CHAPTER 27
Tatlong katok ang kumuha ng atensyon ng dalawa. Sa sobrang taranta ni Zaira naitulak niya si Blaize.
"Blaize! Zai! Nandyan ba kayo?" sigaw ni Crystal habang kumakatok.
"Tsk. Istorbo," bulong ni Blaize sabay lapit ulit kay Zaira.
Napaatras si bigla si Zaira.
"Ano gagawin mo?" tanong niya.
'Hindi pa ba sapat ang naininom niyang dugo?' sa isip ni Zaira dahil para sa kanya marami na itong nainom.
"Lilinisin ko lang yung nagkalat na dugo," tugon ni Blaize sabay hawak sa balikat ni Zaira para hindi ito makaatras.
Diniliaan niya ang parteng kinagatan at nang mawala na ang bakas ng kagat niya tumayo na siya.
"Mauna ka na sa labas, magbibihis lang ako," aniya sabay ayos sa damit at buhok ni Zaira.
"Ako na diyan, salamat. Magbihis ka na," sabi ni Zaira.
Pagkatayo niya hinalikan siya ni Blaize bago kumuha ng damit sa cabinet.
Tinignan muna ni Zaira ang sarili sa salamin saka sinuklayan ang buhok.
Paglabas niya tinignan siya ni Crystal mula ulo hanggang paa bago nagtanong.
"Bakit ang tagal mo lumabas?"
"Nakatulog kami. Bakit nga pala?"
"Nandito sila mama."
"Huh? Nandito naman talaga sila Queen Olivia?"
"Hindi sila ina, sila mama."
Nanlaki ang mata ni Zaira nang maintindihan niya ang ibig nitong sabihin.
"Nandito sila mama? Bakit?"
Bumukas ang pinto at inuluwa nito si Blaize.
"Ian, nandito sila mama. Ano gagawin natin?" tanong ni Zaira dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin na sila ni Blaize.
Hindi maipinta ang mukha ni Blaize.
"Bakit ganyan reaksyon niyo? May ginawa ba kayo sa loob?" tanong ni Crystal.
Kanina pa niya napapansin ang kakaibang kilos ni Zaira. Hindi niya maiwasang pagdudahan ang dalawa.
"Wala," sabay na sagot ng dalawa.
'Sigurado akong meron,' sa isip ni Crystal habang nakatingin sa magkahawak na kamay ng dalawa.
May duda man si Crystal hindi niya naisip na kaya kinakabahan si Zaira dahil sa pagpapainom niya ng dugo kay Blaize. Hindi pangkaraniwang ang dugo niya para ibigay na lang ito basta. Natatakot siya na baka magalit sila kay Blaize at paghiwalayin sila.
Samantala hindi naman alam ni Blaize ang gagwin niya sa harap ng magulang ni Zaira ngayong may relasyon na sila.
"Okay? Naghihintay na sila mama sa sala," sabi ni Crystal saka naglakad papuntang sala.
Sumunod sa kanya sila Blaize. Medyo ayaw pang sumama ni Zaira pero nauna na maglakad si Blaize at hawak pa rin nito ang kamay niya.
Habang palapit sila pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Zaira. Nang mapansin ito ni Blaize, nawala bigla ang kaba niya. Kung titignan parang si Zaira ang ipapakilala sa magulang bilang kasintahan dahil sa mas kinakabahan ito.
'Kumalma ka lang. Mas makakahalata sila kung ganyan ka,' sabi sa kanya ni Blaize sa kanyang isipan.
Huminga ng malalim si Zaira bago pumasok sa sala.
"Ma! Pa!" sigaw niya sabay bitaw kay Blaize at takbo palapit sa magulang niya.
Niyakap niya ito isa-isa.
"Kamusta na anak?" tanong ni Mrs. Fiester.
"Ayos lang po," sagot ni Zaira habang nakangiti.
Nilingon niya si Blaize; nakatayo lang ito sa kung saan niya ito iniwanan. Malapit siya sa pintuan habang medyo malayo-layo ang inuupuan nila dahil sa lawak ng sala.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Zarah at Ken.
"Nagkahiwalay nga talaga kayo ni Zarah," sabi ni Mrs. Fiester habang nakatingin kay Zarah.
"Zarah anak! Halika dito! Hindi mo ba namiss si mama?" aniya nang hindi lumapit sa kanila si Zarah.
Nakatayo lang ito sa tabi ni Blaize habang nakasunod sa kanya si Max.
"Zarah, hindi mo ba yayakapin sila mama?" sabi ni Zaira.
Nagkibit-balikat lang si Zarah at naglakad papunta sa upuan na nasa harapan nila. Doon naupo siya at binigyan ng tingin si Zaira na 'wala siyang balak gawin ang ginagawa nito'.
"Ahem. Kamusta ang paghahanap niyo sa legendary weapon?" tanong ni Mr. Fiester.
"Ayos naman po. Sa ngayon sila kuya ang naghahanap sa iba," tugon ni Crystal.
Bumuntong hininga si Mrs. Fiester. Kung pwede lang na wag sila payagang umalis, ginawa niya pero alam niyang para sa ikakabuti rin nila ang ginagawa nila. Kung walang kakayahang magprotekta ang mga celestial guardian nila, delikado ang lagay nila Zaira. Saka alam niyang makakabuti rin na magkaroon ng karanasan ang mga anak nila sa labas ng paaralan para lumakas sila.
"Mag-iingat kayo. Alam kong marami pa kayong pagdadaanan," sabi niya.
Tinignan niya si Fritz bago muling nagsalita.
"Iiwan ko sa inyo si Fritz para kung sakaling kailanganin niyo ng tulong namin, ipadala niyo lang siya sa amin."
Ngumiti sa kanila ang fairy kumakaway.
***
"Kaycie! Kayden! Mga anak," sabi ni Reyna Olivia sabay yakap sa dalawa.
Hinawakan niya sa mukha si Kaycie at tinignan kung may sugat ba ito. Nang matapos siya sunod niyang tinignan si Kayden mula ulo hanggang paa.
"Mabuti ayos kayo," aniya habang nakangiti.
"Nandito na po ba sila Crystal?" tanong ni Kayden.
"Nandoon sila sa sala, kausap sila Rina," tugon nito sabay tingin kila Gin.
"Nandoon ang mama niyo."
Tumango sila Gin saka naunang magpunta sa sala.
"Gin! Hades! Paris! Tamang tama ang datong niyo," sabi ni Mrs. Fiester.
Masaya ito na makita ang lahat ng anak nila sa pagdalaw nila.
"Ma, bakit po kayo nandito?" tanong ni Liam.
"Nalaman namin kay Queen Olivia na nandito sila Athena. Nalaman din namin yung nangyari sa kanila ni Zarah."
"Ma, pa, sorry po. Hindi ko nagampanan ng maayos ang tungkulin ko. Hindi ko naprotektahan si Athena at Alyza," sabi ni Liam sabay yuko.
Tumayo si Geo para tapikin ang balikat ni Liam.
"Wag mo sisihin ang sarili mo. Minsan talaga may mga pangyayari na hindi natin naasahan. Ang mahalaga ligtas si Athena at ipagdasal natin na ayos lang si Alyza."
"Kamusta ang paglalakbay niyo kuya?" tanong ni Zaira.
"Naayon ang lahat sa plano. Apat na lang ang hahanapin natin," tugon nito.
"Good. Mag-iingat kayo palagi at wag niyo pababayaan ang kalusugan niyo," sabi ni Mr. Fiester.
"Opo."
"Saan tayo sunod pupunta?" tanong ni Crystal.
"Hahanapin na muna natin ang tonfa blade dito. Saka tayo pupunta sa Vendon, Mortal World at Demesne," paliwanag ni Liam.
"Pupunta po kayong Vendon? Pwede po ba akong sumama?" tanong ni Heidi na kasama ring dumalaw nila Mr. Fiester.
"Naisip ko po kasi na mag-iwan ng mensahe doon para malaman nila kung nasaan ako," aniya.
Naisip niya na baka makitang yun ni Zeki sa hinaharap at madali siya nitong masundo.
"Walang problema kung sasama ka. Ligtas naman ang lugar na yun para sa mga kagaya mo. Basta pagkagaling natin doon balik ka agad sa Occult," sagot ni Liam.
****
Pagkatapos nila mag-usap nagpaalam na ang magulang nila at naiwan si Heidi sa Phyrros.
"Saan natin hahanapin ang tonfa blade?" tanong ni Zaira.
"Dito," sagot ni Liam.
"Dito mismo?"
Napatingin si Zaira sa paligid kung may sandata ba.
"Kayden, pinapatawag ka ni ama," sabi ni Kaycie.
"Okay. Maiwan ko muna kayo," sabi ni Kayden bago puntahan si Haring Francis.
"Athena," tawag ni Asher sa nakakabatang kapatid nila.
Pagtingin ni Zaira nag-aalalang tinignan niya ito bago magtanong.
"Ayos ka lang ba?"
"Oo naman kuya. Bakit mo natanong?"
Sumeryoso si Asher nang makitang pinawisan ito at napatuwid ng upo.
Sinulyapan niya saglit si Blaize bago magsalita.
"May napansin ako simula nang dumating kami. At alam kong hindi lang ako ang nakapansin nun..."
Nagpalakad-lakad siya sa harap ng dalawa hanggang sa tumigil siya sa tapat ni Blaize.
"Ano ginawa niyo ni Blaize bago kami dumating?" tanong niya kay Zaira.
Napalundag ang puso ni Zaira sa sobrang kaba. Napakagat siya ng labi bago sumagot.
"Inalay ko sa kanya ang dugo ko," pabulong na sabi niya habang nakayuko.
"Anong sabi mo?" tanong ni Liam.
Pakiramdam niya nagkamali siya ng dinig dahil sa mahina lang ang boses nito. Kabaliktaran naman siya ni Asher na naniwala agad sa narinig. Kumpara sa kanya mas malakas ang pandinig nito pero mas malakas pa rin ang kay Adrian dahil sa ability nito.
"Pinilit ka ba niya?" tanong ni Asher.
Napaangat ng ulo si Zaira at nakita niyang nakatingin ito ng masama kay Blaize.
"Hindi kuya! Ako pumilit sa kanya."
Paliwanag ni Zaira at nang hindi ito umimik sinabi niya ang nangyari.
"Pinigilan niya ang sarili niya. Pinagtulakan pa nga niya ako pero ako itong ayaw magpapigil. Nasa ilalim siya ng bloodlust at hindi ko kayang makita siyang nahihirapan."
Pagkarinig ni Ivan sa kwento nito napatingin siya sa kapatid niya.
"Nakaranas ka rin ng bloodlust?" tanong niya.
Tumango si Blaize.
"Hindi lang pala ako. Crystal, sino naghanda ng pagkain kagabi?" tanong ni Ivan.
"Yung mga tagaluto nila Ina. Bakit?" tugon ni Crystal.
"Iniisip mo ba na may nilagay sa pagkain natin kagabi para makaranas kayo ng bloodlust?" tanong ni Pierce.
"Ganun na nga. Nakakapagtaka na dalawa kaming nakaranas ni Blaize at sabay pa kami."
"Impossible yan. Bakit naman nila gagawin yun?"
Hindi makapaniwalang sabi ni Crystal. Wala silang dahilan para gawin yun kila Blaize.
"Hindi ko alam pero mas mabuti nang makasigurado tayo."
"Meron man nasa likod ng bloodlust niyo, hindi pa rin tamang ininumin niya ang dugo ni Athena," sabi ni Asher habang nakakuyom ang kamao.
Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na suntukin ang binata.
"Kuya, wala siyang kasalanan. Ginusto ko yun," sabi ni Zaira saka pumagitna sa kanila.
Sinalubong niya ang masamang tingin ni Asher. Hindi siya makakapayag na saktan nito si Blaize dahil sa desisyon niya. Siya ang nagpumilit kaya dapat lang na panagutan niya ito.
"Paris, hayaan mo na. Nagawa na nila. Wala na tayong mmagagawa. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko sana kayo iniwan," sabi ni Liam sabay hila kay Asher palayo sa dalawa.
"Sandali lang kuya. May itatanong pa ako."
Tumingin si Asher kila Blaize.
"Kayo na ba?" tanong niya.
Nag-init ang mukha ni Zaira saka tumango.
"OMG! Totoo? Kayo na?!" sabi ni Kim habang nagniningning ang mata.
Muling tumango si Zaira.
"Nice! Congrats! Nawala lang kami naging kayo na," nakangiting sabi ni Adrian sabay akbay kay Blaize.
"Nakakainggit!" bulong ni Zarah sabay tingin kay Max.
"Sana kami rin ni Max."
"Wag ka na umasa girl, para sa akin siya."
Pang-aasar sa kanya ni Kaycie sabay kapit sa braso ni Max.
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka binigyan ng matalim na tingin si Kaycie. Lumapit siya sa dalawa.
"Ako ang nakatadhana sa kanya kaya tumigil mo na si Max," sabi ni Zarah saka sapilitang tinanggal ang kamay ni Kaycie.
Nang matanggal niya ito, niyakap niya sa bewang si Ken.
"Akin lang siya," aniya.
Magsasalita na sana si Kaycie nang pumasok bigla si Kayden.
"Guys! Nakuha ko na ang tonfa blade."
Masayang balita niya habang abot tenga ang ngiti. Pinakita niya ang hawak na tonfa blade.
"Binigay sa akin ni ama," aniya.
Sa inis ni Kaycie dahil wrong timing ang pagpasok nito, piningot niya sa tenga si Kayden.
"Aww! Ano nanaman nagawa ko sayo?" tanong ni Kayden sabay hawak sa tenga.
"Ahem. Magandang balita yan. Bukas na bukas pupunta na tayong Vendon," sabi ni Liam saka niya sinabihan ang iba na magpahinga na.
"Sandali! Help! Wag niyo ko iwan," sigaw ni Kayden nang magsialisan sila at naiwan siyang mag-isa sa kamay ng kakambal niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top