CHAPTER 20
"Mag-iingat kayo sa paglalakbay. Ito pera para may panggastos kayo," sabi ni Queen Eliza saka nag-abot ng isang maliit na sako na naglalaman ng pera.
"Salamat po Granny," sabi ni Liam pagkakuha ng lalagyan.
"Wag niyo kakalimutang magpadala ng balita tungkol sa inyo."
"Opo, alis na po kami," paalam nila Liam bago pumasok sa portal.
Napadpad sila sa isang madilim na parte ng Western Terrain, kung saan makikita ang espada ni Scorpio; nakatusok ito sa isang kweba kung saan siya nanirahan ang huling gumamit nito.
"Ang dilim," sambit ni Thea habang nagmamasid sa paligid.
"Malayo pa lalakarin natin. Baka pwedeng makisakay kay Yaser?" sabi ni Kim kay Tyler.
Nilingon ni Tyler ang isang mini unicorn na si Yaser. Katulad ni Shiro maari nitong palitan ang kanyant laki.
"Okay lang ba Yaser?" tanong dito ni Tyler.
Lumaki ito at naglakad palapit kay Kim.
"Sakay na," sabi nito.
Si Yaser ang mythical animal ni Tyler na natagpuan nila isa Eastern Terrain. Kulay purple na kabayo ito na may pointed spiral horn sa noo. May kakayahan itong gumamit ng lightning magic.
"Kami rin, baka naman?" sabi ni Zaira sabay tingin sa ibang mythical animal na kayang magpasakay sa kanila.
Unang nagpalit ng anyo si Shiro.
"Sa akin ka na sumakay," sabi nito kay Zaira.
"Salamat," nakangiting sabi ni Zaira saka ito sumakay.
"Yung ibang babae pasakayin niyo," sabi ni Liam sa iba.
"Crystal, dito ka kay Lyra," sabi ni Kayden sabay senyas sa puting mini pegasus.
Si Lyra ang mythical animal niya na natagpuan din sa Eastern Terrain. Kulay puting kabayo ito na may pakpak at ice ability.
Tinulungan ni Kayden si Crystal na makasakay.
"Si Crystal lang? Paano ako? Mas inuna mo pa talaga siya kaysa sa akin no?" sabi ni Kaycie.
"Dalawa kayo," tugon ni Kayden sabay hawak sa batok.
"Napipilitan ka lang yata. Sige si Crystal na lang."
"Hindi ah! Wag ka na mag-inarte."
Hinila niya si Kayie saka binuhat para isakay kay Lyra.
Mula sa pagiging tao, nagpalit ng anyo si Sora bilang isang Ziz.
Si Sora ang mythical animal ni Thea.
Isa itong malaking ibon na kahawig ng griffin. Natagpuan nila ito sa Nothern Terrain noong naglalakbay sila sa kalagitnaan ng dagat.
Sa sobrang laki nito kaya niya harangan ang araw sa pamamagitan lamang ng pakpak nito.
"Masyado ka malaki. Pwedeng bawasan mo ang laki mo?" sabi ni Thea.
Tinignan ni Sora si Lyra saka nito sinunod ang laki nito. Bago sumakay si Thea kinausap niya muna si Gin.
"Gin, dalawa tayo," aniya dahil takot siyang mag-isa sa taas.
Tumango si Gin saka siya sinamahan sa likod ni Sora.
"Kumapit kayo mabuti," paalala ni Sora bago lumipad.
Nang makalipad na ito sunod na nagpalit na anyo si Hestia.
"Sino sasama sa akin?" tanong ni Naomi sabay tingin kila Clara subalit walang sumagot.
"Zarah, dito ka kay Aki," sabi ni Liam habang nakahawak sa griffin; natagpuan nila ito sa Western Terrain.
Kumapara sa originao size ng ziz mas maliit ito. May buntot at back leg ito na katilad sa lion at sa harapan naman nito kay paa, ulo at pakpak na katulad sa agila.
Lumapit si Zarah kay Aki saka sumakay agad.
"Lipad ka ng mataas," aniya na agad naman pinigilan ni Liam.
"No, dito lang kayo sa lupa."
"Gusto ko sa langit katulad nila Gin. Mas ligtas doon, dito maraming masasalubong na monster."
Pagdadahilan ni Zarah sa kagustuhan niyang lumipad. Pero hindi nakumbinsi si Liam.
"Kapag may nagbukas ng blackhole sa taas kayo agad ang magiging target ng demon."
Hindi nakasagot si Zarah dahil tama naman ito. Idagdag pa na madalas silang target ng demon.
"Okay na ba lahat?" tanong ni Liam.
Nilingon niya sila Clara at Hazel.
"Kayo Clara? Hazel?"
"Maglalakad na lang kami," sabay na sagot nila kaya tinuloy na nila ang paglalakbay.
"Nararamdaman ko na. Malapit na tayo," sabi ni Tora.
Tuloy lang sila sa paghahanap ng kweba hanggang sa may natanaw silang falls na may kulay pulang tubig.
Naalala ni Zaira ang nabasa niya sa libro na may red falls na makikita sa harapan ng kweba. May kulay pulang tubig ito na akala mo nahaluan ng dugo.
"Sa likod ng red falls makikita ang kweba," sabi ni Zaira.
Ayon sa nabasa niya tuwing mamatay ang nakatakdang gumamit ng espada muling babalik ito sa kweba. At oras na may ibang magtangkang kumuha nito sa kweba, 1000 invisible ang blade ang aatake sa kanila. At ang dugo ng mga ito ang naging dahilam kaya pula ang falls.
"Papasok ba tayo sa loob?" tanong ni Gin pagkababa nila.
"Ako na lang," tugon ni Max.
"Sasama ako," sabi ni Tora sabay takbo sa tabi ni Max.
"Sige, hihintayin na lang namin kayo dito."
Pagsang-ayon ni Liam.
"Sama din ako!" sambit ni Zarah.
"Hindi!" sabay na sagot nina Liam ar Max.
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka sumimangot.
"Bakit hindi?" tanong niya.
Kinurot siya sa pisngi ni Max.
"Dito ka na lang," sabi nito.
Hinawakan ni Zarah ang kamay na pinangpisil ni Max sa pisngi niya saka ito hinalikan.
"Okay," aniya saka ngumiti nang makita ang pamumula ng binata.
"Papasok na kami."
Nagmadaling maglakad si Max papunta sa falls.
"Mag-iingat kayo," sigaw ni Zaira saka tinignan si Zarah.
"Ngayon ko lang nakitang ganun si Ken. Paano mo nagawa yun?"
Tukoy niya sa reaction nito nang halikan ni Zarah ang kamay nito.
"Gusto mo matuto ng art of seduction," nakangising sagot ni Zarah.
"Art of seduction?" tanong ni Zaira habang inosenteng nakatingin kay Zarah.
"No! Don't teach her," sabi ni Blaize sabay hila kay Zaira. Ayaw niyang madumihan ang isip ni Zaira.
Alam niya sa mata ni Zaira simpleng halik lang ang ginawa ni Zarah pero higit pa doon ang ginawa nito.
"Kill joy," sabi ni Zarah kay Blaize saka tinuon ang atensyon kay Max.
Pinasok nito ang kamay sa may falls sakay diretsong naglakad. Sa lakas at dami ng tubig na nahuhulog halos hindi makita ang kweba nito sa likod. Nang pumasok doon si Max hindi na nila ito nakita.
Pagkapasok nila Max sa loob ng kweba, bumungad sa kanila ang isang espada na nakatusok sa lupa. Kinakalawang na ito dahil sa tagal nitong hindi nagagamit. Subalit unang tingin pa lang naramdaman na agad ni Max na hindi iyon pangkaraniwang espada.
"Kunin mo na," sabi ni Tora.
Hinawakan ito ni Max at saka binunot. Nang tignan niya ito mukha itong hindi makakahiwa dahil sa kalumaan.
"Ilagay mo yung crystal sa hawakan," tinuro ni Tora ang isang maliit na butas sa gitna ng hawakan ng espada.
Sinunod ito ni Max. Pagkalagay niya ng crystal, nagliwanag ito ng kulay asul at sa nagsilaglagan ang kalawang. Nagmukha itong isang bagong espada, malayo sa unang kita niya dito.
Napaaligiran ito ng magical energy kahit na walang ginagawa si Max. Kusa nito hinihigop ang mana sa kapaligiran.
"Ngayon pwede mo na mahiram ang kapangyarihan ko. Subukan natin."
Masayang sabi ni Tora. Sa sobrang saya niya lumitaw ang tenga at buntot niya.
"What do you mean?" tanong ni Max.
"Ms mabuting ipakita ko sayo kaysa ipaliwanag."
Naging spiritual form si Tora at patakbong pumasok sa katawan ng binata.
Napahakbang patalikod si Max sa gulat pero nang maramdaman niya ang spiritual energy na dumadaloy sa loob ng katawan niya napatingin siya sa kamay niya na naglalabas ng asul na aura.
Unti-unting nagbago ang anyo niya. Nagkaroon ng kulay asul ang ilang hibla ng buhok niya sa harapan. Naging katulad sa mata ni Tora ang mga mata niya.
'Ipunin mo ang aura sa kamay mo saka ito mo ito padaluyin sa espada. Isipin mong parte ng katawan mo ang espada,' rinig niyang sabi ni Tora sa kanyang isipan.
Nang sundin niya ito napaaligiran na rin ng asul na aura ang kanyang espada at naging katulad ito ng espada na gawa sa tubog.
'Magaling. Ngayon pwede mo na gamitin ang kapangyarihan ko. Dahil mataas ang affinity ko water, maari ka na rin makagamit ng water magic sa pamagitan ng espada.'
Tumango si Max.
"Salamat," aniya dahil malaking tulong sa kanya ang magic.
May pagkakataon na mahina ang physical attack sa ibang monster at demon kaya sobrang nagpapasalamat siya kay Tora.
'Hindi mo kailangan magpasalamat. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko na tulungan ang celestial guardian.'
Naglakad palabas ng kweba si Max subalit nakakadalawang hakbang pa lang siya nang magkaroon ng pagyanig. Napahawak siya sa gilid niya upang hindi siya matumba.
"Anong nangyayari?" tanong niya sa kanyang sarili.
Samantala sa labas ng kweba, nagulat ang lahat sa biglaang pagyanig ng lupa.
Napansin ni Blaize na matutumba si Zaira kaya hinila niya ito palapit sa kanya saka niya isinandal sa puno. Para hindi sila matumba kumapit siya dito.
Sa takot ni Zaira napayakap siya kay Blaize.
"Salamat," sabi ni Zaira nang tumigil na ang lindol.
"May gumagalaw sa ilalim ng tubig!" sigaw ni Kim habang nakatingin sa falls.
May lumabas na malaking ulo ng palaka na may kulay green na balbas at mahabang buhok. Nang tumayo ito nakita nila ang hubad na katawan nito na katulad sa lalaki pero kumpara sa katawan ng tao may kalikis ito at may mga nakadikit na lumot sa kanya.
"Vodyanoy! Ilayo niyo ang mga babae sa kanya," sigaw ni Gin saka hinila si Thea patago sa likod niya.
Kilala ang mga Vodyanoy na mahilig manguha ng babae kapag nagustuhan niya ito at kapag ayaw naman niya nilulunod niya ito sa ilalim ng tubig.
Hinila ni Blaize si Zaira palayo sa tubig nang mapansin niyang tumingin sa kanila ang Vodyanoy. Kinilabutan naman ang dalaga nang magkasalubong ang magkatinginan sila ng Vodyanoy. Pansin niya ang pagkislap ng mata nito bago niya isubsob ang mukha niya sa katawan ni Blaize.
Nahihinayang ang Vodyanoy nang mawala sa paningin niya ang mukha ni Zaira. Tinignan niya ang ibang babae at muling kumislap ang mata niya nang makita niya si Zarah; mag-isa lang itong nakatayo habang nakatingin sa falls kung saan pumasok si Max.
Umahon ang Vodyanoy at naglakad palapit kay Zarah.
"Zarah, umalis ka diyan!" sigaw ni Liam pero hindi ito sinunod ni Zarah.
Tinignan niya ng masama ang Vodyanoy na kasalukuyang nakatingin sa kanya habang lumalapit ito. Pakiramdam niya hinuhubaran siya nito sa isip.
"F*ck!" sigaw ni Liam saka gumawa ng dark ball subalit bago pa niya ito maihagis umangat ang tubig sa falls at humampas ito sa kanila.
Pakiramdam nila isang malakas na alon mula sa dagat ang humampas sila dahil sa lakas nito.
"Zarah!" sigaw ni Zaira nang makita niya nasa harap na nito ang vodyanoy.
Hinawakan niya ang kwintas at akmang tatakbo para iligtas si Zarah subalit mabilis siyang nahawakan ni Blaize.
"Dito ka lang," sabi nito saka siya muling niyakap.
"What? Nasa panga--"
Hindi na natapos ni Zaira ang sasabihin niya nang marinig niya ang boses ni Max
"Wag mo siyang hahawakan kung ayaw mong mamatay," sabi ni Max habang nakatutok sa likod ng vodyanoy ang hawak niyang espada.
Nang matigilan ang vodyanoy mabilis na tumakbo si Max patungo kay Zarah saka ito hinila palayo at tinago sa likod niya.
Nagulat naman ang lahat sa nasaksihan dahil sa bilis ni Max hindi nila nakita ang galaw nito. Sa paningin nila nawala si Max at nakita na lang nilang nasa likod na niya si Zarah.
"Ibigay mo siya sa akin," sabi ng vodyanoy habang nakatingin ng masama kay Max.
"Bakit ko naman ibibigay sayo ang sa akin?"
Nang marinig ito ni Zarah, binatukan niya ang binata.
"Anong sayo? Hindi mo pa nga ako sinasagot," aniya dahil wala pang malinaw na relasyon sa pagitan nila.
"Bakit? Gusto mo ba sumama sa kanya?"
Nandidiring tumingin si Zarah sa vodyanoy.
"Yuck! Bakit naman ako sasama sa pangit na halimaw na yan?"
"Ayaw mo naman pala. Wag ka na magreklamo sa dahilan ko. Saka usto mo rin naman yung sinabi ko, kunwari ka pa diyan. Alam ko sa loob mo kinilig ka," sabi ni Max saka ngumiti.
Hindi naimik si Zarah sa sinabi nito dahil totoo ito. Napahawak na lang siya sa namumula niyang mukha.
Nang makita ng vodyanoy ang kilos ni Zarah, doon lang niya napansin na agresibo ito. Umiling ito at muling nahanap ng target.
Napatingin siya kay Zaira at pinagkumpara niya ito kay Zarah. Pansin niya na kahit magkamukha ang dalawa mas inosente ang itsura ni Zaira kumpara kay Zarah. Isa iyon sa gusto niya dahil mas madali niyang napaglalaruan ang mga inosente.
Naglakad siya patunggo kila Zaira.
Nang makita ni Kayden ang paggalaw nito nag-umpisa siyang gumawa ng fireball at sunod-sunod na hinagis sa vodyanoy.
Subalit isang pulang tubig na pader ang humarang dito. Doon lang nila napansin na abot na sa lupa ang tubig na para bang umaapaw ang tubig na nanggaling sa falls.
Nang tumigil na si Kayden, naging isang malakas na alon ang pader na tubig at muli nanamang humpas sa kanila.
Nag-umpisang bumuhos ang malakas na ulan.
"Magandang binibini, sumama ka sa akin," sabi ng vodyanoy kay Zaira sa kabila nang nakakamatay na tingin ni Blaize.
Niyakap ni Blaize sa bewang si Zaira saka nagsalita.
"She's mine."
"..."
"Diyan ka lang. Susubukan ko muna itong magic sword, sakto may kalaban," sabi ni Max kay Zarah.
"Okay. Gusto kong makitang maputol ang ulo niya," tugon ni Zarah.
Tumango si Max saka inatake sa likod ang vodyanoy.
"Aaahhhh!" sigaw nito.
May dugong kulay green ang lumabas mula sa hiwa nito. Galit na nilingon nito si Max saka muling kinontrol ang tubig: lumikha ito ng katulad tentacles at sinubukang huliin si Max.
Tumalon si Max saka pinutol ang tentacles na nagtangkang pumulupot sa paa niya. Lumikha ng water blade ang espada at natamaan nito ang balikat ng kalaban.
"Aaahhhh!" sigaw ng kalaban habang nakahawak sa sugat.
Hindi huminto sa pag-atake si Max; tumakbo siya palapit dito habang iniiwasan ang mga water tentacles. Nang malapit na siya muli siyang tumalon saka inatake ang leeg ng kalaban.
Hindi niya makakalimutan ang sinabi ni Zarah sa kanya. Nahulog ang naputol na ulo ng vodyanoy saka bumagsak ang katawan nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top