CHAPTER 47

Natulala na lang si Zaira habang iniisip kung ano gagawin niya. Kung nasa mortal world siya, siguradong pagkakaguluhan siya dahil sa nangyari. Bukod doon iba ang anyo niya ngayon.

"Ayos ka lang bata?"

Napaangat ng tingin si Zaira. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lalake sa harapan niya.

"Ian," sambit niya dahil sa itsura nito.

Kamukhang-kamukha nito si Blaize. Kung hindi lang alam ni Zaira na nasa loob ng bote si Blaize, baka nayakap na niya ito.

"Ian?"

"Ah! May naalala lang ako. Ayos lang ako. Salamat."

Pinagpagan ni Zaira ang sarili.

"Totoo ba yang tenga at buntot mo?"

Natigilan si Zaira sa tanong nito. Pagtingin niya sa paligid marami nang tao ang nakatingin sa kanya habang nagbubulungan. May iilan ring kumuha ng litrato sa kanya.

"Kailangan ko na umalis. Bye!"

Tumakbo si Zaira bago pa siya mapalibutan.

"Sinira niya yung field. Hindi pa siya pwedeng makaalis. Kailangan pa natin siya makausap," sigaw nang isang lalaki.

Pagtingin ni Zaira sa likod niya hinahabol na siya ng mga soccer player.

"Waaahhhh! Wag niyo ko habulin," sigaw niya habang tumatakbo.

Pumunta siya sa direksyon kung saan wala masyadong tao. May nakita siyang puno at doon mabilis siya umakyat. Pagtingin ni Zaira sa ibaba tanging ang kamukha ni Blaize na lang ang nakasunod sa kanya.

"Bata! Nasaan ka?" sigaw nito habang tumitingin sa paligid.

Kahit kamukha pa ito ni Blaize walang balak magpahuli si Zaira. Tahimik niya lang ito pinagmasdan habang nakaupo sa puno. Nang umalis na ito doon lamang nakahinga nang maluwag si Zaira.

"Dito na muna ako."

Tinignan ni Zaira ang bote saka hinawakan ang cork. Napakunot ang noo niya nang hindi niya ito mabuksan kahit anong hila niya dito.

"Paano ko sila mapapakawalan nito? Basagin ko na lang kaya yung bote?"

Nahinto sa pag-iisip si Zaira nang makaronig siya nang iyak. Pagtingin niya sa ibaba may babaeng nakaupo doon habang nakasubsob ang mukha sa tuhod.

"Bakit ka umiiyak?"

Napatakip ng bibig si Zaira.

Bakit ko siya kinausap? Paano kung isumbong niya ako sa soccer club ng school nila?

"Sino yan?" tanong ng babae sabay tingin sa kaliwa at kanan.

Akala ni Zaira ligtas na siya subalit  bigla nito inangat ang ulo niya. Nang nagkasalubong ang mata nila tinuloy na lang ni Zaira ang pakikipag-usap.

"Binully ka ba?"

Tumalon si Zaira sa puno saka ngumit sa babae na kasalukuyang nakanganga.

"Hi! I'm Zaira."

"I'm Erie," tugon nito sabay punas ng luha.

Umupo si Zaira sa tabi ni Erie.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Zaira.

Ngumiti si Erie ngunit may lungkot pa rin sa mga mata nito.

"Naranasan mo na bang mawalan ng minamahal sa buhay?"

"Hmmm. Hindi siya nawala. Pero kamuntik na mamatay ang mahal ko dahil sa pagprotekta sa akin.  Mabuti na lang hindi pa huli ang lahat..."

Napatikop ng bibig si Zaira nang maisip niyang tao ang kausap niya. Hindi niya maaaring sabihin ang tungkol sa eternal blood. Mabuti na lang hindi nagtanong si Erie.

May naramdamang kapangyarihang palapit sa kanila si Zaira.

"Dapa!" sigaw ni Zaira sabay tulak kay Erie palayo ng puno.

Isang hangin ang dumaan sa tabi nila.

Boom!  Napaubo sila Zaira dahil sa alikabok.

"Mabuti na lang umalis tayo sa inuupuan natin," sabi ni Zaira habang nakatingin sa natumbang puno sa tabi nila.

Tumango si Erie bilang tugon habang tulala sa puno. Pansin ni Zaira ang pamumutla nito.

"Ayos ka lang?"

Napatingin si Zaira sa paa ni Erie; may hiwa ito matapos madaplisan ng wind blade

"Oo. Salamat kanina."

Dahan-dahang umupo si Erie.

"Sayang! Hindi mo pa sila natamaan," sambit ni Risa.

Tinignan ni Zaira nang masama sila Risa lalo na ang babaeng may gamit nang katawan niya. Sa itsura pa lang nito alam na niya na sa kanya nagmumula ang wind blade.

"Kayo nanaman? Hindi pa ba kayo titigil? Pinatay niyo na nga si Master. Pati pa naman itong bata?!" sigaw ni Erie habang galit na nakatingin sa dalawa.

Napanganga na lang si Zaira nang tawagin siya nitong bata. Gusto niya sana sabihing hindi siya bata pero tinikom na lang niya ang bibig niya at nagtago sa likod ni Erie.

"Nagkita nanaman tayo. Mukhang hindi lang ang bata sa likod mo ang sunod naming papatayin," sagot ni Risa habang abot tenga ang ngiti.

Nilahad ni Erelah ang kamay niya.

"Ibalik niyo sa amin ang bote," sabi nito.

"Hindi niyo sa akin makukuha ang bote kahit patayin niyo ko!" sigaw ni Zaira sabay yakap sa bote.

"Kung ganun wala kami magagawa kundi gawin ito."

Nagkaroon ng kuryente sa kamay so Erelah. Hinila ni Zaira ang damit ni Erie.

"Kailangan natin umalis dito.

Hinawakan ni Erie ang kwintas niya.

"Jiro, nasaan ka?" sigaw niya.

"Bago pa makarating ang guardian mo patay ka na," sabi ni Risa sabay takbo palapit sa kanila.

Pumunta si Zaira sa harapan ni Erie saka binigay ang boteng hawak.

"Hawakan mo ito."

Sinalubong ni Zaira si Risa at sinalo ang lahat ng atake niya. Masugat man siya agad rin ito gumagaling.

"Zaira!" sigaw Erie sabay tayo.

"Tumakbo ka na!"

Natigilan si Erie sa sinabi nito. Naalala niya bigla ang master niya na namatay pagkatapos niya iwanan.

"Hindi ka pwede mamatay."

"Hindi ako mamamatay."

Kahit katawan ng isang bata meron siya hindi pa rin magbabago ang pagiging immortal niya. Masakit na sugat lang ang nararamdaman niya.

Tumalon si Zaira saka umikot sa ere at tumalon sa mukha ni Risa. Bumagsak siya sa harapan ni Erelah. Niyakap niya ito sa binti.

"Ibalik mo ang katawan ko," sabi ni Zaira.

Naramdaman ni Zaira ang pagpasok ng mana ni Erelah sa katawan niya.

"Lumayo ka sa akin!" sigw ni Erelah habang tinutulak si Zaira.

"Hindi kita bibitawan!"

"Zaira, nagbalik ka," sabi ng isang tinig.

Nanlaki ang mata ni Zaira nang bumalik nanaman siya sa madilim na lugar kung saan may dalawang liwanag na lumulutang sa harapan niya.

"Kunin mo kami agad! Oras na mahigop mo kami, magiging isang clone na lang ang katawan na ito. "

Itinaas ni Zaira ang kamay niya upang abutin ang kulay green na liwanag.

"No!" sigaw ni Erelah.

Isang malakas na kapangyarihan ang nagpatalsik kay Zaira. Napahahiga siya sa damuhan.

'Kailangan ko siya mahawakan ulit,' sa isip ni Zaira saka tumakbo palapit kay Erelah.

"Aaahhhhh!" sigaw ni Erie.

Natigilan si Zaira. Pagtingin niya kay Erie, hawak na siya sa braso ni Risa habang may apoy ang kamay nito.

"Erie!" sigaw ni Zaira.

Tutulungan na sana niya ito ngunit isang anghel na may itim na pakpak ang bumaba sa langit.

"Lumayo ka sa kanya!" sigaw nito bago sinugod si Risa.

Nang makita ni Zaira na ligtas si Erie, dumiretso siya sa boteng nasa damuhan.

Isang itim na sand storm ang sumalubong sa kanya. Pinag-ekis ni Zaira ang braso niya sa tapat ng mukha niya habang pinipilit na lumapit sa bote.

Papikit-pikit ang mata ni Zaira habang naglalalakad.

"Akin yang bote," sabi ni Sandro bago pinalakas ang sand storm.

"Oh no!" sabi ni Zaira.

Aksidente niyang nasipa ang bote at gumulong ito palayo sa kanya. Palakas ng palakas ang sand storm sa paligid niya hanggang sa hindi na niya makita ang nasa harapan niya.

Isang malaks na hangin ang tumangay sa sand storm.

"Pati pa naman bata papatulan niyo?" sabi ni Zeque.

Napaupo si Zaira at kinusot ang mata bago dumilat. Maluha-luha niyang tinignan ang guardian niya.

"Zeque!" aniya sabay tayo at taas ng kamay upang yakapin ito pero napahinto siya nang sumalubong sa kanya ang seryosong mukha nito.

"Totoo nga na naging bata ka," sabi ni Zeque habang pinagmamasdan si Zaira.

Napahawak sa batok si Zaira.

"Ah! Yung bote!"

Pagtingin ni Zaira sa pinaggulungan nito, wala na ang bote.

"Nakuha ko na," sabi ni Kura sabay lapit sa kanila.

"Buksan mo kuya para makawala na sila," suhestiyon ni Zaira.

"Ayaw," tugon ni Kura.

"Hahahaha. Tanging si Tiffania lang ang makatanggal sa seal," sabi ni Risa.

"Patingin ako Kura," sabi ni Zeque saka sinubukang buksan ang bote.

Katulad nila Zaira hindi niya ito mabuksan. Lumapit siya kay Erie.

"Subukan mo buksan," aniya sabay abot ng bote kay Erie.

"Sinabi ko na sa inyo. Si Tiffania lang makakatanggal ng seal. Kahit sino pa pagbuk--"

"Nabuksan!" sambit ni Zaira habang nanlalaki naman ang mata ni Erie.

Hindi rin inaasahan ni Erie na ganun niya kadali mabubuksan ito. Basta hinila lang niya ang cork.

"Paano? Paano natanggal ng isang tao ang seal?"  sabi ni Risa habang hindi mapaniwalang nakatingin kay Erie.

May lumabas na iba't-ibang kulay na usok at sa gitna ng mga usok ang isang ilaw. Palakas nang palakas ang liwanag nito hanggang sa maging korteng tao ito. Nang mawala ang liwanag at usok sumalubong sa kanila ang spirit nila Crystal.

"Salamat! Nakalabas din kami," sabi ni Dwayne.

"Ian!" sigaw ni Zaira.

Sinubukan niyang yakapin si Blaize ngunit tumagos lang ito. Bumagsak ang balikat ni Zaira.

"Bata? Athena? " tanong ni Tyler.

Tinignan siya nang masama ni Zaira.

"Wag mo kong tawaging bata."

"Zai, kaw talaga yan? Ano na nangyari sayo?" tanong ni Kim.

"Saka sino yung Zaira na nasa harap natin?" tanong ni Gin.

Napatingin sila kay Erelah.

"Fake siya, kapag nahigop ko sa katawan niya ang spiritual energy na dapat sa akin, mawawala siya," sagot ni Zaira habang matalim na nakatingin ng masama kay Erelah.

"Si Ere--I mean si Persephone ang nasa harapan niyo," sabi ni Zeque.

"Umalis na tayo," sabi ni Erelah Persephone.

"Aalis na tayo agad? Nag-uumpisa pa lang ako ganahan," sagot ni Sandro.

"Kung gusto mo maiwan. Bahala ka," tugon sa kanya ni Persephone saka ito umalis.

"Pagbabalik ko papatayin na talaga kita."

Banta ni Risa kay Erie bago umalis. Walang nagawa si Sandro kundi sumunod sa dalawang babae.

"What?!" sabi ni Zaira nang mapansin niyang nakatingin sa kanya sila Kim.

"Ang cute mo pala nung bata ka. Sayang hindi kita mahawakan," sabi ni Kim.

Kinilabutan si Zaira, pakiramdam niya kung nahahawakan siya nito, kanina pa pinisil ni Kim ang pisngi niya.

"Lalong nagpacute sa kanya yung buntot at tenga niya," sabi ni Thea.

Namula si Zaira. Gusto niya itago ang tenga at buntot niya pero hindi niya kayamg panatalihin ang human form niya katulad nila Gin. Sa huli lumalabas rin ito makalipas ang labing limang minuto.

"Kailangan mo matutong magbago ng anyo. Hindi ka pwedeng gumala nang ganyan ang itsura mo," sabi ni Zeque habang umiiling.

Napasimangot si Zaira dahil alam niyang marami pa siyang dapat matutunan. Ano magagawa niya? Lumaki siya na tao lang. Malay ba niya na darating ang araw na magiging werewolf rin siya. Nabigyan nga siya ng malakas na pangangatawan at kapangyarihan pero kapalit nito ang mas dobleng pagsasanay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top