CHAPTER 31

Dalawang araw na ang nakalipas nang huling nakita ni Zaira si Henry.

Hindi na ito bumalik simula nang umalis ito at masaya siya dahil walang mamamimilit sa kanya na maging slave.

Sa kabila nang hindi pagpaparamdam ni Henry, nakakulong pa rin siya si Zaira sa kwarto. Dinadalhan lang siya nang pagkain ng katulong.

"Gusto ko maligo."

Napabuntong hininga si Zaira habang nakatingin sa salamin. Kitang-kita niya dito ang kumikintab niyang buhok. Kung ano ang suot niya nang umalis si Henry ganun pa rin ito.

Gustuhin man niya maligo wala siyang pamamalit at tuwalya. Ngayon sigurado na siya seryoso si Henry sa sinasabi nito na ito ang masusunod sa lahat.

Wala rin siya magawa kundi tumingin sa hangin at maghintay na bumukas ang pinto.

Tulad ngayon, bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking dalawang araw hindi nagpakita.

Hindi alam ni Zaira kung dapat ba siya matuwa o hindi sa pagdating ni Henry. Alam niya ito lang ang makakatulong kung gusto niya magkalabas ng kwarto pero hindi pa rin niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya.

Kung hindi tinawag ng katulong si Henry baka pinagsamantalahan na siya. Kung natuloy yun malalagyan siyang ng marka nito at wala ng ibang bampira ang pwedeng gumalaw sa kanya. Kasama na doon si Blaize. Oras na may ibang gumalaw sa kanya, mamatay siya.

"Bakit ganyan ka makatingin? Namiss mo ko?" tanong ni Henry nang tignan siya mula ulo hanggang paa.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang dumating?"

Natigilan saglit si Henry saka ngumiti bago tuluyang lumapit kay Zaira.

Hindi makakalimutan ni Zaira ang bilin sa kanya ni Stephanie nang makausap niya ito.

"Wag mo gagalitin si Henry. Mabait naman ang kakambal ko basta wag mo lang siya kokontrahin," sabi ni Stephanie.

"Mabait? Kamuntik na nga niya ako pagsamantalahan. Nakikita mo ba itong punit sa damit ko?"

"Ginalit mo siya kaya nagawa niya yan sayo. Sumunod ka na lang sa kanya, sigurado akong rerespetuhin ka niya. Saka wag mo babanggitin si Blaize sa harap niya."

Walang mawawala kung susundin niya ang sinabi ni Stephanie. Mas kilala niya si Henry. Basta hindi siya gagalawin ni Henry, magpapakabait siya dito. Uumpisahan niyang makipagkaibigan kay Henry.

Humiga si Henry sa tabi niya saka hinila ang kamay ni Zaira para pahigain din. Noong una nagdalawang isip na tumabi dahil baka may gawin ito pero nang makita niyang matamlay si Henry at mukhang walang lakas makipagtalo, sumunod na lang siya.

Pagkahiga niya pinatong agad ni Henry ang kamay niya sa bandang bewang ni Zaira.

Napatuwid ang katawan ni Zaira saka napapigil ng hininga. Nang wala na ibang ginawa si Henry, nakahinga siya ng maluwag.

"May inutos sa amin si ama, pinadala niya kami sa Sherian para turuan ng leksyon ang mga nakatira doon."

Tinagilid ni Zaira ang ulo niya para makita si Henry.

Nakapikit ito na para bang natutulog. Ngayon lang natitigan ni Zaira si Henry, tulad ng mga bampira maputi ang balat nito na para bang kulang sa dugo. Walang ibang maisip si Zaira kundi kwapo ito. Matangos ang ilong ni Henry at pale red ang kulay ng labi nito.

"Inlove ka na ba sa kagwapuhan ko?"

Nanlaki ang mata ni Zaira nang dumilat si Henry at nagkasalubong ang mata nila.

"Hindi ka gwapo."

Umiwas ng tingin si Zaira saka tinanggal ang kamay ni Henry bago umurong hanggang sa dulo ng kama.

Ngumiti lang si Henry saka muling pumikit. Lumipas ang labing limang minutong walang nagsalita sa kanila.

Pagtingin ni Zaira kay Henry, tulog na ito sa tabi niya.

"Mukhang pagod talaga siya."

Bumaba ang tingin ni Zaira sa pendant ng kwintas nito. Para itong singsing kaya nakuha nito ang atensyon niya. Nilapitan niya si Henry at maingat na hinawakan ito saka inangat para makita niya mabuti.

May nakalagay na 'Adriana' sa pendant.

Sino si Adriana? Girlfriend niya?

Nagliwanag ang mukha ni Zaira dahil may pag-asa pa siya na makalaya kung mahahanap niya si Adriana. Sana nga lang tama ang hinala niya.

Napabitaw siya bigla sa kwintas nang gumalaw si Henry. Bumalik agad sa pagkakahiga si Zaira saka pumikit.

Hindi muna siya gumalaw sa takot na baka nagising si Henry. Nagpanggap siyang tulog at habang kumukuha siya ng tamang pagkakataong dumilat tuluyan siyang nakatulog.

Nagising si Zaira nang maramdaman niang nay hanging kumikiliti sa batok niya. Pagtingin niya sa bewang niya nakayakap nanaman si Henry.

Napakunot ang noo ni Zaira saka ito inalis. Nawala sa isip niya na nasa dulo na siya ng higaan paggalaw niya nadulas siya sa kama.

Mabuti na lang naibaba niya agad ang paa niya at napahawak sa kanay ni Henry.

Sinamaan niya ng tingin si Henry nang mapansin niyang nanginginig ang katawan nito habang nakatakip ang bibig.

"Ano ginagawa mo habang natutulog ako?" tanong ni Zaira sabay hawak sa batok kung saan naramdaman niya ang hininga nito.

"Mabango ka pa rin pala kahit hindi ka pa naliligo."

Namula si Zaira at muli niyang naalala na dalawang araw na siyang hindi naliligo.

Lumapit si Henry sa malaking cabinet na nasa tapat ng paanan ng kama. May nilabas na susi si Henry at pinasok sa keyhole ng cabinet.

Napanganga na lang si Zaira nang makita ang nandoon lahat ng kailangan niya para makaligo. Bakit kailangan pa niyang lagyan ng lock iyon? Hindi naman niya ito mananakawan kung gugustuhin niya.

"Sayo lahat ng gamit dito. Ikaw na bahalang pumuli ng susuotin mo. Pagkatapos maligo ka na dahil may pupuntahan tayo."

Napagkasalubong ang kilay ni Zaira nang makitang palabas na si Henry.

"Sandali!"

Nagmadali siyang tumayo saka lumapit sa binata.

"Hindi mo ba tatanggalin ito?"

Tumingin siya sa chain na nasa paa niya.

"Makakaligo ka naman kahit may ganyan ka."

Napakamot sa ulo si Zaira habang namumula. Alam niyang makakaligo siya pero kailangan niya pa rin itong alisin para makapagbihis siya.

"Oo nga. Kaya lang... paano ako magpapalit ng ano... Yung ano..."

"Ah!"

Namula ang tenga ni Henry nang naunawaan niya ang ibig sabihin nito.

"Ahem. Sorry, nawala sa isip ko na kailangan mo magsuot ng pan--"

"Tanggalin mo na lang yung chain kung tatanggalin mo."

Napatakip sa mukha si Zaira sabay iwas ng tingin.

Lumuhod sa harapan niya si Henry gamit ang kaliwang paa habang ang kanan niya nakataas. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya.

Nang maramdaman ni Zaira na lumuwag ang anklecuff, tumingin na siya kay Henry.

"Salamat."

Pinulot ni Henry ang anklecuff saka naglakad patungo sa sofa.

Nagkasalubong ang kilay ni Zaira nang umupo ito saka tinignan ang hawak.

"Hindi ka pa ba aalis?"

"Bakit pinapaalis mo ko? May balak ka sigurong tumakas ngayon wala na ito?"

Tinaas ni Henry ang anklecuff habang nakangiti.

"Hindi ako tatatakas. Saka pwede mo naman lagyan ng padlock yung pinto. Kinulong mo nga ako dito ng dalawang araw diba?"

Kahit subukan ni Zaira umalis hindi niya mabubuksan ang pinto.

"Baka may binabalak ka. Malay ko ba na pagbalik ko nakaabang ka na para aatakihin ako. Mas mabuti na ang sigurado. Wag ka mag-alala, hindi kita sisilipan."

Napabuntong hininga si Zaira. Ayaw na niya makipagtalo dito. Baka mainis nanaman ito sa kanya. Sayang nga lang dahil may balak nga talaga siyang tumakas. Tama lahat ang hinala nito. Napaisip tuloy siya kung nakababasa pa nito ang isip niya katulad ni Blaize.

Bago pumasok ng banyo kumuha muna ng damit, underwear at tuwalya. Sinigurado niya rin na nakalock ang pinto ng banyo bago maghubad.

Binilisan niya ang pagligo sa takot na biglang bumukas ang pinto at may pumasok na bampira.

Pagkalabas niya nandoon pa rin sa sofa si Henry. Nakasandal ito habang nakatingin sa kisame. Hindi ito lumingon kahit na nakalapit na siya.

Kinuyom ni Zaira ang kamao niya saka ito tinaas para suntukin si Henry.

Ngunit bago ito tumama sinalo ng kamay ni Henry ang kamao niya.

"Weak."

Ngumisi si Henry saka hinila si Zaira. Nang mapaupo ito sa hita ni Henry, agad pinulupot ng binata ang kamay niya sa bewang ni Zaira.

Tuningin sa kisame si Zaira upang iwasan ang mata nito habang iniisip kung galit ba ito.

"Wag muna uulitin yun. Pasalamat ka, good mood ako ngayon."

Tumango agad si Zaira bilang tugon. Inurong siya ni Henry paupo sa sofa habang ang paa niya naiwang nakapatong sa hita ng lalaki.

Kinabit nito ang anklecuffs bago binaba ang paa ni Zaira.

"Let's go."

Hinawakan niya ang kamay ni Zaira at hinila para tumayo na ito.

Paglabas nila ng kwarto nag-umpisang magtanong si Zaira.

"Saan tayo pupunta?"

Sinulyapan ni Zaira ang kamay ni Henry na mahigpit na nakahawak sa kanang kamay niya. Kung makikita sila ni Blaize siguradong nasuntok na nito si Henry.

"Sa kwarto ko."

Napahinto sa paglalakad si Zaira habang salubong ang kilay.

Ano gagawin nila doon? May balak ba siyang ituloy doon yung naumpisahan niya noon?

Napalunok si Zaira.

"Ayoko na palang lumabas. Doon na lang ako sa kwarto ko. Masaya na ako kahit ikulong mo ko mag-isa sa loob."

Napakunot ang noo ni Henry saglit pero nang makita niyang nanginig ang dalaga sa takot nag-umpisa siyang magpaliwanag.

"Magbibihis lang ako tapos aalis na tayo."

"Ah!"

Napabuntong hininga si Zaira. Nagpapasalamat siya na wala itong binabalak sa kanya pero muling napalundag ang puso niya nang magsalita muli si Henry.

"Pero kung gusto mong may mangyari, pwede naman. Hindi ko pa natutuloy yung ginagawa ko noong tinawag ako ni ama."

Namutla si Zaira saka sinubukang hilain ang kamay niya.

"Kung itutuloy mo yun mas mabuti pang mamatay ako. Iuuntog ko ang sarili ko sa pader hanggang sa mabasag ang bungo ko."

Tinulak siya ni Henry sa pader at walang emosyong tinignan.

"Tingin mo ba pababayaan kitang mamatay? Tandaan mo ito pumayag ka man o hindi wala kang magagawa kung gugustuhin kong gawin yun."

Hinilakin ni Henry ang leeg niya saka ito sinipsip gamit ang labi

"Aw!"

Nagkasalubong ang kilay ni Zaira dahil pamilyar siya sa ginawa nito. Hindi siya makapaniwala na bukod kay Blaize may iba pang naglagay ng love bite sa leeg niya.

Ngayon alam na niya kung bakit ginagawa yun ni Blaize sa kanya tuwing nagseselos ito.

Possessive ang mga bampira.

Pero mahal siya ni Blaize kaya hanggang paghalik lang ang ginagawa nito kahit na gustuhin niya itong lagyan ng vampire mark habang buhay.

Pasamantalang marka lang ang kiss mark sa balat niya, hindi tulad ng tinatawag nilang vampire mark na mananatili sa katawan niya oras na higit sa halik ang gawin nito.

At tulad ni Blaize may isa pang bampira na gumawa nun sa kanya. Nag-init bigla ang ulo ni Zaira. Pakiramdam niya pinagtaksilan niya si Blaize dahil sa nangyari.

Tinaas ni Zaira ang kamay niya saka masamang tinignan si Henry.

Nanlaki ang mata nito at napakahawak sa pisngi pagkatapos tumama ang kamay ni Zaira.

"Alam mo bang wala pang nakakasampal sa akin?"

Hindi niya akalaing na isang tao lang ang makakasampal sa kanya. Bampira siya at hindi lang basta bampira; prisepe siya. Sa kaharian nila alipin lang ang mga tao. Kahit kailan hindi ito maging kapantay o naging mas mataas sa kanila.

Pero ngayon may isang babaeng ang sumampal sa kanya. Masyado ba siyang naging mabait kaya nakakayanan nitong tignan ng masama at sagutin?

"Subukan mo pang ulitin yun, hindi lang sampal ang abutin mo."

Sa kabila ng salitang binitawan ni Zaira labis ang kabog ng dibdib niya. Paano kung tuluyang magalit si Henry at hindi na ito makapagpigil? Hindi si Blaize ang kaharap niya kaya hindi niya alam kung kaya pa nito magpigil.

Hinila siya ni Henry patungo sa kwarto nito. Wala na nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa tapat nito.

"Dito na lang ako," sabi ni Zaira sabay kapit sa gilid ng pintuan.

Tumalim ang tingin ni Henry saka siya marahas na hinila papasik at pabagsak na sinara ang pinto.

Napalundag si Zaira at napayakap sa sarili habang dahan-dahang lumayo kay Henry.

Huminto lang siya sa paglalakad nang tumingin sa kanya si Henry.

"Sinabi ko na sayo na wala akong gagawin sayo ngayon. Kahit na kanina pa ako nagtitimpi sayo, wag mong ubusin ang pasensya ko."

Bago pa makakilos si Zaira nagbuhad sa harapan niya si Henry.

"Bastos! Bakit diyan ka nagbibihis?"

Tumalikod si Zaira at doon lang niya napansin na mas doble ang laki ng kwarto ni Henry sa kwarto kung saan siya nakakulong.

Pwede siya magpagulong-gulong sa sahig sa sobrang laki nito. Deep blue ang kulay ng kama niya habang kulay puti ang unan. Light blue ang pader nito habang may brown ang sahig nito.

"Bakit? Kwarto ko naman ito?"

Hindi umimik si Zaira dahil abala siya sa pagtingin sa mga gamit ni Henry. Lumapit siya sa maliit na drawer sa tabi ng higaan ni Henry. May napatong na lampshade sa taas nito at isang pictures frame na nakatumba.

Itatayo na sana niya ito para makita ang larawang nakalagay subalit may kamay na yumakap sa kanya.

Naiwan sa ere ang kamay ni Zaira kasabay ng pagkunot ng noo niya dahil sa pagdikit ng labi ni Henry sa kaliwang pisngi niya.

"Ano ginagawa mo?" bulong ni Henry.

Inalis ni Zaira ang kamay nito saka humakbang palayo bago humarap.

"Itatayo ko sana yung picture frame."

Tinignan ni Zaira ang picture frame kaya napalingon din doon si Henry.

"Hayaan mo na yan. Tara!"

Bago pa makapagsalita si Zaira hinila na siya nito palabas. Mas gusto niyang makalabas agad sa kwarto ni Henry kaysa makita ang larawan sa picture frame kaya sumunod na lang siya.

"Ano ba? Bitawan mo ko. Hindi ako sasama sayo," sigaw ni Stephanie.

Huminto sa paglalakad si Henry saka masamang tinignan ang lalaking sapilitang hinila si Stephanie.

"Ang kapal talaga ng mukha mo para manggulo dito," sambit ni Henry.

Sumilip si Zaira sa likod ni Henry para makita kung sino ang kaaway nito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni Henry maririnig njya sa tono ng boses nito ang galit.

"Bitawan mo ang kapatid ko. Hindi siya sasama sayo."

Kinilibutan si Zaira nang ngitian siya ng lalaking kausap ni Henry. Kakaiba ang nararamdaman niya dito. Unang kita pa lang niya dito gusto na niya lumayo. May kutob siya na masama ito.

"Ang ganda ng kasama mo. Pwedeng akin na lang siya?" sambit nito habang nakangiti.

Tumingin si Henry kay Zaira bago lumapit sa lalaki.

"Wag mo siya idamay sa usapan natin. Sa amin sasama si Steph kaya alisin mo na ang madumi mong kamay."

Agad bumitaw ang lalaki nang tuluyang makalapit si Henry.

"Okay. Ingat kayo," nakangiting sabi nito bago umalis.

Bumuntong hininga si Henry saka tinignan sila Zaira.

"Wag kayo lalayo sa akin. Zaira, ngayon pa lang sinasabi ko sayo na kapag may ibang nakakita sayo na bampira sa kaharian hindi ko masisigurado ang kaligtasan mo. Tignan mo ang nangyari kay Stephanie."

Tumingin si Zaira kay Stephanie.

"Kahit kakambal ko siya hindi pa rin siya ligtas sa ibang prinsepe dahil tao siya. Paano pa kaya ikaw na walang koneksyon sa kahit sinong nandito?"

"Naiintindihan ko. Hindi ako tatakas habang nasa labas tayo," tugon ni Zaira.

Nag-umpisa na maglakad si Henry; sumunod naman sa kanya ang dalawang dalagita.

Sinalubong sila nila Alexis at Beatriz.

"Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Henry.

"Oo. Kayo na lang ang hinihintay," tugon ni Alexis.

"Good."

Sumakay sila sa sasakyan kung saan si Alexis ang nagmamaneho habang sa tabi niya si Beatriz. Nakaupo naman sa backseat sila Zaira.

Madilim na nang makarating sila sa pupuntahan nila. Nanlaki ang mata ni Zaira nang makita niya mula sa bintana ang nagliliwanag na ferris wheel. Hindi niya inaasahang makakakita siya ng ganun sa Demesne.

"Ehem. Noong pumunta ako sa mortal world, napadaan ako sa amusement park. Sobrang saya ng mga taong nandoon lalo na ang mga bata."

Napansin ni Zaira ang kislap sa mata ni Henry habang nagkukwento.

"Gusto ko dalhin si Stephanie doon pero hindi siya pwede pumunta sa mortal world dahil kay ama kaya yung amusement park na lang ang dinala ko sa Demesne."

Tinignan ni Henry si Stephanie.

"Gusto ko malaman kung sasaya rin va kayo katulad sa mga taong nasa mortal world. Tara na sa labas."

Binuksan ni Henry ang pinto saka nilahad ang kamay para tulungan makababa sila Zaira.

Nang makita ito ni Zaira, katulad katulad ito sa alam niyang amusement park. Pakiramdam niya nakabalik sa mundong kinalakihan niya.

Una nilang sinakyan ang rollercoaster.

"Aaahhhhhhh!"

Napakapit si Zaira sa upuang nasa harapan niya habang pilit na dumidilat. Binabawi na niya ang sinasabi niya dahil mas doble ang bilis ng rollercoaster sa Demesne kaysa mortal world.

Hindi lang rollercoaster ang naiiba, lahat ng masasakyan nakakatakot. Pakiramdam ni Zaira hihiwalay ang kaluluwa niya sa sobrang bilis ng mga ito.

"Hahahaha. Ang saya. Ngayon alam ko na kung bakit sila masaya," sabi ni Henry habang nakatingin sa namumutlang mukha ni Zaira.

"Ngayon mo lang ba nasubukang makasakay sa mga rides kahit na ikaw nagpagawa nito?" tanong ni Zaira habang nagtatakang nakatingin sa binata.

Ngumiti ng mapait si Henry.

"Bilang prinsepe hindi madali para sa akin ang makalabas ng palasyo para lang mamasyal. Ito ang unang beses na ginawa ko ito. Ngayon ko lang nasubukang makasakay sa mga rides. Hindi nga alam ni ama na pumunta ako dito."

Naawang tumingin si Zaira kay Henry. Kung titignan prinsesa din siya sa Terrain pero malayong-malayo ang sitwasyon nilang dalawa. Mas may kalayaan siya kumpara kay Henry.

Boom! Napatingin si Zaira sa kalangitan kung saan may nagkikislapang fireworks.
Hindi mapigilang napangiti ni Zaira sa nakita.

"Mas maganda ka kapag nakangiti."

Nawala ang ngiti ni Zaira nang marinig niya si Henry. Pagtingin niya dito saktong nakatingin ito sa kanya.

"Sana ako yung dahilan ng pagngiti mo."

"Henry--"

Hinawakan siya sa pisngi nito habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.

"Sana suklian mo itong naradamdaman ko sayo."

"So--"

Pinigilan ni Henry ang labi ni Zaira sapamamagitan ng pagdikit ng hintuturo nito sa labi ng dalagita.

"Alam ko. Alam ko na may nagmamay-ari ng puso mo. Pero naniniwala ako na pwede pa magbago ang nararamdaman mo. Kung si ina nga nagawa kaming iwan para sa ibang lalaki, hindi rin malabong magawa mo siyang iwan para sa akin."

Nagkasalubong ang kilay ni Zaira. Gusto niya sabihin na magkaiba sila ng ina nito pero wala siyang pagkakataon para makapagsalita.

"Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako."

Pagkaalis ng hintuturo ni Henry, agad na nagsalita si Zaira.

"Masasaktan ka lang sa akin. Marami pang-ibang babae diyan. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. Henry, habang mas maaga pa tumigil ka na. Alam kong hindi pa ganun kalalim yang nararamdaman mo sa akin."

Sigurado si Zaira na iba ang nararamdaman nito sa nararamdaman ni Blaize. Ilang beses pa lang sila nagkita at ngayon lang sila nagkasama nito. Para kay Zaira imposibleng mahalin siya nito agad.

Nag-umpisang maglakad si Zaira palapit kay Stephanie.

"Ano nangyari doon? Nag-away ba kayo?" tanong ni Stephanie habang nakatingin kay Henry.

Nakatayo lang ito sa kung saan niya ito iniwanan. Umiling si Zaira bilang tugon kay Stephanie.

Nag-aalalang tumingin si Stephanie kay Zaira nang makita niya ang pagdilim ng aura ni Henry. Hindi naman ito pansin ni Zaira dahil nasa isip pa rin niya ang mga sinabi sa kanya ni Henry.

Hindi niya gusto manakit pero ano magagawa niya? Hindi naman niya kayang suklian lahat ng nararamdaman ng lalaki. Akala niya pagkatapos ni Max wala na ibang lalaking magtatapat sa kanya. Nag-uumpisa na rin siya mapatanong sa sarili niya kung ano nagustuhan nila sa kanya. Ngayon naiintindihan na niya ang sinasabi sa kanya ni Kaycie.

"Umuwi na tayo."

Napasinghap si Zaira nang marinig ang malamig na tinig sa likod niya.

Bago niya lingunin si Henry nag-umpisa na itong maglakad pabalik ng sasakyan.

Hindi tumabi sa kanila si Henry at lahat ng mga kasamahan nila pasulyap-sulyap sa binata. Pakiramdam nila isang kalabit lang nila dito, sasabog ito bigla.

"Nakakatakot," bulong ni Stephanie habang sinususulyapan si Henry sa harapan nila.

Nakaupo ito ngayon sa pwesto ni Beatriz kaya ngayon tatlo silang babaeng magkakatabi.

"Binusted mo siya?" tanong ni Beatriz kay Zaira.

Alam ni Beatriz ang plano ni Henry dahil sila ang inutusan nitong ayusin ang lahat ng nasa amusement park. Pati fireworks hinanda nila.

Napayuko si Zaira sa tanong nito.

"Goodluck sayo. Kilala ko si Henry. Hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Nakikita ko na paubos na ang pasensya niya sayo."

Bumilis ang tibok ng puso ni Zaira. Naala niya ang huling sinabi sa kanya ni Henry bago sila umalis.

"Sinabi ko na sayo na wala akong gagawin sayo ngayon. Kahit na kanina pa ako nagtitimpi sayo, wag mong ubusin ang pasensya ko."

Kung iisipin sinasabi sa kanya ni Henry na hindi siya nito gagalawin noong oras na yun. Paano na ngayon? O kaya bukas? Ligtas pa ba rin ba siya kay Henry?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top