CHAPTER 40
Nakita ni Zeque si Heidi na sumama sa isang lalaki.
Sinundan niya ito hanggang sa Dark Forest.
Walang nakapansin sa kanya dahil hindi lahat kayang makakita ng spiritual body. Hindi rin siya nagsanay para maging materialize ang katawan niya.
Nakita ni Zeque ang buong pangyayari kay Heidi. Gustuhin man niya ito tulungan hindi kaya ng katawan niya.
"Kung alam ko lang na mangyayari ito, pinalakas ko sana ang spiritual body ko."
Kahit malakas si Zeque tuwing may physical body siya, kabaliktaran ito ng spiritual body niya. Kumpara sa Magical Energy niya, mahina lamang ang spiritual energy na meron siya.
"Sh*t!"
Napakuyom si Zeque nang mag-umpisang gumalaw ang estatwa.
Hindi maaring makalaya siya. Sigurado kaguluhan lang ang mangyayari. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niya sa mga kapatid ko.
Nagdilim ang mukha ni Zeque nang gumalaw si Samael. Walang pinagbago sa itsura nito simula nang huling magkaharap sila.
"Heidi!" sigaw ni Zeque kahit na alam niyang hindi siya nito maririnig.
Napadapa si Heidi pagkatapos bunutin ni Samael ang kamay niya.
Habang palapit si Zeque, nagkasalubong ang mata nila. Ngumisi si Samael bago
umalis.
"Napakasama pa rin niya pati bata hindi niya pinalampas."
Naawang tinignan ni Zeque si Heidi.
"Patawad, wala ako magawa para matulungan ka ngayon."
Tumingin sa langit si Zeque, nang mag-umpisa na magliwanag.
"Tama ba na naging alter necklace ako? Pero kung hindi ko iyon ginawa siguradong gagawa ng paraan ang mga nasa itaas. Mas lalong hindi ako makakatulong kapag nangyari yun."
Natigil sa pag-iisip si Zeque nang dumating si Zeki.
Sunod na dumating si Headmaster Black at isang babaeng wizard.
Sa unang tingin mukhang normal ang babae pero alam ni Zeque isa rin itong spiritual body na materialize.
Tahimik na nakinig si Zeque sa usapan nila at nang umalis sila Zeki, tumingin sa kanya ang babae.
"Nagbago na nakatadhanang mangyari. Isang digmaan sa pagitang ng Infernal at Outlandish ang magaganap sa pangunguna ni Samael. Mag-iingat kayo. Gabayan sana kayo ni Amethyst."
Napatango si Zeque dahil sigurado siyang magkakaroon ng digmaan ngayong malayan na si Samael.
Pero mas napansin ni Zeque ang unang sinabi nito.
"Nagbago na ang nakatadhanang mangyari?"
Nagkasalubong ang kilay ni Zeque.
"Ibig sabihin ba nun may nangyari na iba sa nakatadhana? Ano yun?" bulong ni Zeque.
Habang nakayuko siya napansin niya ang damo kung saan nakadapa si Heidi.
Napanganga si Zeque dahil nabuhay ang mga damong nalagyan ng dugo ni Heidi.
"Paano? Nagawa niyang palayain si Samael, ibig sabihin tao lang si Heidi. Bakit ganito ang epekto ng dugo niya? Imposibleng may eternal child na isilang sa panahon ni Heidi."
Napahawak sa ilalim ng baba si Zeque. Nag-umpisa siyang mapatanong sa sarili.
"Kanino anak si Heidi? Sigurado ako anak siya ng isang eternal child dahil tumalab ang dugo niya sa seal na ginawa ko. Kay Zaira kaya?"
Napailing si Zeque at pasamantalang tinigil ang pag-iisip. Sa ngayon kailangan niya magdedesisyon kung ano gagawin niya. Nagbalik na ang nag-iisang kalaban niya.
****
Isang palakpak ang kumuha ng atensyon nila Zaira habang tinitignan nila ang kalagayan ni Haring Linus.
"Bravo! Napakagandang palabas," sabi ni Samael habang pumapalakpak.
Naglakad ito palapit kila Zaira.
"Sino ka" tanong ni Mr. Fiester habang salubong ang kilay.
Pakiramdam niya nakita na niya ito dati pero hindi niya alam kung saan.
"Kamukha niya yung estatwa sa Black Academy," bulong ni Zaira.
Naalala niya ang parte ng Dark Forest na pinakaayaw niyang puntahan pagkatapos siya maligaw noon.
"Samael?" sambit ni Rina nang maalala niya ang demon na nakaseal sa Black Academy.
Ngumiti si Samael saka nilingon si Haring Linus. Nabuntong hininga siya
"Hindi ko akalain na isang tao lamang ang makakapatay sayo," aniya sabay iling.
Gusto pa sana niya gamitin si Haring Linus pero huli na nang makarating siya. Wala rin siya balak iligtas ito dahil para sa kanya walang lugar ang mga mahihina.
Tinutukan ni Max ng espada si Samael.
"Ano kailangan mo? Wag ka lalapit!" sabi ni Max.
"Okay," tugon ni Samael sabay bato ng dark ball.
Hindi agad nakakilos sila Rina dahil sa bilis nitong umatake. Wala itong kahirap-hirap sa paggawa ng darkball. Bago pa makagawa ng barrier si Rina nakaatake na ito.
Tumalsik si Max at nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa kanya. Kung hindi siya nakagawa ng water shield marahil mas malala pa ang natamo niya.
Nilapitan siya ni Zaira saka inalog.
"Ken!" tawag niya dito ngunit kahit ilang beses niya tawagin wala itong reaksyon.
Isang black hole ang nabuo sa tabi ni Zaira at doon lumabas si Samael.
"Athena, umalis ka diyan!" sigaw ng kanyang ina.
Hinila patayo ni Samael si Zaira saka tinulak sa pader bago sinakal. Inangat niya ito at humarap kila Mr. Fiester.
"Athena!" sigaw ni Mrs. Fiester.
Hinawakan siya ng kanyang asawa bago siya sumugod.
"Delikado," sabi ni Mr. Fiester.
Nagteleport si Henry sa likod ni Samael saka sinaksak sa leeg gamit ang dagger.
Binitawan ni Samael si Zaira at humarap kay Henry kahit na nakatusok pa rin ang dagger.
Nanlaki ang mata ni Henry nang mapansin na balewala lang kay Samael ang atake niya.
Hinawakan siya ni Samael sa mukha saka inuntog sa pader bago binitawan.
Nagkaroon ng crack ang pader habang nawalan naman ng malay si Henry.
"Henry!" sigaw ni Stephanie.
"Wait! Gusto mo rin ba matulad sa kanila?" sabi ni Rhys sabay hawak sa kamay ng dalaga.
Natigilan ang dalaga sa pagtakbo subalit hindi pa rin nito inalis ang tingin sa kakambal.
Binunot ni Samael ang dagger sa leeg bago humarap kay Zaira.
Tinignan siya ng masama ni Zaira habang nakahawak ito sa leeg.
Ngumiti si Samael saka inangat ang dagger.
Bang! Isang bala ang tumama sa kamay ni Samael. Nabitawan nito ang dagger habang hinila naman ni Blaize si Zaira.
Tinago ni Blaize sa likod niya si Zaira at muling tinutukan ng baril si Samel.
Bang! Pinaputukan niya ito sa noo ngunit laking gulat nila na nakatayo pa rin ito. Kitang-kita nila ang paggaling ng sugat nito.
Binuhat ni Blaize si Zaira saka tumakbo papunta kila Mr. Fiester. Nang maibaba niya ang dalagita tinignan niya ang leeg nito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Blaize.
Napahawak sa leeg si Zaira bago tumango. Niyakap siya ni Blaize.
"Wag ka na aalis sa tabi ko," bulong ni Blaize bago siya pakawalan.
"Anak, ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Mrs. Fiester habang sinusuri si Zaira.
"Opo ma, pero sila Ken..."
Nag-aalalang tinignan ni Zaira sina Max at Henry.
"Hahaha. Nakita niyo na kung gaano ako kalakas? Patikim pa lamang ang ginawa ko," sabi ni Samael.
Gumawa siya ng black hole sa tabi niya at bago pumasok isang mensahe ang iniwan niya.
"Pakisabi kay Zeque na isang laro ang hinanda ko sa kanya. Sigurado mag-eenjoy siya. Hahaha!"
Masayang umalis si Samael habang hindi maipinta ang mga mukha nila Zaira. Nang mawala ang blackhole nilapitan nila agad sila Max.
Samantala, sa labas ng palasyo nagkalat ang mga bangkay at sugatan na kawal.
"Umatras na tayo!" sigaw ni Dominic sa mga kasama niya nang mapansin na dehado sila.
Nag-umpisa silang magsitakbuhan palayo sa palasyo.
Sumulpot si Vinz sa tabi ni Liam.
"Patay na si Haring Linus," balita nito.
Nang marinig ito nila Martin, nagliwanag ang mga mukha nila.
"Tapos na. Malaya na tayo mula sa kamay na sakim na hari," sigaw ng isa sa mga miyembro ng White Legion.
Nasitakbuhan sila papasok sa palasyo upang tapusin ang laban.
Sa kwarto ni Henry, tahimik na nakaupo sa sofa sina Zaira, Blaize, Rhys at Stephanie.
"Henry!" sambit ni Zaira.
Napatayo siya nang makitang dumilat si Henry.
"Zaira?"
Napaupo si Henry at hinila si Zaira upang yakapin.
"Salamat ligtas ka. Sorry, dahil sa akin kamuntik ka na mamatay," bulong ni Henry.
"Wala kang kasalanan. Nagpapasalamat pa nga ako sayo dahil ilang beses mo ko tinulungan."
Napakunot ang noo ni Blaize nang hindi pa rin naghiwalay ang dalawa. Tumayo siya inuupuan niya at hinila si Zaira.
"Tama na yan," aniya sabay tingin ng masama kay Henry.
"Bakit mo ko hinihila? Kakausapin ko pa si Henry," sabi ni Zaira nang makitang palabas sila ng pinto.
"Nagising na siya. Saka mukha namang ayos na siya. Hindi mo na kailangan bantayan siya. Nandoon naman si Stephanie."
Hindi na umimik si Zaira at hinayaan hilain siya.
Nasalubong pa nila si Max habang paalis sila.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Zaira.
Tinignan niya si Max, wala na ang sugat nito. Alam ni Zaira na ginamot na siya ni Mrs. Fiester.
Ngumiti si Max bago tumango.
"Gising na ba siya?" tanong niya sabay tingin sa pinto ng kwarto ni Henry.
"Oo. Puntahan mo na ang kapatid mo para makapag-usap kayo."
Napakamot sa ulo si Max.
"Kapatid... dapat ko ba siya tawaging kuya?"
Lalong lumawak ang ngiti ni Zaira sa sinabi nito.
"Mas matanda siya sayo diba?"
Bumuntong hininga si Max bago binuksan ang pinto. Nang makapasok na ito tinuloy na ni Blaize ang paglalakad.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Zaira nang mapansing malayo na ang nilakad nila.
Tumingil sa paglalakad si Blaize at tumingin sa paligid. Nang masigurado niyang walang ibang nandoon maliban sa kanila humarap siya kay Zaira.
Hinawakan ni Blaize ang bewang ni Zaira saka hinila palapit. Napahawak sa balikat niya si Zaira at nang inangat nito ang ulo, sinalubong niya ng halik sa labi ang dalagita. Kusang napatugon si Zaira.
Huminto sa paghalik si Blaize at tinitigan siya sa mata.
"I miss you."
Ngumiti si Zaira saka niyakap sa bewang si Blaize.
"I miss you too, babymine," sagot ni Zaira.
Hinawakan ni Blaize ang buhok ni Zaira na nakaharang sa mukha nito saka ito nilagay niya sa likod ng tenga.
Hinalikan siya ni Blaize sa labi bago bumuntong hininga.
"Kung pwede lang na itali kita sa tabi ko para hindi ka na ulit mawala, gagawin ko. Wag ka na ulit mawawala. Dito ka lang sa tabi ko. Hindi ko na alam gagawin ko sayo kapag naulit ito."
Niyakap siya ni Blaize nang mahigpit.
"Ikaw lang nagparamdam ng ganito sa akin. Sobrang nag-aalala ako sayo."
Tinignan siya sa mata ni Blaize.
"Wala bang ginawa si Henry sayo?"
Nanlamig bigla si Zaira sa tanong nito. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi. Pakiramdam niya kapag sinabi niya ang lahat ng nangyari, mabubugbog nanaman si Henry.
"Inalagaan niya ako ng maayos."
Napalunok si Zaira nang makita ang seryosong mukha ni Blaize.
"Talaga?"
"Oo?"
Tinignan siya ng masama ni Blaize.
"Sinungaling. Bakit mo siya pinoprotektahan? Wag mo sabihing nagustuhan mo na siya?"
Nanlaki ang mata ni Zaira.
"Hindi! Ikaw lang ang mahal ko."
Napaiwas ng tingin si Zaira saka bumulong.
"Yun nga ang dahilan kaya kamuntik na niya ako galawin dahil sa galit."
Nagdilim lalo ang mukha ni Blaize nang marinig niya ito. Hinawakan niya sa balikat si Zaira.
"Sabihin mo sa akin lahat ng nangyari sayo habang nandito ka," aniya pagtingin ni Zaira.
Napatango na lang si Zaira dahil sa itsura nito. Pero hindi pa rin nawala ang pag-aalala niya kay Henry kaya sinabi na lang niya sa sarili na ipagdarasal niya ito.
****
Sa gubat, tuloy sa paglalakad si Zarah habang nakaangkas sa likod niya si Crystal.
"Hay! Bakit ngayon ka pa natulog?" aniya habang salubong ang kilay.
"Kundi lang kita kapatid, iniwan na kita."
Patuloy lang sa paglalakad si Zarah sa takot na baka matunton sila ng mga humabol sa kanila kung mananatili sila sa isang lugar.
Nagliwanag ang mukha ni Zarah nang makita na niya ang daan. Patakbo siyang lumabas ng gubat.
"Salamat. Nakalabas din kami!"
Napakunot ang noo ni Crystal gawa ng pag-alog ng katawan niya habang tumatakbo si Zarah.
Pagkadilat ni Crystal isang masamang tingin ang sumalubong sa kanya.
"Buti gising ka na, balak ko sana kaladkarin ka. Ang bigat mo kaya."
Reklamo ni Zarah habang binababa siya.
Ngumiti si Crystal dahil alam niyang wala itong balak na kaladkarin siya.
"Salamat."
Tumayo si Crystal at inayos ang damit. Napahinto siya sa ginagawa niya nang maalala niya ang nangyari.
"Ayos ka lang ba? Wala bang ginawang masama yung lalaki kanina?" tanong niya.
"Ayos lang ako," sagot ni Zarah.
Muli niya naalala ang sinabi sa kanya ni Samel.
"Tsk. Para namang sasama ako sa kanya kapag kinuha niya ako," bulong ni Zarah sa sarili.
"Sasama? Kanino?"
"Wala! Ayun sasakyan."
Tinuro ni Zarah ang nakita niyang truck.
'Mabuti na lang merong sasakyad dito katulad sa mortal world kahit na hindi normal ang mga nakatira dito,' sa isip ni Zarah habang abala si Crystal sa pagtawag ng sasakyan.
"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya Crystal sa papalapit na sasakyan.
Dahil sa dungis nila agad silang hinintuan ng nagmamaneho. Bumaba ang kasama nito.
"Pasensya na sa abala. May humahabol sa amin. Pwede po ba kami makisakay, papuntang bayan?" tanong ni Crystal.
"Walang problema. Sakto papunta kaming bayan," tugon nito.
"Dito na kayo sa loob," sabi ng nagmamaneho.
"Hindi na po. Doon na lang kami sa likod," sabi ni Zarah saka hinila si Crystal papunta sa likod.
Umakyat ang dalawa sa likod ng truck at umupo sa tabi ng mga gulay at prutas. Nakatanaw lang si Zarah sa nadaanan nila habang nakahawak sa buhok niya na nililipad ng hangin.
"Okay lang ba talaga kayo diyan?" tanong ng nagmamaneho bago sila iwanan.
"Opo. Salamat po sa pagpapasakay," tugon ni Crystal habang nakangiti.
"Ito kunin niyo ito," sabi nito sabay abot ng isang maliit na kutsilyo kay Crystal.
"Maraming nangunguhang babae dito para gawing slave."
Pagkukuwento nito sabay tingin sa paligid. Bago nilabas ang ulo sa bintana at bumulong kay Crystal
"Gamitin niyo yan para maprotektahan niyo ang sarili niyo. Kapag bampira ang kaharap niyo, saksakin niyo lang sila sa mismong puso bago kayo tumakbo."
Tumango si Crystal.
"Salamat po. Tatandaan namin yan."
Kumaway ang nagmamaneho bago umalis.
"Ako na gagamit niyan," sabi ni Zarah kay Crystal saka inagaw ang kutsilyo.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Crystal habang naglalakad sila.
"Hindi ko din alam."
"Tulong! Tulungan ni--hmmp!"
Napatangin sila sa isang dalagita na pilit hinihila ng dalawang lalaki. Tinakpan ng isa kanila ang bibig nito.
Hindi na nila nakita ang sunod na nangyari dahil pinalibutan ang babae ng mga lalaki na tingin ni Zarah mga kasabwat ang mga ito.
"Bilisan mo maglakad," sabi ni Zarah bago tinuloy ang paglalakad.
Sinundan siya ni Crystal.
"Hindi ba natin siya tutulungan?"
"Madadamay lang tayo kung tutulong tayo."
"Paano kung sila yung sinasabi ng lalaki kanina? Baka mapaano yung babae."
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah.
"Edi mas lalong hindi natin siya dapat tulungan. Baka mamaya tayo pag-initan nila. Wag na lang tayo makialam. Okay?"
"Pe--"
Hinawakan siya sa kamay ni Zarah bago tumakbo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top