CHAPTER 25
"Nasaan na tayo?" tanong ni Zaira sabay tingin sa pulang flag na may kulay itim na korteng apoy sa gitna.
Ang mga bahay sa paligid ay gawa sa bato at karamihan sa mga naglalakad nakasuot ng kulay pula.
"Nasa Pyrrhos tayo," tugon ni Crystal.
Pyrrhos ang tawag sa fire kingdom sa Bizzare. Pinamumunuan ito ni Reyna Olivia at Haring Francis Warwick. Sila rin ang nag-alaga kay Crystal noong bata siya.
"Maligayang pagdating mahal na prinsesa," bati ng bantay kay Crystal saka ito yumuko.
"Hindi niyo na kailangan gawin yan. Alam niyo naman na yung totoo," sabi ni Crystal.
Napakamot sa ulo ang bantay.
"Pero prinsesa pa rin po kayo sa ibang kaharian," aniya kaya napabuntong hininga na lang si Crystal.
Natawa na lang si Zaira. Naalala niya noong panahong naninirahan siya sa Terrain. Hindi rin siya sanay na tawaging prinsesa at kung titignan prinsesa rin sila sa dark kingdom.
Siniko ni Crystal si Zaira para tumigil n ito. Muli niyang kinausap ang nagbabantay sa gate.
"Nandyan ba sila Ina?"
"Opo mahal na Prinsesa."
"Please Crystal na lang. Pwedeng pumasok?"
Tumango ang nagbabantay saka sila pinagbuksan ng gate. Pagpasok nila sinalubong sila ng isang babae na may suot na korona.
"Crystal anak! Buti napadalaw ka," sabi nito habang nakangiti.
Niyakap niya ang dalaga ng mahigpit.
"Ina, namiss ko po kayo," tugon ni Crystal sabay ngiti.
Kahit na bumalik na si Crystal sa tunay niyang pamilya hindi pa rin nagbabago ang turingan nila isa't-isa.
Binaling ng reyna ang tingin kay Zaira saka ito humiwalay ng yakap.
"Ikaw siguro si Zaira? Kamukha mo ang mama mo," aniya.
"Magandang umaga po," bati ni Zaira.
Tumango ito bilang tugon saka tinignan ang iba pang kasama nila. Nawala ang ngiti nito nang makita niya si Zarah.
"Siya nga po pala si Zarah, isang umbra..."
Pakilala ni Zaira. Nailang siya bigla dahil sa reaksyon nito.
"Nagkahiwalay kayo ng umbra mo?" tanong nito.
"Opo."
Napatakip ng bibig si Reyna Olivia.
"Jusko! Hindi magandang pangitain ito," aniya.
"Bakit po ina?" tanong ni Crystal.
***
Sa Dark kingdom,
"Hindi ba tayo babalik ng Demesne?" tanong ni Drake kay Iron habang nakaupo sila sa malaking sanga ng puno.
"Hindi, bakit? Gusto mo makita si Alyza no?" tanong ni Iron.
"Hindi, nagtatanong lang."
Tumingin sa lumilipad na ibon si Drake.
"May anim pang sandatang na wala sila. Kailangan natin sila maunahan. Wala tayong oras para umuwi ng Demesne."
Pagkarinig ni Adrian sa usapan nila agad niya nilingon si Levi.
"Nasa Demesne si Alyza," aniya.
"Demesne? Sigurado ka?" tanong ni Levi.
"Oo. Malinaw na malinaw ang narinig ko."
Kinuwento ni Adrian ang narinig niyang usapan ng dalawa.
"Nag-umpisa na silang kumilos," sabi ni Rhys nang makitang bumaba na sa puno sila Iron.
Sinundan nila ito hanggang sa mapunta sila sa Eurus, ang wind kingdom sa Bizarre.
Tumigil sila sa harap ng isang rebulto ng babae na may hawak na starknife.
Pinakinggan ni Adrian ang usapan nila Drake at Iron habang nakamasid naman si Rhys.
"Ito na ba yun?" tanong ni Drake habang nakatingin sa rebulto.
Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang rebulto sabay kamot ng ulo.
"Paano magkakaroon ng sandata diyan?" tanong niya.
"Baka nakatago diyan? Basagin kaya natin?" tugon ni Iron.
Hindi niya rin alam kung paano magkakaroon ng weapon sa isang rebulto.
Tumango si Drake saka tinignan ang mga nagkalatang wizard. Bawat isa may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
"Umpisahan mo," sabi ni Drake.
"Babasagin nila yung rebulto, kailangan natin sila pigilan," sabi ni Adrian kila Levi sabay labas sa tinataguan.
Hinarangan nila sila Iron bago pa ito makalapit sa rebulto.
Napatingin si Iron sa mata ni Levi at nang sinubukan niyang umatras napansin niyang hindi niya maigalaw ang katawan niya.
Ngumisi si Levi nang makita ang pagkunot ng noo ni Iron.
"Nandito na pala kayo? Bakit tatlo lang kayo? Nasaan na ang iba?" tanong ni Drake.
Nagkibit-balikat lang si Adrian bago umatake. Sinabayan siya ni Rhys at pinagtulungan nila si Drake.
Sinuntok ni Adrian si Drake ngunit umilag ito pakanan. Sinipa siya ni Rhys pero mabilis humakbang ito patalikod.
Sa kalagitnaan ng paglalaban nila dumating sila Liam.
"Nasaan dito yung starknife?" tanong ni Kaycie.
"Nasa rebulto," tugin ni Gray sabay turo sa babaeng rebulto.
Si Gray ang mythical animal ni Kaycie. Isa itong Lynx na may kapangyarihan ng kidlat.
"Ha?"
Napatingin sila Kaycie sa rebulto.
"Sigurado ka?" tanong ni Kaycie saka hinawakan ang rebulto.
"Paano naman mapupunta dito yung starknife?" aniya.
Napaatras siya bigla at napabitaw nang gumalaw ito.
"Oh my god! Gumagalaw yung rebulto," sabi ni Kim.
Nanlaki ang mata niya saka napatakip ng bibig.
Inabot ng rebulto ang hawak nitong starknife kay Kaycie at nanginginig niya itong kinuha.
Napansin niyang may malalim na ukit sa hawakan ng starknife. Kinuha niya ang crystal saka ito nilagay doon. Nang magliwanag ito napangiti si Gray.
"Ayan na nga ang starknife," aniya.
Lumawak ang ngiti ni Kaycie.
"Subukan natin," aniya saka ito hinagis papunta kila Drake.
Umiwas sila Rhys at Adrian samantala yumuko naman si Drake para hindi tamaan subalit hindi niya napansin ang pagbalik nito at nadaplisan siya sa pisngi
"Not bad," sabi ni Gray pagkabalik ng Starknife.
"Wtf! Pakawalan mo ko dito," galit na sabi ni Iron pero binalewala lang ito ni Levi.
"Nasaan si Alyza?" tanong ni Levi.
"Hindi ko alam."
Napahawak sa leeg si Iron nang makaramdam ito ng paghirap sa paghinga na para siyang sinasakal.
"Nasaan si Alyza?" tanong ulit ni Levi at saka ito lumapit sa kanya.
Nang hawakan niya ito sa balikat doon lamang nakahinga ng maayos si Iron.
Kiniwelyuhan siya ni Levi bago pa ito marelax.
"Nasaan si Alyza?"
Tumawa si Iron saka sumagot.
"Kahit patayin mo ko, hindi ko sasabihin sayo."
Tinignan siya ng matalim ni Levi habang unti-unting humahaba ang kuko niya.
Akmang sasaksakin niya ito nang sumigaw si Liam.
"Levi wag."
Hinila ni Liam si Levi palayo kay Iron.
"Kahit ano gawin niyo, hinding-hindi ko sasabihin kung nasaan si Alyza," sabi ni Iron saka tumayo.
"Pero kung ibibigay niyo sa akin si Zaira kapalit ni Alyza, pwede pa namin pag-isipan," dugtong niya saka ngumit.
Sinuntok siya ni Liam saka tinignan ng masama.
"Hinding hindi niyo makukuha si Athena, mababawi rin namin si Alyza," aniya sabay hila kay Iron mula sa pagkakatumba saka bumulong dito.
"Wag na wag na kayo magpapakita sa akin dahil oras na magkita tayo ulit papatayin na kita."
***
Sa Phyrros,
"Bakit ganyan itsura niyo? Wag niyo sabihin na iniisip niyo talaga yung sinabi ng oracle? Impossible ang sinabi nila," sabi ni Zarah kila Zaira.
Kung titignan para silang namatayan sa sobrang sama ng aura nila.
"Paano kung magkakatotoo?" tanong ni Zaira.
"Ano ka ba? Wag mong isipin ang hinaharap. Ang isipin mo yung ngayon."
Napabuntong hininga si Zaira saka tumingin kay Blaize nang hawakan nito ang kamay niya.
"Tama siya, wag mo munang isipin ang sinabi nila. Maari pa naman iyon mabago," sabi ni Blaize.
"Pinapasabi po ng reyna na kumain muna po kayo," sabi sa kanila ng katulong ng palsyo.
"Sige, susunod kami," tugon ni Crystal sabay tingin kila Zaira.
"Kain na muna tayo."
Nagsitayuan na sila at nagtungo sa isang malawak na dining room.
"Napakarami naman yatang pagkain ito?" tanong ni Zaira.
Tumawa ng walang tunog si Crystal bago sumagot.
"Ganyan talaga si ina kapag may bisita," tugon niya.
"Kumain ka ng gulay," sabi ni Max kay Zarah nang mapansin niyang tinatabi nito ang gulay.
"Ayoko."
Tinusok ni Max ang gulay sa gilid ng plato ni Zarah saka ito itinapat sa bibig ng dalaga.
"Kainin mo. Ah," aniya.
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka hinawakan ang kamay ni Max para ilayo ito.
"Ayaw."
"Ayaw mo? Edi wag! Ikaw na nga itong sinusubuan," sabi ni Max sabay kain sa carrots.
Abot tenga ang ngiti ni Zaira habang nakatingin sa dalawa.
"Ehem."
Nilingon niya si Blaize marinig niya ito.
"Sa akin ka lang tumingin," aniya.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Zaira saka ngumisi nang may maisip ito bigla.
"Anong gagawin ko? Nakakasawa pagmumukha mo. Mas masarap sila titigan," sabi niya saka binalik ang tingin sa dalawa.
Hinawakan ni Blaize ang baba nita at sapilitan iting nilihis. Nang magkasalubong ang mata nila nag-umpisa itong magsalita.
"Kumain ka na lang."
Tinusok niya ang karne ng baboy saka ito sinubukan isubo kay Zaira.
Naiintindihan agad ni Zaira ang gusto nito kaya inagaw niya agad ang tinidor.
"Ako na," aniya sabay kain sa karneng tinusok nito.
"Wag! Ilayo mo sa akin yan!"
Muling napatingin si Zaira sa dalawa nang marinig niya ang sigaw ni Max.
"Dali na! Isa lang," sabi ni Zarah.
"Hindi."
"Ano ba yan?"
Padabog na binitawan ni Zarah ang tinidor saka tumayo.
"Ayoko ng kumain," aniya pero mabilis siyang hinawakan ni Max.
"Ano problema mo?"
"Bitawan mo nga ako."
Naiinis na sabi ni Zarah sabay alis sa kamay ni Max.
"Kapag sa Zaira ayos lang na subuan ka niya. Kapag ako ayaw mo."
Reklamo niya sa binata na ikinataka ni Zaira.
'Bakit pati ako nadamay?' tanong niya sa sarili.
"Ano ba sinasabi mo?" tanong ni Max habang salubong ang kilay.
"Akala niyo ba hindi ko kayo nakikita kapag nagsusubuan kayo noon."
Nanlaki ang mata ni Zaira sa narinig. Hindi niya alam na nakikita ni Zarah ang lahat ng ginagawa niya. Totoo ang sinasabi nito na nagsusubuan sila pero normal na lang ito sa kanila dahil komportable sila isa't-isa.
Nagsitaasan bigla ang buhok ni Zaira sa batok. Pakiramdam niya bumaba ang temperatura sa tabi niya.
Nang lingunin niya ito pakiramdam niya napapaligiran na ito ng itim na aura.
"Babymine."
Malambing na tawag niya dito kahit ayaw niya sa tawagan nila.
Tumalim ang tingin nito sa kanya pero ningitan niya lang ito
"Kain ka pa," aniya sabay sandok ng kanin at ulam para isubo ito sa binata subalit nilayo lang nito ang kamay niya.
"Tsk."
Tumayo si Blaize saka sumunod kay Zarah na naunang lumabas sa dining room.
"LQ agad?" sabi ni Cryatal.
"Sundan niyo."
Dugtong niya kaya nagkatinginan sila Max bago tumayo.
"Kahit anong gawin ko hindi ko matapatan si Zaira sa kanya. Noon kapag nakikita ko sila ang sweet nila sa isa't-isa... naiinggit ako," sabi ni Zarah sabay tingin sa likod niya kung nasaan si Blaize.
"Hiniling ko na sana ako na lang ang nasa posisyon niya. Kaso ano magagawa ko?"
Lalong napasimangot si Zarah.
"Isa lamang ako umbra noon pero ngayon iba na. May sarili na akong katawan. Ang saya ko nung nalaman kong naghiwalay na kami ni Zaira. Sabi ko sa sarili ko 'Sa wakas magagawa ko na din yung mga bagay na ginagawa nila Zaira.' Pero mali pala ako..."
Bumuntong hininga siya.
"Kahit ano gawin ko hindi ko magagawa yung mga bagay na ginagawa ni Zaira kay Max dahil hindi ako siya."
"Bakit mo naman siya tatapatan kung pwede mo naman siya higitan? Hindi mo siya kailangan gayahin para lang magustuhan ka ni Max. Ipakita mo ang totoong ikaw dahil maalala lang ni Max si Zaira sayo kung gagayahin mo siya," sabi ni Blaize.
Napanganga si Zarah sa sinabi nito. Hindi niya akalaing bibigyan siya nito jg payo. Nagkwento lang naman siya para maglabas ng sama ng loon.
"Alam ko! Hindi mo kailangan sabihin sa akin yan. Bakit ba ako sayo nagkwento? Tsk," sabi ni Zarah sabat tingin kila Zaira na nakatayo sa likod ni Blaize.
"May sasabihin pa pala ako sayo tungkol kay Zaira. Alagaan mo siya at wag siyang sasaktan."
Hinawakan niya sa kwelyo si Blaize saka bumulong.
"Tandaan mo konektado pa rin kami kahit magkahiwalay kami. Papatayin kita kapag nalaman kong pinaiyak mo siya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top