CHAPTER 19
"Um.. Ken..." sabi ni Zaira habang hindi mapakali ang kamay.
Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang nararamdaman niya. Saan siya mag-uumpisa? Sasabihin ba niya ng direkta?
"Sabihin mo na."
Ngumiti ng pilit si Max habang pinapanood ang dalaga. May kutob na siya sa sasabihin nito.
"Ano kasi..."
Pinaglaruan ni Zaira ang dulo ng buhok niya dahil hindi siya makatingin ng diretso. Idagdag pa na kinakabahan siya, nasa dulo na ng dila niya ang sasabihin niya pero hindi niya ito masabi.
"Magtatanong na lang ako para mas madali," sambit ni Max sabay buntong hininga.
"Ken..."
Tumigil si Zaira sa ginagawa niya saka malungkot na tinignan ang binata.
"Basted na ba ako?" tanong ni Max nang magkasalubong ang mata nila.
Tumango si Zaira.
"Sorry."
"Mahal mo talaga siya?"
Muling tumango si Zaira habang pinipigilan ang sarili.
"Sorry, nasaktan kita. Mahal kita pero hanggang kaibigan lang. Mula pagkabata magkasama tayo parang parte ka na rin ng pamilya namin."
Muling bumuntong hininga si Max saka hinawakan si Zaira sa balikat.
"Wag ka magsorry. Wag mo kong tignan ng ganyan, baka isipin ng makakakita ikaw ang nabasted," aniya habang nakatingin sa maluha-luhang mata ni Zaira.
Pilit niyang ningitian ang dalaga kahit na pakiramdam niya pinipiga ang puso niya.
"Salamat pinagbigyan mo ko na iparamdam ang pagmamahal ko sayo. Sana maging masaya kayo ni Blaize. Kapag sinaktan ka niya sabihin mo lang sakin para masapak ko siya. Mahal kita Athena pero kontento na ako na makita kang masaya. Kung siya magbibigay saya sayo handa ako magparaya."
"Ken..."
Tuluyan na naiyak si Zaira sa sinabi nito. Nakokonsensya siya sa ginawa niya. Sobrang bait ni Max sa kanya pero sinaktan niya lang ito.
"Sinabi ng wag ka umiyak," aniya sabay yakap sa dalaga.
"Sorry."
"Hindi kita mapapatawad."
Natigilan sa pag-iyak si Zaira sa narinig. Umalis siya sa pagkakayakap nito upang makita ang mukha ng binata.
"Mapapatawad lang kita kung mangangako sa akin."
"Ano ipapangako ko?"
"Mangako kang ako lang ang bestfriend mo. Wala sana pumalit sa akin sa posisyon na yun."
Napangiti si Zaira saka tumango.
"Okay, pangako."
"Good. Maiwan na kita, may gagawin pa ako."
Paalam ni Max saka ginulo ang buhok ni Zaira bago umalis.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zarah sa kanya.
"Yeah!" sagot nito habang tuloy pa rin sa paglalakad.
Sinabayan si Zarah.
"Hindi nga?"
Tumigil sa paglalakad si Max saka seryosong tinignan si Zarah.
"Alam mo naman yung totoo, bakit nagtatanong ka pa?"
Ningitian siya ni Zarah saka yumakap sa braso niya. Hindi naman ito magawang itulak ni Max.
"Ako na lang kasi mahalin mo."
"Kung natuturuan lang ang puso, edi sana ikaw na ang minahal ko?"
"Tsk. Edi tuturuan ko ang puso mo paunti-unti hanggang sa mahigitan ko si Zaira. Uumpisahan ko na ngayon," sambit ni Zarah saka hinawakan sa baba si Max.
"Pwede ba akong manligaw?" tanong niya.
Halos mag dikit ang labi nila dahil sa sobrang lapit nito.
Hinawakan ni Max ang noo ni Zaira saka ito inilayo sa mukha niya.
"Baliw! Bakit ka manliligaw? Ano ka lalaki?"
Napasimangot si Zarah sa sagot nito. Seryoso siya tapos tatawagin siyang baliw? Anong problema sa panliligaw niya?
"Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng manligaw? Paano ka mahuhulog sa akin kung hindi kita liligawan?"
Napahawak sa ulo si Max dahil sa pinagsasabi nito. Hindi na niya alam kung ano gagawin niya kay Zarah.
"Seryoso ka ba talaga?"
"Seryoso ako. Liligawan kita sa sisiguraduhin kong mamahalin mo rin ako. Kaya maghanda ka sa gagawin ko," tugon ni Zarah sabay kindat bago siya iwanan.
Napailing na lang si Max.
'Kahit kailan iba talaga ang takbo ng isip ni Zarah.'
Hindi namalayan ni Max na napangiti siya habang iniisip si Zarah.
Kinabukasan...
Nagulat ang lahat nang biglang pumasok si Zarah sa library at seryosong nagtanong.
"Paano ba manligaw?"
Kasalukuyang naghahanap ng impormasyon tungkol sa mythical weapon sila Zaira.
Abala sila sa kanya-kanyang librong binabasa nang marinig nila ang tanong ni Zarah.
"May liligawan ka?" tanong ni Asher.
"Oo."
Nagkasalubong ang kilay ni Asher saka muling nagtanong.
"Sino? Kababae mong tao manliligaw ka?"
"Ano ba masama sa panliligaw? Liligawan ko si Max, walang makakapigil sa akin."
Napatingin sila kay Max. Bumuntong hininga ito saka tiniklop ang librong binabasa.
Lumapit siya kay Zarah at saka mahinang pinukpok ang libro sa ulo nito.
"Tumigil ka na sa kakasabi na manliligaw ka. Wag puro kalokohan, magbasa ka na lang para may alam ka sa mundong ito," sabi ni Max.
Sapilitan niyang pinahawak kay Zarah ang librong dala.
"Seryoso ako," tugon ni Zarah habang nakayakap sa libro.
"Mahal kita Max."
Namula ang tenga ni Max sa sinabi nito. Nahihiya siya dahil ang daming nakatingin sa kanila. Hindi niya rin alam kung ano sasabihin niya.
Tinalikuran na lang niya ito nang hindi nagsasalita saka naglakad palayo.
Nainis naman si Zarah sa kinilos nito kaya binato niya ang librong hawak.
"Aww!"
Napahawak sa ulo kung saan tinamaan si Max.
"Nakakainis ka! Nagtatapat yung tao tapos tatalikuran mo lang? Bwisit! Ewan ko sayo. Pasalamat ka mahal kita," sigaw ni Zarah bago lumabas ng library.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zaira habang nag-aalalang nakatingin kay Max.
Pinulot ni Max ang libro at tinitigan ito.
"Masakit," aniya habang nakatingin sa makapal na libro.
"Kung ako sayo sundan mo si Zarah. Baka hindi lang libro tumama sayo kapag hindi mo siya pinansin," sabi ni Asher.
"Pakibalik na lang itong libro sa lalagyan kapag hindi ako nakabalik agad," sabi ni Max kay Zaira bago iniwan sa mesa ang libro.
"Okay. Good luck," nakangiting sagot ni Zaira.
Tinuloy na ulit nila Zaira ang ginagawa. Nang makita niyang wala sa librong binabasa niya ang hinahanap nila, binalik na niya ito at naghanap ng panibagong libro.
May napansin siyang libro sa itaas; sinubukan niya itong kunin subalit hindi sapat ang taas niya para maabot ito.
"Kailangan ko ng patungan," aniya subalit bago pa siya makahanap may kamay na kumuha sa librong inaabot niya.
Nakatayo ito sa likod niya at nang humarap siya dito naamoy niya ang pamilyar na amoy dahil sa sobrang lapit nito.
"Oh!" sabi ni Blaize sabay abot ng libro.
"Sala--"
Kukunin na sana ito ni Zarira pero itinaas niya ang kamay niya.
"Hindi ako tumatanggap ng salamat lan, kiss mo ang kailangan mo."
Tukso niya sa dalaga habang nakangiti.
"Okay. Sayo na yan," tugon ni Zaira saka sinubukang umalis.
Hinarang ni Blaize ang kamay niya para hindi ito makadaan.
"Sinong nagsabing pwede kang umalis?"
Nilapitan siya ng binata hanggang sa magdikit ang katawan nila.
"Ian, wag di--hmmp."
Napahawaka sa labi si Zaira habang namumulang tinignan ang binata. Ningitian siya ng Blaize dahil nakaisang halik siya.
"Balik na tayo sa upuan," aniya saka inabot ang librong kinuha.
***
Samantala sa labas ng library,
"Zarah!" sigaw ni Max sabay habol sa dalaga.
Nang makita niyang bumulis ang lakad ni Zaira, tumakbo na siya. Hinawakan niya ang kamay nito bago tuluyang makatakas.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako Max. Bakit mo pa ako sinundan? Hindi mo naman ako kayang mahalin, mas mabuting hayaan mo na lang ako."
Naiinis na sabi ni Zarah habang pilit inaalis ang kamay ni Max.
Hinigpitan lalo ni Max ang pagkakahawak saka siya dinala sa bakanteng kwarto.
"Ano ba problema mo?" tanong ni Max.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang ito nagagalit. Kahapon lang mukha itong diterminado sa panliligaw, ngayon mukhang sumusuko na siya.
'Ganito ba talaga ang mga babae? Paiba-iba ng isip,' sa isip ni Max.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko," sagot ni Zarah habang nakaturo sa dibdib ni Max.
"Seryoso ka ba talaga? Hindi madali ang gusto mo."
"Ilang ulit ko ba sasabihing seryoso ako para maniwala ka? Mahal kita Max. Kaya ikaw lang sinusunod ko tuwing pinipigilan mo kong pumatay dahil sa nararamdaman ko. Naiintindihan mo ba?"
Napahilamos ng mukha si Zarah dahil sa sobrang inis. Hindi na nga niya alam kung paano niya ipaparamdam yung pagmamahal niya, ayaw pa nito maniwala sa kanya.
Bumuntong hininga siya saka seryosong tumingin sa binata.
"Alam mo ba kung bakit minahal kita? Noong nasa katawan pa ako ni Zaira, pinaramdam mo sa akin na tao ako. Kahit alam mong umbra ako, tinuring mo pa rin ako normal katulad ng turing mo kay Zaira."
Hindi alam ni Max ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung masusuklian ba niya ang pagmamahal nito oras na pumayag siya sa gusto nito.
Paano kung walang magbago sa nararamdaman niya at masaktan niya lang ito? Ayaw niyang umasa ito pero tama bang hindi niya ito bigyan ng chance?
"Alam ko si Zaira pa rin ang laman ng puso mo. Handa naman ako maghintay hanggang sa makamove on ka," sambit ni Zarah.
"Zarah..."
"Liligawan kita hanggang sa buksan mo ang puso mo para sa akin. Bigyan mo lang ako ng chance para gawin yun."
"Zarah..."
"Ano ba yan? Wala ka na ba ibang sasabihin kundi Zarah? Puro ka Zarah," sigaw nito dahil paulit-ulit siyang tinatawag nito pero hindi naman niya sinasabi ang gusto niyang marinig.
"Okay, payag na ako. Tulungan mo kong mawala itong nararamdaman ko kay Athena."
Napangiti si Zarah nang marinig niya ang sagot nito.
"Okay, bigyan mo ko ng tatlong buwan, papalitan ko siya sa puso mo."
Nagulat si Max sa sagot nito. Para sa kanya masyadong mabilis ang tatlong buwan.
"Seryoso ka ba diyan?" tanong niya.
"Kailan ba ako nagbiro?"
"Okay, kahit lumampas pa yan ng tatlong buwan pagbibigyan pa rin kita. Bumalik na tayo sa library."
Hinawakan niya sa kamay si Zarah saka sila naglakad pabalik sa library.
Palihim na napangiti si Zarah dahil sa ginawa nito. Tinignan niya ang kamay ni Max na nakahawak sa kanya. Alam niyang balewala lang iyon kay Max pero para sa kanya malaking bagay na iyon.
Labis ang kasiyahang nararamdaman niya.
Humawak din siya sa kamay nito saka binilisan ang lakad.
Pagkadating nila sa harap ng library sabay nilang binitawan ang isa't-isa.
"Ahem. Mauna ka nang pumasok," sabi ni Max.
"Sabay tayo," tugon ni Zarah sabay hawak ulit kay Max.
"Okay."
"Welcome back," sabi ni Asher sa dalawa bago binalik ang tingin sa libro.
Napangiti naman si Zaira nang makitang ayos lang ang dalawa.
"Nakita ko na!" sigaw ni Crystal sabay pakita sa librong kinuha niya.
May pamagat ito na "Legendary Weapons of Celestial Spirits."
"Hindi lang basta mythical weapon ang hahanapin natin. Mga legendary weapons ito na ginamit noon ng mga celestial spirits," paliwanag ni Crystal pagkatapos niya mabasa ang introduction.
"Patingin ako," sabi ni Liam.
Binigay sa kanya ni Crystal ang libro.
Tinignan ni Liam ang bawat pahina. May nakita siyang mga larawan ng iba't-ibang sandata at kung ano gamit nito. Manipis lang ang libro kaya natapos niya agad tignan. Hindi na niya binasa ang lahat ng impormasyon.
Basta ang alam niya lahat ng sandatang yun nagmula sa celestial world kung saan nagmula ang mga celestial spirit. Bago sila bumalik sa mundo nila nag-iiwan sila ng mga iilang regalo tulad ng mythical weapon at animal.
"Ito nga ang hinahanap natin," sambi ni Liam.
"Salamat naman hindi na natin kailangan isa-isahin ang mga libro," sabi ni Zaira saka tiniklop ang hawak libro.
Patayo na sana siya para magligpit ngunit binigay sa kanya ni Liam ang librong hawak.
"Basahin mo. Ikaw lang magaling magkabisado dito. Tandaan mo lahat."
Utos niya kay Zaira.
"Daya! Ako lang talaga magbabasa nito?"
"Lahat tayo pero mauuna ka."
Hindi na umangal si Zaira at tahimik na binasa ang libro habang nililigpit ng iba ang mga kinuhang libro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top