CHAPTER 42
Nagising si Zaira na pawis na pawis, mabilis ang tibok na puso at namumutla.
"Zarah!" sigaw niya sabay upo.
Naabutan niya si Blaize na nakataas ang kamay pasa gisingin sana siya.
Hinawakan ni Zaira ang kamay nito.
"Ian, si Zarah napanaginipan ko. Kailangan niya ng tulong."
Kahit panaginip lang ang nakita niya pakiramdam niya totoo ang lahat.
Tumayo si Zaira at sinubukang hilain si Blaize para puntahan si Zarah subalit hindi gumalaw ang binata.
"Ian, kailangan natin nagmadali!"
Bumuntong hininga si Blaize saka hinawakan sa mukha si Zaira.
"Kumalma ka muna. Hindi natin alam kung nasaan mismo si Zarah. Paano natin siya tutulungan?"
Napabuntong hininga si Zaira sa sinabi ni Blaize. Tama naman ito. Kahit natatandaan ni Zaira ang itsura ng lugar sa panaginip niya hindi nila alam kung paano mahahanap ito.
"Kung nakakagamit lang sana ako ng portal tulad nila kuya, oipin ko lang yung lugar sa panaginip ko makakapunta na tayo," bulong ni Zaira habang nakayuko.
Nanlaki ang mata ni Zaira nang may puting liwanag na lumabas sa paanan niya at doon nahulog siya.
"Aaahhhh! Ian!" sigaw ni Zaira sabay taas ng kamay.
"Athena!"
Hinawakan ni Blaize ang kamay niya subalit napahakbang rin siya portal dahil sa kakamadali.
Pareho sila silang nahulog.
"Portal?" sambit ni Blaize nang lumabas sila sa kalangitan.
Nanlaki naman ang mata ni Zaira habang nakatingin sa ibaba.
"Mahuhulog tayo! Aahhh!" sigaw niya.
Niyakap siya ni Blaize ng mahigpit habang nahuhulog sila. Nang makalapit na sila sa puno, umikot si Blaize upang siya ang tumama sa puno.
Naputol ang sanga ng puno at bumagsak sila sa damo.
"Ayos ka lang?" tanong ni Blaize habang nakatingin kay Zaira.
Inangat ni Zaira ang ulo niya mula sa pagkasubsob sa dibdib ni Blaize.
"Ako dapat nagtatan kung ayos ka lang?" tugon ni Zaira.
"Masakit pgkakabagsak ko pero ayos lang ako."
Tumayo si Zaira saka tinulungan si Blaize
Pareho silang natulala nang mapansin ang paggaling ng sugat ni Zaira sa braso nito.
"Sino yan? May tao ba diyan?"
Natauhan ang dalawa. Mabilis na tumayo si Blaize at hinila si Zaira upang magtago sa likod ng puno.
"Jef, saan ka pupunta? Tara na sa loob."
"Susunod ako."
"Pero parating na ang Prinsepe."
Binihuhat ni Blaize si Zaira saka lumipat sa kabilang puno habang nag-uusap ang dalawa.
"Okay. Sandali lang.
Umikot si Jef sa may puno kung saan bumagsak sila Zaira nang wala siyang makita pumasok na rin ito sa loob.
"Ayan yung nasa panaginip ko," sabi ni Zaira habang nakatingin sa villa.
"Sigurado ka?"
"Oo. Nasa loob sila Zarah. Nakita ko rin sa panaginip yung dalawang lalake kanina."
Tumango si Blaize pero hindi muna ito kumilos.
"Hahanap tayo ng ibang daan papasok sa loob. Diyan ka lang sa likod ko," sabi ni Blaize habang naglalakad sila palapit ng villa.
Naglakad sila sa gilid nito hangang sa makarating sila sa likod kung saang pumasok si Zarah.
Sinubukan itong buksan ni Blaize.
"Nakalock."
Napatingin si Zaira sa ibaba at doon nakita niya ang hairpin na nahulog ni Zarah. Pinulot niya ito saka lumapit sa pinto.
"Ako na diyan," aniya saka pinasok ang hairpin sa keyhole.
Interesadong pinanood ni Blaize ang ginagawa niya.
"Saan mo natutunan yan?" bulong niya kay Zaira.
"Kay Papa, tinuruan niya kami."
Napangiti si Zaira nang mabuksan niya ang pinto.
Habang abala ang dalawa sa pagbukas ng pinto, nagkakagulo na sa loob.
"Ano nangyayari dito?" tanong ng matandang babae habang nakatingin kay Zarah.
Ngumiti si Zarah bago sinaksak sa puso si Jef. Bininunot niya ang dagger saka hinayaang bumagsak ang lalaki.
Naglakad palapit sa matandang babae si Zaira.
"Sino ka?" tanong ng matandang babae kay Zarah.
"Nandito ako para kunin ang kapatid ko."
Hinila ni Zarah si Crystal palapit sa kanya habang tinitigan ng masama ang matandang babae.
Samantala, nanlalaki ang mata ni Dominic habang nakatingin kay Zarah.
"Zaira?" aniya dahilan para makuha niya ang atensyon nila Zarah.
Tinutok ni Zarah ang dagger na hawak bago nagtanong.
"Sino ka? Bakit kilala mo si Zaira? Alam mo ba kung nasaan siya?"
Ngumiti si Dominic.
"Ako si Prince Dominic. Kung gusto mo malaman kung nasaan si Zaira, pwede kita ihatid doon."
Humakbang palapit si Dominic.
"Wag ka lalapit!" sigaw ni Zarah.
May halong pagdududa ang binigay niyang tingin may Dominic. Alam niyang hindi niya ito dapat pagkatiwalaan.
Tumawa naman si Dominic.
"Nasa palasyo ko Zaira, kung gusto niyo siya makita pwede kayong sumama sa akin."
"Nagsasabi ka ba ng totoo?"
Nagkibit balikat si Dominic.
"Kung ayaw niyo maniwala, wala na akong magagawa. Hindi ko naman kayo pinipilit."
Binaba ni Zarah ang dagger.
"Sasama kami pero oras na malaman kong nagsisinungaling ka isusunod kita sa kanya," sabi ni Zarah sabay tingin sa pinatay niya.
Napangiti si Dominic nang si Zarah na mismo ang lumapit sa kanya.
'Kung mapapatay mo ko. Oras na nasa palasyo na kayo, hindi na kayo makalabas ng buhay,' sa isip ni Dominic.
Hindi alam ni Dominic na tahimik na nakikinig sa kanila sila Zaira. Binulong ni Blaize kay Zaira ang nasa isip ni Dominic kaya hindi na ito nakapagpigil.
"Zarah, wag ka sasama sa kanya!" sigaw ni Zaira.
Nanlilisik ang mata ni Zaira habang nakatingin kay Dominic. Hindi niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Ayaw niyang mangyari iyon kila Zarah.
"Athena!" sambit ni Crystal habang nakangiti.
Nagdilim ang mukha ni Dominic nang masira ang plano niya. Sinubukan niyang abutin si Zarah subalit isang espada ang humiwa sa pagitan nila.
Bago pa maputol ang kamay ni Dominic, binawi na niya ito saka tinignan si Max.
Hindi alam ni Dominic na tahimik na nakasunod sa kanya sila Henry.
"Bakit kailangan natin sundan si Dominic?" tanong ni Max kay Henry habang hinihintay nila itong lumabas ng palasyo.
"May nagbebenta ng slave kay Dominic. Malay mo nandoon ang hinahanap niyo?"
Napakunot ang noo ni Henry saka tinignan ng masama si Max.
"Nagrerekalamo ka ba? Baka nakakalimutan mo na ikaw ang kusang sumama sa akin."
Napaiwas ng tingin si Max.
"Hindi naman ako nagrereklamo. Kagabi pa tayo nakabantay dito."
Dalawa lang sila na naghihintay kay Dominic habang ang iba hinahanap sila Crystal. Nang malaman ni Max na hihiwalay si Henry, sumama siya dito dahil walang iba ang gustong sumama sa kanya. Naisip rin ni Max na hindi kakayanin ni Henry mag-isa kung sakaling marami itong makaharap na kalaban.
"Ganitong oras umaalis si Dominic. Tignan mo."
Tinuro ni Henry si Dominic. Pasakay ito sa sasakyan.
Nang umandar ang sasakyan, hinawakan ni Henry ang balikat ni Max bago magteleport.
Hindi alam ni Max kung ilang beses sila nagteleport bago huminto ang sasakyan ni Dominic.
Isang matandang babae ang sumalubong kay Dominic.
"Maligayang pagbalik sa mahal ba prinsepe. Nakahanda na po ang mga pagpipilian niyo. Tuloy kayo mahal na prinsepe," sabi ng matandang babae saka sinamahang papasok si Dominic.
"Ano nangyayari dito?"
Nakatinginan ang dalawa nang marinig nila ang sigaw ng matandang babae.
Lumapit sila sa may pinto at nakinig sa usapan nila. Pinigilan ni Henry na pumasok si Max nang marinig nito si Zarah.
"Zarah, wag ka sasama sa kanya!"
Nagkatingnan ang dalawa nang marinig nila ang boses ni Zaira. Pumasok si Henry at sumunod naman si Max.
Nakita ni Max si Dominic na palapit kay Zarah.
"Henry, sa tabi ni Zarah," sabi ni Max sabay hugot ng espada.
Hinawakan siya ni Henry saka nagteleport. Pagsulpot nila sa tabi ni Zarah inatake agad ni Max ang kamay ni Dominic.
Napaatras si Dominic habang nanlalaki ang mata.
"Wag na wag mo siyang hahawakan," sabi ni Max sabay tutok ng espada sa leeg ni Dominic.
"Hindi ko akalain na mahilig ka rin pala sa mga babae na pagmamay-ari na ng iba," sabi ni Henry habang umiiling.
Nakasalubong ang kilay ni Dominic at isang malakas na pwersa ang lumabas sa katawan niya.
Hinila ni Blaize si Zaira saka nagtago sa dining room habang tumalsik naman sina Zarah, Crystal, Henry at Max sa pader.
Gumuho ang pader na naghahati sa dining room at living room.
Tatayo na sana si Zarah nang may pwersang humigop sa kanya. Nakita na lang niya ang sarili na hawak na ni Dominic.
"Bitawan mo siya," sigaw ni Max habang nakatingin ng masama kay Dominic.
"Bakit ko naman gagawin yun? Isasama ko siya sa palasyo, kung gusto ko siya makuha talunin mo muna ako."
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka hinawakan ang dagger sa bewang.
"Sino naman nasabi sayo na sasama ako?" tanong ni Zarah sabay hugot ng dagger.
Pinigilan ni Dominic ang kamay niya bago tamaan dagger.
Inagaw ni Dominic ang dagger saka binato kay Zaira.
Sa gulat ni Zaira hindi na ito nakagalaw at natulala na lang sa dagger habang humarang sa harapan niya si Blaize.
Subalit bago tumama ang dagger kay Blaize naging yelo ito at bumagsak.
"Ano nangyari?" tanong ni Dominic.
Napatingin si Blaize kay Zaira nang maramdaman niyang may malakas na aura nagmumula sa likod niya.
Nakita niya si Zaira na may kulay rainbow na buhok at mata habang napapalibutan ng hangin.
"Athena!" tawag niya dito pero wala siyang nakuhang sagot.
Isang wind tornado ang tumama kay Dominic at dahil hawak nito si Zarah pati siya tinangay ng hangin.
Nilipad sila palabas ng bahay. Sa lakas ng hangin nabitawan ni Dominic si Zarah.
Tumalsik sila sa magkaibang direksyon. Tumama sa puno si Zarah habang bumagsak sa lupa si Dominic.
"Zarah!" sigaw ni Max.
Paglabas niya natumba na ang ibang puno at ang mga sasakyang nakaparada malayo na paradahan ng sasakyan.
Nakita ni Max na nakahiga sa tabi ng natumbang puno si Zarah. Paglapit niya dito nasaksihan niya ang paggaling ng sugat ni Zarah.
Dumilat si Zarah saka hinila ang kwelyo ni Max. Paglapit ng mukha ni Max, hinalikan niya ito sa labi.
Nakangiting bumitaw si Zarah habang nakatulala Max.
Samantala, sa loob ng villa unti-unting nagkaroon ng crack ang sahig at pader.
"Delikado na dito sa loob. Kailangan niyong lumabas, pupuntahan ko yung iba sa taas," sabi ni Crystal sa mga apat na babaeng kasama niyang pagpipilian.
Patakbong pinuntahan ni Crystal ang kwarto pinaglalagyan nila ng slave.
"Kailangan na natin umalis dito, tumakbo na kayo," aniya.
Agad na nagsitayuan ang nga nakakulong na slave.
Habang abala si Crystal sa pagtulong sa mga slave, sinubukang lumapit ni Blaize kay Zaira.
Ngunit pilit siyang tinutulak ng hangin o kaya may apoy o kidlat na aatake sa kanya. May pagkakataon na may lilipad na matulis na yelo sa harapan niya.
"Athena!" sigaw ni Blaize habang humakbang palapit sa dalaga.
Halos hindi na niya ito makita dahil sa napapalibutan ito ng apoy, hangin, yelo at iba pa.
Hinawakan ni Crystal sa damit si Blaize nang mapansin niya ito.
"Blaize, lumabas na tayo!"
"Hindi ko iiwan si Athena."
"Magiging maayos din siya. Hindi niya makontrol ang kapangyarihan niya kaya nagwawala ito. Anumang oras sasabog ito dahil sa halo-halong magic."
Tinanggal ni Blaize ang kamay ni Crystal.
"Sasamahan ko siya dito. Mauna ka na sa labas. Ayos lang ako."
Napabuntong hininga na lang si Crystal dahil alam niyang hindi ito makikinig sa kanya.
"Athena!" sigaw ni Blaize.
Kahit tamaan si Blaize ng kapangyarihan ni Zaira, tuloy pa rin siya paglapit. Saglitan lamang ang nararamdaman niyang sakit kaya kahit papaano nagagawa niya itong tiisin.
Pwersahan niyang pinasok ang nakapalibot kay Zaira.
Naabutan niya ang dalaga na nakasubsob ang ulo sa tuhod sa kalagitnaan ng madilim na paligid.
"Athena," tawag sa kanya ni Blaize.
Napaangat ito ng ulo.
"Ian!"
Napatayo si Zaira at agad na niyakap ang binata.
"Natatakot ako," sabi ni Zaira.
Nang matauhan si Zaira nasa gitna na siya ng madilim. Wala siyang ibang marinig kundi bugso ng hangin at kidlat na para bang bumabagyo sa labas.
"Nandito na ako. Walang masamang mangyayari sayo."
Pinunasan ni Blauze ang luha ni Zaira saka siya hinalikan. Napapikit ang dalaga at napahawak ng mahigpit sa damit ni Blaize.
Sa isang iglap nawala ang takot na nararamdaman ni Zaira. Bumalik sa dati ang kulay ng buhok niya habang ang kapangyarihang nakapalibot sa kanila ay tuluyang sumabog.
Nagdulot ito ng lindol, gumuho ang villa at nasunog ang iilang halaman at puno na natamaan ng kidlat at apoy. Meron ding nagyeyelo.
"Ano nangyari dito?" tanong ni Zaira.
Nanghina bigla ang katawan niya. Kumapit siya kay Blaize para hindi matumba pero hindi niya rin napigilan ang sarili na mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top