CHAPTER 44
Nakasimangot na nakasunod si Zarah kila Max habang naglalakad sila patunggong classroom.
Mabagal ang lakad niya at nakayuko habang hawak-hawak ang sumbrero. Halos tumakip na ito sa mukha niya.
Bumuntong hininga si Zarah
"Nakakatamad... Bakit ba kailangan ko rin pumasok?" bulong niya.
"Ang kapal mo naman para bumalik pa dito? Akala mo ba hindi namin alam ang totoo?"
Napahinto sa paglalakad si Zarah nang may marinig siyang tinig. Sigurado siyang malapit lang ito sa kanila subalit nang lingunin niya ito wala siyang nakita.
Tinignan niya sila Max; malayo na ang mga ito sa kanya. Sa halip na sumunod siya hinanap niya ang boses na narinig niya.
"Saan niyo ko dadalhin?" sigaw ni Stephanie.
Tumingin kaliwa't-kanan si Zarah nang marinig niya ang pamilyar na boses. Pagsilip miya sa may gilid ng building nakita niya si Stephanie at ang apat na stalker ni Blaize.
Sinampal ni Pia si Stephanie.
"Hindi porket kaibigan mo si Zaira, palalampasin ka namin. Kinaibigan mo lang naman siya para mapalapit ka kila Prince Blaize," sabi ni Pia.
'Kaya pala pamilyar ng boses nila,' sa isip ni Zarah habang tinitignan ang apat na babaeng minsan na niya nakalaban.
Napailing si Zarah nang sipain nito si Stephanie. Lumapit ang tatlo pang kasama ni Pia saka nila pinagtulungang tadyakan si Stephanie habang nakahiga ito sa damuhan.
"Ano? Nasaan na ang tapang mo? Ayan bagay sayo!" sabi nu Marie habang inaapakan ang kanang kamay ni Stephanie.
Napahawak sa baba si Zarah.
Tutulungan ko ha siya?
"Aaahhhh! Tama na!" sigaw ni Stephanie habang umiiyak.
Humakbang paalis si Zarah.
Bilin sa akin nila Mama na wag makipag-away.
Tumango-tango si Zarah saka muling himakbang.
"Ahhhh!"
Bumuntong hinga si Zarah.
"Hindi ko siya pwedeng pabayaan. Kapatid pa rin siya ni Max. Baka kapag tinulungan ko siya may plus point ako kay Max."
Bumalik si Zarah at tumalon sabay sipa sa mukha ni Kate.
"Wth! Sinong paki-- Zaira?" sambit ni Kate.
Ngumiti si Zarah.
"Long time no see," aniya saka sinuntok sa mukha si Maria.
"And I'm Zarah."
Pakilala ni Zarah bago umiwas sa suntok ni Marie. Tiniginan siya nito ng masama at muling sumuntok subalit umatras lamang si Zarah habang nilihis ang ulo.
Umikot si Zarah saka sinipa sa tiyan si Maria; Tumama ito sa puno at napaupo sa damuhan.
"Kung inaakala mo na hahayaan ka lang namin dahil malapit ka nila Blaize, nagkakamali ka," sigaw ni Kate habang patakbong lumalapit kay Zarah.
Hinakbang ni Zarah sa likod ang kaliwang paa niya saka sinipa sa baba si Kate nang malapit na ito. Pagkababa ng paa ni Zarah, umatake si Pia pero nakayuko agad ang dalaga. Pag-tayo ng tuwid ni Zarah, hinawakan niya sa braso si Pia saka hinila paitaas at binagsak sa lupa.
"Ahhh!"
Sigaw ni Pia habang namimilipit sa sakit. Tinapakan ni Zarah ang paa nito.
"Yun lang ba kaya niyo?" tanong ni Zarah sabay tadyak kay Pia.
Nanlisik ang mga mata nila Marie habang nakatingin sa paa ni Zarah na kasalukuyang nasa mukha ni Pia. Sabay silang tatlo umatake kay Zarah subalit makalipas ang tatlong minuto nakahiga na rin ang mga ito sa tabi ni Pia.
"Hey! Tumayo kayo diyan. Bampira na talaga kayo? Bakit ang hina niyo?" sabi ni Zarah sabay sipa kay Kate.
Ang hindi alam ni Zarah higit na malakas ang suntok niya ngayon kumpara noong gamit niya ang katawan ni Zaira.
"Ah! Tao ka ba talaga?" tanong ni Kate nang sipain siya ni Zarah.
Tinuro ni Zarah ang sarili habang tinitignan ang duguang mukha ni Kate.
"Ano sa tingin mo? Mukha ba akong hindi tao?"
Natulala si Kate sa kulay itim na mata ni Zarah. Kung titignan ito mukha talaga ito tao pero hindi pantao ang lakas at bilis nito. Bukod doon hindi agad gumagaling ang sugat nila, kung normal na tao lang ito balewala lang sa kanila ang mga suntok at sipa nito.
Hindi alam ni Kate kung paano niya ipapaliwanag ang sarili kaya napatikom na lang siya ng bibig.
Napahikab si Zarah.
"Ang boring! Hindi man lang ako na-- Aw! Sino nangbatok sa a--ikaw pala yan Max!"
Napahawak sa batok si Zarah saka umiwas ng tingin nang makita ang masamang tingin ni Max.
"Hindi mo mapigilang makipag-away no? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
Napasimangot si Zarah.
"Hindi ako nakipag-away," mahinang sabi niya habang nakatingin sa paa niya.
"Talaga lang ha? Anong tawag sa ginawa mo?"
"Wala siya kasalanan," sabi ni Stephanie habang nakatayo sa gilid.
Nang tignan siya nila Zarah, yumuko ito.
"Salamat sa tulong," aniya bago inangat ang ulo upang tignan si Zarah.
Nakuha naman ni Max ang ibig-sabihin nito nang makita ang itsura ni Stephanie.
"I see," sambit ni Max bago binalik ang tingin kay Zarah.
"Ginawa ko lang yun dahil kapatid ka ni Max," sabi ni Zarah sabay lakad paalis.
Nakangiting sumunod sa kanya si Max saka siya hinawakan sa ulo.
"Salamat sa pagtulong mo kay Steph."
Napahinto sa paglalakad si Zarah at nang tignan niya si Max, naglalakad na ito palapit kay Stephanie
"Ayos ka lang ba? Gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" tanong ni Max kay Stephanie habang inaalalayan itong maglakad.
"Ayos lang ako. Salamat," sabi ni Stephanie habang namumula ang mukha.
Inalis ni Stephanie ang kamay ni Max bago patakbong umalis.
"Tara na sa room," sabi ni Max sabay hawak sa kamay ni Zarah.
Nakangiting tumango si Zarah at sumabay kay Max.
Pagdating nila sa room, umupo agad si Zarah at sinubsob ang mukha sa mesa.
Wala siyang ihang ginawa kundi matulog hanggang sa sumapit ang tanghali.
"Hindi niyo pa ba siya gigisingin?" tanong ni Gin pagkatapos tignan ang orasan.
"Ayaw na ayaw niyang ginigising siya," sagot ni Asher.
"Hindi pa ba kayo kakain?" tanong ni Tyler habang nag-uunat.
"Kakain," tugon ni Kim sabay tayo.
Nagsitayuan na rin ang iba maliban kay Max at Zarah.
"Ikaw Max?" tanong ni Asher.
"Mamaya na lang ako."
Tinignan ni Max si Zarah.
"Okay. Pakibantayan na lang siya."
Nakangiting tinapik ni Asher ang balikat ni Max nang mapansin niya ang tingin na binibigay nito kay Zarah.
Paglabas nila ginaya ni Max ang posisyon ni Zarah. Nakapatong ang dalawang kamay nito sa mesa habang ang ulo niya nakahiga sa braso.
Pinanood niya ito habang mahimbing na natutulog.
"Hanggang anong oras ka matutulog?"
Napakunot ang noo ni Zarah bago dumilat. Nanlaki pa ang mata nito nang makitang nakatingin sa kanya si Max habang nakapatong rin ang ulo sa mesa.
"Nanaginip pa yata ako," sabi ni Zarah habang nakatingin kay Max.
Ngumiti si Max saka pinisil ang ilong ni Zarah.
"Hindi ka nanaginip."
Tinapik ni Zarah ang kamay ni Max bago umayos ng upo.
"Napahaba yata tulog ko. Nasaan na yung iba?"
"Kumain."
Tumunog ang tiyan ni Zarah.
"Pffftt. Mukhang nagwawala na yung alaga mo sa tiyan."
Nag-init ang mukha ni Zarah saka umiwas ng tingin.
Tumayo na si Max saka nilahad ang kamay sa harap ni Zarah.
"Tara sa cafeteria."
Hinawakan ni Zarah ang kamay nito at tumayo.
"Ano gustong mong kainin?" tanong ni Max habang naghahanap sila ng mesa.
"Ikaw na bahala. Basta damihan mo."
Umupo si Zarah sa pwestong nakita nila na nasa dulo.
"Okay. Diyan ka lang."
Nagtunggo si Max sa counter at nang makabalik ito may bitbit na itong isang tray. Sa likod niya may mga waiter na nakasunod sa kanya upang dalhin ang ibang pagkain na binili niya.
"Salamat," pagpapasalamat ni Max nang mailapag na lahat ng pagkain nila.
Pagkaalis ng waiter nag-umpisa na agad kumain si Zarah.
Nagkasalubong ang kilay ni Max nang makita ang mabilis na pagsubo nito.
"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka. Saka walang aagaw ng pagkain mo."
Kumuha ng tissue si Max saka pinunasan ang dumikit na sauce sa mukha ni Zarah. Hindi nito pansin ang tinging binigay sa kanya ni Zarah habang abala ito sa ginagawa.
"Ken! Zarah!"
Napalingon sila kay Zaira. Kumaway ito sa kanila habang nakakahawak sa bisig ni Blaize.
"Saan kayo galing?" tanong ni Max.
Napakamot ng ulo si Zaira.
"Nakatulog kami sa mansion, mabuti na lang ginising kami nila Kim."
"Kaya pala wala rin sila dito nang pumunta kami."
"Wala raw maupuan dito kanina kaya dinala na lang nila pagkain nila sa mansion. Pwede makiupo?"
Tumango si Max habang si Zarah naman napasimangot bago tinuloy ang pagkain.
"Ako na bibili ng pagkain mo," sabi ni Blaize.
Pinanghila niya ng upuan si Zaira sa tabi ni Zarah at doon siya pinaupo bago umalis.
Lalong nagkasalubong ang kilay ni Zarah nang makitang nakatitig si Max kay Zaira.
Hinampas ni Zarah ang mesa upang kunin ang atensyon nito.
"Bakit mo siyang titi--"
Napaubo bigla si Zarah at agad naman itong inabutan ng tubig ni Max.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Wag ka magsalita habang may laman ang bibig mo."
"Ayos ka lang?" tanong ni Zaira habang hinahagod ang likod ni Zarah.
Tinignan siya ng masama ni Zarah saka ito tinuro gamit ang hawak na tinidor.
"Wag mong akitin si Max. Akin na siya."
"Wala ako ginagawa. Nakaupo lang ako rito."
Hindi pinansin ni Zarah ang tugon nito. Humarap si Zarah kay Max habang salubong pa rin ang kilay.
"Sa akin ka lang dapat tumingin. Bakit mo siya tinititigan?"
"Ha? Hindi ko siya--"
Padabog na binaba ni Zarah ang hawak na kutsara't tinidor.
"Nawalan na ako ng gana kumain. Bahala kayo magsama."
Nakasimangot na tumayo si Zarah habang napatakip naman ng bibig si Zaira nang mapansin niyang nagseselos si Zarah.
"Bakit ka ba nagseselos diyan? May babymine na ako," sabi ni Zaira habang nakangiti.
Namula ang mukha ni Zarah.
"Selos? Sinong nagseselos?! Saka ang corny ng tawagan niyo."
Napasimangot si Zaira.
"Hindi naman corny. Ang cute nga eh!"
"Ikaw nakaisip niyan no?"
Nang makita ni Zarah ang pamumula ni Zaira gumaan ang pakiramdam nito. Nakangiting umupo siya.
"Bakit ko ba kasi naisip yung babymine?" bulong ni Zaira. Kung maibabalik lang niya ang oras hindi niya hihilingin na may tawagan sila.
Dumating na si Blaize bitbit ang pagkain ni Zaira. Nilapag nito ang pagkain sa harapan ni Zaira bago umupo sa tabi ni Max.
"Salamat," sabi ni Zaira habang nakangiti.
Habang sumusbo ito napansin ni Zarah na may kumikinang sa daliri nito.
"Ang ganda ng singising mo. Si Blaize ba nagbigay niyan?" tanong ni Zarah.
Ngumiti si Zaira nang maalala ang nangyari sa mansion.
"Oo. Niyaya niya ako magpakasal kanina."
Tumawa ng walang tunog si Zaira. Ningitian siya ni Zarah.
"Congrats!"
Tinignan ni Zarah si Max at sakto namang nakatingin ito sa kanya habang umiinom ng tubig.
"Sagutin mo kaya ako? Tapos bigyan mo rin ako ng singsing."
Nasamid si Max sa sinabi nito. Binaba niya ang hawak na baso saka pinunasan ang bibig gamit ang panyo.
"Bibigyan mo ako ha? Max! Sagutin m--"
"Kumain ka na nga lang," sabi ni Max sabay subo ng baboy kay Zarah.
"Basta gusto ko ng singsing."
"Wag ka mag-alala sigurado bibigyan ka rin niya. Diba Ken?" sabi ni Zaira habang nakangiti.
"Oo," sagot ni Max habang nilalagyan ng kanin ang kutsara niya.
Natigilan siya bigla nang marealize niya ang tanong ni Zaira. Pag-angat niya ng ulo, abot tenga na ang ngiti ni Zaira habang nakanganga naman si Zarah.
"I mean hindi."
Bumaba ang balikat ni Zarah saka sumimangot.
"Joke lang. Hahaha. Tapos na ako kumain. Una na ako. Bye!"
Tumalikod agad si Max at mabilis na naglakad.
"Bakit ko ba sinabi yun?" bulong ni Max.
Tumayo si Blaize saka nagpaalam.
"Susundan ko si Max. Pagkatapos niyo diyan, bumalik na kayo sa classroom. Wag niyo kami hintayin."
Tumango si Zaira bilang tugon.
"Ingat."
Tumingin si Zarah kay Zaira.
"Ano yung joke lang?" tanong niya.
Ningitian lang siya ni Zaira at tinuloy ang pagkain. Wala siyang balak sabihin kay Zarah ang napansin niya kay Max. Mas mabuting si Max mismo ang magsabi nito.
Samantala, hinawakan ni Blaize ang balikat ni Max.
"Gusto mo na si Zarah," sabi niya.
Napatayo ng tuwid si Max bago nilingon si Blaize. Kulang na lang lumabas ang puso niya dahil sa sinabi nito.
"Kanina ka ba nakasunod?" tanong ni Max.
Tumango si Blaize.
"Ang saya mo siguro? Nabawasan ka ng karibal."
Ngumiti saglit si Blaize.
"Kahit gaano ba kayo karami, alam kong sa akin pa rin siya mapupunta."
Napanganga na lang si Max dahil sa taas ng confidence nito.
Hindi ba siya kinakabahan na baka makuha ng iba si Zaira?
"Alam kong hindi siya makukuha ng iba pero ayokong hinahawakan siya ng iba."
Pansin ni Max ang pagseryoso ni Blaize.
"Hindi porket na gusto ko na si Zarah, mababago na ang samahan namin ni Athena. Bestfriend ko pa rin siya at walang mababago doon. Kung ano kami noon, ganun pa rin kami ngayon," sabi ni Max sabay ngiti.
Kahit hindi naging sila ni Zaira, hindi pa rin maiaalis ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.
Nagkasalubong lalo ang kilay ni Blaize sa sa sinabi nito dahil alam niya kung gaano kalapit ang dalawa kahit noong hindi pa nagtatapat si Max.
"Tsk. Magtapat ka na lang kay Zarah. Wag mo na kami abalahin. Sabi ni Zarah, gusto niya ng singising."
Inakbayan ni Blaize si Max saka nag-umpisang maglakad.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Max nang mapansing palabas sila ng Black Academy.
"Jewelry Shop. Tutulungan kitang bumili ng singsing."
Nalaki ang mata ni Max sa sinabi nito.
Seryoso ba siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top