CHAPTER 18
"Blaize! Max!" tawag sa kanila ni Zeque.
Nang makita niya ang dalawang babaeng hawak nila, sumeryoso ang mukha niya.
'Sh*t! Naloko na!' sa isip niya.
Sinira niya ang chain na sa paa ni Zaira.
"Umalis na tayo dito," aniya.
Kumpara nang sumugod sila sa Stygian Kingdom, mas madali silang nakalabas sa palasyo.
Nagtanguan sila Zeque at Liam saka nagbukas ng black hole.
Pinauna ni Zeque sila Blaize sa black hole nang may maramdaman siyang nakatingin sa kanya.
Tumingin siya sa tuktok ng palasyo kung saan nakatayo ang lalaking nakamaskara. Kahit malayo siya kitang-kita niya ito dahil na rin sa hindi siya pangkaraniwang wizard lang.
May pamilyar na aura siyang nararamdaman sa nakamaskarang lalaki ngunit mahina lang ito.
'Sigurado akong hindi siya demon pero bakit may aura siya ng lalaking yun?' sa isip ni Zeque.
"Ligtas na sila Zaira! Babalik na tayo sa Outlandish," sigaw ni Liam sa mga kasamahan.
Tumigil na sila sa pakikipaglaban at patakbong pumasok sa black hole na gawa nila Zeque.
Bago umalis sinigurado muna ni Liam na lahat nakapasok na sa black hole. Napansin niyang nakatulala si Zeque kaya tinawag niya ito.
"Zeque."
Natigil sa pag-iisip si Zeque saka tumingin kay Liam.
"Let's go," sabi ni Liam.
Tumango siya bilang tugon saka pumasok sa black hole. Paglabas nila nasa palasyo na sila ng Terrain.
"Jusko! Ano nangyari sa apo ko?" tanong ni Queen Eliza habang patakbong nilapitn sila Zaira na buhat pa rin nila Blaize.
Nang makalapit siya, doon lang niya napansin ang babeng buhat ni Max; balot ito ng jacket habang mahimbing na natutulog sa bisig ng binata.
Napatakip siya ng bibig.
"Jusko! Paano--"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang makita niya niyang lumabas sa black hole si Zeque.
"Zeque, sumunod ka sa akin," tawag niya dito habang seryoso ang mukha.
Nag-aalalang tinignan nila Max si Zeque dahil pakiramdam nila pagagalitan ito base sa itsura ni Reyna Eliza.
Ang hindi nila may seryosong pag-uusapan ang dalawa kaya ganun na lang ang itsura nito.
Pagkadating ng dalawa sa library, nagtaning agad ai Reyna Eliza.
"Ano nangyari?"
"Pinaghiwalay ng demon ang katawan nina Zarah at Zaira. Hindi ko alam kung ano motibo nila para gawin yun," tugon ni Zeque.
Naguguluhan siya kung bakit hinayaan lang nilang makuha nila sila Zaira sa kabila ng ginawa nila. May ideya siya na si Zarah ang pakay nila pero hindi niya maintindihan kung bakit iniwan nila ito.
Napabuntong hininga si Reyna Eliza.
"Kung anuman ang dahilan nila, dapat mas maging maingat tayo. Ngayon na nagkahiwalay ang katawan nila, mas dobleng pag-iingat ang dapat gawin."
***
Paggising ni Zaira mukha ni Zarah ang nakita niya sa tabi niya.
'Nanaginip pa yata ako? O namamalik mata lang?'
Kinusot niya ang mata niya at tinitigan ang babaeng kamukha niya. Hinawakan niya pa ito para masiguradong totoo ito at hindi salamin ang nasa harapan niya.
"Waaahhh!" sigaw niya sa takot na minumulto siya o may kung anong demonyo ang nasa harapan niya.
"What the hell! Ang ingay mo!" sabi ni Zarah nang magising siya sa sigaw nito.
Tinignan niya ng masama si Zaira saka inis na nagtanong.
"Bakit ka ba sumisigaw?"
Napalunok si Zaira sa takot niya.
"Bakit kita kamukha? Anong klaseng nilalang ka? Impostor ka!" sigaw ni Zaira.
Naguguluhan tinignan siya ni Zarah.
"What? Ano ba sinasabi mo?" tanong niya.
'Hindi niya ba ako nakikila?' sa isip ni Zarah.
Muling sumigaw si Zaira kaya biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Liam.
Tumakbo agad si Zaira sa tabi ni Liam saka takot na kumapit dito.
"Kuya, may nanggagaya sa akin. Ano nga ba tawag sa ganun? Doppelganger? Tama! Kuya, may doppelganger."
Natatarantang sumbong niya sabay turo kay Zarah pero tinawanan lang siya nito habang lalo naman nainis si Zarah dahil hindi siya nakilala nito.
"Hindi ako doppelganger. Ako ito si Zarah," sambit ni Zarah.
Hindi agad naniwala sa kanya si Zaira.
Nagdududang tinignan niya si Zarah.
"Paano ka magiging si Zarah, kung nasa loob ko siya? Saka kung ikaw si Zarah edi sana wala ako dito?"
"Tsk! Kayo nga magpaliwanag sa kanya."
Tinignan ni Zarah sila Liam.
"Athena, totoo ang sinasabi niya. Siya talaga si Zarah. Nagkahiwalay na ang katawan niyo. Wala na ang umbra sa katawan mo."
Tumingin si Zaira sa paanan niya at doon niya nakitang wala na siyang anino.
"I see, kaya pala pakiramdam ko may kulang sa akin. Paano nangyaring nagkahiwalay tayo? Dahil ba ito sa magic spell na ginawa nila?"
Nanlamig bigla si Zaira nang maalala niya naranasan niya sa loob ng magic spell.
"Siguro? Hindi ko alam," sagot ni Zarah.
Malay niya ba sa mga spell? Buong buhay niya nasa loob siya ni Zaira.
"Ahem. Ako na magpapaliwanag. Maupo ka na muna Athena," sabi ni Zeque.
Tumabi si Zaira kay Zarah at saka ito pinagmasdan. Kamukhang-kamukha niya ito, tanging kulay ng buhok at mata lang ant naiba sa kanila.
"Noong unang panahon may spell na ginagawa para mahiwalay ang umbra sa main body nito. Madalas itong gawin ng mga demon dahil ayon sa kanila ang mga umbra ay isang uri ng demon."
"Sinasabi mo ba na isa akong demon?" sabi ni Zarah habang binibigyan ng nakakamatay na tingin si Zeque.
Sinong matutuwa kapag tinawag na demon? Kung siya tatanungin mas malapit sa demon ang mga bampira kaysa sa umbra. Anino lang siya na may sariling buhay.
"Paniniwala lang yun ng mga demon, wala ako sinabing demon ka. Balik tayo sa magic spell. Maraming hindi naniniwala sa sinasabi nila kay ginawang forbidden spell iyon. Idagdag pa na kadalasan namamatay ang pinaggamitan nito dahil hindi nakakayanan ng katawan nila."
Muling naalala nila Zaira ang sakit na naramdaman nila. Maswerte silang nakayanan nila iyon kahit na pakiramdam nila mamatay sila noong oras na yun.
"Ngayong nagkahiwalay kayo, mas delikado ang lagay niyo."
"Bakit?"
"Nagkahiwalay lang ang katawan niyo pero iisa pa rin kayo. Kapag namatay ang main body, mamatay din ang umbra. Kapag nasugatan si Zaira, masusugatan ka rin Zarah. Mararanasan niyo ang nararanasan ng bawat isa, magkalayo man kayo."
"Okay," sagot ni Zarah saka muling humiga.
Hindi na siya interesadong makinig sa usapan nila. Kundi sumigaw si Zaira kanina, tulog pa rin sana siya. Hindi na siya inistorbo nila Zaira sa takot na baka gumawa ito ng gulo.
Lumipas ang dalawang araw, walang ibang ginawa si Zarah kundi sanayin ang sarili sa katawan niya. Sa una naninibago pa siya at wala siya ibang ginawa kundi magtulong maliban na lang kung tatawagin siya ni Max.
'Ganito pala ang feeling na may sariling katawan,' sa isip niya habang nakatingin sa salamin.
Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Minsan natatakot siya na isang araw bumalik siya sa katawan ni Zaira. Sinubukan niyang limitahan lang ang bawat galaw niya para hindi siya maging kampante.
Pero ngayon na dalawang araw na ang nakalipas at wala pa rin pinagbago sa kanya, napagdesisyunan niyang gawin ang lahat ng gusto niya.
"Zarah," tawag sa kanya ni Max habang nakasilip sa pintuan.
"Oh?"
"Kain na."
Binaba ni Zarah ang salaming hawak saka lumabas at sumabay kay Max papuntang dining room.
Nilingon niya si Max saka napaisip.
'Ngayong may sarili na akong katawan. Pwede ko na ba siyang mahalin?'
Naramdaman ni Max na nakatingin sa kanya si Zarah kaya nilingon niya ito pero agad umiwas ng tingin ang dalaga.
Binilisan ni Zarah ang lakad saka umupo sa tabi ni Zaira.
"Ano na nga pala nangyari kila Kuya Greg?" tanong ni Zaira kay Zeque.
"Pinabalik ko na muna sila sa Occult," tugon ni Zeque.
"Spirit form ka ngayon."
Pansin sa kanya ni Zarah habang nakatitig ito sa katawan niya na medyo transfarent.
"Zarah," tawag ni Liam.
"Oh?"
"Doon ka na muna kilala mama habang naglalakbay kami."
Nagkasalubong ang kilay ni Zarah bago sumagot.
"Ayoko. Sasama ako sa paglalakbay niyo."
Ngayon nakapagdesisyon na siya na gagawin niya ang gusto niya, hindi na siya magpapapigil.
"Zarah please. Para sa--"
Baam! Pabagsak na binaba ni Zarah ang hawak niyang kutsara't tinidor at masamang tinignan si Liam bago umalis. Wala siya balak makinig sa pakiusap nito .
"Zarah!"
Hindi niya pinansin ang mga tawag nila at tuluyang bumalik sa kwarto niya. Pabagsak niyang sinara ang pinto saka kunot noong humiga sa kama.
'Hanggang ngayon wala pa rin ba akong kalayaan magdesisyon para sa sarili ko? Buong buhay ko nakakulong ako sa loob ng katawan ni Zaira. Gusto ko naman malibot ang mundo.'
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ni Zarah, bumukas ang pinto kaya napalingon siya dito.
"Ano kailangan mo?" tanong niya kay Zaira.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo."
Pagsusungit niya pero tumuloy pa rin si Zaira sa pagpasok saka humiga sa tabi niya.
"Galit ka ba sa akin?"
"Hindi," sagot agad ni Zarah nang makita nito ang lungkot sa mata ni Zaira.
Hindi naman talaga siya galit kay Zaira. Sa totoo lang mahal niya ito kahit na siya na lang palagi ang iniisip ng pamilya nila. Kahit na masakit siya magsalita kay Zaira sa huli lumalambot ang puso niya tuwing nakikita niya itong nahihirapan o nalulungkot.
"Kinausap ko sila kuya."
Hindi umimik si Zarah pero binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.
"Pumayag sila na sumama ka, pero may kondisyon."
Nagliwanag ang mukha ni Zarah sa narinig.
"Ano kondisyon nila?"
"Wag daw tayong maghihiwalay. Dapat palagi raw tayo magkasama."
"Okay."
Nakahinga ng maluwag si Zarah dahil hindi mahirap na kondisyon ang hinihiling nila.
"Zarah..."
"Hmm?"
Napakamot ng ulo si Zaira saka siya seryosong tinignan nito.
"Matagal ko na gustong itanong ito," aniya.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Zarah habang hinihintay ang tanong nito.
"May gusto ka ba talaga kay Ken?"
Tinitigan ni Zarah si Zaira; hindi siya makapaniwalang tungkol kay Max ang itatanong nito. Sinabi na niya na gusto niya ito, bakit ayaw niyang maniwala?
"Yeah! How about you? Do you like him?" sagot niya.
Napayuko si Zaira.
"Ewan. Simula nung nagkahiwalay tayo parang may nagbago sa akin."
"What do you mean?"
Muling naguluhan si Zarah sa sinabi nito. Para sa kanya walang nagbago kay Zaira.
"Hindi na ako nalilito. Hindi ko na nararamdaman kay Ken yung nararamdaman ko noon. Hindi na bumibilis ang tibok ko sa kanya kahit anong gawin niya."
"And then?"
"Hindi na rin ako kinikilig sa kanya. Para sa akin pamilya ang tingin ko sa akin sa kanya kaya wala na lang sa akin ang lahat ng ginagawa niya."
"Ibig sabihin ngayon hindi mo nakikita si Max bilang isang lalaking manliligaw?"
"Ganun na nga. Baka kaya ako naguguluhan noon akala ko sa akin yung nararamdaman mo kay Max."
"Naiintindihan ko. Nararamdaman ko rin yung nararamdaman mo kay Blaize pero mas gusto ko si Max. Kaya kahit noong iisa pa ang katawan natin, sigurado ako sa nararamdaman ko."
Napangiti si Zarah sa nalaman niya. Masaya siya na hindi na niya kailangan makipag-agawan kay Zaira at malaya na silang makakapili ng gusto nila.
***
"Zeque, salamat nga pala. Nalaman ko kay Ken yung ginawa mo," sabi ni Zaira kay Zeque pagkatapos ikuwento sa kanya ni Max ang nangyari noong nagkita sila sa Infernal world.
"Kailangan ko tulong niyo," sabi ni Zeque kila Max saka niya hinawakan ang dalawa sa balikat bago magteleport sa tagong lugar.
"Tulugan niyo kong iligtas si Zaira."
"Bakit? Ano nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Max.
"Hawak siya ng mga demon."
"Ano pa hinihintay mo? Tara na iligtas na natin siya."
"Hindi ganun kadali yun. Kailangan muna natin pagplanuhan ang lahat."
"Ano plano mo?" kalmadong tanong ni Blaize sa kabila ng pag-aalala niya kay Zaira.
Katulad ni Max gusto na rin niyang sumugod sa lugar kung nasaan si Zaira.
"Magmanman kayo sa labas ng Stygian Kingdom. Bantayan niyo ang bawat galaw nila habang nasa Outlandish ako. Hahanapin ko ang mga naiwang celestial guardian para dalhin dito. Oras na makita ko sila magpapadala ako ng puting paro paro, senyales na mag-umpisa na kayong kumilos."
Napatango si Zeque habang inaalala ang mga nangyari.
"Ginawa ko lang ang tungkulin ko. Wag mo na ulit gagawin yun," sabi ni Zeque.
Tinignan niya ng masama si Zaira nang maalala niya ang ginawa nito.
"Gawin? Ang alin?"
"Yung pagpapaalis mo sa akin sa katawan mo. Hindi ko alam kung paano mo nagawa yun, kahit ayaw ko man pilit mo kong tinutulak pabalik sa katawan ko bilang wizard."
Kaya siya napilitang umalis dahil may pwersang tumutulak sa kanya. Inisip na lang niya na may plano ang dalaga kaya sumunod na lang siya kahit isang malaking palaisipan ang nangyari.
"Paano nangyari yun? Wala naman akong ginawa?"
Nagdududang tinignan ni Zeque ang dalaga kahit inosente itong nakatingin sa kanya.
Samantala, sa hindi kalayuan nagtatalo sila Kaycie at Zarah.
"Bitawan mo siya sabi," sabi ni Zarah kay Kaycie habang nakakapit sa kabilang braso ni Max.
Nag-uusap sila ni Max nang biglang dumating si Kaycie at nag-umpisang kumapit kay Max.
"Bakit kita susundin? Sino ka ba?"
Mataray na tugon ni Kaycie habang nakakapit sa kabilang braso ni Max.
"Ako lang naman ang mapapangasawa ni Max. Bitawan mo na siya kung ayaw mong mamatay."
"Tinatakot mo ba ako? Baka ikaw ang patayin ko."
Napabuntong hininga si Max dahil sa dalawang babae na kanina pa siya pinaghihila. Sinubukan niyang patigilin ito pero hindi siya pinansin.
Nagmumukha siyang babaero dahil sa kanilang dalawa na nakahawak sa kabilaang braso niya habang naglalakad.
"Athena," sigaw ni Max.
Natigilan ang dalawa at sabay na napalingon kay Zaira.
"Ken, kailan ka pa naging chickboy?"
Nang-aasar na tanong ni Zaira.
Napasimangot si Max sa pinakita nito, simula nang nagkahiwalay sila ni Zarah. Nagbago na ang dalaga. Malapit pa rin naman sa kanila pero hindi na ito nagseselos kahit na guluhin siya ni Kaycie.
Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat. Hanggang kaibigan lang talaga ang nararamdaman nito sa kanya.
"Hindi ako chickboy. Ikaw lang ang gusto ko," tugon ni Max.
Kinurot siya ni Zarah bago bumitaw.
"Tsk. Iwan ko na muna kayo," paalam niya saka lumapit kay Kaycie para isama paalis.
"Zarah," tawag sa kanya ni Zaira.
"Wag kang mag-aalala. Alam ko naman," tugon ni Zarah saka ngumiti.
Hinawakan niya si Kaycie.
"Bruha, sumama ka sa akin," aniya.
"Sinong bruha?" tanong ni Kaycie habang nakataas ang kilay.
"Ikaw. Sino pa nga ba?"
Bago pa makaangal si Kaycie, hinila na siya ni Zarah paalis.
Habang naglalakad sila palayo rinig na rinig nila Zaira ang sigawan dalawa. Kahit na nag-aaway sila pakiramdam ni Zaira magiging magkaibigan ang dalawa.
"Ken, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Zaira sa binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top