CHAPTER 45
Tumingin si Zaira kay Samael, habang nakaupo sa sahig. Sa tabi niya sila Blaize na kasalukuyang nakatingin ng masama kay Samael.
Tumingin si Zaira sa sahig kung saan may nakaguhit na magic circle. Hindi niua alam kung para saan iyon subalit tuwing nakakakita siya ng ganun naalala niya ang araw na naghiwalay sila ng katawan ni Zarah.
Napayakap si Zaira sa sarili. Mararanasan ba niya iyon ulit? Bakit ba sa kanila nangyayari ito?
Parang kanina lang masayang silang kumakain ng cookies.
3:00 ng hapon nang maghanda sila Zaira ng cookies para sa mga lalaki.
"Kain kayo. Nagluto kami ng cookies," sigaw ni Zaira habang nakangiti bitbit ang cookies na ginawa niya para kay Blaize.
"Wow! Salamat!" sabi ni Dwayne sabay kuha ng cookies na nakahanda para sa kanila.
Umupo si Zaira sa tabi ni Ian at inabot ang cookies na gawa niya.
"Pinaghiwalay kita. Ako gumawa niyan," sabi ni Zaira.
Tinignan siya ni Blaize saglit bago kumuha. Hindi inalis ni Zaira ang tingin niya sa binata ngunit kahit anong abang niya wala itong reaksyon. Hindi niya tuloy masabi kung nagustuhan ba nito ang cookies.
Sumimangot si Zaira bago nagtanong.
"Wala ka man lang sasabihin? Masarap ba yung cookies?"
Tinapat ni Blaize bang kinagatan niyang cookies sa bibig ni Zaira.
"Aahh!"
Kumagat si Zaira. Kahit na siya nagluto, ngayon pa lang niya ito natikman.
"Masarap naman ah!"
Ngumiti si Blaize saka tumango bago sinubo ang natirang cookies sa kamay. Kumuha siya muli ng panibagong cookies at tahimik na kinain ito.
"Ang tigas," sabi ni Max habang kinakagat ang nasunog na cookies.
Tinignan ni Zaira si Zarah; kasalukuyan itong nakatingin ng masama kay Max at tinangkang agawin cookies ngunit iniwas ni Max ang kamay niya.
"Wag mo kainin kung ayaw mo," sabi ni Zarah.
"Hindi pa ako tapos magsalita. Masarap naman kahit matugas. Good job."
Hinawakan ni Max ang ulo ni Zarah hanang nakangiti.
Namula ang mukha ni Zarah bago umiwas ng tingin at inalis ang kamay ni Max.
"Wag mo ko hawakan sa ulo, hindi ako aso," sabi ni Zarah.
"Hindi pa rin siya nagtatapat," sabi ni Blaize habang nakatingin kay Max.
Nilingon niya si Zaira. Ngayon alam na niya kung bakit kahit matagal na silang magkasama ni Zaira hindi ito nakapagtapat hanggang sa naunahan niya ito.
Hindi rin siya magugulat kung maunahan nanaman siya ng iba kay Zarah.
"Ha? May sinasabi ka ba?" tanong ni Zaira kay Blaize.
"Mabuti hindi sunog cookies mo," sabi ni Blaize.
Tinignan siya ng masama nina Zarah at Max nang marinig nila ito. Hindi naman ito pinansin ni Blaize at tinuloy ang pagsubo sa cookies niya.
"Sa susunod yung boys naman yung gagawa ng miryenda," sabi ni Zarah habang nakatingin pa rin kay Blaize.
Nakangiting tumingin si Zaira kay Blaize.
"Narinig mo yun?" tanong ni Zaira.
Sa halip na sumagot si Blaize ginantihan nito ng tingin si Zarah.
"Marunog ako magluto," sabi ni Blaize kay Zarah.
Ngumisi si Zarah.
"Baking ang gagawin niyo hindi cooking."
"Tsk."
"Paano ba yan boys? Ipagluto niyo kami sa susunod," sabi ni Hazel.
"Hinahamon niyo ba kami? Baka mainlove kayo sa amin kapag natikman niyo ang gawa namin," tugon ni Asher.
Tumango si Adrian.
"Tama! Baka hindi kayo makatulog kapag natikman niyo ang cookies namin," sabi ni Adrian.
"Yabang mo. Hindi ka naman marunong gumawa ng cookies."
Kontra ni Kim.
"Marunong ako. Maghintay ka lang. Sigurado akong maluluha ka sa sobrang sarap ng gawa ko."
"Talaga lang ha?!"
Tumawa si Zaira bago nilingon si Blaize.
"Aasahan ko yung cookies mo," sabi niya.
"Okay."
Lalong lumawak ang ngiti ni Zaira sa sagot nito. Kilala niya si Blaize kapag sinabi nitong gagawin niya, siguradong gagawin niya.
Kinagabihan, nakatayo si Zeque sa may balcony habang nakatingin sa full moon.
"Zeque, bakit gising ka pa? May problema ba?" tanong ni Mr. Fiester.
Bumuntong hininga si Zeque. Simula nang nakalaya si Samael hindi na naging kalmado ang puso.
"Iniisip ko si Samael, sigurado akong may masamang binabalak siya pero hindi ko lang alam kung ano ito at kung kailan siya kikilos."
"Aaahhhh!"
"Si Crystal yun ah!" sambit ni Mr. Fiester bago tumakbo papuntang kwarto nito.
Pagbukas nila ng pinto gulo-gulo ang mga higaan at wala na si Crystal.
Nagkasalubong ang kilay ni Mr. Feister dahil may barrier sa palibot ng bahay nila.
Paano sila napasok ng kalaban?
"Titignan ko sila Zaira," sabi ni Zeque.
Isa-isa niyang binuksan ang pinto nina Zaira at Zarah at wala ang mga ito. Nang kay Gin na siya isang black hole na unti-unting lumiliit lang ang naabutan niya.
"Samael!" sigaw ni Zeque sabay suntok sa pader.
Pagkakita niya sa blackhole sigurado siyang si Samael ang nasa likod ng pagkawala nila.
"Pa, ano nangyari? Bakit maay narinig akong sumisigaw?" tanong ni Asher.
Nanlaki ang mata nito nang makita ang crack sa pader kung saan sumuntok si Zeque.
"Paris, pumunta ka sa kwarto ng kuya mo. Tignan mo kung nandoon siya."
Binuksan ni Asher ang kwarto sa tabi ng kwarto niya at hindi nagtagal sinara niya ito agad. Seryoso niyang tinignan ang ama niya
"Wala si kuya."
"Yung iba puntahan niyo," sabi ni Mr. Fiester.
Makalipas ang tatlong minuto, nakaupo ang lahat ng naiwan sa bahay sa sala. Tanging ang mga celestial guardians at sina Zarah, Crystal, Zaira at Gin ang nawala.
"Tawagan niyo ang ibang celestial guardian, kailangan natin sila masabihan," sabi ni Zeque nang marealized niya kung sino ang target ni Samael.
Kinuha ni Asher ang cellphone niya at unti-unting nagkasalubong ang kilay tuwing tumatawag siya.
"Walang sumasagot," aniya sabay baba ng cellphone.
Kasalukuyan, sa Infernal World, nakangiting tumingin si Samael kila Zaira.
"Umpisahan niyo na," aniya bago umalis.
"Ano gagawin niyo?" sigaw ni Zaira.
Nagliwanag ang magic circle sa sahig kung nasaan sila.
Gustuhin man nila umalis, hindi sila makatayo. Isa-isang bumagsak ang kasamahan ni Zaira.
"Gin! Tyler! Max!" sambit ni Zaira habang nakatingin sa katawan nila Gin na kasalukuyang walang malay.
Nilingon ni Zaira si Blaize kung saan malayo ito sa kanya.
"Ian!"
Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang spiritual body nito na lumutang sa ibabaw bago ito bumagsak.
Tinaas ni Zaira ang kamay niya upang abutin ito ngunit tuluyan na itong lumipad palabas ng magic circle.
"Kura, kaya mo ba makaalis?" bulong ni Liam.
"Susubukan ko."
Ngumiti si Liam bago matumba ang katawan niya at mula sa itaas nito makikita ang spiritual body niya na unti-unting lumulutang.
"Ikaw na lang maasahan ko. Sabihin mo kila mama ang nangyari," aniya bago ito higupin patungo sa boteng hawak ng isang babae.
Isang anino ang mabilis na lumabas sa katawam nito. Lumipad siya patungo kay Zaira nang mapansin nito na siya na lang ang natitira.
Nasa ibaw ng katawan niya ang spiritual body nito.
Hindi man sigurado si Kura kung maisasama niya ito, sinubukan niya pa rin ito hilain habang lumilipad siya palabas ng magic circle.
May nahawakan siya ngunit sa kakamadali niya makaalis hindi niya muna ito tinignan. Bumaba siya sa anino sa sahig saka siya nawala na para bang lumusong siya sa ilalim ng tubig.
Kinabukasan, sumama si Zeque sa Black Academy.
"Nasaan yung iba?" tanong ni Rhys pagkadating nila.
"Oo nga. Diba sabay-sabay kayo palagi?" tanong naman ni Adrian.
"Wala pa ba sina Kim, Thea, Tyler, Kaycie at Kayden?" tanong ni Asher habang tumitingin sa paligid.
"Wala pa. Kanina ko pa nga hindi nakikita sina Kim at Thea. Kinatok ko sila kanina sa kwarto nila pero walang sumasagot. Akala ko nga nandito na sila," tugon ni Hazel.
Lalong nagdilim ang aura ni Zeque sa narinig.
"May problema ba?" tanong ni Levi.
"Kagabi kinuha sila Gin ng mga demon. Tulad ng nakikita niyo, ako lang ang naiwan bukod sa mythical animal," sagot ni Asher.
Nagliyab ang mata ni Zeque habang iniisip si Samael.
"Kailangan ko sila makuha kay Samael."
Gumawa ng black hole si Zeque sa tabi niya.
"Sasama ako!" sigaw ni Asher.
Umiling si Zeque saka isa-isang tinignan ang mga naiwan.
"Hindi ako makakapayag na may mapahamak sa inyo."
Pumasok siya sa black hole saka ito nawala.
Paglabas niya nasa tapat na siya ng palasyo ni Haring Samael.
"Samael, kung ano man binababalak mo, sisiguraduhin kong hindi ka matatagumpay," bulong ni Zeque.
Naging isang gray na wolf siya bago tumakbo papasok ng palasyo.
"May kalaban!" sigaw ng bantay sabay hiwa ng espada sa lobo.
Subalit nagpalit sa anyong paniki si Zeque at lumipad. Walang balak makipaglaban si Zeque sa nga tauhan ni Samael.
Tanging ang hari lang nila ang pinunta niya.
"Nasaan ang kalaban?" tanong ng mga bagong dating.
"Ayun siya!"
Tinuro ng bantay ang paniki sa taas. Sinundan nila agad si Zeque.
Pumasok si Zeque sa kwarto kung saan tumatanggap ng bisita ang hari.
"Haring Samael," sambit ng mga humahabol kay Zeque nang makitang nakaupo ito sa malaking upuan.
"May nakapasok pong kalaban."
Ngumiti si Samael nang makita ang paniki na lumilipad habang masamang nakatingin sa kanya.
"Bisita ko siya. Iwan niyo na kami," aniya sabay inom ng wine.
Tumingin muna ang mga humabol sa paniki bago lumabas at sinarado ang pinto.
"Long time no see Zeque," sabi ni Samael.
Bumalik sa pagiging wizard si Zeque.
"Nasaan sila Zaira?" tanong niya habang nakatayo sa harapan ni Samael.
"Wala na dito ang hinahanap mo."
Nanlisik ang mata ni Zeque.
"Ano ginawa mo sa kanila?"
"Dinala ko sila sa lugar na malayo sa magulong mundo natin. Doon mamumuhay sila ng tahimik at payapa."
Isang mundo lang naisip ni Zeque sa sinabi nito.
"Dinala mo sila sa mortal world?"
Ngumiti si Samael hanggang sa lumitaw ang ngipin niya.
"Binura ko ang mga alaala nila at pinalitan ng panibago. Simula ngayon mabubuhay na sila gamit ang katauhan ng iba."
Tumango si Zeque. Mukha man sila maayos nag-uusap sa loob nila gusto nila patayin ang isa't-isa.
"Naiintindihan ko. Inilayo mo sila dahil alam mong magiging sagabal lang sila plano mo," sabi ni Zeque sabay ngiti.
Hinagisan niya ng ice needle si Zeque at nadaplisan ito sa kanang pisngi.
"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon pinaglalaruan mo pa rin ang buhay ng iba. Sisiguraduhin kong hindi matatagumpay ang plano mo."
Humigpit ang pagkakahawak ni Samael sa baso hanggang sa mabasag ito.
Gumawa ng black hole si Zeque.
"Ikaw din... Hanggang ngayon kinokontra mo pa rin ako."
"At palaging ako ang nagwawagi."
Hinagisan ni Samael ng darkball si Zeque ngunit agad itong pumasok sa blackhole.
Nang mawala ito napangiti si Samael.
"Tignan na lang natin kung sino magwawagi ngayon."
Lumabas sa mortal world si Zeque. Wala man siya ideya sa kung saan niya hahanapin sila Zaira, pinagpatuloy niya ang paglalakad.
"Sorry," sabi ng isang highschool student na babae nang magtama ang balikat nila.
Nanlaki ang mata ni Zeque nang makita ang isang pamilyar na mukha.
"Persephone," bulong ni Zeque bago sinundan ng tingin ang babaeng tumatakbo
Huminto ang babae saka tumingin kay Zeque.
Nagkasalubong ang mata nila saglit bago ito tumawid.
Umiling si Zeque.
"Impossibleng si Perseverance ang nakita ko. Matagal na siyang patay," bulong ni Zeque.
Hindi maiwasan ni Zeque alalahanin ang huling araw na nakausap niya si Persephone.
"Zeque, babalik ako pangako. Babalikan kita. Ikaw lang ang mamahalin ko. Pangako," sabi ni Persephone habang nakahawak sa mukha ni Zeque.
Hinalikan siya ni Persephone sa labi habang lumuluha.
"Mahal na mahal kita."
Pumikit si Persephone at unti-unting bumagsak ang kamay.
"Persephone! Wag mo ko iwan! Persephone! Gumising ka pakiusap!" sigaw ni Zeque.
Subalit tawagin niya man ito nang paulit-ulit, wala siyang nakuhang tugon. Unti-unting nagliwanag ang katawan ni Persephone hanggang sa maglaho ito habang nasa bisig ni Zeque.
Bumuntong hininga si Zeque at muling nilingon ang babae subalit wala na ito.
Napangiti siya ng mapait.
"Bumalik ka nga pero hindi na ikaw ang Persephone na kilala ko."
Pinapatuloy ni Zeque ang paglalakad kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi siya maaring bumalik nang walang clue tungkol kila Zaira.
Nag-umpisang dumilim ang kalangitan at pumatak ang ulan.
Tumingin sa langit si Zeque habang hinahayaang pumatak ang mahinang ulan sa mukha niya. Sa una mahina lang ito hanggang sa lumakas ang buhos.
Isang payong ang humarang sa tinitignan ni Zeque. Nilingon niya ang nagmamay-ari ng payong sa tabi niya.
"Crystal."
Nakasuot ng highschool uniform ang babaeng kamukha ni Crystal. Nagtatakang tinignan niya si Zeque.
"Crystal?"
Natauhan si Zeque nang maalala ang sinabi sa kanya ni Samael.
"Ah! Salamat sa payong. Ano ang pangalan mo?"
"Ashlyn."
Ngumiti si Zeque saka tumango.
"Ako si Zeque. Mauna na ako. Salamat ulit."
Tumakbo si Zeque paalis at naghanap ng tagong lugar bago gumawa ng portal.
"Zeque! Anong balita? Nakita mo ba sila Athena?" tanong ni Mrs. Fiester.
"Nasa mortal world sila. Nakita ko si Crystal pero hindi niya ako maalala."
Bumuntong hininga si Zeque.
"Hindi ko alam kung ano ginawa ni Samael sa kanila. Ngayon nabubuhay sila sa ibang katauhan. Kailangan ko makapasok sa paaralan kung saan nag-aaral si Crystal."
"Anong school? Ako na bahala sa mga kailanganin mo para makapasok," sabi ni Mr. Fiester.
"Clifford High."
"Ako na bahala sa lahat. Ito lang ang maitutulong ko sayo. Alam ko sa ngayon, ikaw lang ang kayang tumapat kay Samael."
"Naiintindihan ko."
"Basang -basa ka. Bakit hindi ka muna magpalit ng damit?" sabi ni Mrs. Feister.
"Ayos lang po ako."
Pumitik sa ere si Zeque at sa isang iglap malinis at tuyo na siya.
Tumawa si Mrs. Fiester.
"Nakalimutan ko na kaya mong gumamit ng iba't-ibang magic."
"May iba ka pang kailangan?" tanong ni Mr. Fiester.
"Ah! Kailangan ko sila Asher. Habang hindi pa natin alam kung paano sila ibabalik sa dati sila Zaira mas mabuting may magbabantay sa kanila kapag nahanap na namin sila."
"Okay, ako na bahala magpaalam kay Headmaster Black."
"Maraming salamat."
Hinawakan ni Mr. Fiester sa balikat si Zeque. Kahit na alam niyang ilang daang taon ang tanda nito sa kanya hindi niya pa rin maiwasang ituring bata ito dahil sa itsura nito na mukhang nasa edad 18 years old.
"Zeque, kami dapat magpasalamat sayo. Maliit na bagay lang itong itutulong namin. Sa huli ikaw pa rin ang kikilos. Maraming salamat sayo."
Tumango si Zeque saka ngumiti. Hindi mapigilang maalala ni Zeque ang mga magulang niya noong nabubuhay sila tuwing nakikita niya mag-asawang Fiester.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top