CHAPTER 41
Pagkapasok ni Max sa kwarto ni Henry, huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Pwede ba kita makausap?" tanong niya kay Henry.
Tumango si Henry bilang tugon.
"Labas na muna ako," paalam ni Rhys sabay tayo.
"Ako rin," sabi ni Stephanie.
"Sigurado ka? Mukhang kailangan ka rin dito."
Nang tumingin si Stephanie kay Max, tumango ito bilang tugon.
"Okay."
Umayos ng upo si Stephanie at hinayaang tumabi sa kanya si Max.
Bumuntong hininga si Max. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na sila Stephanie ang kapatid niya. Bukod doon hindi pa maganda ang unang pagkikita niya at ni Henry.
"Bago mamatay si mama nakiusap siya sa akin na hanapin kayo. Noong araw na yun ko rin nalaman na may kapatid ako."
Kinuha ni Max sa bulsa niya ang kwintas.
"Iniwan niya ito sa akin. Naalala ko palagi ko siyang nakikitang tinitignan ito."
Nilingon ni Max si Stephanie.
"Mas mabuti pa siguro kung ikaw na magtago nito."
Binigay ni Max ang hawak na kwintas.
"Salamat," sambit ni Stephanie habang pinipigilan ang sarili na umiyak.
Tumingin si Max kay Henry.
"Sa totoo lang hindi ko alam kung ano na gagawin ko ngayon nakita ko kayo. Kung si Stephanie matatanggap ko pang kapatid, pero ikaw..."
Tinignan ni Max ng masama si Henry. Hindi niya pa rin ito mapapatawad sa pagkulong niya kay Zaira.
"Pero ano magagawa ko?" sabi ni Max sabay buntong hininga.
"Gusto ni mama na magkasama tayong magkakapatid. Mas mabuti na nga siguro ito, pareho tayong wala nang magulang."
"May picture ka ba niya?" tanong ni Henry.
Kinuha ni Max ang larawan ng kanyang ina sa wallet niya saka ito inabot kay Henry.
"Ina..." sambit ni Henry.
Bata pa lang siya gusto na niya ito makita pero wala siyang makita ni isang larawan nito sa palasyo. Noong tinanong niya ang kanyang ama iyon ang unang beses na pinarusahan siya nito.
Simula noon hindi na niya ito binanggit kahit gustong - gusto niya malaman ang tungkol saa kanyang ina.
Tumabi si Stephanie kay Henry saka nakitingin sa larawan.
"Ehem. Maiwan ko na muna kayo. Sa inyo na rin yang larawan," sabi ni Max.
Paglabas niya tuluyan na umiyak si Stephanie. Niyakap siya ni Henry habang nakatitig sa larawan ng kanilang ina.
"Kamukha niya si ina," aniya sabay tingin sa pinto kung saan lumabas si Max.
Samantala, pagkakita ni Asher kay Max agad nito binalita ang tungkol kay Zarah.
"Max, alam na namin kung nasaan sila Zarah," sabi ni Asher.
Bumilis ang tibok ng puso ni Max nang marinig niya ang pangalan ni Zarah. Napakunot ang noo ni Max saka napahawak sa puso niya.
Hindi niya maintindihan kung bakit simula nang mawala ito palagi na lang niya ito naiisip. Pakiramdam niya may kulang. Marahil nasanay na siya sa presensya nito tuwing kinukulit siya nito.
"Ayos ka lang? May masakit ba sa puso mo? Narinig na tinamaan ka ng atake ni Samael," tanong ni Asher.
"Ayos lang ako. Nasaan sila Zarah?" t
"May nakakita daw sa kanila sa Gruira. Papunta na kami doon ngayon. Sasama ka ba?"
Tumango si Max bilang tugon.
"Sigurado ka? Magpahinga ka na muna. Kami na bahala maghanap sa kanila."
"Ayos lang ako, sasama ako."
"Ikaw bahala. Mamayang 3:00 pm ang alis kapag nahuli ka iiwan ka namin."
Tumango si Max bilang tugon. Wala siyang balak magpahuli. Kung kinakailangang bantayan niya si Asher para hindi maiwanan, gagawin niya.
****
Hindi nagtagal lumabas na rin sila Henry sa kwarto. Nakita nila si Zaira na nakatulala sa harap ng kwarto kung saan ito nakakulong.
"Zai," tawag sa kanya ni Stephanie.
Pagtingin ni Zaira napakunot ang noo ni Henry nang bigyan siya ng naawang tingin ni Zaira.
"Ano ginagawa mo diyan? Saka nasaan si Blaize?" tanong ni Stephanie.
Tumingin si Zaira sa may pinto at sakto bumukas ito.
Napakapit si Stephanie kay Henry nang tignan sila nang masama ni Blaize habang sumilip naman si Zaira sa kwarto.
Napanganga na lang siya nang makitang sira-sira na ang gamit.
Sinara ni Blaize ng pinto saka inakbayan si Zaira pero hindi pa rin nito inalis ang matalim na tingin kay Henry.
"Nangako ka sa akin," sabi ni Zaira kay Blaize.
"Tinitignan ko lang siya."
"Kung nakakamatay ang tingin mo kanina pa pinaglamayan si Henry."
Ngumito si Blaize nang mapansin ang inggit sa mata ni Henry habang nakatingin sa kanila.
"Tara na kila mama. Hindi ko pa sila masyado nakausap," sabi ni Zaira habang hinihila ang damit ni Blaize.
Nag-umpisang maglakad si Blaize habang nakaakbay kay Zaira.
"Kuya, nasaan sila Mama?" tanong ni Zaira kay Liam nang makita nila ito.
"Saan ba kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap. Umalis na sila mama para ibalita sa iba ang tungkol kay Samael."
Napasimangot si Zaira.
"Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila."
Tinignan silang dalawa ni Liam. Alam niyang nagsolo nanaman ang dalawa sa kung tagong lugar kaya walang makakita.
"Kung saan-saan kasi kayo nagpupunta. Alam mo na ba ang balita?"
Napataas ang isang kilay ni Zaira.
"Balita?"
"Nakita na sila Zarah."
Nagliwanag ang mukha ni Zaira.
"Talaga? Saan siya?"
"Nasa Gruira Kingdom."
Nawala ang ngiti ni Zaira nang marinig niya ang kaharian nila Dominic.
Napansin naman ito ni Liam.
"Bakit? May problema ba?"
Bago makasagot si Zaira naunahan siya ni Stephanie.
"Delikadong lugar ang Gruira," aniya habang salubong ang kilay.
Alam na alam ni Stephanie kung anong klaseng kaharian yun dahil madalas siya doon.
"Teritoryo yun ni Dominic, kuya! Alam mo kung gaano kasama ang lalaking yun? Kailangan natin mahanap agad sila Zarah!" sambit ni Zaira.
Tumango si Stephanie.
"Sa lugar na yun maraming nagbenbenta ng slave kila Dominic para gawing alipin. Bukod doon madalas nila kunin yung mga magaganda lalaki man o babae," paliwanag ni Stephanie.
"Sa sinasabi niyo mukhang dapat umalis na kami ngayon?" tanong ni Liam.
Timango sila Stephanie.
"Sasama ako kuya! Pwede?"
"Delikado, dito ka lang kasama ni Blaize."
"Tutulong din ako sa paghahanap. Gusto ko saba makabawi sa mga kasalanang nagaw ako," sabi ni Henry.
"Gusto ko rin tumulong," sabi ni Stephanie.
"Hindi kayo pwede umalis. Mas kailangan kayo dito. Patay na ang ama niyo, siguradong maraming magtatangkang agawin ang trono," sabi ni Martin.
Umiling si Henry.
"Mas kailangan nila kayo. Wala ako balak maging hari. Kung maari gusto ko na kayo ang mamuno."
"Mas maganda siguro kung kausapin mo ang aming pinuno tungkol diyan."
"Hindi ba ikaw yung pinuno?"
"Meron pang mas nakakataas sa akin."
"Sino? Gusto ko siyang makausap."
Tinignan ni Martin si Liam.
"Si Papa, kaso kakaalis lang nila kanina. Wag ka mag-alala sasabihin ko sa kanya na gusto mo siyang makausap," sabi ni Liam.
"Sasabihan ko ang iba na aalis na tayo. Magkita na lang tayo sa gate," sabi ni Martin bago umalis.
Samantala napatingin si Zaira sa kamay niya nang sumakit ito bigla.
"Bakit? Masakit ba ang kamay mo?" tanong ni Blaize.
"Pakiramdam ko may matalim na bumaon sa kamay ko. Aaww! Ah! May masama yata nangyari kay Zarah."
Napahawak sa mukha si Zaira nang pakiramdam niya may sumuntok sa pisngi niya.
Nagkasalubong ang kilay ni Liam.
"Kailangan na talaga namin magmadali. Hahanapin ko sila Paris," sabi nito.
"Bilisan niyo kuya. Hindi maganda pakiramdam ko."
****
Sa kaharian ng Gruira, walang tigil sa pag-iikot sila Crystal.
"Wala man lang tayo pera pambiling pagkain," sambit ni Zarah.
"Gusto ko ng umuwi. Kainis naman kasing itong nasa leeg ko. Hindi tuloy ako makagamit ng portal," sabi ni Crystal.
Sabay sila napabuntong hininga.
"Magnanakaw! Tulong!" sigaw ng isang dalaga habang hinahahabol ang isang lalaking may hawak na shoulder bag.
Nang makita ni Zarah na madaanan sila nito, huminto siya sa paglalakad saka humarap sa magnanakaw.
Iiwasan sana siya nito subalit agad niyang hinarangan.
"Tumabi ka diyan," sigaw nito sabay tulak sa balikat ni Zarah.
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka ito sinipa sa ilalim ng baba.
Nabitawan nito ang hawak na bag nang matumba ito.
Pinulot agad ni Crystal ang bag bago tumabi.
Namumula ang mukha at umuusok ang ilong nang bumangon ang magnanakaw. Naglabas ito ng dagger saka inatake si Zarah.
Naiwasasan ito ni Zarah.
Subalit dumiretso ang magnanakaw patunggo kay Crystal. Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka agad na hinabol ito.
Hinarang ni Zarah ang kamay niya sa harap ni Crystal bago masaksak.
"Zarah, yung kamay mo," sabi ni Crystal habang nakatingin sa dugong dumadaloy sa kamay ni Zarah.
Dahil nakatalikod si Zarah, hindi nakita ni Crystal ang pagngiti nito.
'Ayos ito ah. Mas magnda ito kaysa kutsilyo. Makuha nga,' sa isip ni Zarah saka hinawakan ang dagger gamit ang isa niyang kamay.
Napabitaw ang magnanakaw at nang tignan siya ni Zarah, kinilabutan ito.
'F*ck! Tao ba talaga ito?' sa isip ng magnanakaw habang nakatingin kay Zarah.
May malakas na pressure ang lumalabas kay Zarah.
"Gusto mong mamatay?" tanong ni Zarah.
Napalunok ang magnanakaw habang nanginginig ang kamay.
Hinugot ni Zarah ang dagger bago binigyan ng nakakamatay na tingin ang magnanakaw.
"Demon! Ahhh!" sigaw ng magnanakaw saka tumakbo bago pa umatake si Zarah.
Napakunot ang noo ni Zarah.
"Mukha ba akong demonyo?" tanong niya kay Crystal.
"Hindi, pero nakakatakot ka kanina. Napapalibutan ka ng itim na aura na katulad sa demon."
Tumango si Zarah at tinago ang nakuhang niyang dagger.
Lumapit si Crystal sa nagmamay-ari ng bag.
"Miss ito na bag mo," sabi ni Crystal saka sinauli ang bag.
"Salamat. Ayos lang ba siya?" tanong ng babae habang nakatingin sa nagdudugong kamay ni Zarah.
Kumuha ng 1000 ang babae saka bibigay kay Crystal.
"Bayad yan sa pagtulong niyo. Pambili na rin ng gamot sa sugat ng kasama mo. Pasensya na sa abala at salamat."
"Walang anuman."
"Mauna na ako. Salamat ulit."
Kumaway si Crystal habang palayo ang babae.
"Zarah, may pera na tayo."
Napansin ni Crystal na nakatulala si Zarah sa mga kamay nito kaya agad niya itong nilapitan.
"Kamusta ang kamay mo? Kung hindi lang nakaseal kapangyarihan ko, ginamitan na kita ng healing magic."
"Ayos lang ako. Tara na," tugon ni Zarah.
"Lagyan muna na natin ng tali yang sugat mo para tumigil ang dugo."
"Nah!"
Kumaway si Zarah sa harapan ni Crystal gamit ang kamay niya na may sugat.
"Hindi na masakit kahit igalaw ko pa. Pakainin mo na lang ako," sabi ni Zarah.
Nagpunta sila sa maliit na kainan. Habang kumakain sila, hindi maiwasan ni Crystal na mapatingin sa kamay ni Zarah.
"Hindi ba talaga masakit sugat mo?" tanong ni Crystal.
Natigilan si Zarah sa pagsubo bago seryosong nilingon si Crystal.
"Posible bang kusang gumaling agad ang sugat ng isang tao?"
Napahawak sa baba si Crystal. Hindi niya pwedeng sabihing imposible dahil posible ito pero bihira lang iyon.
"Posible kung may rejenerative healing ability ka katulad ng mga taong immortal," sagot ni Crystal.
Pinunasan ni Zarah ang dugo sa kamay niya bago pinakita kay Crystal.
"Nawala sugat mo? Paano nangyari yun?"
Hinawakan ni Crystal ang kamay niya saka tinignan ang harap at likod nito.
"Hindi ko alam. Epekto siguro ng nilagay sa akin ni Samael."
"Sorry, hindi man lang kita naprotektahan."
Napahawak choker si Crystal.
"Kahit may kapangyarihan ka, hindi mo pa rin kaya si Samael."
Lalong napayuko si Crystal kaya napabuntong hininga si Zarah.
"Sa tingin ko walang masama nilagay sa akin si Samael. Ito palatandaan."
Ngumiti si Zarah habang pinapakita ang kamay niya na walang pahid na kahit anong sugat.
Napangiti ng pilit si Crystal saka tumango.
Kinagabihan, walang magawa sila Crystal kundi matulog sa gilid ng kalsada. Nakitabi sila tabi ng mga pulubi.
"Pare, tignan mo yun," sabi ng isang lalaki nang makita si Crystal.
Napangiti ang kasama nito.
"Kapag sinswerte nga naman. Kikita tayo nito sigurado," aniya saka pinagkiskis ang kamay niya.
Nagtanguan sila at hinanda ang sako at tali bago lumapit kila Crystal.
Inupo ng lalaki si Crystal saka pinasok ang hawak na sako sa ulo nito. Nang magising si Crystal, nagpumiglas ito subalit mabilis siyang naitali ng lalaki.
"Pakawalan mo ko! Tulong! Zarah!" sigaw ni Crystal.
Binuhat siya ng lalaki at pinatong sa balikat.
Samantala, nagising si Zarah nang maramdaman niyang may papalapit sa kanya. Kinuha niya agad ang dagger niya at tinutok sa lalaking hahawakan sana siya.
"Sino ka? Ano kailangan mo sa akin?" tanong ni Zarah saka sinubukang hiwain ang leeg ng lalaki ngunit nakaatras ito.
"Pare hayaan mo na yan. Umalis na tayo," sabi ng kasama nito bago tumakbo.
"Crystal!" sigaw ni Zarah nang makita niya ang pulang palda na suot ng hawak ng lalaki.
Tinignan pa ni Zarah kung wala talaga si Crystal sa pwesto nito. Nang masigurado niyang nawawala si Crystal hinabol niya ang lalaki pero hinila siya ng nakalaban niya saka siya sinipa sa tiyan bago tumakbo.
"Sh*t!"
Napahawak sa tiyan si Zarah habang namimilipit sa sakit.
"Ah! Kailangan ko sila sundan."
Pinilit ni Zarah na tumayo saka tumakbo. Nakita niyang sumakay ang dalawa sa isang truck.
"Hoy bumalik kayo dito! Ibalik niyo si Crystal! Sh*t!" sigaw ni Zarah sabay sipa sa trashcan na nasa tabi niya.
May napansin siyang bike sa labas ng isang bahay. Kinuha niya ito at iyon ant ginamit upang habulin ang truck. Mabuti na lang nawala na ang sakit sa tiyan niya kaya katumbas ng isang bus ang pagitan nila.
Paglabas nila ng bayan isa pang truck ang humarang sa harap ni Zarah. Sumingit si Zarah sa gilid nito at natanaw niya na lumiko ang hinahabol niyang truck.
Nakahinga ng maluwag si Zarah nang dumiretso lang ang truck na kasabay niya subalit napalayo pa rin siya.
Nakita niya itong pumasok sa mapunong lugar. Sinundan ni Zarah ang bakas ng gulong sa lupa hanggang sa makita niya itong nakaparada sa harap ng isang villa.
Palapit na sana si Zarah doon nang makita niyang lumabas ang dalawang lalaki. Abot tenga ang ngiti nito habang kausap ang matandang babae.
Sumakay na ulit ang dalawa sa truck saka umalis.
Nagdalawang-isip pa si Zarah kung susundan niya ito o papasukin niya ang villa dahil kahinahinala ito. Sa huli nagdesisyon si Zarah na sundan ang truck.
Huminto ito sa tapat ng isang bar. Pagkababa ng dalawang lalaki, sinilip ni Zarah ang truck.
Nagdilim ang mukha ni Zarah nang hindi niya nakita si Crystal.
"Sabi na nga ba nandoon na sa villa si Crystal"
Sa sobrang inis ni Zarah sa sarili, sinipa niya ang pinto ng truck bago bumalik sa nakita niyang villa.
Pasikat na ang araw nang nakarating si Zarah sa villa. Nagtago si Zarah sa puno nang makita niya may paparating na sasakyan.
Pumasok sa loob ang isang lalaking bampira. Sa damit pa lang nito alam ni Zarah na isa itong noble.
Makalipas ang 15 minutes may kasama na ang bampira na dalawang babaeng may hand cuff at anklr cuff.
"Slave trader," bulong ni Zarah habang nakatingin ng masama sa matandang babaeng kumakausap sa bampira.
Pasimpleng lumapit si Zarah sa villa at umikot sa likod nito. Napangiti siya nang makita ang pinto sa likod ng villa. Binuksan niya ito gamit ang hairpin na binigay sa kanya ni Crystal noong nakakulong pa sila.
Napangiti si Zarah nang marinig niya ang tunog ng lock. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakayukong pumasok. Isang kusina ang sumalubong sa kanya.
Katabi ng kusina ang dining room. Nagtago si Zarah sa ilalim ng mesa nang makarinig siya ng yapak.
"Nandyan na ang prinsepe. Ihanda niyo na ang mga pagpipilian niya," sabi ng matandang babae bago sila umalis sa harap ng dining room.
Similip muna si Zarah sa pinto bago lumabas nang masigurado niyang walang tao.
Nagtago si Zarah sa likod ng sofa habang nakadapa sa sahig. Mula doon nakita niya ang dalawang lalaki na may kasunod na limang babae.
Isa na doon si Crystal.
"Ano gagawin niyo sa amin? Pakawalan niyo kami," sabi ni Crystal habang hila-hila ng isang lalaki.
"Ang ingayo mo talaga! Sinabi na manahimik ka," sabi ng lalaki may hawak sa kay Crystal.
Nagkasalubong nag kilay ni Zarah nang sampalin nito si Crystal at marahas na tinulak sa sofa.
"Papatayin ko ang lalaking yun. Sino siya para saktan si Crystal?" bulong ni Zarah.
"Sino yan?!"
Napagulong si Zarah nang may maghagis ng dagger sa harap niya.
Binunot ito ni Zarah saka hinagis sa lalaking sumampal kay Crystal bago niya ito sinuntok.
"Zarah!" sigaw ni Crystal sabay tayo.
Natumba ang lalaki sa mesa pero tumayo rin ito agad saka sinubukang suntukin si Zarah.
Sinalo ni Zarah ang kamao nito saka pinilipit papuntang likod. Tinulak ito ni Zarah sa pader bago tinutukan ng dagger sa leeg.
"Sino ka para sampalin ang kapatid ko? Gusto mo mamatay? Ha?" tanong ni Zarah.
Bago makapagsalita ang lalaki, bumalik na ang matandang babae.
"Ano nangyayari dito?" tanong nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top