CHAPTER 34

Pinagmasdan ni Zaira si Stephanie habang nililinis ang pinagkainan niya. Ngayon lang ito dumalaw sa kanya sa kwarto simula noong umamin ito sa mga kasalanang ginawa.

Nagtataka si Zaira kung bakit ito ang nagliligpit ng pagkain niya.

"Zai, nag-away ba kayo ni kuya?" tanong ni Stephanie.

Nahinto sa pag-iisip si Zaira.

"Nag-aalala kasi ako sa kanya. Isang araw na siyang hindi lumalabas sa kwarto."

Kitang-kita ni Zaira sa mata ni Stephanie ang pag-aalala nito kay Henry.

"Sorry," sabi ni Zaira sabay yakap sa sarili.

Gustuhin man niya tulungan ito pero hanggang ngayon sariwa pa sa alaala niya ang nangyari.

"May ginawa ba siya sayo?"

Hinawakan ni Zaira ang leeg niya.

"Pasensya na pero ayaw ko muna pag-usapan yung nangyari."

Yumuko si Stephanie saka mahinang tumugon.

"Naiintindihan ko."

Nabalot ng katahimikan ang kwarto hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa nito si Dominic.

"Nandito ka lang pala! Ilang araw ka na hindi pumupunta sa palasyo. Sumama ka sa akin."

Hinawakan ni Dominic ang kamay ni Stephanie at hinila.

"Dominic, bitawan mo ko. Hindi ako sasama sayo," sabi ni Stephanie habang pilit na pinipigilan ang sarili na magpahila.

"Sasama ka sa akin."

Tinignan siya nito ng masama ni Dominic saka marahas siyang hinatak.

"Hindi nga sabi!"

Kinagat ni Stephanie ang kamay ni Dominic.

"Ahh!"

Napabitaw si Dominic kasabay ng pagdilim ng mukha niya. Binigyan niya ng nakakamatay na tingin si Stephanie sabay punas sa kamay niyang may dugo.
May bakat ito ng dalawang tukdok.

"Lumalaban ka na ngayon?!" aniya habang palapit.

Napalunok si Stephanie dahil sa masamang aura na lumalabas kay Dominic. Umiling siya ng mabilis habang umaatras.

"S-sorry."

Nag-umpisang manginig ang katawan ni Stephanie nang makalapit na si Dominic. Hinawakan siya nito sa buhok.

"Aah!" sigaw ni Stephanie nang sabunutan siya ni Dominic.

Samantala napatakip ng bibig si Zaira sa nasaksihan at mas lalo pa siya nagulat nang sampalin ni Dominic si Stephanie. Bago niya ito bitawan sinuntok niya muna sa sikmura.

Napaupo si Stephanie sa sahig habang hawak-hawak ang sikmura niya. Sunod-sunod siyang inubo.

Umupo si Dominic sa harapan niya saka hinila ang muli buhok ni Stephanie at inangat ang ulo nito. Nilapit ni Dominic ang mukha niya kay Stephanie.

"Ano? Lalaban ka pa? Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa akin, matagal ng sinugod itong kaharian niyo."

Hinawakan ni Dominic sa leeg si Stephanie habang malamig na nakatingin. Ngumiti pa ito nang makita ang takot sa mukha ng dalaga. Diniinan  niya ang pagkakahawak niya hanggang sa masakal ito.

"D-dominic..."

Hinawakan ni Stephanie ang kamay ni Dominic at sinubukang alisin. Subalit pahigpit ng pahigpit ito hanggang sa muli siyang maubo.

Nag-umpisang kapusin sa paghinga si Stephanie.

"Tama na yan!" sigaw ko ni Zaira nang mapansin niyang namumutla na si Stephanie.

Hindi siya pinansin ni Dominic kaya nilapitan niya ito hinawakan ang bisig nito.

"Bitawan mo siya."

Tinignan siya ng masama ni Dominic.

"Wag ka mangialam dito."

Tinulak siya ni Dominic gamit ang isa pa nitong kamay.

Napasubsob sa mesa si Zaira pero muli itong tumayo at inulit ang ginawa niya.

"Kaibigan ko si Stephanie. Bitawan mo siya!"

Tinignan ni Zaira ng masama si Dominic.

Bumitaw si Dominic at humarap kay Zaira. Halos mapalundag sa takot si Zaira nang itapat nito ang kamay sa kanya. Pakiramdam niya siya sasakalin nito dahil sa pangingialam niya. Pero ano magagawa niya? Hindi naman pwedeng  manood lang siya.

"Ayoko sa lahat yung pinapakialam ako," sabi ni Dominic.

Niyakap ni Stephanie si Dominic sa bewang nang makita niyang may balak itong atakihin si Zaira.

"Wag mo siya sasaktan. Please... Sasama na ako sayo. Hayaan mo na siya."

Inalis ni Dominic ang kamay niya saka siya tinulak habang hindi inaalis ang tingin kay Zaira.

"Kung ayaw mong saktan ko si Stephamie, payag ka pang ikaw ang pumalit sa kanya?" sabi ni Dominic sabay hakbang palapit kay Zaira.

Hindi alam ni Zaira ang gagawin. Ayaw niya masaktan pero ayaw niya rin saktan nito si Stephanie.

Nang iaangat ni Dominic ang kamay nito napapikit na lang si Zaira.

Clash! Isang tunog ng nabasag na bagay ang nagpadilat kay Zaira. Pagtingin niya sa harapan niya nakahawak sa ulo si Dominic. May dugong tumutulo sa kamay at ulo nito. Sa paanan ni Dominic may basag na vase.

Hinawakan ni Stephanie ang kamay ni Zaira.

"Umalis na tayo dito."

Bago pa makagalaw si Zaira hinawakan siya sa damit ni Dominic.

"Saan kayo pupunta?" sigaw niya.

Malakas ang boses nito habang namumula ang mukha. Kulang na lang umusok ang ilong nito.

Hinila niya si Zaira at itinulak kung saan ang mga bubog.

"Aww!"

Napakagat sa labi si Zaira dahil saktong napaluhod siya bubog.

"Zai!"

Lalapitan na sana ni Stephanie si Zaira subalit hinarangan siya ni Dominic.

"Dominic, wag mo siya idamay dito," sabi ni Stephanie sabay suntok sa dibdib ni Dominic.

"Kung nanahimik lang siya sana hindi ko ito gagawin. Bakit hindi ka na lang lumabas at hayaan kami?"

Napaligiran ng spiritual energy ang kamay ni Dominic bago tinulak si Stephanie.

Lumipad palabas ng pinto si Stephanie at tumama sa pader. Sa sobrang lakas ng pwersang tumama dito nagkaroon pa ng crack ang pader.

"Stephanie!" sigaw ni Zaira at tumakbo papuntang pinto.

Boom! Napahinto sa pagtakbo si Zaira nang pabagsak na sumara ang pinto at kusnag naglock.

Akmang titignan niya si Dominic nang lumutang ang katawan niya.

Pakiramdam ni Zaira may invisible na malaking kamay ang nakahawak sa
kanya.

Hinarap siya ni Dominic.

Nang makita niya ang pagngisi ni Dominic habang nakataas ang kamay na parang may hinahawakan sa ere, alam ni Zaira na ginagamit nito ang kapangyarihan sa kanya.

Hindi siya pamilyar sa kung ano-ano ang ability ng mga bampira. Ngayon kaharap niya si Dominic pakiramdam niya nakikipaglaban siya sa isang demon o wizard.

Hinsi niya mapigilang mapanganga dahil ngayon lang siya nakakita ng may malakas na kapangyarihan na bampira.

Tinignan niya ng masama si Dominic nang iangat siya lalo hanggang sa malapit na siya tumama sa kisame

"Ibaba mo ko!"

Ngumit si Dominic bago tumugon.

"Okay."

Umikot si Zaira ng 90 degree; ngayon nakaharap na siya sa kisame.

Pakiramdam niya may mabigat na nakapatong sa ibabaw niya na naging sanhi ng mabilis na pagkabagsak niya.

"Aaahh!"

Nang malapit na siya sa sahig huminto siya sa ere bago tuluyang mahulog.

"Ah!"

Napaliyad si Zaira nang may tumusok sa likod niya. Nang tumagilid siya nanlaki ang mata niya nang makitang sa nagkahiga siya sa nagkalat na bubog.

Pinilit niya bumangon sa kabila ng sakit ng likod niya. May nahawakan pa si Zaira na bubog habang umuupo siya.

Nag-umpisang kumalat ang mabangong amoy na katulad sa isang rosas.

"Interesting... Kaya pala pumayag si Henry na maging slave ka niya kahit na kontra siya noon. Kahit sinong bampirang gugustuhin ang dugo, amoy pa lang nakakagana na."

Dinilaan ni Dominic ang labi niya habang  nakatingin sa nagdudugong braso ni Zaira.

"Tamang-tama, hindi ka pa namamarkahan ni Henry.  Pwede pa kita agawin sa kanya. Alam ko bang hindi lang sa mapangangasawa pwede gamitin ang vampire's mark?"

Wala na ibang inisip si Zaira kundi ang tumakas. Sigurado siya na oras na mahawakan siya ni Dominic wala na siya  takas. Hindi ito katulad ni Blaize at iba rin ito kay Henry. Kahit umiyak siya sa harapan nito hindi ito maaawa sa kanya.

Sinubukan niyang buksan ang pinto pero kahit anong hila niya dito hindi niya ito mabuksan. Sinuntok niya ito!

"Tulong! Tulungan niyo ko! Henry!" sigaw niya sa kabila nang panginginig ng katawan niya.

Nakikita niya mula sa pintuan ang anino ni Dominic. Nakatayo na ito sa likod niya at hinawakan siya sa kamay.

Pigil hiningang nakatingin si Zaira sa kamay niya na hawak ni Dominic. Gustuhin man niya gumalaw, hindi niya magawa dahil sa takot.

"Totoong nilalagyan ng mga bampira ng marka ang mga mapangangasawa nila. Pero sa Demesne may isa nilalagyan din namin ang mga taong napili naming mag-aalay ng dugo para sa amin."

Nanlaki ang mata ni Zaira nang dilaan ni Dominic ang sugat niya sa kamay.

"Delicious. Bakit hindi na lang ako ang pagsilbihan mo?" bulong ni Dominic.

"No..."

Hinarap siya ni Dominic saka hinawakan sa baba.

"Ipagdasal mo na dumating si Henry dahil sa mga oras na ito siya ng makakapigil sa akin. Pero narinig ko na nagtalo kayo. Hindi ako sigurado kung darating pa siya."

Takot ang nangibabaw kay Zaira. Alam niya malabong dumating si Henry. Pagkatapos niya ito saktan, imposibleng tulungan pa siya nito. Siguro para kay Henry isa na lang siyang walang kwentang tao dahil hindi niya ito mapagbigyan.

"Aaaahhhhh! Tama na!" sigaw ni Zaira nang kagatin siya ni Dominic.

Kumpara kay Blaize mas agresibo ang pagsipsip ni Dominic.

"Dominic... Ahh!"

Tumawa si Dominic habang kumikinang ang mata.

"I like your voice. Tuwing sumisigaw ka lalo akong nasasabik. Hahaha."

Lalong nagdilim ang mukha ni Zaira. Sigurado na siya na wala sa tamang pag-iisip si Dominic. Kaya pala ganun na lamang ang takot ni Stephanie dito.

"Sadista."

Lalong lumawak ang ngiti ni Dominic sa narinig. Hinila niya si Zaira saka sinampal kaliwa't kanan bago sinuntok sa sikmura.

Napaubo si Zaira at napahawak sa labi niya na nagdugo gawa ng malakas na sampal ni Dominic.

"Tama ka. Tuwing naririnig ko ang sigaw niyong mga babae dahil sa sakit nabubuhayan ako. Para itong isang musika sa pandinig ko."

Hinawakan siya ni Dominic sa braso saka hinila papuntang kama. Tinulak niya si Zaira pahiga at muling siyang pinagsasampal habang nasa pagitan siya ng mga hita ni Henry.

Tinignan siya ng masama ni Zaira.

"Kung hindi ka nakialam kanina, hindi ito mangyayari sayo. Handa ka na ba magkaroon ng marka ko? Alam mo na siguro kung paano ginagawa yun."

Napalitan ng nagmamakaawang tingin ang masamang tingin ni Zaira.

"Wag please..."

Nanlamig ang katawan ni Zaira nang nag-umpisang kumilos si Dominic.

"Wag! Tulong! Tulungan niyo ko!"

Samantala, patakbong nagtungo si Stephanie sa kwarto ni Henry. Kinatok nita ito ng paulit-ulit habang sumisigaw.

"Henry, buksan mo ito! Henry! Kailangan ni Zaira ang tulong mo. Hawak siya ni Dominic! Henry!"

Nagising si Henry gawa ng ingay niya. Kunot-noo niyang binuksan ang pinto.

"What?" sigaw niya dahil ayaw niya sa lahat ginigising siya.

Nang makita niya ang mukha ni Stephanie nawala bigla ang pagkainis niya.

"Si Zai, tulungan mo nasa kwarto niya si Dominic."

Walang sabi-sabing magteleport si Henry papunta sa kwarto ni Zaira. Hindi niya alam kung gaano na katagal kumakatok si Stephanie sa kwarto niya simula nang maiwas si Zaira kay Dominic. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Alam niyang sadista si Dominic at isa pa sa kinatatakutan niya ay ang walang marka ng bampira si Zaira.

Paano kung nagalaw na siya ni Dominic?

"Wag naman sana... Hindi pa naman siguro huli ang lahat?" bulong niya sabay iling.

Pag-angat niya ng ulo, nakita niya si Dominic na hinuburan si Zaira. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil hindi pa huli ang lahat o maiinis dahil sa nasaksihan.

Pero isa lang pumasok sa isip niya...

Gusto niya patayin si Dominic.

Hinila ni Henry si Dominic saka sinuntok sa mukha. Gumanti pa ng suntok si Dominic pero nagteleport sa likod niya si Henry at sinipa siya nito.

Nadapa si Dominic subalit hindi pa tapos umatake si Henry. Hinarap siya ni Henry at pinagsusuntok. Nanlilisik ang mga mata ni Henry habang nakatingin sa mukha ni Dominic kahit na dumudugo na ito.

"T*ng*n*! Sa kaharian ka pa talaga namin gumawa ng kalokohan? At sa dinamidaming tao sa mundo si Zaira pa talaga? Lahat na lang? Nung una kapatid ko ngayon si Zaira? Wala ka talaga pinipili no?!"

Ngumiti lang si Dominic bilang tugon.

Napakunot ang noo ni Henry nang makita niya ito at agad na magteleport bago pa magamit ni Dominic ang kapangyarihan niya.

"Hahahahaha!"

Nagkasalubong lalo ang kilay ni Henry dahil sa pagtawa ni Dominic.

Lumapit si Henry kay Zaira nang mag-umpisang bumangon si Dominic. Hinila niya ang kumot saka doon binalot si Zaira bago binuhat.

"Mag-uusap pa tayo mamaya," sabi ni Henry kay Dominic bago magteleport sa kwarto niya.

Binaba niya si Zaira sa kama.

"Sorry, kasalanan ko lahat. Hindi kita nabantayan."

Pinunasan niya ang luha ni Zaira. Sa pangalwang pagkakataon nakita niya nanaman ito umiiyak.

Siguro nga malabong maging masaya siya sa Demesne? Kundi niya hiniling sa ama njyang hari na dalhin sa kanya si Zaira, hindi sana umiiyak ngayon.

Sa kwarto ni Zaira, galit na lumabas si Dominic. Saktong nasalubong niya si Stephanie.

"Nasaan si Haring Linus?" tanong ni Dominic.

Nanlaki ang mata ni Stephanie sa narinig.

"Bakit mo hinahanap si ama?"

Tinuro ni Dominic ang mukha niya.

"Tignan mo ang ginawa ng kakambal mo sa akin.  Sasabihin ko kay Haring Linus ang ginawa ni Henry dahil lang sa isang tao."

"Hindi mo pwede."

Napataas ng isang kilay si Dominic.

"Bakit hindi?"

Gusto sabihin ni Stephanie na kasalanan ni Dominic ang lahat kaya siya nito binugbog pero ayaw niyang magalit ito lalo.

Nang mag-umpisang maglakad si Dominic agad niya itong hinabol.

"Dominic, please huminahon ka muna. Pag-usapan natin ito."

"Huminahon? Tignan mo ang mukha ko? Tingin mo ba hihinahon ako? Magbabayad si Henry sa ginawa niya. Mas mabuti pa kung sa ama ko na lang sasabihin ang lahat."

Napalundag si Stephanie nang mag-iba ng direksyon si Dominic.  Hinawakan niya ang kamay nito.

"Nagmamakaawa ako. Gagawin ko ang lahat wag mo lang sabihin sa iyong ama ang nangyari."

Wala na ibang naisip si Stephanie kundi ang lumuhod sa harapan ni Dominic.

Kumislap ang mata ni Dominic habang interesadong nakatingin kay Stephanie. Ngumiti siya hanggang sa lumabas ang pangil niya.

"Okay. Mula ngayon doon ka na sa kaharian titira at hindi ka uuwi dito hanggang hindi kita pinapayagan."

Napakagat ng ibabang labi si Stephanie habang nakayuko. Alam niyang wala siyang magagawa kundi sumunod kay Dominic kung ayaw niyang mapahamak sila Henry.

Hinawakan siya sa kamay ni Dominic saka siya hinila upang isama pauwi.

*****

Tinignan ni Zarah si Crystal nang makalabas ang bagong nilang bantay na si Leona.

"May hairpin ka ba diyan?" tanong ni Zarah.

May tinangal si Crystal sa likod ng buhok niya at pinakita ito kay Zarah.

"Okay na ba ito?"

Ngumiti si Zarah saka tumango pagkakita sa kulay itim na hairpin.

"Bato mo sa akin."

Binato ni Crystal ang hawak niya at nang masalo ito ni Zarah sinira niya ito saka pinasok sa keyhole ng ankle cuff.

Napakunot ang noo niya nang may maramdaman siyang kirot sa tuhod niya. Para itong tinusok.

Hindi na lang niya ito pinansin dahil kumikirot lang ito. Pinagpatuloy ni Zarah ang pagsungkit sa keyhole.

"What the hell!" sigaw niya nang sunod-sunod na sakit na naramdaman niya.

Pagkatapos sa tuhod, likod naman niya ang sumakit, pati braso at kamay niya. Para siyang humiga sa bubog pako sa kung saang may matulis.

"Sh*t!"

Napahawak sa leeg si Zarah saka pumikit. Alam niyang may bampira nanamang kumagat kay Zaira at kung sino man ito mas malala pa ito kay Blaize o kay Magnus.

"Ano nangyari sayo?" tanong ni Crystal pero bago pa makasagot si Zarah muli nanaman siyang nakaramdam ng sakit.

Napahawak siya sa pisngi niya. Kahit walang sumampal sa kanya pakiramdam niya may palad na tumama dito. Sunod naman ang sikmura niya na nagdulot ng pag-ubo niya ng dugo.

Pinunasan ni Zarah ang dugo sa labi niya

"Sh*t! Papatayin ko yung may gawa nito. P*t*! Kung sino ka man na nanakit kay Zaira, ikaw una kong hahanapin kapag nakaalis ako dito."

Napanganga na lang si Crystal dahil sa sunod-sunod na mura ni Zarah. Wala ito tigil hanggang sa humiga ito na para bang pagod na pagod siya sa pagmumura pero alam ni Crsytal na dahil ito kay Zaira.

May masama kayang nangyari sa kanya?Sinasaktan ba siya nila Magnus?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top