CHAPTER 4

"Kain pa kayo! Wag kayo mahiya," sabi ni Mrs. Fiester habang nilalagyan ng ulam ang plato nina Alyza, Gin at Crystal.

"Salamat po," sabi ni Gin habang nakangiti.

Tahimik lang na nakatingin sa kanila si Zaira. Halos hindi na niya magalaw ang pagkain niya dahil sa sobrang tutok nito kila Alyza.

Pasimple siyang siniko ni Max.

"Eat!" aniya sabay lagay ng ulam sa plato ni Zaira.

Natauhan si Zaira at napahawak sa batok.

"Thanks."

Nag-umpisa na siyang kumain. Paminsan-minsan sumusulyap siya sa harapan niya kung saan nakaupo sila Gin para tignan kung ano sitwasyon nila.

Alam niya sila Alyza ang dahilan  kung bakit sila niyaya kumain ng hapunan. Gusto ng magulang nila makasama ang mga kakambal niya pero hindi ito madali.

Matagal silang nahiwalay sa pamilya nila. Kung titignan mas malapit pa si Max sa pamilya niya kaysa sa kakambal niya.

"Tito."

Napatingin sila kay Ivan nang magsalita ito.

"Tungkol po sa sinabi niyo sa akin kahapon. Totoo po ba yun?" tanong niya kay Mr. Fiester.

Kinuha ni Zaira ang baso habang tahimik na nakikinig sa dalawa. Gusto niya malaman kung ano pinag-uusapan nila.

"Oo naman. Malaki itong bahay. Kahit sino pwedeng tumira dito. Blaize, gusto mo ba na dito muna tumira para makasama mo si Ivan?"

Nasamid si Zaira sa narinig.

'Dito rin titira si Ian? Makakasama ko siya iisang bahay?' sa isip niya.

Hindi niya pansin ang matang nakatingin sa kanya.

'Papayag kaya siya?'

Tumingin siya kay Blaize upang alamin ang sagot nito. Saktong nakatingin ito sa kanya at nang magkasalubong ang mga mata nila, ningitian siya nito.

Pakiramdam niya lumundag ang puso niya sa ngiti nito. Minsan lang niya ito makita kaya sobrang lakas ng epekto nito sa kanya.

Hindi alam ni Zaira na siya ang dahilan kaya ngumingiti ito.

"Okay lang po ba?" tanong ni Blaize.

"Walang problema. Kahit dito ka na tumira ayos lang. Hindi pwede umalis ang kuya mo dito dahil isa siya sa pinagkakatiwalaan ko na nagtatrabaho sa akin," sagot ni Mr. Fiester.

"Salamat po."

'Si Ian ba talaga ito? Bakit ang galang niya yata? Hindi ako sanay.'

Naninibago si Zaira sa kinikilos ni Blaize.

Nang mapatingin sa kanya si Blaize, muli siya natauhan at napayuko.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Max ang pamumula ng dalaga kahit na nakayuko ito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara.

"Kayo mga anak? Nakapagdesisyon na ba kayo?" tanong ni Mrs. Fiester sa tatlo nilang anak na nahiwalay sa kanila.

"Opo, gusto ko po kayo makasama," sagot ni Crystal.

Masaya siya na makakasama na niya ang tunay niyang magulang.

"Ako rin po," sabi ni Gin.

Katulad ni Crystal masaya rin siya sa ideya na tumira sa iisang bahay kasama ang magulang niya. Matagal na niya hinihintay ang pagkakataon na makilala at makasama ang magulang niya.

"Mabuti kung ganun. Ikaw Alyza?"

Kinakabahang tinignan ni Mrs. Fiester ang anak niya.

"..."

Tumigil sa pagsubo si Alyza saka bumuntong hininga at tumango.

Nakahinga ng maluwag si Mrs. Fiester. Tinignan niya ang asawa niya habang pinipigilang lumuha dahil sa sobrang saya.

"Good. Matagal na ayos ang kwarto niyo. Kayo na lang ang kulang. Kung gusto niyo dito na kayo matulog ngayon," sabi ni Mr. Fiester.

"Salamat, matagal ko na hinihintay na mangyari ito. Sa wakas makakasama ko na kayo mga anak ko," sabi ni Mrs. Fiester habang pinipigilang pa rin maiyak.

Niyakap siya ni Mr. Fiester bago pa ito tuluyang umiyak sa harap ng mga bata.

"Ehem. Bakit hindi tayo magkaroon ng welcome party ngayon para kila Alyza? Nandito na rin naman kayo," suhestiyon ni Asher.

"Gusto ko yan kuya!"

Pagsang-ayon ni Zaira.

"Bibili ako ng pagkain natin. May bukas pa naman siguro na grocery store," sabi ni Liam saka tumayo.

"Samahan na kita," sabi ni Ivan.

Hindi nagtagal napunta na sa pagkaing bibilhin nila para sa party ang atenyon nila. Napagdesisyon nila na bumili na lang ng pagkaing madaling kainin at inumin.

Kinaumagahan...

"Good morning!" bati ni Zaira

"Good morning, umupo ka na dito at kumain baka mahuli pa kayo sa klase niyo," tugon ng kanyang ina.

"Gin, kamusta tulog niyo?" tanong ni Zaira nang makaupo siya.

"Maayos naman. Umalis ba kayo kagabi?"

"Ha? Bakit mo natanong?"

Nag-umpisang kabahan si Zaira dahil hindi pa nila nasasabi ang tungkol sa pagiging hunter nila.

"Nakita ko kasi kayong bihis na bihis. Saan kayo pumunta?"

"Ah! Dalian na natin baka mahuli tayo, malayo pa naman yung bahay sa Black Academy."

Binilisan na ni Zaira ang pagsubo para iwasan ang tanong ni Gin.

"Umuwi kayo agad may sasabihin kami ng papa niyo mamaya," sabi ni Mrs. Fiester sa mga anak nila.

Pagkapasok nila Zaira nagkanya-kanyang hanap na sila ng gagawin at mauupuan.

Isa-isang tinignan ni Zaira ang mga libro sa paligid para maghanap ng babasahin. Sa dami ng libro sa wala pa siyang napipili.

Napabuntong hininga si Zaira dahil karamihan sa libro nabasa na niya.

Naramdaman niyang may palapit sa kanya kaya napatingin siya sa tabi niya.

Isang lalaki ang nasilayan niya. Sino siya? Bakit ngayon niya lang ito nakita?

"What?" tanong ng lalaki nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Zaira.

Napaiwas ng tingin ang dalaga.

"Sungit," bulong niya bago ito nilapitan upang kausapin.

"Ngayon lang kita nakita dito , wala ka ba kahapon? By the way! I'm Zai."

Nilahad ni Zaira ang kamay niya para makipagkamay.

"Piers," sagot ng lalaki saka kinuha ang kamay ni Zaira.

Nang magdikit mga kamay nila nagliwanag bisig nito. Isang simbolo ang lumabas mula sa liwanag.

Hindi iyon ang unang beses na nakakita si Zaira ng simbolo kaya pamilyar na siya sa ganung reaksyon tuwing may mahahawakan siya. Hindi niya lang inaasahan na makakakita siya ng ganun sa Black Academy.

"Taurus... isa ka sa celestial guardian?" tanong ni Zaira.

Nang marinig nina Ken at Finn si Zaira, nilapitan nila si Peirs.

"Isa nga siya sa celestial guardian," sabi ni Max pagkatapos tignan ang simbolo sa bisig ni Peirs.

"Isa ka sa Eternal Child?" tanong ni Piers kay Zaira.

Tumango si Zaira bilang tugon.

Lumuhod si Peirs gamit ang isang paa na para bang magyaya ito magpakasal. Hawak ang isang kamay ni Zaira tinignan niya ang dalaga.

"Matagal ko na kayo hinahanap, asahan mo na gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo," aniya sabay halik sa likod ng kamay nito.

Nag-init ang mukha ni Zaira.

Bakit kailangan pa siya halikan sa kamay?

"Salamat."

Nahihiyang hinila ni Zaira ang kamay niya saka tumabi kay Crystal.

"..."

"Paano niyo nalaman na celestial guardian siya?" tanong ni Gin.

Celestial guardian ang tawag sa 12 nilalang na nakatadhanang protektahan ang apat na eternal child.

"May simbolong lumabas sa kanya nang hawakan ko siya," sagot ni Zaira.

"Simbolo?"

Tinignan ni Gin ang bisig ni Peirs. Malinaw niya nakikita ang simbolo ng taurus.

"Meron nga siya," aniya.

"Anong meron? Wala naman ako nakikita sa braso niya?" tanong ni Adrian.

"Huh? Anong wala? Meron. Ayun oh?!" sabi ni Kim sabay turo sa simbolo na natatanaw niya.

"Nakikita mo rin?!" tanong ni Zaira habang curious na nakatingin kay Kim.

Alam niya ang dahilan kung bakit hindi ito nakikita ni Adrian kaya nagulat siya nang marinig ang sinabi ni Kim.

"Oo, bakit?"

"Tanging ang eternal child at ang mga celestial guardian lang ang makakakita ng simbolo ng bawat isa. Kung nakikita mo ang simbolo sa braso niya ibig sabihin isa ka din sa guardian," paliwanag ni Max.

"Ah! Ano ba yung celestial guardian?"

"Sila ang itinakdang magprotekta sa eternal child. Pinili sila mismo ng mga celestial spirit para maging isang guardian. Bawat isa sa kanila may kakayahang gumamit ng kapangyarihan ng isang celestial spirit. Pero ang kapangyarihang na iyon ay nakatago sa isang mythical object at mythical animal kaya kailangan muna mahanap yun bago maging ganap na celestial guardian."

"Saan naman mahahanap ang mga yun?"

"Hindi pa namin alam. Sa ngayon hinahanap pa namin ang iba pang celestial guardian. Kapag nakumpleto na sila doon pa lang hahanapin ang mythical object or mythical animal na nagtataglay ng kapangyarihan ng isang celestial spirit," sagot ni Zaira.

Break time,

"Stephanie!"

Sigaw ni Zaira sabay takbo palapit sa kaibigan.

"Kamusta?" tanong niya.

"Ayos lang," sagot ni Stephanie.

Napatingin siya kay Max nang mapansin niyang nakasunod ito sa likod ni Zaira. Ngayon lang siya nakakita ng lalaki na tila ba mas maganda sa kanya.

Tinignan siya ng masama ni Max nang mapansin nito ang reaksyon ng dalaga. Pamilyar na sa kanya ang ganung reaksyon ng mga babae. Sigurado siya na  pinagkukumpara nanaman siya sa babae dahil sa itsura niya.

Napaiwas ng tingin si Stephanie at tinuon na lang ang pansin kay Zaira.

"Balita ko nasa higher class ka na ngayon."

"Oo, Congrats nga pala sayo. Nakapasok ka sa elites."

"Salamat. Steph, si Max nga pala, bestfriend ko."

Hinila ni Zaira si Max mula sa likuran papunta sa tabi niya.

"Hi Max,"

Pilit na ngumiti si Stephanie.

"Hi," tugon ng binata habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.

Nakaramdam ng pagkailang si Stephanie habang pasulyap - sulyap sa binata. Hindi siya komportable dahil sa pagtitig  nito sa kanya ngunit hindi maiwasang lingunin ito. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam niya nakita na niya si Max noon.

"Max! Athena, kanina ko pa kayo hinahanap," sigaw ng Asher.

Tumigil siya sa pagtakbo at tinaas ang kamay niya sabay turo sa relo niya na patay sindi ang ilaw. Kulay pula ito, senyales na emergency.

"Steph, mauna na kami. Usap na lang tayo bukas," paalam ni Zaira nang makuha niya ang ibigsabihin ni Asher.

Tumango si Stephanie bilang tugon at pinanood ang tatlo habang nagmamadaling umalis.

Samatala, lumabas si Kaycie mula sa tinataguan niya.

"Hanggang kailan ka magpapanggap?" tanong niya kay Stephanie sabay taas ng isang kilay.

"Hindi ko alam kung ano sinasabi mo," sagot ni Stephanie at akmang aalis.

Hinawakan siya sa braso ni Kaycie.

"Wag mo kong tinatalikuran, kinakausap pa kita. Kung sila maloloko mo, ako hindi."

Humigpit ang pagkakahawak ni Kaycie nang hindi pa rin siya pansin ng dalaga.

"Aray! Kaycie masakit! Bitawan mo ko," sambit ni Stephanie.

Wala siya magawa kundi harapin ito at pilit na alisin ang kamay ni Kaycie. Subalit lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kaycie.

"Kaycie," sigaw ni Rhys at agad na lumapit sa kanila.

Inalis niya ang kamay ni Kaycie saka hinila palayo kay Stephanie.

"Ano ginagawa mo? Kailan ka ba titigil  sa pangbubully?" tanong niya kay Kaycie.

Ngumisi si Kaycie.

"Kapag wala na siya sa school na ito. Hindi pa tayo tapos Stephanie," sagot ni Kaycie bago umalis.

Napailing na lang si Rhys. Sa lahat ng babaeng nakilala niya isa si Kaycie sa hindi niya maintindihan. Bata pa lang sila kilala na niya ito dahil kaibigan siya noon ni Alyza. Mabait ito noon kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagbago na lang siya bigla.

"Salamat," sabi ni Stephanie habang nakahawak sa braso niya na namumula.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Rhys nang mapansin niya ito.

Tumango si Stephanie bilang tugon.

"May nagawa ka ba na ikinagalit ni Kaycie?" tanong ni Rhys dahil sigurado siyang hindi guguluhin ni Kaycie nang walang dahilan.

Prangka si Kaycie kaya nagmumukha siyang masama. Ugali nito na sabihin ang nasa isip niya pero hindi ito basta magsasalita ng walang basehan.

"W-wala. Hindi ko alam kung bakit ganun siya sa akin," tugon ni Stephanie.

'Baka misunderstanding lang ang lahat? Wala akong nakikitang masama kay Stephanie,' sa isip ni Rhys.

"Iwasan mo na lang siguro siya sa susunod. Kilala ko si Kaycie, hindi yun titigil hanggang  hindi niya nakukuha ang gusto niya. Mukhang seryoso siya na mapaalis sa school."

Nag-aalalang tinugnan ni Rhys si Stephanie sabay buntong hininga.

"Sige salamat. Una na ako."

"Samahan na kita. Tara!"

Sinabayan siya sa paglalakad ni Rhys.

Pasimple siya tinignan ni Stephanie st napangiti. Hindi niya akalain na darating ang araw na magkakasama niya maglakad si Rhys. Simula nang nawala si Zaira, nawalan na rin siya ng pagkakataon na makausap sila Rhys.

Samantala,

"May demon monster na nangugulo malapit dito. Papunta pa lang sila  Kuya Greg. Tayo muna  daw bahala habang wala pa sila," sabi ni Asher nang nakalapit sila Zaira.

Mahina lang ang tinig niya upang masiguradong walang ibang makakarinig sa usapan nila.

"Okay," sagot ni Zaira.

Sinuot niya ang sisingsing na pasamantalang tinanggal niya.

Hindi naman sila nahirapang hanapin ang demon monster na sinasabi ni Asher. Pagkalabas nila ng Black Academy, matatanaw ito agad.

"Ken, may dala kang lollipop?" tanong ni Zaira dahil balak niyang makipagsanib kay Zeque.

Ayaw niyang mahalata nila Gin na nakipaglaban siya oras na bumalik sila. Kung babalik siya na hinang-hina siguradong uulanin siya ng katanungan mula sa mga kaibigan.

"Meron."

Kinuha ni Max ang isang lollipop sa bulsa. Masaya itong kinuha ni Zaira.

"Salamat."

Binuksan niya ito agad at sinubo bago. Habang nakikipagsanib kay Zeque patakbo na siyang lumapit sa demon monster. Tinira niya ito gamit ang fireball upang kunin ang atensyon nito.

Galit na lumipad ito palapit sa kanila na ikinangiti ng dalaga.

"Finn," sambit ng dalaga.

Gumawa ng ice spikes si Finn at nagpaulan ng ice needles sa kalaban bago ito makalapit sa kanila.

Tinamaan ito sa pakpak dahilan para bumagsak. Nataranta ang demon monster nang makita nito ang ice spikes sa ibaba. Sinubukan nito umalis sa pamamagitan ng blackhole pero inatake siya ng wind blade ni Zaira.

Napigilan niya itong makatakas pero hindi ito sapat para matalo nila.

Pagkabagsak nito sa ice spikes pilit itong tumayo sa pamamagitan ng pagputol ng ice spikes.

"Aaahhhh!" sigaw nito dahilan para lumapit ang kasama nito.

Naging pula ang mata nito at galit na tumakbo patungo sa kanila habang nakasunod sa ere ang kasamahan nito.

'Hindi sapat ang lakas ng kapangyarihan mo para matalo sila. Gamitin mo ang pulang crystal ng alter necklace para matalo sila. Patamaan mo ang puso nila.' sabi ni Zeque.

'Paano kung lumabas si Zarah? Malakas ang kalaban, malaki ang chance na magpakita siya,' sagot ni Zaira.

'Nandyan naman si Max.'

Humiwalay si Zeque sa kanya. Wala na nagawa si Zaira kundi sundin ang sinabi nito.

Gumawa siya ng bow and arrow gamit ang alter necklace ngunit bago pa niya ito magamit isang malamig na tinig ang narinig niya.

'Ako na ang tatapos para sayo,' sabi ni Zarah.

Malamig man ang tinig nito ramdam ni Zaira na sabik ito sa pakikipaglaban.

"Zarah..." bulong ni Zaira bago mabalot ng kadiliman ang paningin niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top