CHAPTER 48
Sa kalsada malapit sa Clifford high naglalakad sina Zaira upang puntahan si Marcky.
Si Marcky, ang taong kasalukuyang gumagamit ng katawan ni Max at ang unang target nila Zeque.
Nagliwanag ang mukha ni Zaira nang matanaw ang isang lalaki.
"Si Ian," aniya sabay takbo.
Sinundan siya nila Zarah.
"Saan ka pupunta? Akala ko ba pupuntahan natin yung sinasabi nilang Marcky?" tanong ni Zarah.
"Sandali lang. Titignan ko lang kung anong klase tao yung nasa katawan ni Ian."
Nagtago si Zaira sa may sasakyan na nakaparada at doon pinagmasdan ang katawan ni Blaize.
"Sino yan?" tanong nito sabay tingin sa sasakyan.
Napalundag si Zaira sa gulat at hindi na nagawang makapagtago. Napakamot siya ulo saka dahan-dahang lumapit sa binata.
"Hello."
"Ikaw yung bata noon diba? Bakit mo ko sinusundan?"
"Gwapo mo po kasi."
Napatakip ng bibig si Zaira nang nabanggit niya ang nasa isip niya. Bago sa paningin niya ang ayos nito kumpara kay Blaize. Nakahawi pakanan ang buhok nito at may gel na nakalagay.
Ngumiti ang binata saka hinawakan sa ulo si Zaira.
"Totoo ba itong tenga mo?" tanong niya sabay hawak sa tenga ni Zaira.
Namula si Zaira at agad na tinakpan ang tenga niya.
"Ano pangalan mo?" tanong ni Zaira.
"Renz, ikaw?"
"Zaira. Hindi ka man lang nagulat sa anyo ko?"
Tumawa si Renz dahilan para mapanganga si Zaira habang lalong nagdilim ang mukha ni Blaize.
Kumislap ang mata ni Zaira habang nakatingin kay Renz. Pakiramdam niya nagong version ni Blaize ang nasa harapan niya dahil iba ito kay Blaize kahit na katawan nito ang gamit niya.
"Mukhang nag-eenjoy si Zai kay Renz. Baka ipagpalit ka na niya?" sabi ni Zarah.
Napatuwid ng katawan si Zaira bago nilingon si Blaize; masama ang tingin ni Blaize kay Renz habang salubong ang kilay.
"Tss."
Tumawa si Renz.
"Ang sama ng tingin ng kasama mo sa akin," sabi ni Renz.
Nanlaki ang mata ni Zaira.
"Nakikita mo sila? Paano?" tanong niya.
"Simula nung napunta ako sa katawan na ito, kakaiba na ang nangyari sa akin. Lagi ako naghahanap ng dugo, kung ano-ano rin ang nakikita ko."
Hindi maiwasang humanga ni Zaira dahil sa pagiging kalmado nito sa kabila nang hindi pangkaraniwang nangyayari sa kanya.
"Nasa katawan ka nang isang bampira," sabi ni Blaize.
"Aware ka na hindi mo katawan ang gamit mo, bakit hindi ka bumalik sa katawan mo?" tanong ni Zaira.
"Hindi ko alam kung paano. Saka hindi na rin naman masama itong katawan ko ngayon."
Nagkunot ang noo ni Blaize.
"Tsk. Go back to your own body. That's mine."
Sa oras na yun nagpapasalamat si Zaira na spirit lang si Blaize, kundi baka kanina pa niya nasapak si Renz.
"Tutulungan ka namin. Punta ka lang sa Magical Cafe," sabi ni Zaira habang nakangiti.
"Magical Cafe? Yung bagong bukas na cafe malapit sa school. Narinig ko na masarap daw pagkain doon."
"Totoo yan. The best ang ice cream at cake nila doon."
Nagthumbs up si Zaira habang kumikislap ang mata niya.
"Maggagabi na. Baka hinahanap na tayo doon," sabi ni Max.
Tumingin sa langit si Zaira. Bumungad sa kanya ang kulay gray na kalangitan. Sa kakasunod niya kay Renz hindi niya napansin ang oras. Wala rin ideya si Zaira kung nasaan sila ngayon.
"Kailangan mo na umuwi bata baka pagalitan ka na ng magulang mo. Pupuntahan ko na lang kayo sa magical cafe."
Umupo si Renz upang makatapat si Zaira saka bumulong.
"Baka ano pa gawin sa akin ng kasama mo kapag hindi ako umalis sa katawan niya."
Naunawaan ni Zaira ang ibig nitong sabihin dahil ramdam niya sa likuran ang nakakamatay na tingin ni Blaize.
"May ibibigay ako sayo," sabi ni Renz sabay pasok ng kamay sa bulsa niya sa pantalon.
Kinuha niya ang kamay ni Zaira saka nilagay ang kinuha niya.
"Lollipop? Salamat. Sa susunod stick-o naman ibigay mo sa akin," sabi ni Zaira.
Tumawa si Renz.
"Okay. Kapag nagpunta ako sa cafe niyo, dadalhan kita ng stick-o."
Hinawakan ni Zaira ang kamay ni Renz habang kumikislap ang mata.
"Talaga? Asahan ko yan."
Ngumiti si Renz saka tumango.
"Alis na tayo," sambit ni Blaize.
Hinila ni Renz ang kamay niya saka ginulo ang buhok ni Zaira bago tumayo.
"Galit na kasama mo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi."
"Hihintayin kita sa cafe."
Tumakbo si Zaira paalis saka lumingon kay Renz at kumaway.
"Bye!" sigaw niya bago binilisan ang takbo.
Alam niyang kapag nagtagal pa siya sa labas, papagalitan siya ni Asher.
"Si Marcky," bulong ni Zarah.
Napahinto si Zaira at tinignan ang lalaking may hawak na bola ng basketball.
"Tol, kamusta injured mo?" tanong ng kasama nitong lalaki.
"Ayos na ayos. Sabi ko naman sa inyo, magaling na ako," tugon nito.
Sinundan ito ng tingin nila Zaira hanggang sa malayo na sila. Tinuloy ni Zaira ang pagtakbo.
"Si Henry," sabi ni Zarah habang nakatingin sa harapan ng gate ng Clifford high.
"Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap," tanong ni Henry habang palapi sa kanila.
Napakamot sa ulo si Zaira.
"Sorry. Hindi ko namalayan yung oras habang kausap ko si Renz," sagot ni Zaira.
Naglakad sila pabalik ng magical cafe.
"Renz? Yung nasa katawan ni Blaize?"
"Oo. Kilala mo siya?"
"Kaklase namin siya."
"Sabi niya pupunta daw siya cafe sa susunod. Gusto ko na siya makausap ulit."
Ngumiti si Zaira habang inaalala ang conversation nila. Habang kausa niya ito si Max ang naalala niya dahil sa ugali nito sa kabila nang itsura nito.
Isang magandang opportunidad na makitang ganun si Blaize kahit na si Renz ang nasa katawa nito. Tumawa si Zaira bago binuksan ang pinto.
"Athena," sabi ni Asher habang ang kamay nasa bewang.
Salubong ang kilay nito habang nakatingin kay Zaira na para bang nanay.
"Um... kuya?"
"Ikaw bata ka! Gala ka nang gala! Kung saan- saan ka nagpupunta. Alam mo va kung anong oras na? Paano kung may masalubong kang kalaban sa labas?"
Napayuko si Zaira habang nakikinig sa sermon ni Asher.
"Para kang tatay na pinapagalitan ang anak," komento ni Hazel sabay tawa.
Natigilan si Asher saka ngumiti.
"Edi pasado na pala ako sa pagiging tatay ng mga anak natin?" tugon nito kay Hazel.
Namula si Hazel.
"Anak ka diyan!"
Hinampas ni Hazel ang tray sa balikat ni Asher.
"Aray! Joke lang naman."
Napahawak sa kaliwang balikat si Asher habang umaarte na nasaktan.
Tinignan siya ng masama ni Hazel dahil mahina lang ang pagkakahampas nito at kahit lakasan pa niya balewala lang ito sa katawan ng isang werewolf.
"Wag kang tumawa diyan, hindi pa ako tapos Athena," sabi ni Asher nang mapansin niyang nakayuko si Zaira habang nanginginig ang balikat.
"Hayaan mo na si Zai. Hindi na siya bata para pagalitan mo ng ganyan."
Kontra ni Hazel.
Tumango si Zaira bilang pagsang-ayon.
"Anong hindi bata? Tignan mo nga itsura niya," sagot ni Asher sabay buhat kay Zaira at hinarap kay Hazel.
Napasimangot si Zaira.
"Hindi na ako bata kuya. Katawan ko lang bata."
"Ang iingay niyong tatlo! Maglinis na kayo!" sigaw ni Zeque.
Napatayo ng tuwid si Asher nang maramdaman nito ang malakas na aura sa likod niya. Binaba niya si Zaira.
"Yes sir!" sagot ni Zaira sabay takbo.
"Athena, may sasabihin pa ako. Bumalik ka dito!" sigaw ni Asher.
Napailing na lang siya nang mawala ito sa paningin niya.
Samantala napalundag si Zaira habang nanlalaki ang mata.
"Ay multo!"
Napahawak siya dibdib at nang makilala niya kung sino ang nasa harapan niya na biglang sumusulpot, huminga siya ng malalim.
"Kuya Hades, ginugulat mo naman ako. Sesermunan mo rin ba ako?" tanong ni Zaira.
"Wag masyadong matigas ang ulo. Kung alam mo lang kung gaano kami nag-aalala sayo. Isipin mo rin sila mama."
Natahimik si Zaira nang mabanggit nito ang kanilang ina. Kung titignan simula nang pumunta sila sa Outlandish hindi na nila nakakasama ng matagal ang magulang nila dahil sa sunod-sunod na nangyari. Hindi mapigilan ni Zaira na maisip ang mga panahong payapa silang naninirahan sa mundong kinatatayuan nila ngayon. Namimiss niya na ang dati.
Bumuntong hininga si Zaira.
"Sorry kuya, hindi ko na uulitin."
"Magsorry ka rin kay Paris."
Binalikan ni Zaira si Asher habang nakababa ang tenga at buntot.
"Kuya sorry, hindi na ako gagabihin sa daan."
Napataas ang isang kilay ni Asher. Sa isang iglap nangmukhang puppy si Zaira sa paningin niya.
"Maniwala ako sayo? Hindi ka kakain ng wafer stick sa loob ng isang lingo," sabi ni Asher saka pumasok sa kusina.
"No! Kuya! Wag naman yung wafer stick ko."
Habol ni Zaira. Isang araw nga lang na walang wafer stick hindi na niya tanggap. Isang lingo pa kaya? Ngayong nasa mortal world sila may pagkakataon siyang kumain.
Subalit kahit anong pilit niya hindi siya nito binigyan ng wafer stick.
Lumipas ang tatlong araw na walang wafer stick. Kapansin-pansin ang pananahinik ni Zaira.
"Athena anak! Totoo nga na naging bata ka," sabi ni Mrs. Fiester sabay yakap kay Zaira.
"Ma, napadalaw po kayo?" tanong ni Asher.
"Hinatid ko lang itong pinagawa ni Zeque kay Sir Gus," tugon nito sabay pakita ng mga lalagyan na naglalaman ng bilog na parang candy.
"Healing at stamina pills ito. Ano naman ito isa?" tanong ni Asher.
Tatlong klaseng tabletas ang dala nito. Kulay pula ang healing pills habang asul naman ang sa stamina. Hindi na bago sa kanila ang pills.
May isa na kulay violet ang laman at katulad ni Asher, ngayon lang din ito nakita ni Zaira.
"Hindi ko rin alam. Tanong niyo na lang si Zeque. Kailangan ko na umalis. Pakibigay na lang yan sa kanya. Bye!"
Bago pa sila makapagsalita nawala na ito kasabay ng portal.
"Nagmamadali yata si mama. Mas masama bang nangyayari sa Outlandish?" tanong ni Asher habang salubong ang kilay.
Simula nang umalis sila sa Outlandish, hindi na nila alam kung ano nangyayari doon. Tinignan nila si Henry dahil ito lamang ang bumabalik sa Outlandish.
"Sunod-sunod ang pag-atake ng mga demon sa Occult," tugon ni Henry.
Napabuntong si Asher dahil kilala nila ang magulang nila.
"Mukhang busy sila sa pagprotekta sa mga tao tulad ng ginawa nila dito noon."
"Excuse me. Nandyan ba si Zai?"
"Sino naghahanap sayo?" tanong ni Asher kay Zaira habang salubong ang kilay. Hindi nakalampas sa paningin niya ang pagkislap ng mata ng kapatid bago lumabas ng kusina.
"Renz!" sigaw ni Zaira habang nakangiti.
Paglapit niya kay Renz may inabot itong paper bag.
"Para sa iyo."
Tinignan ni Zaira ang laman at nang makitang wafer stick, lumawak ang ngiti nito.
"Wow! Dinalhan mo talaga ako nito. Salamat."
Binuksan ito agad ni Zaira saka kinain dahil ilang araw na siyang bantay sarado ni Asher.
Nakasalubong ang kilay ni Asher nang maabutan niyang kumakain ito ng wafer stick.
"Bawal sayo yan! Wala pang one week."
"Wala na nakain ko na. Saka bigay naman ito ni Renz."
Lumayo si Zaira kay Asher habang yakap-yakap ang lalagyan ng wafer stick.
"Henry? Nagtatrabaho ka dito? Ah! Kayo rin Bea?" tanong ni Renz.
Tumango si Henry saka hinanda ang booklet.
"Ano order mo?"
"Isang cheesecake at milktea lang. Tikim muna."
"Isang cheesecake at milktea."
Sinulat ni Henry sa isang papel ang order ni Renz.
"Upo muna. Ihahatid na lang namin sayo yung order mo. Ito number mo."
Inabutan siya ni Henry ng number upang madali itong makita oras na ihatid nila ang order.
Umupo sa Zaira sa harapan ni Renz.
"Zai, hindi din ba tao sila Henry?" bulong nito.
"Yup, bampira siya. Si Bea naman, half vampire at wizard. Si Alexis pure werewolf."
"Eh siya?"
Turo ni Renz kay Erie nang napadaan ito sa tabi nila.
"Tao siya may malakas na spiritual energy."
Curious na tinignan ni Renz si Erie.
"Nakikita niya din yung mga nakikita ko?"
"Oo," sagot ni Zaira habang pinagmamasdan si Renz. Kitang-kita niya sa mukha ng binata na interesado ito kay Erie.
Kung si Blaize lang ang nasa katawan nito baka kanina pa siya nagselos. Kahit mukha ng kasintahan niya gamit nito malinaw sa kanya na si Renz ang nasa harapan niya.
"Ito na order mo. One cheesecake and one milktea. Thank you and enjoy," nakangiting sabi ni Clara.
"Salamat."
Tinikman ni Renz ang cake.
"Masarap ang cake niyo. Kaya pala ang dami palaging pumupunta dito." komento nito.
Napangiti si Zaira at proud na tinignan ang binata.
"Sabi ko sayo eh. Tumulong ako sa paggawa niyan!"
Tumango si Renz saka ngumiti.
"Kaya pala masarap."
Tumawa ng walang tunog si Zaira.
"Bakit ngayon ka lang pumunta? Kanina pa tapos klase niyo diba?" tanong niya.
"Hinintay ko pa kumonti yung tao."
"Ayaw mo ba sa maraming tao?"
"Hindi naman sa ayaw. Ayaw ko lang pumila."
Napatango si Zaira dahil marami nga naman tao pagkatapos ng klase. Napatingin si Zaira kay Zeque nang marinig niya ito.
"Paris, pwede ka ba sa sabado?"
Napahinto sa pagpunas ng mesa si Asher.
"Oo. Bakit?"
"May basketball game ako sa sabado. Kulang pa ako ng tatlong member."
Nagliwanag ang mukha ni Zaira.
"Sige. Dito lang naman ako sa cafe palagi."
"Ako sali!" sigaw ni Zaira habang nakataas ang kamay.
"Bawal bata doon," tugon ni Zeque kaya napasimangot ito.
Nawala sa isip ni Zaira na katawan ng bata ang gamit niya.
"May pinapabigay pala si mama. Nandoon sa kusina yung paper bag," sabi ni Asher.
Tumango si Zeque bago bumalik ng kusina. Paglabas nito, dala niya yung lalagyan na may lamang kulay violet na pills. Inabot niya ito kay Zaira.
"Para sayo. Kapag ininom mo yan pwede ka na sumali sa amin sa sabado."
"Para saan ba ito?"
"Malalaman mo sa sabado. Kulang pa tayo ng isa."
"Si Renz, pwede!"
Tinuro ni Zaira si Renz na kasalukuyang umiinom ng milktea.
"Bakit ako?" gulat na tanong niya.
"Marunong ka ba magbasketball?" tanong ni Zeque.
"Medyo."
"Pasok ka na! Punta ka dito sa sabado ng 1pm," sabi sa kanya ni Zeque.
"Huh? Teka! Bakit ako?"
"Walang bantay yung cafe kapag sila Levi sinama namin. Wala sila Henry tuwing sabado tapos marami pang tao kapag ganung araw," paliwanag ni Zaira
Hindi sinabi ni Zaira na hindi magaling sa basketball sila Levi. Hindi naman ito katulad nila na lumaki sa mortal world.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top