CHAPTER 30
Napabangon si Zaira nang napagtanto niyang nasa isang malambot na kulay pulang kama siya. May nakalagay na gintong chandelier sa kisame. Tignan lamang niya ang mga kumikinang na ginto sa paligid niya alam niyang mayaman ang nagmamay-ari ng kwarto.
"Ah!"
Napatingin si Zaira sa paa niya nang marinig niya ang tunog ng kadena. Pagtingin niya dito may nakalagay na ankle cuff sa paa niya at sa pagitan nito may kadenang nagdudugtong.
Naging maliit at mabagal ang hakbang niya dahil may nakasabit rin na itim na bilog na bagal dito. Kasing laki ito ng bola ng bowling at tuwing hahakbang siya ramdam niya ang bigat nito.
Alam ni Zaira na kaya malaya siyang nakakagalaw sa kwarto dahil sa nakalagay sa paa niya. Kahit subukan niyang tumakas madali siyang mahuhuli.
"Nasaan ako?"
Ang hulin niyang naalala nakaharap nila sila Magnus at kung iisipin impossibleng dalhin siya nito sa maayos na kwarto.
Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla itong bumukas at sumalubong sa kanya ang isang matangkad at maputing lalaki. Kulay pula ang mata at itim ang buhok nito.
"Henry?"
Napaatras si Zaira at dahil sa nakalagay sa paa niya nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang nahawakan siya agad sa kamay ni Henry.
Hinila siya nito dahilan para mapasubsob siya sa katawan nito sa halip na mapaupo siya sa sahig.
'Natumba na lang sana ako,' sa isip ni Zaira. Sinubukan niya itong itulak subalit mas mabilis ang kilos nito.
Niyakap siya ni Henry ng mahigpit saka bumulong sa kanya.
"Ang tagal kong hinitay ang araw na ito. Sa wakas nandito ko na rin sa kaharian ko."
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira habang pilit na kumakawala sa yakap ni Henry.
"Bitawan mo ko! Ano ba? Bakit mo ko niyayakap?"
Maririnig sa tono ng boses niya ang pagkainis subalit tila ba walang narinig si Henry.
"Nagpadala ako ng pagkain para sayo."
Nakangiting bumitaw sa kanya si Henry saka siya hinawakan sa kamay at hinila paupo sa may sofa.
May pumasok na isang babae na isang babae na nakasuot ng damit ng isang katulong. Katulad ni Zaira may ankle cuff rin ito sa paa.
Nang magkatinginan sila nito binigyan siya nito ng naaawang tingin.
Bakit ganun siya makatingin? Mukha ba siyang kaawa-awa?
Tinignan ni Zaira ang sarili, walang pinagbago sa suot niya. Maayos naman siya kumpara sa katulong. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ito makatingin sa kanya. Subalit agad rin nagbago ang nasa isip niya pagkatapos niya kausapin si Henry.
Nilagay nito ang beef steak, vagetable salad at isang orange juice sa maliit na mesa na tama lang sa pangdalawang tao ang laki.
"Makakaalis ka na," utos ni Henry sa katulong.
Nagbow muna ito bago naglakad palabas at dahan-dahang sinara ang pinto.
"Kumain ka na. Sabihin mo lang sa akin kung may hindi ka gusto. Papaluto kita agad ng bago," sabi ni Henry.
Tinignan lang ni Zaira ang pagkain hindi dahil sa ayaw niya ito, kundi dahil kay Henry.
"Nasaan ako?" tanong niya.
"Nasa kaharian ka ng Phiria."
Ngumiti si Henry.
"Welcome to our kingdom."
Napakunot ang noo ni Zaira saka tumayo.
"Uuwi na ako!" aniya kahit hindi niya alam kung paano. Basta gusto niya makaalis sa tabi ni Henry.
Hinawakan siya ni Henry sa pulsuhan saka tinignan ng masama.
Napalunok si Zaira sa takot dahil na rin sa aura nito na para siyang papatay.
"Hindi ka na makakaalis dito! Dito ka na titira at pagsisilbihan mo ko habang buhay."
Habang buhay? Nasisiraan na ba siya? Sinong matinong tao papayag sa gusto niya? Bakit ko siya pagsisilbihan?
Huminga ng malalim si Zaira saka gumanti rin ng masamang tingin.
"Aalis ako dito. Hindi mo ko mapipigilan!"
Buong lakas hinila ni Zaira ang kamay niya saka naglakad papuntang pinto. Hinawakan niya ang doorknob at akmang pipihitin ito nang magsalita sa likod niya si Henry
"Tingin mo ba ganun lang kadali makaalis dito? Baka bago ka pa makalabas, patay ka na."
Nagsitaasan ang buhok ni Zaira sa kamay dahil sa malalim na boses ni Henry. Tuluyan na nawala ang pagiging malambing nito at marahas siyang hinarap.
Napasanda sa pinto si Zaira sa kagustuhang lumayo kay Henry ngunit hinawakan nito ng mahigpit ang balikat niya habang binibigyan siya ng malamig na tungin.
"Wag mong hintayin na magalit ako sayo. Hindi mo alam kung ano kaya kong gawin."
Kasing lamig din ng tingin niya ang tono nito. Tinapik nito ang balikat ni Zaira.
"Kumain ka na!"
Pagkatalikod ni Henry mabilis na pinihit ni Zaira ang doorknob. Pagkabukas niya ng pinto may kamay na pumulupot sa bewang niya saka siya binuhat.
"Henry, ibaba mo ko!"
Pabagsak siyang ibinaba sa kama ni Henry at bago pa makabangon si Zaira tinulak siya nito at pumatong sa ibabaw niya.
Nanigas ang katawan ni Zaira kasabay ng pagpigil ng hininga habang nanlalaki ang mata. Napapikit siya nang dumampi ang labi ni Henry sa leeg niya.
"Wag!"
Napahawak ng mahigpit si Zaira kay Henry sa takot niya na baka kagatin siya nito.
Umangat ang ulo ni Henry at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ni Zaira. Ramdam ni Zaira ang paghinga nito.
"Mamili ka sa dalawa, kakain ka o ikaw ang kakainin ko?" bulong ni Henry sabay kagat sa tenga niya gamit ang labi nito.
Bumaba muli ang ulo ni Henry patungo sa leeg niya saka ngumanga.
"K-kain na! Kakain na ako please tumigil ka na," sigaw ni Zaira nang maramdaman niya ang matulis na pangil nito sa balat niya.
Huminto na si Henry saka umupo. Nang idilat ni Zaira ang mata niya, nakangiti na ito.
"Kumain ka na."
Bumalik muli ang malambig na tono nito.
"O gusto mo subuan kita?"
Napabangon bigla si Zaira sa tanong nito.
"Hindi na. Kaya kong kumain mag-isa."
Naging maingat na si Zaira sa galaw niya. Ayaw na niya maulit ang nangyari. Pakiramdam niya kapag ginalit niya ulit ito hindi na siya papipiliin kung kakain ba siya o kakainin siya nito.
Kumalma na si Zaira nang makitang tahimik lang na nakamasid si Henry. Naging payapa ang lahat hanggang sa matapos siya kumain. Pinatunog ni Henry ang bell sa mesa.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang katulong kanina.
"Iligpit mo na ito," sabi ni Henry habang malamig na nakatingin sa katulong.
"Pagkatapos mo diyan sabihan mo ang iba na walang mang-iistorbo sa amin kung hindi importante ang sasabihin niyo."
"Masusunod Prince Henry."
Mabilis na kumilis ang katulong at agad na lumabas ng kwarto.
Ngumiti si Henry dahilan para kabahan si Zaira.
"Ngayon tapos ka na kumain pwede na tayo mag-usap."
Hindi umimik si Zaira at binigyan lang niya ito ng tingin na kung may sasabihin siya, sabihin na niya.
"Simula ngayon personal slave na kita. Gagawin mo lahat ng ipag-uutos ko. Ako ang magdedesisyon bawat galaw mo."
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira sa narinig pero nanatili siyang nakatingin kay Henry.
"Kapag sinabi kong kakain ka, kakain ka. Pati oras ng pagtulog mo ako masusunod. Pagsisilbihan mo ko araw-araw."
"No!"
Napatayo si Zaira habang matalim na nakatingin kay Henry. Wala siyang balak pagsilbihan ito kahit dumanak pa ang dugo. Mas pipiliin na lang niya mamatay kaysa pagsilbihan ito.
Paano kung sabihin nito na gusto niya ng dugo? O kaya katawan niya ang hilingin nito?
Napayakap si Zaira sa sarili dahil sa naisip.
"Sa ayaw o sa gusto mo pagsisilbihan mo ko!"
Tumayo si Henry saka ngumisi.
"Ayun lang naman ang silbi niyong mga tao sa amin."
Nag-init ang ulo ni Zaira sa narinig.
Ano tingin niya sa mga tao? Puppet na sunod-sunuran sa mga katulad nilang bampira?
"Kapag sinabi kong hindi, hindi! Mamatay man ako ngayon dito hindi ako papayag!"
Tumawa si Henry subalit makikita sa mata nito na hindi ito masaya.
"Kung ayaw mo, pakasalan mo na lang ako. Kapag naging asawa kita kahit papaano may kalayaan ka, basta sa dito ka lang sa palasyo titira."
Napasimangot si Zaira.
"Mas lalong hindi ko gagawin yun. Si Ian lang ang gugustuhin kong pakasalan."
Nawala ang ngiti ni Henry at walang emosyong tumingin kay Zaira.
Kahit ramdam ni Zaira ang malamig na tingin nito sinabi pa rin niya ang gusto niyang sabihin.
"Tumigil ka na! Personal slave man o asawa mo hindi ako papayag. Mas mabuti pang pakawalan mo na ako dito."
"Hindi! Dito ka lang!"
Nanlisik ang mata ni Henry saka humakbang palapit kay Zaira. Nang inangat nito ang kamay agad itong tinapik ni Zaira sabay atras.
"Huwag mo kong hahawakan."
Tinignan siya ng masama ni Zaira.
"Hehe."
Bumilis ang tibok ng puso ni Zaira nang tumawa si Henry. Pakiramdam niya nasa horror film siya at isang demonyo ang nasa harapan niya.
"Alam mo bang dahil sa ginagawa mo mas lalo lang kita nagugustuhan? Athena, mahal ko."
Napalundag ng kaunti si Zaira at nanginig. Pinilit niya magsalita ng diretso sa kabila ng paglundag ng puso niya tuwing hahakbang palapit si Henry.
"Wag mo ko tawaging Athena. Hindi tayo close."
"Hindi pa ba tayo close sa lagay na ito?"
Nanlaki ang mata ni Zaira at nang makita niyang balak siyang hawakan sa mukha, tinulak niya si Henry at dali-daling umatras.
"Aah!" sigaw ni Zaira nang hindi niya namalayang nasa likod niya ang kama.
Tumama siya doon saka nawalan ng balanse. Napahiga siya sa kama habang ang paa niya nanatiling nakasayad sa sahig.
Napalunok si Zaira nang dumapa sa ibabaw niya si Henry. Ramdam niya ang hininga nito sa tenga niya. Sinubukan niya itong itulak ngunit mabigat ito.
Hinawakan ni Henry ang kamay niya saka ito inangat sa gilid ng ulo ni Zaira. Namutla si Zaira nang makita niya sa mata ni Henry ang kagustuhan nito na kainin siya. Katulad ito sa mata niya tuwing nakakakita siya ng stick-o.
"Alam mo bang kanina pa ako nagpipigil na tikman ka?"
Bumaba ang ulo ni Henry sa leeg niya.
"Wag! Ayoko!"
Sinubukang iangat ni Zaira ang kamay niya pero lalo lang itong itinulak ni Henry sa kama.
"Gustong-gusto ko malasahan ang sinasabi nilang eternal blood. Bilang personal slave ko, tungkulin mo ibigay ang lahat ng gusto ko, kahit buhay mo pa."
"Sinabi ko na sayo, hindi ako papayag sa gusto mo."
Umangat ang ulo ni Henry saka ito nakipagtitigan sa kanya.
"Pumayag ka man o hindi wala ka na magagawa. Magiging alipin kita at hindi magtatagal magiging asawa kita."
"No."
"Alam mo bang possessive ang mga bampira? Oras na makagusto kami, gagawin namin ang lahat para lang makuha namin ito. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
Takot ang bumalot kay Zaira. Sa kabila ng panginginig niya sinubukan niyang umalis sa hinihigaan niya.
Nauunawaan ni Zaira ang gustong sabihin nito. May paraan ang mga bampira para makapag-iwan sila ng marka sa gusto nilang lalaki o babae.
"Base sa reaksyon mo alam mo ang tinutukoy ko. Wala ka pang marka ni Blaize kaya pwede pa kita maagaw. Hahaha."
"Wag!"
Hinila ni Henry ang suot na damit ni Zaira dahilan para magkasira ang kwelyo nito.
Knock. Knock. Knock.
Huminto si Henry at masamang tumingin sa nakasarang pinto.
"What?" sigaw niya.
"P-pinapatawag po kayo ng ama niyo," sagot ng katulong habang nakayuko.
Kahit nakasara ang pinto ramdam nito ang itim na aura ni Henry. Sinabihan din sila na wag itong istorbohin. Pero anong magagawa niya? Napag-utusan siya ni Haring Linus.
"Istorbo!"
Kunot noong tumayo si Henry saka tinignan ng masama si Zaira.
"Diyan ka lang babalikan kita."
"Kahit wag ka na bumalik," mahinang sabi ni Zaira habang bumabangon.
Ngumiti si Henry.
"Itutuloy ko pa ang ginagawa ko."
Napayakap sa sarili si Zaira saka tinignan ng masama si Henry. Kumalma lang siya nang lumabas na ito ng kwarto.
Nakahinga ng maluwag si Zaira nang makitang maliit lang ang naging punit ng blouse niya. Kahit paano hindi kita ang panloob niya.
"Kailangan ko makaalis dito."
Sinubukan niyang buksan ang pinto subalit nakakandado ito sa labas.
"Bakit walang bintana?"
Napasabunot si Zaira sa sarili bago napaupo sa kama. Wala siya makitang pwede niyang madaanan.
'Ano na gagawin ko? Kung suot ko lang ang alter necklace pwede ako magpatulong kay Zeque.'
Napatayo si Zaira at agad na sumiksik sa sulok nang mapansin niyang umikot ang doorknob.
"Stephanie? Ano ginagawa mo dito?"
Nanlaki ang mata niya habang pinapanood pumasok si Stephanie.
"Sorry kung hindi ko agad sinabi sayo ang totoo. Stephanie Zouche ang totoong pangalan ko, kakambal ako ni Henry. Patawarin mo ko kung nagsinungaling ako sayo."
Napayuko si Stephanie habang pinaglalaruan ang daliri.
Napasinghap si Zaira sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Bakit sa dinamidami pang pwedeng maging kapatid ni Henry, si Stephanie pa?
"Bakit?"
"Noong una pumasok ako sa Black Academy para maging spy. Nang makilala kita ka inutusan nila ako bantayan ang bawat galaw mo."
"Ah! Ikaw yung traitor sa Black Academy?"
Tumango si Stephanie habang pasimpleng tunitignan ang reaksyon ni Zaira.
Napahilamos ng mukha si Zaira gamit ang kamay. Parang gumuho ang mundo niya sa natuklasan. Tinuring niyang kaibigan si Stephanie at ito ang kauna-unahang kaibigan niya sa Black Academy.
Naalala niya ang mga nangyari sa kanya noong pinagbintangan silang magkakapatid na spy sa paaralan. Sinong mag-aakala na ang naging scapegoat siya ng kaibigan niya?
"Bakit? Bakit mo nagawa ang bagay na yun? Tinuring kitang kaibigan," mahinang sabi ni Zaira.
Nagkapatong-patong na ang problema niya. Hindi na niya alam kung ano una niyang iisipin.
Pilit na ngumiti si Stephanie. Bakas sa mata nito ang kalungkutan.
"Ginawa ko yun para tanggapin ako ni ama pero balewala lang sa kanya ang lahat."
Pinagmasdan siya ni Zaira. Tinignan niya mabuti ang bawat facial expression ni Stephanie.
"Alam mo bang naiinggit ako sayo? Nasayo na ang lahat ng wala ako. Ang swerte mo. Kumpleto ang pamilya mo, mahal na mahal ka ng magulang mo."
Napalunok si Stephanie habang pinipigilan ang sarili na umiyak.
"Maraming nagmamahal sayo. Samantalang ako tanging ang kakambal ko lang ang meron ako. Sarili kong ama, ayaw sa akin tapos bata pa lang kami iniwan na kami ng aming ina."
"Nagkakamali ka, nandito rin ako para sayo."
Sa maikiling panahon na kasama niya Stephanie tinuring niya itong kaibigan. Sigurado siya noong mga oras na yun totoo ang pinakita sa kanya ni Stephanie.
"Zai, nakipagkaibigan lang ako sayo para mapalapit sayo at maga--"
"Hindi ako naniniwala sayo. Alam kong totoo ang pakikipagkaibigan mo sa akin. Hindi mo pa alam ang tungkol sa akin noong unang araw mo ko kinausap. Hindi mo pa ako masyado kilala noon."
Napaiwas ng tingin si Stephanie.
"Hindi totoo yan."
Ngumiti si Zaira dahil sigurado na siya na tama ang hinala niya.
"Nung nalaman nila kaibigan mo ko, doon ka lang nila ginamit diba? Alam kong hindi ka masama kagaya nila."
Hinawakan ni Zaira ang kamay niya. Nang iangat ni Stephanie ang mukha niya direkta niya itong tinignan sa mata.
"Sorry."
Napakagat ng ibabang labi si Stephanie upang pigilan ang sarili ni umiyak.
"Patawarin mo ko sa ginawa ko."
Nang makita ni Zaira ang pag-agos ng luha nito sa kabila ng pagpigil nito, hindi na niya ito natiis. Niyakap niya si Stephanie dahilan para mapahagulgol ito habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
***
Sa isang inn kung saan pasamantalang tinutuluyan nila Gin, isang ahas ang dahan-dahang gumapang papasok dito.
Umakyat ito ng hagdan at huminto sa tapat ng kwarto nila Gin. Ipinasok nito ang dalang itim na envelope sa ilalim ng pinto.
"Hssh!"
Napakunot ang noo ni Gin nang makarinig siya ng ingay. Bumangon siya sa kamang hinihigaan saka tumingin nay Tyler. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya sa kabila ng ingay.
"Hssh!"
Dumako ang mata niya sa may pinto kung saan nanggagaling ang ingay at isang itim na sobre ang sumalubong sa kanya.
Pinulot niya ito at binuksan.
"What the f*ck! Si Thea ito ah!"
Nagkasalubong ang kilay niya nang makita ang larawan ni Thea habang nakahiga sa kama. May katabi itong mga ahas na para bang binantayan siya nang mga ito.
Kinuha niya ang maliit papel sa likod nito.
'Kung gusto mo siya iligtas, magkita tayo ngayon sa black forest.
Wag ka magsasama ng kahit sino, alam ko ang bawat galaw mo.
Oras na magsama ka nang kahit sino o hindi magpakita ngayon...
papatayin ko ang babaeng nasa larawan.'
Nilukot ni Gin ang larawan bago binato sa sahig. Nagmadali siyang lumabas.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
Paano kung mahuli siya ng dating at maabutan niya itong patay? Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari yun.
Ang black forest ay kilalang pinakadelikadong gubat sa Demesne. Katulad ito ng Terrain na puno ng mababangis na hayop at halimaw.
Malapit lang ito sa tinutuluyan nila kaya nakarating siya agad sa gubat.
"Nandito na ako! Magpakita ka! Ilabas mo si Thea!"
Umihip ang malamig na hangin, nagsisayawan ang mga halaman. Wala siyang makita o marinig na kahit na anong. Kaya naman nang nakarinig siya ng sigaw napatakbo siya bigla upang hanapin ito.
"Ahh! Ahhh!"
"Thea!"
Tumingin sa kaliwa't kanan si Gin habang tumatakbo.
"Hssh."
"Thea, nasaan ka?"
"Gin!"
Huminto sa pagtakbo si Gin at napalingon sa kanan niya.
Hawak-hawak ni Drake si Thea habang kagat-kagat nito ang leeg.
Namula ang mukha ni Gin saka nanlisik ang mata.
"Hayop ka Drake!"
Lumaki ang katawan niyan, humaba ang nguso niya, tinubuan siya ng matulis na kuko at tinubuan siya ng puting balahibo. Sa sobrang laki ng katawan niya napunit ang suot niyang dami.
"Awoooo! Papatayin kita Drake!"
Tumakbo si Gin palapit kila Drake at nang malapit na ito nakangiting tinulak si Thea bago lumayo.
"Gin... ha... huh... ah..."
Napahawak sa namamagang leeg si Thea habang pawis na pawis. Namumutla ang mukha nito habang pulang-pula naman ang kagat ni Drake.
Niyakap siya ni Gin saka tinignan ng masama si Drake.
"Ano ginawa mo sa kanya?"
Tumawa si Drake at nakangiting sumagot kay Gin.
"Nilagyan ko ng lason ang katawan niya. Ibibigay ko lang ang antivenom sayo oras na makuha ko na ang kailangan ko."
Napakapit sa balikat niya si Thea.
"Gin, tulungan mo ko. Ayoko pang mamatay."
Tumango si Gin bago muling kinausap si Drake. Gagawin niya ang lahat para iligtas si Thea hindi dahil sa pakiusap nito. Kahit hindi ito humingi ng tulong sa kanya, tutulungan niya rin ito.
"Ano kailangan mo sa akin?"
"Dugo mo kapalit ng antivenom ko. Yun lang ang kailangan ko. Simple lang naman gagawin mo. Tatayo ka lang diyan at hayaan mong kuhaan kita ng dugo. Pagkatapos ibibigay ko sayo ang kailangan mo."
"Paano ko masisigurado na ibibigay mo talaga ang antivenom sa akin?"
"May 30 minutes na lang siya para mabuhay. Hahayaan mo na lang ba siyang mamatay?"
"F*ck!"
Gusto niya ito sugurin pero ayaw niyang bitawan si Thea.
"Wag kang mag-alala, may isang salita ako."
"Gin," sambit ni Thea dahilan para kumalma ang binata.
Napabuntong hininga siya.
"Pumapayag na ako."
Ngumiti si Drake saka pumitik sa ere. Isang malaki at mahabang ahas ang pumulupot sa katawan ni Gin. Tinusok niya sa binata ang dalang injection para makuhanan niya ito ng dugo.
"Nakuha mo na ang dugo ko. Ibigay mo na sa akin ang antivenom," sabi ni Gin nang bunutin ni Drake ang injection.
Umalis na ang malaking ahas sa pagkakapulupot kay Gin saka binato ni Drake ang injection na naglalaman ng antivenom.
Sinalo ito ni Gin at agad-agad na tinanggal ang nakatakip sa karayom saka tinurok kay Thea.
Binuhat niya si Thea at dinala sa inn. Nakasalubong niya pa sila Tyler habang palabas ang mga ito para hanapin si Gin.
"Tulungan niyo ko!"
Hinawakan ni Liam sa noo si Thea.
"Nilalagnat siya. Kumuha kayo ng maligamgam na tubig," sabi ni Liam.
"Pwede pong makihingi ng maligamgam na tubig?" tanong ni Tyler sa lalaking bantay sa inn tuwing gabi.
Dinala ni Gin sa inuupahang kwarto at ibinaba sa kama si Thea.
"Anong nangyari?" tanong ni Liam habang sinusuri ang kagat ng ahas sa leeg ni Thea.
"Ginamit ni Drake si Thea para makuha ang dugo ko."
"Paano napunta sa kanila si Thea? Diba kasama niya sila Athena?" tanong ni Adrian.
Nanlaki ang mata ni Liam at napatingin kay Asher.
"Mali naman siguro ang iniisip ko? Hindi nila hawak sila Athena?"
Papikit-pikit si Thea habang tumitingin sa paligid.
"Gin..."
Lumapit ang binata para makita siya nito.
"Nandito ako."
Hinawakan siya sa kamay ni Thea. Hinihingal man pilit itong nagsalita.
"Iligtas... niyo... sila... Crystal..." aniya bago mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top