CHAPTER 35

Napayuko si Henry nang makita ang seryosong mukha ng ama habang nakatingin sa kanya.

"Binugbog mo si Dominic?" tanong ni Haring Linus.

Kalmadong man ang tono ng boses nito alam ni Henry na kabaliktaran nito ang nararamdaman ni Haring Linus.

"Ama, ginalaw niya si Zaira. Dapat lang sa kanya yun."

Nagsalubong ang kilay ni Haring Linus saka tinignan ng masama si Henry.

Nanlisik ang mata ng hari.

"Dahil lang sa taong yun binugbog mo siya? Baka nakakalimutan mong alipin lang ang babaeng yun. Pwedeng gawin ang kahit na ano sa kanila."

"Ama, mahal ko po si Zaira. Hindi basta alipin ang turing ko sa kanya."

"Mahal? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo pwedeng mahalin ang taong kagaya niya. Gagamitin ka lang niya at pagkatapos iiwanan ka. Walang sinumang tao ang magnanais na mahalin ang isang bampira. Sigurado kinuha ng babaeng yun ang loob mo para hindi mo siya saktan."

"Bakit po kayo ni Ina? Minsan na rin po kayo nagmahal ng tao. Kung may nakakaintindi sa akin, kayo da--"

"Tahimik! Oo minahal ko ang iyong ina pero tignan mo ang ginawa niya? Iniwan niya kayo at sumama sa isang hunter. Tingin mo ba hindi ka iiwanan ng babaeng yun?"

Muling napayuko si Henry. Alam ni Henry na may ibang gusto si Zaira. Malinaw sa kanya na iiwan siya nito oras na makakita ito ng pagkakataon.

"Mula ngayon hindi ka na pwedeng makipagkita kay Zaira. Oras na malaman kong pinuntahan mo siya, mananagot ka sa akin."

"Ama..."

"Puntahan mo si Dominic at humingi ng tawad sa kanya. Magpasalamat ka dahil hindi siya nagsumbong kay Haring Lazaro. Kung hindi lang siya napigilan ni Stephanie baka pinapatay ka nang ama niya."

"Masusunod..."

Mabigat ang naging hakbang ni Henry habang pabalik siya ng kwarto.

Gusto niya puntahan si Zaira pero alam niyang totohanin ni Haring Linus ang banta nito.

Ayaw ni Henry na muling mapahamak si Zaira dahil sa pagiging makasarili niya.

Kung hindi dahil sa kagustuhan niyang makasama ang dalaga, hindi sana siya masasaktan ni Dominic.

Lingid sa kaalaman ni Henry na may iba pang dahilan si Haring Linus kaya pumayag ito na dukutin si Zaira. Tanging si Magnus lang ang nakaalam ng mga plano ng hari.

Sa kwarto ni Dominic, nagkalat ang dugo sa paligid. Isang tinig ang maririnig sa gitna ng nagtatalsikang dugo.

"Aahh! Tama na! Aahhh!" sigaw ni Stephanie habang hinahampas siya ni Dominic ng hawak nitong latigo.

Puno ng sugat ang katawan ni Stephanie habang si Dominic nakangiting pinagmasdan ang dalaga. Tinaas ni Dominic ang latigo at akmang hahampasin si Stephanie...

"Stephanie!" sigaw ni Henry sabay bangon.

Napasabunot siya sarili habang inaalala ang itsura ni Stephanie sa panaginip niya.

"Kailangan ko makita si Stephanie."

Alam ni Henry malaki ang posibilidad na magkatotoo ang panaginip niya.

Nagpalit siya ng damit saka nagteleport sa harapan ng palasyo nila Dominic.

Pinapasok siya agad ng bantay nang nakita siya nito.

"Prince Henry."

Napayuko ang katulong ng palasyo pagkakita nito kay Henry.

"Nasaan si Stephanie?"

"K-kasama po siya ni Prince Dominic."

Napulunok ang katulong dahil sa kaba.

"Nasaan sila?"

"Sa kwarto po ni Prince Dom--"

Naglakad agad si Henry patungo sa kwarto ni Dominic. 

"Aaahhh!"

Napahinto saglit si Henry sa narinig. Muli niyang naalala ang napanaginipan njya.

Nang hindi mabuksan ni Henry ang pinto, sinipa niya ito ng malakas.

Nanlaki ang mata ni Stephanie nang makita si Henry habang nakasimangot naman si Dominic dahil natigil ang katuwaan niya.

"Henry..."

Napayakap sa sarili si Stephanie nang makita ang pagdilim ng mukha ng kakambal.

Walang suot na kahit ano si Stephanie habang puno ng sugat at pasa ang sugat nito. Lalong nag-init ang ulo ni Henry nang marinig niya ang tanong ni Dominic.

"Ano kailangan mo?"

Pinaikot ni Dominic sa kamay ang hawak na dagger at nang tumigil ito sa kamay niya diretso niya itong sinasak sa hita ni Stephanie.

Napakagat sa labi si Stephanie upang pigilan ang sarili na sumigaw.

"G*g* ka Dominic!" sigaw ni Henry sabay hawak sa kwelyo ni Dominic.

"Henry!"

Napatayo si Stephanie nang sakalin ni Henry si Dominic saka ito sinandal sa pader.

"Magbihis ka, aalis na tayo. Hinding-hindi ka na babalik kahit kailan dito," sabi ni Henry.

Napatingin si Stephanie sa nagkalat niyang sirang damit. Wala siyang dalang  damit nang dalhin siya ni Dominic sa palasyo.

Binuksan na lang ni Stephanie ang cabinet ni Dominic saka kumuha ng polo at short.

"Alam mo ba kung ano ginagawa mo? Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka ngayon?" sambit ni Dominic.

"Wala akong pakialam kung nasa kaharian niyo man ako. Papatayin kita siraulo ka!"

"Henry, tama na yan. Umalis na tayo."

Hinawakan ni Stephanie ang braso ni Henry saka ito hinila.

"Wag na wag kang lalapit sa kapatid ko," sambit ni Henry bago bumitaw.

"Baka nakakalimutan mong fiance ko siya?"

Seryosong tanong ni Dominic. Muli siya tinignan ng masama ni Henry.

"Hindi siya ikakasal sayo. Itinitigil ko na ang kasunduan sa pagitan ng kaharian natin. Tandaan mo ito, magkakamatayan muna tayo bago mo makuha ang kapatid ko."

Hinawakan ni Henry ang kamay ni Stephanie.

"Sinasabi mo ba na mas gustong mong magkaroon ng digmaan sa pagitan ng kaharian natin? Ano na lang gagawin ni Haring Linus kapag nalaman niya na ang paborito niyang anak ang nagdeklara mismo ng digmaan?"

Medyo nanginig si Stephanie. Sigurado siyang mapaparusahan si Henry dahil sa ginawa nito.

Pagtingin ni Stephanie sa paligid nakatayo na sila sa kwarto niya.

"Henry, ano gagawin natin? Sigurado magagalit si ama."

Bumuntong hininga si Henry saka niyakap si Stephanie.

"Sorry. Kasalanan ko kung bakit nangyari sayo yan. Oras na siguro para ako naman ang magbayad sa ginawa ko," bulong ni Henry.

Alam niyang may kaparusahan na naghihintay sa kanya oras na malaman  ni Haring Linus ang ginawa niya.

"Isa lang ang hiling ko sayo."

Bumitaw sa pagkakayakap si Henry at seryosong tinignan sa mata si Stephanie.

"Ano yun?" tanong ni Stephanie.

Hinawakan siya sa balikat ni Henry.

"Kapag may masamang nangyari sa akin, itakas mo si Zaira at umalis na kayong dalawa sa kaharian bago sumugod sila Dominic."

*****

Samantala, napangiti si Zarah nang mabuksan niya ang ankle cuff.

"Natanggal ko na."

Pagkatapos niya matutunan matanggal ang isa mabilis na lang niya natanggal ang kabila angkle cuff.

Lumapit siya kay Crystal at inumpisahan tanggalin ang nasa paa nito.

"May paparating."

Mahinang sabi ni Crystal. Huminto si Zarah sa ginagawa at agad na bumalik sa kama. Tinakpan niya rin ng kumot ang paa niya at ang natanggal niyang ankle cuff.

Tumingin sa kanila si Leona bago nilapag sa side table ng higaan nila ang pagkain.

Nang makalabas ito naghintay ng isang minuto si Zarah bago binalikan si Crystal.

Pinasok ni Zarah ang hairpin sa keyhole saka ito pinaikot-ikot.

Click.

"Yun! Tara na dali," sabi ni Zarah nang matanggal niya ang huling anklecuffs.

Hinila niya si Crystal saka mahinang humakbang patunggo sa pinto. Dahan-dahan niya ito binuksan saka siya sumilip bago sila lumabas nang masigurado niyang walang bantay.

Nagkataon na lunch break kaya kasalukyang walang bampirang nakatayo sa harap ng pintuan nila. Marahil iniisip nila na impossibleng makaalis sila dahil sa anklecuffs na may kadena. Ang hindi nila alam natuto si Zarah na magbukas ng mga lock nang hindi gumagamit ng susi.

"Walang bantay, bilisan natin," sabi ni Zarah.

Patakbo silang lumabas ng pintuan. Bumaba sila ng hagdanan saka dumiretso sa pinto.

Pagkalabas nila, kinilibutan si Crystal nang makitang mukhang hunted house ang pinagkulungan sa kanila.

"Tago," sambit ni Zarah saka naghanap ng matataguan.

Hinila niya si Crystal sa may mga halaman sa gilid ng bahay at doon sila umupo. Mabuti na lamang diretsong pumasok sa loob ang demon monster; may kulay green na balat ito at dalawang itim na sungay.

Tumayo na ang dalawa pero bago pa sila makalayo muling lumabas ang demon.

Nagkatingnan sila.

Nanlaki ang mata ni Crystal habang kalmado lang si Zarah.

"Ang mga bihag! Nakatakas ang mga bihag!" sigaw ng demon kaya hinila na ni Zarah si Crystal.

"Takbo! Crystal, bilisan mo!"

Napanganga si Crystal habang iniisip kung tao ba talaga si Zarah. Mas mabilis pa sa tao ang takbo nito.

Nagtataasang mga puno ang sumalubong sa kanila. May mga damong nagkalat sa lupa at halos madapa si Crystal dahil sa may mga nakaumbok na lupa o mga nagkusling bato.

Tumingin sa likod si Crystal.

"Nandyan na sila."

Tumingin si Zarah sa paligid saka tumakbo papunta sa mga nagtataasang damo.

"Dumapa ka dalian mo," bulong ni Zarah sabay tulak kay Crystal.

Sumenyas si Zarah na wag maingay kay Crystal habang nakasilip sa pagitan ng mga damo.

"Nasaan na sila?" sabi ng demon na nakakita sa kanila.

Tumingin ito kaliwa't kanan habang naglalakad.

Tinakpan ni Crystal ang bibig niya.

"Nandyan lang sila. Hanapin niyo habang hindi pa sila nakakalayo," sigaw ni Leona.

Naghiwahiwalay ang tatlo at nagmadaling tumakbo sa gitna ng gubat.

Nakahinga ng maluwag dalawa nang makitang walang nagtangkang pumunta sa tinataguan nila. Tumayo na sila at tinuloy ang pagtakbo sa direksyon kung saan walang kalaban.

*****

Hindi pa natatapos ang araw, kumalat na ang balita tungkol sa digmaan sa pagitan ng dalawang kahiran sa Demesne.

Patakbong nagtungo ang isang lalaking nakasuot ng jacket na may tatak ng white legion sa head quarters nila.

"Leader, susugod raw sila Haring Lazaro sa kaharian nila Haring Linus," sigaw nito.

Napatingin sa kanya sila Max nang marinig ang pangalan ni Haring Linus habang napatayo naman ang isang babaeng may salamin.

"Magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng kaharian nila. Ano gagawin natin?" tanong nito kay Martin.

Napakunot ang noo ni Martin at napahawak sa ilalim ng baba.

Pumasok ang lalaking kasama ni Martin noong sinundo nila sila Max sa inn.

"Leader, dumating na ang mga sandata!" sabi nito.

Nag-umpisang ngumiti si  Martin.

"Good. Maghanda kayo, makikisabay tayo sa mangyayaring digmaan ng dalawang kaharian. Magandang pagkakataon ito para sumugod," pag-aanunso niya.

Nagsitayuan ang lahat at nagkanya-kanyang alis sa meeting room.

Kinuha ni Max ang espada niya saka lumabas.

Kailangan niya magsanay dahil dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Maililigtas na niya si Zaira at makakaganti na rin siya kay Haring Linus.

Binunot ni Max ang espada niya at hiniwa ito sa harapan niya habang iniisip si Haring Linus.

Hinawakan niya ang pendant ng kwintas niya; umilaw ito at naging totoong espada.

Nag-umpisang kumilos si Max gamit ang dalawang espada. Simula nang nakuha niya ang espada sa kweba, pinag-aralan niyang gamitin ng sabay ang dalawang espada. Sa una nahirapan siya pero sa tulong ng kanyang lolo na isa ring swordsman unti-unti siya natututo.

Sinipa niya ang isang puno at inumpisahang hiwain ang mga nagsilaglagang dahon.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ni Kayden.

Huminto si Max sa paghiwa ng mga dahon.

"Mas matuto ka kung may kalaban ka,"  sabi ni Kayden saka gumawa ng espada sa pamamagitan ng apoy.

Tumango si Max bago umatake.

****

Hindi umalis si Stephanie sa tabi ni Henry. Pagkapalit niya ng damit dumiretso siya agad sa kwarto ng kakambal niya.

"Hanggang kailan mo ko babantayan?" tanong ni Henry.

Hindi umimik si Stephanie.

Tinignan ni Henry ang librong hawak ni Stephanie. Alam niya kahit na sa libro nakatingin si Stephanie na sa kanya pa rin ang atensyon nito. Konting galaw lang niya lilingon  na ito agad sa kanya.

Napatingin sila sa pinto nang bumukas ito bigla at diretsong pumasok si Magnus.

"Kailangan mong sumama sa amin," sabi ni Magnus kay Henry.

Sinara ni Stephanie ang libro saka siya humarang sa harapan ni Henry.

"Saan niyo siya dadalhin?"

Tinignan siya ng masama ni Magnus.

"Wag kang mangialam dito kung ayaw mo pati ikaw maparusahan."

Tinulak siya ni Magnus bago ito lumapit kay Henry.


"Steph!" sigaw ni Henry saka tinulungang makatayo ang kakambal.

"Hindi mo kailangan saktan ang kapatid ko. Sasama naman ako sayo, inis na sabi ni Henry.

Hinawakan siya ng mahigpit ni Stephanie.

"Henry..."

Ningitian siya ni Henry.

"Wag ka mag-aalala, maging maayos din ang lahat. Hindi naman ako papatayin ni ama."

Inalis ni Henry ang kamay ni Stephanie saka siya lumapit sa mga kawal na kasama ni Magnus.

Dinala siya sa basement kung saan kinukulong ang mga nagtataksil sa kaharian. Doon sila pinaparusahan at madalas ring tinotorture sa lugar na yun ang mga mahuhuling kalaban.

Tahimik lang na sumunod si Henry at hinayaan lang niyang lagyan siya ng kadena sa kamay; nakataas ito patungo sa kisame habang halos nakaluhod naman siya sa sahig.

"Pasensya na. Kailangan kong gawin ito. Mukha naman inaasahan mo na ito," sabi ni Magnus bago sipain sa sikmura si Henry.

Utos sa kanya na bugbugin si Henry dahil sa kasalanang nagawa nito. Matagal-tagal na rin noong huling naparusahan si Henry.

Napaubo si Henry dahil sa ginawang pagsipa ni Magnus.

"Wag mo aasahan na katulad lang din ito nang parusa mo noong bata ka. Iba na ngayong mas malakas ang katawan mo," sabi ni Magnus bago sinuntok sa mikha si Henry.

Pinatunog pa ni Magnus ang kamay niya bago muling sumuntok. Hindi niya tinigilan si Henry hanggang sa hindi ito naliligo sa sariling dugo.

Tinignan siya ni Henry ng masama nang makita niyang may kumikidlat sa kamay ni Magnus.

"Aaaahhhhhhhhhh!"

Nangisay si Henry nang tumama ang suntok ni Magnus. 

"Tingin mo ba palalampasin ko ang pagkakataon na ito na saktan ka?"

Ngumiti si Magnus bago pinagpatuloy ang pananakit kay Henry. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa mawalan ng malay si Henry.

Puno ng sugat at pasa sng katawan ni Henry nang iwan niya ito.

Dumiretso siya agad kay Haring Linus para ibalita ang nangyari.

Yumuko siya ng kaunti bago nagsalita.

"Mahal na hari, naparusahan ko na po ang prinsepe."

Tumango si Haring Linus.

"Ihanda mo ang lahat ng pinakamagaling nating kawal. Sigurado akong hindi patatagalin ni Haring Lazaro ang pagsugod niya."

"Masusunod, mahal na hari."

Nagbow muli si Magnus bago umalis.

Samantala, hindi mapakali si Stephanie simula nang maiwan siya sa kwarto ni Henry.

Nag-aalala siya para sa kakambal niya ngunit iniisip niya rin ang sinabi nito sa kanya.

Gustuhin man niyang umalis sa kaharian kasama si Zaira pero hindi niya alam kung paano.

Nagpalakad-lakad siya hanggang sa nabuhayan siya.

"Alam ko na," aniya sabay takbo palabas.

Hinananap niya sila Alexis. Alam niyang pinagkakatiwalaan ni Henry sina Beatriz at Alexis.

Nakita niyang nakasandal si Beatriz kay Alexis habang nagkukwentuhan sila.

Napakunot ang noo ni Stephanie.

Wala ba sila alam sa nangyayari sa kaharian?

Lumapit siya sa dalawa.

"Mamaya na kayo maglambingan. Kailangan ko tulong niyo."

Napaupo ng tuwid ang dalawa saka siya nilingon.

"Tulong saan? May nangyari ba?" tanong ni Alexis.

"Nakakulong ngayon Henry dahil sa ginawa niya kay Dominic. Bago yun may hiniling siya sa akin. Kailangan ko tulong niyo! Bukas magkakaroon ng digmaan kaya kailangan na natin magmadali."

"Ano kailangan mo sa amin?" tanong ni Beatrix.

Lumapit si Stephanie saka binulong sa kanila ang hiling ni Henry.

"Matutulungan niyo ba ako?" tanong ni Stephanie.

Nagkatinginan sila Beatriz bago tumango. Kahit alam nilang mahihirapan sila at maari nila itong ikapahamak oras na mahuli sila, hindi nila maitatanggi na katulad ni Stephanie, lalapitan din sila ni Henry para humingi ng tulong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top