magiging abo.

"Okay next," sabi ni Zarah.

Gumawa ng pader na yelo si Finn para maging limitado ang galaw ng demon.

"Zarah, ngayon na!" sigaw ni Max habang nakatutok ang espada sa kalaban.

Nakatayo siya sa kanan ng kalaban habang sa kaliwa naman si Asher. Walang nagawa ang kalaban kundi tumakbo sa gitna nila subalit bago ito makaalis naitira na ni Zarah ang pana sa harapan.

Bago pa ito makasigaw naging abo na ito.

Isang sasakyan ang huminto sa tabi nila. Bumaba ang isa sa mga kasamahan nila sa white legion.

"Pasensya na, nahuli kami. Nasaan na ang kalaban?" tanong nito.

"Wala na sila," sagot ni Asher sabay akbay kay Zarah.

"Uuwi na kami. Kayo na bahala mag-ayos ng mga nasira ng demon."

Paalam ni Asher dahilan para magkasalubong ang kilay ni Zarah.

"Anong uuwi? May pasok pa tayo," sabi  niya at pilit na umalis sa pagkaakbay ni Asher.

"Bakit? Gusto mo pumasok? Kilala kita, ayaw na ayaw mo mag-aral. Ano binabalak mo?"

Napaiwas ng tingin si Zarah.

"Wala ako binabalak. May bibisitahin lang ako. Bye!"

Bago pa siya mapigilan tumakbo na si Zarah papunta sa Black Academy.

Subalit naabutan siya agad ni Asher. Nahawakan nito ang damit niya sa likod.

Walang nagawa si Zarah kundi tumigil sa pagtakbo kung ayaw niya masira ang uniform.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Asher.

"Sa school?"

"Ano gagawin mo doon?"

Nagdududang tinignan ni Asher ang kapatid.

"Bakit ba ang dami mong tanong?"

"Zarah, binabalaan kita. Wag na wag ka gagawa ng kalokohan."

"Grabe ka sa akin. Mabait na ako ngayon."

Umarte si Zarah na nasasaktan sa sinabi nito.

Lumapit sa kanya si Asher saka bumulong.

"Nandyan lang si Max kaya sinasabi mo yan."

Napatayo ng diretso si Zarah saka tinignan ng masama ang kapatid.

"Okay, ikaw bahala. Max, pakibantayan na lang ang batang ito." sabi ni Asher habang nakangiti.

Mas may tiwala siya kay Max kaysa kay Zarah. Hanggang hindi nawawala sa paningin niya si Zarah sigurado siyang wala itong gagawing masama.

Tumango si Max saka tinignan si Zarah.

"Tara na?" tanong niya.

"Okay," tugon ni Zarah.

Tahimik siyang kumapit siya binata at sinabayan ito sa paglalakad.

"Saan kayo galing? Bakit bigla kayo nawala?" tanong ni Gin nang makita ang apat.

"Diyan lang," sagot ni Asher.

Bago pa muling magtanong si Gin, kumuha siya ng libro at naghanap ng mauupuan saka nagpanggap na nagbabasa.

Nilibot ni Zarah ang classroom habang nakakapit pa rin sa binata. Nang makita niya ang hinahanap niya, lihim siyang ngumiti.

"Max, dito tayo," masayang sabi ni Zarah sabay hila kay Max.

Ningisian niya si Blaize nang magkasalubong ang mata nila.

Nagdilim ang mukha nito nang makita ang kamay niya na nakakapit kay Max at nang makita ang ngisi ni Zarah, nakilala niya ito agad.

Kumuha ng libro si Max at nag-umpisang magbasa.

"...."

Pinagmasdan lang siya ni Zarah, nakahawak pa ang kamay nito sa baba habang titig na titig sa kanya.

Nag-umpisang mailang si Max dahil ramdam niya ang pagkatitig nito.

"Tunaw na ako," sabi niya sabay sara ng libro bago tumingin sa dalaga.

"Hindi ka naman yelo para matunaw," tugon ni Zarah habang nakatitig pa rin sa kanya kahit na nakatingin na ito.

"..."

Sinubukang makikipagtitigan ni Max sa dalaga nang hindi pumipikit.

"Ano? Inlove ka na ba sa akin?" pabirong sabi ni Zarah.

Namula si Max at ilang na tuyo.

"Diyan ka lang. Ibabalik ko lang itong libro," aniya nang hindi niya makayanan ang tingin ni Zarah.

Napangiti si Zarah habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa binata saan man ito magpunta.

Nagulat na lang siya nang may kamay na humawak sa kanya.

"Sumama ka  sa akin," sabi ni Blaize saka siya sapilitang hinila palabas bago pa siya makapagsalita.

Malayo na sila sa classroom bago pa matauhan si Zarah.

"Blaize, bitawan mo ko," sigaw niya.

Sinubukan niya tanggalin ang pagkakahawak nito pero humigpit lang lalo ang hawak nito sa kanya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" inis na tanong ni Zarah dahil alam niyang hindi niya ito mapipigilan.

Kung alam lang niya na gagawa ito ng paraan para masolo siya, hindi sana siya kumapit kay Max para paselosin.

"Ano ginagawa natin dito?" tanong ni Zarah pagkapasok nila sa dark forest.

Huminto sa paglalakad si Blaize.

"Zarah..." aniya at bago pa makasagot ang dalaga,  tinulak siya nito upang isandal sa puno.

"What the hell?!"

Tinignan ni Zarah ng masama si Blaize habang sinusubukang makaalis sa pagkakasandal. Pero hindi siya binigyan ng pagkakaton para makalaban. Kahit anong gawin niya hindi siya makaalis sa pagkakahawak ni Blaize.

Idagdag pa na sobrang lapit ng katawan nito.

"Pabalikin mo na si Athena," sabi ni Blaize.

"Bakit naman kita susundin? Lumayo ka nga sa akin!"

Nilapit ni Blaize ang mukha niya sa mukha ng dalaga na para bang hahalikan siya nito. Sa sobrang lapit nito natigilan sa paggalaw si Zarah.

Pakiramdam niya oras na gumalaw siya nagdidikit ang labi nila.

Kinakabahan man siya hindi pa rin nawala sa isipan niya asarin ang binata. Hindi siya magpapatalo hanggang sa huli.

"Kahit halikan mo ko, hindi siya babalik. Kaya kung ako sayo  wag mo na itu--hmmmpp."

Nanlaki ang mata ni Zarah nang maramdaman ang malambot na labi ni Blaize.

Nag-init ang mukha niya at binilis ang tibok ng puso niya.

Bago pa bumalik si Zaira kinagat niya ang labi ni Blaize.

Nagkasalubong ang kilay ni Blaize pero hindi ito huminto sa kabila ng pagdudugo ng labi niya.

'Ano itong malambot na nakadikit sa labi ko?' sa isip ni Zaira nang magising siya.

Pagkadilat niya mukha ni Blaize ang sumalubong sa kanya habang abala ito sa paghalik sa kanya. Matagal bago mapagtanto ni Zaira ang nangyayari.

Tinulak niya ang binata saka napatakip ng bibig habang namumula.

Gusto niya tanungin kung bakit siya nito hinahalikan pero pinangungunahan siya ng hiya. Hanggang ngayon ramdam pa rin niya ang paghalik nito sa labi niya.

"Balik na tayo," sabi ni Blaize.

Wala sa sariling sumunod si Zaira. Para itong aso na nakabuntot sa amo.  Pinagmasdan niya ang likod ng binata hanggang sa mapapad ang paningin niya sa batok nito.

May nakita siya nagliliwanag sa batok nito. Binilisan niya ang paglakad habang hindi inaalis ang mata sa batok ng binata. 

"Isa ka sa celestial guardian," aniya nang makita ang simbolo sa batok nito.

"Paano mo nalaman?"

"Sa batok mo, may sign ng Aries."

Napahawak siya sa batok si Blaize, wala siya ideya na nandoon ang simbolo niya. Nalaman lang niya ang tungkol sa pagiging celestial guardian niya nang marinig niya ang usapan nila sa classroom. Katulad ng iba nakikita niya rin ang simbolo ni Peirs.

"Celestial guardian man ako o hindi, poprotektahan pa rin kita," sabi ni Blaize saka naunang maglakad habang nakahawak pa rin sa batok nito.

"Saan kayo galing?" tanong ni Max kay Zaira.

"Sa dark forest, may nalaman ako."

Umupo si Zaira sa tabi ni Max.

"Ano?"

"Isa ring celestial guardian si Ian."

"Ian? Si Blaize?"

Nakangiting tumango si Zaira. Masaya siya na malamang isa ito sa celestial guardian.

"Ah! I see," bulong ni Max sabay tingin ng masama kay Blaize.

Sa bahay nila Zaira,

"Ngayon lilipat ang kapatid mo dito diba?" tanong ni Mrs. Fiester kay Ivan.

"Opo tita," sagot ni Ivan.

Nagliwanag ang mukha ni Zaira nang marinig ito at napangiti. Hindi niya naitatanggi sa sarili niya na gusto niya ang ideya na makakasama niya si Blaize sa iisang bahay. Mas madali na niya ito makakausap at hanggang ngayon hindi pa sila nakakausap ng maayos.

"Athena."

Natauhan si Zaira at agad na sumeryoso bago lingunin ang kanyang ina.

"Po?"

"Pakibigay ito kay Sir Gus."

Isang makapal na libro ang inabot sa kanya. Kinuha niya ito at pumunta sa bahay ni Sir Gus.

"Lolo Gus," sigaw niya habang kumakatok.

Kusang bumukas ang pinto nito. Napalunok si Zaira nang makitang walang sinuman ang maaring bumukas ng pinto.

"Lolo Gus? Papasok na po ako."

Kinakabahang pumasok siya at dahan-dahang naglakad habang palingon-lingon sa paligid.

Nakita niya si Sir Gus na abala sa paggawa ng potion.

"Sir Gus, pinapabigay po ni mama itong libro, saan ko po ilalagay?"

"Ipatong mo na lang diyan sa lamesa," sagot nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"Okay po. Iwan ko lang po dito. Labas na po ako," paalam ni Zaira.

Alam niyang ayaw nito na inaabala tuwing gumagawa ng potion. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto.

"Dumating na pala siya," bulong niya nang makita si Blaize sa tapat ng bahay nila.

Kausap nito si Ivan habang sa tabi nito may isang babae na ngayon lang niya nakita.

"Babae? Sino siya?" bulong ni Zaira.

Nakaramdam siya bigla ng kirot sa puso.

Iniwas niya ang tingin niya at diretsong naglakad at pumasok ng bahay nila nang sila nililingon.

"Ikaw pala si Red. Ako si Blaire, kapatid ni Blaize," sabi ni Ivan.

"Ano nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Gin habang nakatingin sa nakasimangot na mukha ng kakambal.

"Wala!" inis na sabi ni Zaira saka binilisan ang lakad patungo sa hagdan.

"Blaize tuloy ka. Wag kang mahiya sa amin. Siya ba si Red?" rinig niyang sabi ng kanyang ina.

Tumigil sa paglalakad si Zaira at saglit na sinulyapan si Red.  May kilay pulang buhok ito na umaabot hanggang balikat.

"Opo tita," sagot ni Blaize.

"Athena, Bakit nakatayo ka diyan?" tanong ni Shiro sa kanya.

Sinundan niya ng tingin tinitignan nito.
Mabuti na lang naka-human form siya. Madali niya nakita ang babaeng tinitignan ni Zaira.

Nagliwanag ang mata niya nang makilala niya at nagmadaling lumapit kay Red.

"Long time no see Red," sabi ni Shiro na ikinagulat ni Zaira.

Bakit kilala rin siya ni Shiro? Naguguluhang tinignan ni Zaira ang dalawa habang nag-uusap. Halatang hindi ito ang unang beses na nagkasama sila.

Sa lalim ng iniisip niya nakalimutan na niyang umakyat.

"Mamaya na yan. Hatid niyo na sila sa kwarto nila," sabi ni Mrs. Fiester.

Nagkasalubong ang mata nina Blaize at Zaira pero agad umiwas ng tingin ang dalaga. Bumaba siya saka itinuon ang pansin kay Shiro.

"Kilala mo si Red?" pabulong na tanong niya kay Shiro.

"Oo, hindi mo ba natatandaan? Kilala mo rin siya," sagot nito.

"Ha? Ngayon ko lang siya nakita."

Napansin ni Zaira na nakatingin sa kanya si Gin kaya tumabi siya dito.

"Kayo ba? Kilala niyo si Red?" tanong niya.

Umiling si Gin.

"Ngayon ko lang siya nakita," sagot ni Gin.

"Ako rin," sabi ni Crystal.

Tinignan ni Zaira si Alyza; abala ito sa kakapindot ng cellphone.

Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya napaangat ito ng ulo.

"What?" tanong niya kay Zaira.

"Kilala mo ba si Red?"

"Ano?"

Tinanggal niya ang earphone.

"Si Red, kilala mo ba?"

"Oo, bakit?"

"Ano siya ni Blaize?"

'Nagseselos ba siya?' sa isip ni Alyza sabay ngisi habang pinagmamasdan ang mukha ni Zaira.

"Hindi ko alam. Tanong mo kay Blaize," sagot ni Alyza saka binalik ulit earphone.

Kahit alam niya ang totoo wala siya balak sabihin ito.

Habang patunggo sa kwarto sila Blaize saktong palabas si Max.

'Ngayon na nga pala lilipat ang isang ito,' sa isip ni Max.

Ningisian siya ni Blaize.

'What the-- para saan yun? Bakit nainiis ako? No. Kahit ano gawin niya makita ko lang siya naiinis na ako. Ano ba meron sa kanya para nagustuhan siya ni Athena?'

Napakunot ang noo ni Max kasabay ng pagkuyom ng kamao. Hindi siya makapaniwala na nagkahiwalay lang sila ni Zaira ng ilang buwan, nakuha na siya agad ng ibang lalaki. Mas matagal ang pinagsamahan nilang dalawa ni Zaira kumpara kay Blaize.

'Bakit pakiramdam ko mas lamang si Blaize kaysa sa akin?'

"Hi!" bati ni Red kay Max.

"Hi?"

"I'm Red."

"Max."

"Red, dito ang kwarto mo," sabi ni Ivan.

"Okay," tugon ni Red sabat takbo papuntang kwarto niya.

"Sino yun?" tanong ni Max kay Ivan.

Nagulat siya nang bigla siyang kausapin nito.

"Alaga ni Blaize."

"Alaga?"

"Katulad siya ni Shiro."

"Ah! Mythical animal. Maiwan ko na kayo."

'May mythical animal din pala si Blaize? Wala sa itsura niya ang mag-alaga ng hayop,' sa isip ni Max habang pababa hanggang sa mapansin niya si Zaira.

"Problema mo?" tanong niya nang makita itong tulala habang kumakain ng wafer stick.

'Ano nanaman iniisip niya? Hindi man lang niya ako napansin kahit nasa harap na niya ako. Wag mong sabihing si Blaize nanaman?'

Nainis bigla si Max sa naisip kaya inagaw niya ang wafer stick na isusubo sana ni Zaira. Ngayon lang siya pinansin niyo.

"Problema mo? Bakit tulala ka diyan?" tanong ni Max.

"Walang, may iniisip lang ako."

"Tara labas tayo!"

Pagyayaya ni Max at bago pa umangal si Zaira, hinila na niya ito.

"Tita, labas po muna kami."

Paalam niya habang palabas sila.

"Mag-iingat kayo," tugon nito.

Dinala niya si Zaira sa isang lawa malapit sa tinitirihan nila. Walang ni isa ang nagsalita sa kanila habang naglalakad hanggang sa sumalubong sa kanila ang nga nagkikislapan na alitaptap sa taas ng lawa na para bang nagsasayawan.

"Wow! Ang ganda pala dito kapag gabi," sabi ni Zaira habang pinagmamasdan ang mga alitatap.

Gumaan bigla ang pakiramdam niya at napangiti.

"Mas maganda ka," bulong ni Max habang pinagmamasdan niya ang dalaga.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Wala."

Napaiwas ng tingin si Max sa takot na makita nito ang pamumula niya.

"Salamat," nakangiting sabi ni Zaira.

Kung hindi siya niyaya ni Max na lumabas baka hanggang ngayon nasa isip pa rin niya ang babae ni Blaize.

"Ngumiti ka na rin. Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin, handa ako makinig."

"Alam ko," tugon ni Zaira sabay sandal sa balikat ni Max ang pinagmamasdan ang mga alitatap.

Sa tagal nilang magkaibigan kilala na nila ang bawat isa. Kahit hindi sila mind reader kaya na nila mabasa ang isip ng bawat isa sa facial expression pa lang.

Alam ni Zaira na kahit wala siya sabihin may ideya ito kung ano iniisip niya. Pero wala pa rin siya balak sabihin ito.

"Saan kayo galing?"

"Ay kabayo!" sambit ni Zaira sabay sara ng pinto dahil sa gulat.

Tumingin siya sa likod niya kung saan nakatayo ang isang bampira na gusto niya iwasan.

"Ian, bakit ka nasa kwarto ko?" tanong niya pagkatapos pakalmahin ang sarili.

"Saan kayo galing? Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Blaize habang tinitignan siya ng masama.

Kusang napaatras si Zaira nang mag-umpisa itong lumapit sa kanya hanggang sa wala na siya maatrasan.

'Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman ako ginagawang masama,' sa isip ni Zaira.

"Ano naman sayo kung ngayon lang kami umuwi?" tugon niya.

Bumalik ulit sa alaala niya si Red. Nag-init bigla ang ulo niya kaya inis niyang tinulak si Blaize.

"Hindi kita pinakialaman kahit na nagdala ka ng babae dito. Kaya wag mo rin akong pakikialaman kung uuwi kami ni Ken ng gabi. Habang mabait pa ako bumalik ka na sa kwarto mo," mataray na sabi ni Zaira.

Nagkasalubong ang kilay ni Blaize.

"Sinong babae?" tanong niya habang nag-iisip kung sinong babae inuwi niya.

Si Red lang ang kasama niyang dumating kanina.

"Si Red ba tinutukoy mo?" tanong ni Blaize.

Napasimangot si Zaira nang marinig niya ang pangalan ni Red.

"Lumabas ka na."

Pagtataboy niya kay Blaize. Nang hindi ito kumilos, sinubukan niya itong itulak patungo sa pinto.

Ngunit sa halip na lumakad ito, isang ngiti ang tinugon nito.

"Nagseselos ka ba sa kanya?" tanong niya.

"Ako magseselos? Hindi ah! Bakit naman  ako magseselos?"

Agad tumalikod si Zaira nang mag-init ang mukha niya.

"Dahil mahal mo ko?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Zaira.

"Anong mahal? Sinong nagsabi sayo na mahal kita? Ayos ka lang? Nanaginip ka yata ng gisi--"

Nanlaki ang mata ni Zaira nang umpisahan siyang halikan nito.

Pakiramdam niya sasabog na ang ulo niya sa sobrang init at lalabas ang puso niya sa sobrang bilis.

Halos mawalan siya ng hininga bago ito tumigil.

"Red, is my mythical animal. You already know her. Remember? The Red Panda from Terrain," paliwanag nito habang tulala si Zaira.

Nilapit niya muli ang ulo niya at pinagdikit ang noo nila.

"You're my only girl. You don't need to be jealous to her. But I like the fact that you feel that way yet I hate the fact that you make me feel the same thing towards Max," sabi ni Blaize bago siya muling halikan.

Nakalipas ang limang minuto simula nang lumabas si Blaize pagkatapos siyang halikan.

Ilang ulit tumakbo sa isipan niya ang mga sinabi nito sa kanya.

"Bakit ba bigla na lang nag-english yun? Marunong naman siya magtagalog," bulong ni Zaira upang hindi niya maisip ang laman ng mga sinasabi nito.

Subalit kahit anong gawin niya muli niya naalala ang bawat salitang sinabi nito at ang pakiramdam ng labi nito.

Napatakbo siya sa higaan niya saka sinubsob ang mukha sa unan.

"Waaahhhhh!" sigaw niya bago nagpaikot-ikot sa kama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top