CHAPTER 26

Nagtungo sila Hades sa Tefia. Ito ang Earth kingdom na makikita sa Bizzare.

Doon nagmula ang huling guardian na pinili ni Capricorn.

"Kanina ba tayo naglilibot dito, sigurado ba si Zeque na dito natin matatagpuan ang warhammer?" tanong ni Tyler.

"Siguro? Lahat ng sinabi niyang lugar na pwedeng pagtaguan ng mga legendary weapon tumama," tugon ni Liam.

"Wala ka bang nararamdaman?" tanong ni Tyler kay Yaser.

Umiling ito bilang tugon.

"Mga iho, iha, gusto niyo ba magpahula?" tanong ng matandang babae.

Nakaupo ito sa gilid, sa harapan nito may mesaat at bolang crystal.

"Matutulungan ko kayo sa hinahanap niyo," aniya habang nakatingin kay Tyler.

"Hindi nga po lola? Matutulungan mo kami?" tanong ni Tyler.

Medyo duda siya manghuhula dahil bihira lang ang may kakayahan makabasa ng hinaharap.

Naglahad ng kamay ang matanda.

"Isang daang piso para sa isang hula."

Nagbigay ng isang daang piso si Tyler. Walang masama kung susubukan niya ito.

Ngumiti ang matanda saka binulsa ang pera.

"Hawakan mo ang bolang crystal," sabi ng matandang babae kay Tyler.

Nang hawakan ito ni Tyler,  tumingin ang matanda kay Yaser.

"Ikaw din."

Lumapit si Yaser sa tabi ni Tyler; ipinatong nito ang kamay sa bolang crystal.

"Bolang crystal ipakita mo sa akin kung saan makikita ang hinahanap nila," sabi ng matanda habang nakapikit ang ang kamay nakataas sa ibabaw ng bolang crystal.

Nagng magliwanat ang crystal saktong dumilat ang matanda.

"Maari niyo na alisin ang kamay niyo," aniya.

"May nakita po ba kayo?" tanong ni Tyler.

"Bulkan," tugon ng matanda.

"Nasa loob ng isang bulkan ang hinahanap niyo."

Paliwanag nito habang nakatingin sa bolang crystal.

"Bulkan? Paano naman napunta doon ang warmhammer?" tanong ni Gin.

Muling naglahad ng kamay ang matanda.

"Isang daan para sa kasagutan sa tanong mo. Lahat ng tungkol sa warmhammer malalaman niyo."

Napataas ng isang kilay si Kaycie.

"Pineperahan mo lang yata kami," aniya.

Bumuntong hininga si Liam.

"Tara na,"  sabi niya.

Nag-umpisa na siyang maglakad.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Kim.

Nilingon siya ni Liam.

"Isa lang naman ang bulkan dito, bakit hindi natin subukan tignan? Wala naman mawawala kung maniniwala tayo sa kanya."

Ngumiti ang matandang babae.

"Mag-iingat kayo, mahigit isang daang taon na ang nakalipas noong huling sumabog ang Mt. Gaia."

Paalala ng matanda kila Tyler bago umalis.

Ang Mt. Gaia ay matatagpuan sa pagitan ng Tefia at Pyrrhos. Walang taong nakatira malapit dito dahil na rin sa init ng lupa. Kahit ang ordinaryong puno't halaman hindi kayang mabuhay dito dahil sa taas ng temperatura.

"Papasok ba tayo sa loob?" tanong ni Tyler sabay puwas ng pawis.

"Dito na lang ako. Ayokong masunog," sabi ni Kim.

Kung sa kinatatayuan pa lang nila mainit na, paano pa kaya sa loob ng bulkan? Mas gusto na niya maiwan sa labas.

Tumingin sila kay Liam.

"Ako, Si Tyler at Yasser lang ang papasok. Sila Aki at Hestia naman ang maghahatid sa amin sa loob," aniya.

"Goodluck dude," sabi ni Gin kay Tyler sabay tapik sa balikat nito.

Napalunok si Tyler.

"Kaya ko ito, para kay Athena," aniya para lumakas ang loob niya.

"Para kay Athena? Wag mong sabihin na may gusto ka din sa kapatid ko?" tanong ni Asher.

Nanlaki ang mata ni Tyler.

"Hindi, mali ka ang iniisip mo."

Ningisian siya ni Asher.

"Hindi nga? Hindi lang naman si Athena ang poprotektahan niyo. Pwede naman si Alyza pero bakit si Athena lang?"

Alam yun ni Tyler pero may dahilan kung bakit si Athena ang sinabi niya.

"Ehem. Gusto ko siya pero alam ko naman na kay Blaize na siya. Wala akong balak ipagpatuloy itong nararamdaman."

"Hindi ko maintindihan. Ano bang meron kay Zaira? Bakit ang dami niyong nakakagusto sa kanya?" tanong ni Kaycie.

Hindi niya maintindihan kung ano ba nakikita ng lalaki dito. Tila ba may magnet ito na kusang umaakit ng lalaki.

"Bukod sa maganda siya mabait din siya... saka madali siyang pakisamahan," tugon ni Tyler.

"Hindi siya maldita kagaya mo. Malambing din siya," sabi naman ni Rhys.

Napatingin ang lahat sa kanya nang magsalita ito.

"Bakit?" tanong niya.

"May gusto ko rin kay Zai?" tanong ni Adrian.

Tumango si Rhys dahil wala naman siyang balak itago yun.

"Oo dati. Nung nalaman ko na gusto siya ni Blaize, tumigil na ako. Ayoko makipag-agawan sa kaibigan ko. Minsan lang magmahal si Blaize saka alam ko naman na sa kanya sasaya si Zaira."

"Tama yan. May makikita rin kayo na para sa inyo. Wag na kayo dumagdag sa love triangle," sabi ni Gin.

"Papasok na tayo sa loob," sabi ni Liam kila Tyler.

Sumakay na si Liam kay Aki habang si Tyler at Yasser naman kay Hestia.

"Mag-iingat kayo," sabi ni Naomi.

Tumanggo si Liam bago sila lumipad patunggo sa bulkan. Pumasok sila sa loob ng mismong butas sa tuktok ng bulkan.

Gumawa ng barrier si Liam upang maprotektahan sila sa tumatalsik na lava.

"Nakikita ko na ang warhammer," sabi ni Yaser.

Lalo sila bumaba kung saan may mga batik-batik na lupa na napapaligiran ng magma.  Sa gitna noon nakalagay ang warhammer. Dahan-dahan bumaba sila Hestia patunggo sa kinaroonan ng warhammer at doon tumalon si Tyler.

"Hindi maganda ang kutob ko dito," bulong niya sabay hawak sa warmhammer.

Pagkaangat niya dito yumanig ang lupa kasabay ng pagkulo ng magma at pagtaas nito na para bang fountain.

Nagsitaasan ang balahibo ni Tyler at lalong napalundag ang puso niya nang magkaroon ng biyak ang tinatayuan niya

"Tyler, bilisan mo!" sigaw ni Liam.

Napatakbo si Tyler sa mga batik-batik na lupa nang sunod-sunod ang pagtaas ng lava. Hindi naman magawan makalapit sa kanya ni Hestia dahil sa mga lava na biglang tumaas.

"Ahhhh! Ayoko pa mamatay," sigaw ni Tyler habang tumatakbo palapit kila Hestia.

"Abutin mo ang kamay ko," sigaw ni Yasser.

Tumalon si Tyler saka hinawakan ang kamay ni Yaser.

Lumipad na paitaas sila Hestia habang tinutulungan ni Yasser na makaakyat si Tyler.

"F*ck!" sigaw ni Tyler nang mapabitaw siya.

Nanlaki ang mata niya habang pabagsak siya. Pilitin man niya abutin si Yasser, hindi niya magawa dahil sa mabilis na pabagsak niya.

"Tyler!" sigaw ni Liam sabay salo sa binata.

"Salamat," nakahinga ng maluwag si Tyler pero nanlaki ang mata nito nang makita ang mga lava na patungo sa kanila.

"Waaah! Bilisan mo Aki. Ayoko matusta," aniya.

Gumawa ng portal si Liam upang makaalis sila agad.

"Umalis na tayo dito bago pumutok ang bulkan," aniya pagkalabas nila sa portal.

Bago pa sila makabalik may ideya na sila Naomi sa nangyayari sa bulkan kaya sumakay na siya agad kay Hestia.

Naging unicorn naman si Yasser saka pinasakay sila Kim. Ganun din ang  ginawa ng ibang mythical animal.

Tumakbo ng matulin patungong Pyrrhos ang mga nasa lupa. Isang mahabang tulay ang kailangan nilang puntahan bago nila masiguradong ligtas sila.

Tanaw nila ang pagsabog ng Mt. Gaia mula sa kinaroonan nila.

Binilisan nila Yasser ang pagtakbo bago sila maubutan ng nagbabagsakan na lava.

"Malapit na tayo! Makaapak lang tayo sa tulay, ligtas na tayo," sabi ni Kayden dahil sigurado siyang hindi abot ang lava doon.

Pagkatuntong nila sa tulay nagsibabaan na sila.

"Salamat ligtas na tayo," sabi ni Kim habang nakatingin sa lava na isang kilometro ang lapit sa tulay.

Mula sa kalangitan bumaba na sila Liam.

"Hindi ba ito masisira?" tanong ni Hazel.

Napalunok siya nang makita ang ilalim ng tulay na halos hindi na makita ang dulo sa sobrang lalim. Oras na mahulog sila walang makakaalam kung ano mangyayari sa kanila.

"Hindi naman siguro?" tugon ni Kim sabay tingin kay Thea.

"Hindi ito normal na tulay. Gawa ito ng mga ficus expanse tree. Kung masisira man yan, agad iyan maayos," sabi ni Kaycee.

Ang mga ficus expanse tree ay kadalasan makikita sa Bizarre. Mga buhay na puno ito na gumamagawa ng mga tulay sa pamamagitan ng mga ugat at sanga nila.

"Tama!" sigaw ng isang puno sa tabi nila na isang ficus expanse.

"Wag kayo mag-alala ligtas kayo sa amin," sabi naman ng katabi nitong puno.

"Ayos ah! Nakakapagsalita pala kayo?" sabi ni Tyler.

"Nasa Bizarre tayo kaya marami talagang mga puno't halaman na nagsasalita. Kumpara sa Occult na tanging ang treant lang sa Dark forest ang makikita mong nagsasalitang," paliwanag ni Kaycie.

"Bilisan na natin. Sigurado naghihintay na sila Crystal sa palasyo," sabi ni Kayden saka binilisan ang lakad.

*****

Sa palasyo ng Phyrros,

"Nasaan si Blaize?" tanong ni Zaira kay Crystal nang hindi niya ito makita.

"Hindi pa yata siya lumalabas sa kwarto niya simula kanina," tugon ni Crystal.

"Sige pupuntahan ko na lang. Salamat."

Pagdating niya sa tapat ng kwarto ni Blaize, kumatok siya.

"Babymine? Ian? Nandyan ka ba?"

Nang walang sumagot, sinubuka niya itong pihitin. Bumukas naman ang pinto kaya pumasok na siya.

Nakita niyang nakahiga si Blaize habang ang kanang braso nito nakapatong sa mata.

"Babymine?" tawag niya habang lumalapit.

Hindi ito kumibo kaya sinundot niya ito sa pisngi. Nang wala pa rin itong reaksyon, ilong naman nito ang dinikitan niya gamit ang daliri. Dahan-dajan niya itong ginalaw pababa sa matangos nitong ilong patungo sa labi.

Pagdikit nito sa labi biglang gumalaw si Blaize at mabilis siyang hinawakan nito.

Sa isang iglap nakahiga na siya sa kama at nasa ibabaw niya si Blaize. Hawak-hawak nito ang dalawang kamay niya habang nakataas sa uluhan niya.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Blaize habang kinakapos sa pahinga.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Zaira.

Binitawan na siya ni Blaize saka sinabing,

"Umalis ka na habang kaya ko pa pigilan ang sarili ko."

Tumalikod na siya at naglakad palayo kay Zaira.

"Galit ka pa rin ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?" tanong ni Zaira habang malungkot na nakatingin sa likod ni Blaize.

"Hindi ako galit."

"Bakit ayaw mo ko tignan?"

Napasabunot sa sariling buhok si Blaize.

"Umalis ka na!"

Medyo pasigaw na sabi nito pero hindi pa rin kumilos si Zaira. Alam niyang may problema ang kasintahan pero ayaw nitong sabihin.

"Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung ano problema."

"Sh*t!"

Tinignan siya ng masama ni Blaize bago pumasok sa banyo. Binuksan nito ang shower.

Naguguluhang nakatingin si Zaira sa may pinto ng banyo saka siya bumalik sa pagkakahiga.

'Ano ba problema niya? Pwede naman niya sabihin sa akin. Bakit kailangan pa niya ako paalisin? Pakiramdam ko tuloy wala akong silbi. Siya ang dami na niyang nagawa para sa akin pero ako wala pa. Kahit papaano gusto ko naman makatulong sa kanya.'

Reklamo ni Zaira sa kanyang isipan habang hinihintay na lumabas si Blaize.
Lumipas ang isang oras hindi pa rin ito lumabas hanggang sa makatulog si Zaira.

Nagising na lang siya nang hawalan siya sa mukha ni Blaize. Pagkadilat niya sumalubong sa kanya ang pulang mata ni Blaize na katulad sa ruby.

Hindi pa masyado gising si Zaira noong oras na yun kaya sa takot niya sinubukan niyang itulak si Blaize.

Hinawakan ng binata ang kamay niya saka muling itinaas. Binaba niya ang mukha niya patungo sa mukha ni Zaira hanggang sa magdikit ang labi nila.

Hinalikan niya ang dalaga mula labi, sa baba hanggang sa mapapad siya sa leeg.

Napakunot ang noo ni Zaira nang maging agresibo ang paghalik nito. Nawala bigla ang antok niya nang sipsipin nito ang balat niya. Sinubukan niyang igalaw ang kamay niya subalit mahigpit siyang hinawakan ni Blaize.

"Ian?"

Bumilis bigla ang tibok niya nang hindi pa rin ito tumigil sa paghalik sa leeg at sapalitan nitong binuksan ang butones ng damit niya gamit isa nitong kamay upang mailihis ang kwelyo ng blouse niya.

"Ian!" sigaw ni Zaira nang maramdaman   niya ang paghalik nito sa colar bone niya.

Tumigil sa paghalik si Blaize saka natulala sa leeg ni Zaira. Nagkasalubong ang kilay niya.

"Sh*t! Kamuntik na. Sinabi ko na sayo na umalis ka na. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" sigaw niya sabay alis sa pagkakapatong kay Zaira.

Sinubukan pa nito ayusin ang damit niya pero nang makita niyang nasira niya ito lalo siyang nainis sa sarili. Napasampal na lang siya sa mukha.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Zaira sabay upo.

Bago pa niya mahawakan si Blaize, tinapik na nito ang kamay niya.

"Umalis ka na habang kaya ko pa pigilan ang sarili ko na kagatin ka," aniya habang tinatakpan ang ilong niya.

Napansin ni Zaira na pinapawisan ito at nang bumaba ang tingin niya ngayon lang niya napansin na wala itomg suot na paitaas.

"Ano ba kasi nangyayari sayo?"

"Bloodlust," sagot nito sabay talikod.

"Kanina ko pa gusto inumin ang dugo mo. Kaya please lang umalis ka na habang kaya ko pa magpigil."

Lalong nag-aalala si Zaira sa sitwasyon nito.

"Ian..."

"Umalis ka na please. Kahit ngayon lang makinig ka sa akin."

"Wag mong pigilan. Kung kailangan mo ng dugo, handa naman akong ialay sayo ang dugo ko."

Pagkarinig ni Blaize sa huling sinabi niya, nilingon niya si Zaira.

"Mahal na mahal kita. Ayokong nakikita kang nahihirapan. Kahit sa ganito matulungan kita," sabi ni Zaira habang hindi inaalis ang tingin sa mata nito.

Nawala lahat ng takot niya nang marinig niya ang sitwasyon nito. Masaya siyang marinig na pinipigilan nito ang sarili para sa kanya.

"No. Hindi ako makapapayag na gawin mo yun. Mahal kita Athena, ayokong gamitin ka para lang mabuhay ako."

Tumayo si Blaize saka tinuro ang pinto.

"Umalis ka na!" aniya.

"No!" sigaw ni Zaira.

Tinignan siya mg masama ni Blaize.


"Hindi ako aalis dito."

Matapang na sabi ni Zaira saka nakipaglaban ng tingin kay Blaize.

"Tsk. Ako na lang ang aalis," sabi ni Blaize.

Napatayo bigla si Zaira nang makitang papunta ito sa pinto. Niyakap niya si Blaize dahilan para manigas ito sa kinatatayuan.

Napalunok si Blaize saka napakuyom ng kamao. Muli siyang napamura saka napasuntok ng mahina sa pinto.

"Ian..." tawag ni Zaira sa kanya.

Nang humarap na sa kanya si Blaize, agad siyang tinulak nitp pasanda sa pinto.

"Pinabigyan na kitang umalis pero ikaw itong may ayaw. Ito ba talaga gusto mo?" bulong ni Blaize habang nakadikit ang katawan niya kay Zaira.

Bumilis ang tibok ng puso ni Zaira. Pakiramdam niya lulundag ito palabas ng ribs anumang oras.

"Oo," sagot niya sabay lunok.

Napapikit si Zaira nang halikan siya nito sa leeg.

"Sigurado ka na ba talaga?" tanong ni Blaize.

Pagkadilat ni Zaira sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Blaize.

Tumango siya bilang tugon kaya hinalikan siya nito sa labi.

"Sabihin mo lang akin kung titigil na ako," aniya saka siya binigyan ng  mabilis na halik sa labi.

"I love you," bulong niya bago siya halikan sa leeg.

Nang maramdaman ni Zaira ang pagtusok ng pangil nito, napahawak siya sa balikat ni Blaize. Pagbaon ng pangil niya napahigpit ang kapit niya saka napakagat sa labi habang tinitiis ang sakit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top