CHAPTER 3
"Alis na po kami!" paalam nila Zaira habang nagmamadaling lumabas.
"Bilisan mo kuya," sigaw ni Zaira nang makasakay ito.
"Ito na nga. Kumapit kayo mabuti bibilisan pagmamaneho," tugon ni Asher saka binuksan ang makina ng sasakyan.
Makalipas ang limang minuto nakarating na sila sa Black Academy. Namumutlang bumababa si Finn.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Max sa kanya habang inaalalayan ito.
"Ang saya nun kuya! Sa uulitin," sambit ni Zaira nang makakababa ito.
Pakiramdam niya sumakay sila sa rollercoaster dahil sa bilis nitong pagpapatakbo.
Lalong nanghina si Finn nang marinig niya ito habang napailing naman si Max.
"Sira! Gusto mo ba ako mapagalitan ni Papa?" tugon ni Asher sabay tingin sa wristwatch niya.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ni Asher bago tumakbo.
Napahawak sa buhok si Zaira gawa ng malakas na hangin na dulot ng pagtakbo ni Asher.
"Kuya!" sigaw niya.
"Tara na."
Hinawakan siya sa kamay ni Max at nang magkatinginan sila, ngumiti si Zaira saka tumango.
"Iiwan niyo ko?" tanong ni Finn habang nakahawak sa ulo dahil sa hilo.
"Sorry Finn, sunod ka na lang. Mas mabuti kung daan ka muna sa clinic," sagot ni Zaira.
"What? Wait!"
Hindi niya na nagawang pigilan ang dalawa dahil sa bilis nilang nawala. Hindi man ito kasing bilis ni Asher, mas higit na mabilis pa rin ito sa tao.
"Wala na sila," bulong niya sabay hawak muli sa ulo at upo.
"Ken, sigurado ka bang ito yung room natin?" tanong ni Zaira nang makita ang classroom na parang library; puno ito ng mga bookshelf may mga mesa para sa nagbabasa.
"Oo?" patanong na sagot ni Ken.
Nakatulala lang ang dalawa sa may pintuan nang maabutan sila nila Rhys.
"Bakit hindi pa kayo pumasok?" tanong nito.
Napalundag sa gulat si Zaira saka ito lumingon sa binata.
"Rhys!" nakangiting sabi niya.
Napangiti si Rhys sa ikinilos nito. Nilingon niya si Max na tahimik lang siyang pinagmamasdan.
Bumababa ang tingin ni Rhys sa kamay ng dalawa at nang mapansin ito ni Zaira, mabilis niyang binitawan ang kamay ng matalik na kaibigan. Kahit na normal lang sa kanilang dalawa ang maghawak kamay, iba pa rin ang tingin ng mga nakakakita.
"...."
"Ehem. Pasok na kayo, ganito talaga ang room ng elites," sabi ni Rhys saka pumasok.
Sumunod sa kanya sila Zaira.
"Bakit?"
"Ako na magpapaliwanag," sambit ni Levi sabay sara ng librong binabasa.
Nakaupo siya malapit sa may pinto kaya rinig niya ang usapan ng dalawa.
"Lahat ng nasa elites simula first year hanggang fourth year ay magkakasama sa isang room. Iba ito sa pangkaraniwang klase na alam mo. Wala tayong guro tulad sa iba. Ang kailangan lang natin gawin ay magbasa ng libro at mag-exam. Oras na bumagsak tayo sa pagsusulit sa isang subject, isasama ka sa lesson ng higher class hanggang sa pumasa ka sa nasabing subject. Ganun din sa training natin."
"Okay, salamat."
Nakita ni Zaira sila Gin isang table na nasa gilid. Ningitian niya ito saka kinawayan nang mapatingin sila.
"Ken, doon tayo. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," masiglang sabi ni Zaira sabay hawak muli sa kamay ni Max upang hilain.
Napangiti si Max habang nakatingin sa kamay ng dalaga na nakahawak sa kanya. Matagal na niya kilala si Zaira kaya madali na lang sa kanya basahin ang bawat kilos nito. Alam niyang gusto nito iwasan na hawakan siya sa harap ng iba pero hindi pa rin nito maiwasang gawin ang nakasanayan na.
"Akala ko hindi mo na kami papansinin. Namiss kita Zai," sabi ni Kim sabay yakap sa dalaga.
"Bakit ko naman gagawin yun? Magkaibigan tayo. Namiss ko rin kayo," tugon ni Zaira.
"Sino siya?" tanong ni Dwayne habang nakatingin ng masama kay Max.
Hinila ni Zaira si Max saka kumapit sa braso nito upang ipakilala sa harap ng mga kaibigan niya.
"Siya si Max, yung kinukwento ko sa inyo na bestfriend ko."
"Hi, I'm Kim, nice to meet you."
Nakipagkamay si Kim kay Max.
"Nice to meet you too."
Nang ngumiti si Max, natulala ang lahat sa ganda nito. Mukha itong anghel na bumaba sa langit, doon lamang niya napansin ang itsura nito. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang magandang mukha ng lalaki na tila bang mas mukha itong babae dahil sa sobrang kinis ng mukha nito.
"Beautiful," wala sa sariling sabi ni Kim.
Napatakip ng bibig si Zaira habang pinipigilan ang sarili na tumawa. Nag-init naman ang ulo ni Max sa narinig. Ayaw na ayaw niyang sinasabihan siya na maganda dahil pakiram niya nababawasan ang pagkalalake niya.
Bago pa makapagsalita si Max hinawakan siya balikat ni Adrian sa bumulong habang nakatayo sa tabi nito.
"Payo ko lang sayo. Mag-iingat ka kay Kim, mangkukulam yan," aniya habang nakatingin kay Kim.
"Hoy! Anong mangkukulam? Bwisit ka talagang bampira ka. Humanda ka sa akin, gagawin kitang palaka," inis na sabi ni Kim sabay sugod kay Adrian.
Agad na tumakbo palayo si Adrian habang tumatawa. Namula sa sobrang inis si Kim.
Napailing na lang si Zaira nang makita ang paghahabulan ng dalawa.
"Pasensya ka na sa kanila, ganun talaga sila magmahalan. Ako nga pala si Gin," sabi ni Gin.
"Hindi kami nagmamahalan!" sigaw nila Kim.
Samantala,
"Babe!" nakangiting sabi ni Kaycie nang makita si Blaize.
Nagmadali siyang lapitan ito ngunit naunahan siya ni Alyza.
"Hey! Upuan ko yan," inis na sabi niya kay Alyza.
"May pangalan mo?" tanong ni Alyza.
Napakagat sa labi si Kaycie sa sobrang inis dahil hindi niya magagawa ang binabalak niya.
"Miss dito ka na," sabi ni Max nang makitang may bakante pa sa table nila.
Nagliwanag ang mukha ni Kaycie nang makita ang magandang mukha ni Max. Maamo ang mukha nito kumpara kay Blaize na palaging seryoso.
"Salamat... ah! Ako nga pala si Kaycie, ano pangalan mo?"
Umupo si Kaycie sa bakanteng upuan sa harap ni Max saka nilahad ang kamay.
"Max."
Napatingin si Max sa kamay ni Kaycie habang pinag-iisipan kung makikipagkamay ba siya. Nang makapagdesisyon na siya na makipagkamay, biglang dumating si Zaira at dali-daling hinawakan ang kamay ng binata.
"Don't touch her," sambit ni Zaira nang tignan siya ni Max.
"Kung makikipaglandian ka wag mo na subukang mapalapit kay Ken. Hindi ka rin naman niya magugustuhan Kahi ano gawin mo. Ayaw niya sa mga ahas na katulad mo," sabi ni Zaira sabay tingin ng masama kay Kaycie. Kung nahuli lang siya ng kunti baka kung ano ginawa nito kay Max.
"Anong sabi mo?" inis na sabi ni Kaycie sabay tayo upang sugurin si Zaira.
Sa galit niya, hindi niya napansin ang paglamig ng kwarto habang namutla naman si Zaira dahil alam niya kung saan nagmumula ang lamig. Hindi nagtagal isang ice wall ang pumagitan sa kanilang dalawa ni Kaycie.
Napabuntong hininga si Zaira saka nilingon si Finn. Nakatingin ito ng masama kay Kaycie habang naglalabas ng malamig na hangin sa katawan.
"Tama na yan Finn, ayos lang ako. Ken doon na lang tayo kila kuya," aniya sabay hila sa dalawa.
Nakahinga ng maluwag lahat nang mawala na lamig.
"Bakit mo ginawa yun? Nagpapakilala lang naman siya," tanong ni Max kay Zaira.
Napasimangot si Zaira dahil wala itong kamalay-malay sa nangyayari. Kahit sino sa kanila na kilala si Kaycie, alam na hindi lang pagkakaibigan ang balak nito.
"Siya yung kinukwento ko sayo noon," sagot ni Zaira.
"Sorry, hindi ko alam."
"Ayos lang. Basta wag kang lalapit sa kanya ha?!"
Tumango si Max kaya ngumiti na si Zaira at itinuon ang pansin kay Finn.
"Salamat kanina. Kamusta na pakiramdam?"
"Not good," sagot ni Finn.
Nakosenya bigla si Zaira dahil iniwanan nila ito kanina kaya niyakap niya ito.
"Kung gusto mo matulog, matulog ka muna," bulong niya.
"Anong balak mo?" tanong ni Alyza kay Blaize habang pinagmamasdan sila Zaira.
Kahit sino makakakita sa tatlo mapapansin na hindi basta magkakaibigan ang meron sila.
Nakaramdam ng masamang aura si Alyza sa tabi niya. Kunot-noong nakatingin si Blaize sa tatlo.
"Blaize?" sambit ni Alyza. Nag-aalala siya na baka bigla ito sumugod dahil sa sobrang selos.
"Itutuloy ko kung ano ang naumpisahan ko," sagot ni Blaize, kumalma na ito at nag-umpisang mag-isip ng plano kung paano niya mababawi si Zaira kay Max.
"Pinapasabi nga pala ni Mama na kung pwedeng pumunta kayo mamaya sa bahay para sa hapunan. Gusto daw nila kayo makikilala. Okay lang ba sa inyo?" tanong ni Zaira.
"Okay, walang problema," sagot ni Gin.
Gusto niya din makilala ang tunay niyang magulang.
"Salamat."
Tinignan ni Zaira ang grupo nila Alyza.
"Kayo?" tanong niya
"Siyempre pupunta rin kami diba Blaize?" sagot ni Adrian.
Tumango si Blaize bilang tugon kaya lalong lumawak ang ngiti ni Zaira.
"Okay, asahan ko kayo lahat."
Hindi nawala ang ngiti ni Zaira buong maghapon dahil sa sobrang saya niya. Alam ng lahat na good mood ito at para hindi ito masira todo bantay sila kay Kaycie. Ilang beses ito nagtangkang lumapit kila Zaira pero palagi ito hinaharangan nila Alyza.
"Wow! Noon isang bahay lang ang nandito, ngayon marami na. Pakiramdam ko nasa Terrain ako," sabi ni Tyler.
Natawa si Zaira sa sinabi nito dahil ganun din ang reaksyon niya noong makita niya ang bagong tirahan nila. Para na rin siyang nasa mortal world dahil hindi nagbago ang kapitbahay nila kahit na nasa Outlandish na sila.
"Lolo Gus!" sigaw ni Zaira sabay kaway.
Lumapit ito sa kanila
"Kamusta ang klase? Mga kaibigan mo ba sila?" tanong nito.
"Opo, gusto raw po sila makilala nila mama."
"Kayo apat ung pumunta sa mortal world noon," sabi ni Lolo Gus nang makita sila Kim.
Nagulat sila Crystal nang makita ang matanda. Noong niyaya nila ito sa Black Academy hindi ito sumama at mas piniling manirahan sa mortal world. Ngayon nasa harapan na nila ito at nakatira sa iisang gubat kung nasaan ang bahay nila Zaira.
"Opo," sagot ni Kim.
"Pumunta kayo dati sa mortal world?" tanong ni Zaira.
"Oo, ang totoo niyan sa mortal world namin unang nakita si Zarah," sagot ni Crystal habang inaalala si Zarah habang nakikipaglaban.
"Ibig sabihin matagal niyo na alam na..."
Tumango agad sila Crystal bago pa matapos ni Zaira ang sasabihin nito.
"I see. Lolo Gus, pasok na po kami sa bahay baka naghihintay na sila mama," paalam ni Zaira.
"Bakit parang mas lumaki yata bahay niyo?" tanong ni Kim.
"Lumalaki na ang pamilya namin kaya doble na ang laki ng bahay namin kumpara sa nasira naming bahay noon."
"Ma, nandito na po kami," sigaw ni Asher nang makapasok ito.
"Tuloy kayo," sabi ni Zaira bago pumasok.
Pagkapasok nila umakyat agad si Max sa hagdan at ganun din si Finn.
"Dito rin ba sila nakatira?" tanong ni Tyler nang mapansin ang kilos ng dalawa na para bang sanay na ito sa bahay nila Zaira.
"Yup, maupo na muna kayo, magbibihis lang ako."
Nang masigurado ni Zaira na nakaupo na ang lahat, nagtungo na rin siya sa kwarto niya.
"Good Evening po," bati nila Gin kay Mrs. Fiester nang lumabas ito mula sa kusina.
"Good Evening! Salamat pumayag kayo na maghapunan dito," sagot nito.
"Salamat din po sa pag-imbita," tugon ni Tyler.
"Walang anuman. Matagal ko na hinihintay na dumating ang araw na ito, lagi kayong kinikwento ni Zaira sa amin. Malapit na maluto ang hapunan, kung may kailangan kayo puntahan niyo lang ako sa kusina. Feel at home, wag kayo mahiya."
"Salamat po."
Nag-umpisang maglibot sila Kim sa sala habang naghihintay.
"Gin, tignan mo ito," sabi ni Crystal nang mapansin ang isang picture frame na nakasabit sa pader.
"Picture ba yan nila Zai noong bata sila? Sino yung tatlong baby?" tanong ni Thea habang nakatingin sa larawan.
Nakaupo ang mga magulang nila Zaira habang may hawak na dalawang baby. Nakatayo sila Asher sa tabi ng upuan nila habang nakangiti, bata pa sila sa larawan at sanggol pa lang sila Zaira. Kinuha ito noon bago nagtungo sa mortal world sila Asher.
"Mga kapatid namin yan," tugon ni Asher na ikinagulat nila dahil hindi nila napansin ang pagdating nito.
Nagulat sila Tyler sa sagot nit dahil isa lang naman si Zaira na kilala nila. Natahimik naman sila Alyza dahil alam nila na sila ang tinutukoy nito.
Ngumiti si Asher saka sinabi kung sino ang nasa larawan.
"Nag-iisang larawan ito na kompleto kami. Ito ako, ito si Kuya Hades..."
Tinuro ni Asher ang dalawang batang nakatayo. Sunod niya tinuro ang sanggol na buhat ng papa nila.
"Ito naman si Athena at si Apollo."
Napatungin si Gin sa larawan niya noon baby pa siya. Masaya ito na makita kung gaano kasaya ang magulang nila habang buhat-buhat sila.
"Ito naman sina Aphrodite at Eris."
Natahimik sila Kim at Napatingin kila Crystal at Alyza. Kahit direstong sinabi ni Asher na kapatid niya sila Gin, alam nila na sila ang tinutukoy nito.
"Oh? Nandito pala kayo. Buti nakapunta kayo. Paris, nasaan ang kuya mo?" tanong ni Mr. Feister habang tinatanggal ang coat.
"Good Evening po," bati nila Tyler.
"Good Evening."
"Nasa school pa po si kuya," sagot ni Asher.
"Kapag dumating papuntahin mo sa opisina,"
"Yes pa."
"Greg, mauna ka na sa opisina. Pupuntahan ko lang saglit ang asawa ko."
"Yes sir," tugon ni Greg saka umalis.
"Ano ginagawa niyo diyan?" tanong ni Zaira nang maabutan niyang nagkukumpulan sila Tyler.
Napatingin siya sa picture na tinitignan nila kanila.
"Tinigtignan niyo family picture namin? Ano masasabi mo Gin? Ako pinakacute sa atin apat," sambit ni Zaira.
Nabasag ang katahimikan.
"Magkapatid talaga kayo? Kayo talaga yung nasa picture?" tanong ni Kim kila Crystal.
Nahihiyang tumango si Ctystal habang ngumiti lang si Gin.
"Kambal kayo. Hmmm... Eris, tayo ka sa tabi ni Athena," sabi ni Tyler saka dinala sa tabi nila Zaira si Alyza.
"Wag kayong aalis sa pwesto niyo," aniya habang tinitignan sila Zaira na kasalukuyang magkakatabi. Seryoso ang mukha nito habang tinitignan sila.
Kitang-kita niya na magkakahawig nga ang apat. Walang duda na kambal nga sila. Nang tignan niya si Alyza nag-umpisa itong kabahan at tinignan ng masama si Tyler.
"Magkakahawig nga kayo kung titignan. May isa lang ako napansin; matangkad sila Zaira pero bakit ang liit mo?" tanong niya kay Alyza.
Namula sa inis si Alyza saka hinampas si Tyler ngunit naiwasan siya nito at tumawa.
"Dwayne, sino maliit?!" sigaw ni Alyza sabay habol dito.
Napailing na lang si Zaira saka lumapit kay Blaize.
"Ian," pabulong na tawag niya dito sabay hila sa damit nito.
Bumilis ang tibok ang puso ni Blaize. Iyon ang unang beses na tinatawag siya ni Zaira. Maghapon niya hinintay na pansin siya nito pero kay Max lang ang atensyon nito maghapon pagkatapos niya ipakilala ang binata.
"May gusto kumausap sayo, sumama ka sa akin," sabi ni Zaira.
"Sino?" tanong ni Blaize. Naalala niya bigla si Ivan; huli niya itong nakita kasama nila Zaira kaya sigurado siyang malapit lang ito sa pamilya nila.
"Basta sumama ka sa akin."
Umakyat sila patunggo sa third floor at tumigil sa tapat ng isang kwarto.
"Hininhintay ka niya sa loob. Maiwan na muna kita," sabi ni Zaira sabay bitaw kay Blaize.
Pinagmamasdan ni Blaize ang likod ni Zaira habang paalis ito hanggang sa hindi na niya mapigilang yakapin ito.
"Ian," mahinang sabi ni Zaira habang namumula.
"I miss you," bulong ni Blaize saka hinigpitan ang pagkakayakap.
"What are you doing?" sigaw ni Max nang maabutan niya ang dalawa.
"Ken," natatarantang sabi ni Zaira habang sinusubukang kumawala sa yaka ni Blaize pero lalo lang humigpit ang yakap ng binata.
"Can't you see?" aniya sabay ngisi kay Max.
Nagdilim ang mukha ni Max subalit agad din ito nawala at ngumisi.
"Ahh yeah! Doing things that we actually do.... often," sagot ni Max.
Nagtinginan sila ng masama na tila ba may kuryenteng dumadaloy sa mata nila.
"Tumigil nga kayo. Ian, pumasok ka na sa loob."
Awat ni Zaira sa dalawa habang nakatayo sa pagitan nila. Muli niya hinila pabalik sa tapat ng pinto si Blaize bago umalis.
"Ken, tara na sa baba," aniya sabay kapit sa braso nito upang isama paalis.
Napakunot ang noo ni Blaize.
'Bakit kailangan pa niya kumapit sa braso?' sa isip niya habang hinintay na mawala ang dalawa sa paningin niya.
Kumatok na muna siya sa may pinto bago ito binuksan at dahan-dahang sumilip.
"Kuya..." sambit niya nang makita ang likod ng isang lalaki.
Humarap ito sa kanya.
"Buhay ka talaga? Paano?" tanong niya.
Kahit na inaasahan na niya ito hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Pakiramdam niya isang ilusyon lamang ito.
"Tatayo ka na lang ba diyan? Hindi mo man lang ba ako yayakapin?" tugon nito habang nakangiti sabay taas ng kamay.
"Hindi na ako bata."
Napasimangot si Ivan dahil tugon nito. Noong bata ito palagi siyang sumasalubong ng yakap nito tuwing uuwi siya pero ngayon nakatayo lang ito habang serysong nakatingin sa kanya. Wala na ang ngiti nito.
"Naging binata ka lang naging malamig ka na sa akin. Nasaan na ang sweet kong kapatid?"
Inakbayan na lamang niya ang kapatid saka ginulo ang buhok katulad ng ginagawa nito noon tuwing sasalubungin siya nito.
Napayuko si Blaize habang nakangiti dahil sigurado na siya na totoong kasama na niya ang kapatid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top