CHAPTER 16

"Hanggang kailan tayo magkukulong dito? Gutom na ako," tanong ni Zaira sabay simangot.

Hindi na niya alam kung ilang araw na ang lumipas hanggang ngayon stranded pa rin sila sa loob ng constantine. Hindi sila pwede lumabas dahil nagkalat ang mga demon sa labas.

Bumukas ang pinto ng sasakyan, kumpara noong lumilipad ito kasalukuyang itong mukhang van.

Nagulat sila nang sabihin ni Greg na pwede ito nagtransform bilang sasakyang panlupa incase na hindi ito makalipad. Dahil doon mas lalong humanga sila Heidi kay Greg. Hindi na sila magtataka kung isang araw lumikha ito ng malaking robot.

"May dala akong pagkain," sabi ni Greg.

Bitbit niya ang iba't-ibang klaseng prutas.   

"Pasensya na. Ayan lang talaga makakain natin sa ngayon."

Dugtong ni Greg.

"Ayos lang kuya. Basta may makakain," tugon ni Zaira saka kumuha ng saging.

Nagpapasalamat na sila na may mga buhay na puno pa rin sa Infernal world sa kabila nang kakaibang itsura nito.

"Kuya, hindi pa ba tayo makakauwi?" tanong ni Heidi.

"Hindi pa. Hindi ko rin alam kung kailan tayo makakabalik. Sa ngayon kailangan natin humanap ng pagtataguan habang inaayos ko yung constantine para makalipad tayo."

Tumingin si Zaira sa bintana kung saan natatanaw niya ang mga puno. Sa totoo lng maswerte sila na nakita nila itong gubat bago sila mamatay sa gutom. Ito lang kasi ang lugar na may buhay na puno.

Ayon kay Zeque, teritoryo ng isang malakas na demon ang gubat. Kahit ang demon king noon walang kakayahang makuha ang gubat dahil nasa ibang dimensions space sila. Mundo ito na nilikha ng isang demon kaya may mga buhay na puno't halaman dito katulad sa Outlandish.

Kung pwede lang sana manatili sila sa gubat para may makain sila pero kailangan nila makabalik sa Outlandish at hindi sila makakaalis sa Infernal world kung hindi sila hahanap ng paraan para makaalis.

Mabuti pa si Hiro na isang robot hindi kailangan nagugutom. Sa oras na yun naisip ni Zaira na robot na lang sana siya.

"Paano tayo makakaalis dito?" tanong ni Zaira.

"Kailangan natin hanapin ang black dimension. Ito ang nag-uugnay sa Infernal World at Outlandish. Pero sa pagkakaalam ko binabantayan ito ng mga Class A Demon," paliwanag ni Kuya Greg.

"Black Dimension?"

"May dalawang dimension na nag-uuganay sa dalawang mundo. Ang dimension na makikita sa Infernal world tinatawag na black dimension habang sa Outlandish naman tinatawag na white dimension. Bawat dimension may nakabantay kaya hindi rin dito basta-basta makakadaan."

"Anong silbi ng dalawang dimension kung may black hole na magagamit ang mga demon para makapunta sila sa Outlandish?"

"Hindi sila makakagamit ng black hole papunta sa lugar na hindi pa nila napupuntahan. Kailangan muna nila makapunta sa Outlandish sa normal na paraan."

"Kung ganun paano nakapunta sa Outlandish ang mga demon? Wag mong sabihing lahat sila nakapunta na sa Outlandish?"

"Maaring may tumutulong sa kanila na minsan na taga-Outlandish o demon na minsan na nakapunta sa Outlandish. Noon malaya ang mga demon na makapunta sa mundo natin, nagbago lang yun simula nang tangkain nilang sakupin ang mundo natin. Baka may demon na nabuhay noong panahon na yun o kung hindi man may traydor sa mundo natin."

"Nakakatakot naman po yan kuya, paano kung maulit yung pagsakop ng mga demon?" sabi ni Heidi.

***

Sa isang palasyo na matatakpuan sa Infernal world, kasalukuyang may pagpupulong na nagaganap.

"Ano ng balita?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng itim na mahabang hood at itim ba maskara na katulad sa mukha ng demon.

"Patawad pinuno, ikinalulungkot kong sabihin na hanggang ngayon hindi pa rin namin siya nakukuha," sabi ng isa sa mga class A demon habang nakayuko.

Galit na sinipa ng lalaki ang demon saka sumigaw.

"Mga walang kwenta! Hanapin niyo sila at dalhin dito si Zaira sa lalong madaling panahon. Kung ayaw niyong maging abo!"

"Masusunod pinuno."

"Magsialis na kayo at wag na wag kayong babalik hanggang hindi niyo siya nakukuha."

***

Samantala, patuloy pa rin sa paglalakbay sila Blaize habang tinataguan ang mga demon monster na humahabol sa kanila.

"Oh!" sabi ni Max sabay bato sa itim na mansanas na nakuha niya.

Kahit ganun ang kulay nito hindi naman ito nakakamatay, may mabahong amoy nga lang ito kumpara sa normal na mansanas at ang lasa nito walang pinagkaiba sa mansanas na alam niya. Amoy at itsura lang talaga ang naiba.

Sinalo ito ni Blaize at nang tignan niya si Max, binigyan siya nito ng masamang tingin.

"Kumain ka. Kahapon ko pa napapansin na hindi ka kumakain," sabi ni Max.

"Tsk. Hindi ako mabubusog sa mansanas. Hindi ganitong pagkain ang kailangan ko," sagot ni Blaize saka binalik ang mansanas.

Nagtinginan ang tatlong mythical animal na kasama nila at sabay na napailing. Hindi nila maintindihan ang dalawa, madalas nag-aaway sila pero nakikita nilang concern sila sa isa't-isa. Bakit hindi na lang sila maglakbay ng payapa?

"Edi wag!"

Minain na lamang ni Max ang mansanas habang nasa taas sila ng puno.

Tumingin si Blaize sa ibaba upang tignan kung may mga demon pa.

"Let's go," aniya sabay talon pababa ng puno.

Sumunod sa kanya ang apat.

Pinagmasdan ni Max ang likod ni Blaize.

'Ayos lang ba talaga siya?'

Tinignan niya ang payat na katawan ng binata. Pakiramdam niya isang suntok niya lang dito, matutumba na ito.

Napabuntong hininga si Max.

'Bakit ba ako nag-aalala sa kanya? Mas maganda nga na mamatay siya sa gutom para wala na akong karibal kay Athena."

Umiling ang binata at saktong tumingin sa kanya si Blaize.

"Nababasa ko ang nasa isip mo," sabi ni Blaize saka siya binigyan ng matalim na tingin.

Parang sinasabi nito na siya ang unang mamatay kung hindi siya mananahimik.

"Totoo naman. Kung mamatay ka wala na akong karibal kay Athena," tugon ni Max habamg nakangiti kaya lalong sumama ang tingin ni Blaize.

"Tsk. Bago ako mamatay, mauuna ka."

"Bago ako mamatay sisiguraduhin ko muna na sa akin mapupunta si Athena."

Uminit bigla ang ulo ni Blaize dala na rin ng gutom niya.

Hinawakan niya sa kwelyo si Max.

"Sa akin lang si Athena. Kailanman hindi siya mapupunta sayo," aniya.

Kitang-kita ni Max ang galit nito sa mukha. Kung nakakamatay man ang tingin nito siguradong pinaglamayan na siya.

"Master, tama na yan!"

Awat sa kanya ni Red habang pilit silang pinaglalayo sa isa't - isa.

Hinila ni Shiro si Max palayo nang bitawan na ni Blaize ang kwelyo nito.

"Pwede bang bilisan na lang natin ang paghahanap kay Zaira," pakiusap ni Tora.

Nang makita nila ang nakaawang itsura ng batang babae, kumalma ang dalawa at tahimik na tinuloy ang paglalakad.

***

Sa Constantine,

Isang malakas na ingay ang gumising kay Zaira.

Sumilip siya sa may bintana upang makita ang nangyayari.

"Kuya Greg!" sigaw niya nang makita niyang napapalibutan ito ng mga demon.

Nawala bigla ang antok niya sa napanood niya; gamit ang laser gun, nakikipaglaban si Greg sa mga demon subalit tuloy pa rin ang pagdating ng mga demon.

Wala na sila sa gubat kaya mas madaming demon ang nasa labas nila. Idagdag pa na mas aggressive ang mga demon ngayon kumpara sa mga demon na nasa gubat.

"Zeque, pahiram muna ng kapangyarihan mo," sabi ni Zaira saka naghandang lumabas.

Gumawa siya ng wind blade para patalsikin ang mga demon at ang mga direktang natamaan nahiwa ang katawan.

"Fireball!" sigaw ni Zaira saka nagpaulan ng apoy.

Sinubukan siyang atakihin ng isa sa mga demon pero binaril ito ni Greg bago pa makalapit kay Zaira.

"Mainit ba? Ito para malamig," sabi ni Zaira saka ginawang yelo ang lupa at ang mga demon na nadikitan nito.

"May paparating pa! Pumasok ka na sasakyan. Aalis na tayo," sabi ni Greg habang nakatingin sa langit.

Nagkalat ang black hole at may iilang demon din ang lumilipad sa langit. Isamg tingin lang ni Zaira alam na niya na sila ang target nila katulad ng nangyari sa kanila sa Terrain.

Tumakbo na sila papasok ng Constantine.

"Hiro, paandarin mo na," utos ni Greg sa robot.

Sa kalagitnaan ng pagtakas nila isang darkball ang bumagsak sa harapan nila. Nang mawala ang usok na gawa nito, isang higanteng demon ang bumungad sa kanila; may hawak itong dark ball sa kamay.

Napalunok si Zaira habang nakatingin sa dark ball dahil masyado itong malaki. Kung matatamaan sila nito ng direkta siguradong patay sila.

Inaatras ni Hiro ang sasakyan para mag-iba ng direksyon.

"Hiedi, Kuya Greg, dito kayo sa tabi ko," sigaw ni Zaira sabay hila kay Heidi at lapit kay Greg.

Nang makita niyang palapit na sa kanila ang darkball, gumawa siya ng barrier.

Boom! Binalot ng kadiliman ang paligid nila at nang bumalik na ito sa normal, bumungad sa kanila ang natunaw na parte ng sasakyan. Kahit si Hiro hindi nakaligtas sa kalaban. Kalahati ng itaas ng sasakyan nawala.

Kinilabutan ang tatlo sa kinalabasan ng atake ng demon, kung wala silang barrier siguradong patay sila.

"Kuya, umalis na kayo dito," sigaw ni Zaira nang makitang aatakihin nanaman sila.

"Gusto mo bang mapatay ako ng papa mo? Hindi kita iiwan dito," tugon ni Greg nang mapansin niya ang balak nito.

"Kuya, masisira na yung barrier. Tumakas na kayo habang nasa akin ang atensyon nila."

"No! Hindi ka maiiwan dito. Sasama ka sa amin."

Bago pa makapagsalita si Zaira hinila na siya ni Greg saka sila tumakbo. Nang matamaan ng darkball ang barrier, tuluyan na itong nasira at sa lakas ng pagsabog tumalsik ang tatlo.

"Ahh!"

Nanghihina man, tumayo agad ang tatlo para tumakbo. Subalit dahil sa nakuha nilang galos at sa sakit ng katawan, hirap silang gumalaw.

"Maabutan na nila tayo!" sigaw ni Heidi.

"Tumakbo lang kayo. Susubukan ko silang pigilan," sabi ni Greg saka niya binaril ng laser gun ang kalaban.

"Ahhhhh! Bitawan mo ko!" sigaw ni Zaira nang biglang may black hole na sumulpor sa tabi niya at isang kamay mula doon ang humila sa kanya.

Tinakpan nito ang bibig niya saka siya niyakap ng maghigpit.

"Ate! Kuya si Ate!" sigaw ni Heidi pero tuluyan na nakuha si Zaira.

Pagtingin ni Zaira sa paligid, nasa loob na sila ng kweba.

"Nakuha ko na po siya kamahalan," sabi ng demon sabay tulak sa kanya.

"Ahh! Ang sakit!"

Reklamo ni Zaira nang mapasubsob siya sa lupa.

Pagtingin niya sa harapan niya may paa siyang nakita. Tumingala siya at doon nakita niya ang lalaking nakasuot ng itim na cloak at demon na maskara.

"Sino ka? Anong kailangan niyo sa akin?" tanong ni Zaira habang nakatingin ng masama.

Kahit nahihirapan siyang gumalaw, nagpumilit pa rin siyang tumayo habang tinitiis ang sakit ng katawan.

"Dalhin niyo siya sa Dark Chamber."

Utos ng nakamaskara sa mga demon.

"Bitawan niyo ko!" sigaw ni Zaira nang hawakan siya ng dalawang demon at pilitin na hinila.

Sinubukan niyang kumawala pero mas malakas ito sa kanya kaya tinignan na lang niya ang nilalang na nakamaskara.

"Ano kailangan mo sa akin?" tanong ni Zaira pero isang malamig na titig lang ang nakuha niya dito.

Dinala siya ng mga ito sa madilim na kulungan, tanging nakabukas na kandila lang ang nagsisilbing liwanag.

****

"Heidi!" sigaw ni Greg nang mahampas ng buntot si Heidi; tumalsik ito at mawalan ng malay.

Maingat niyang binuhat si Heidi saka tumakbo hanggang sa sumulpot sa harapan niya si Zeque.

"Bakit ka nandito? Nasaan si Zaira?" tanong niya.

"Mahabang kwento. Umalis na kayo sa mundong ito," tugon ni Zeque saka gumawa ng black hole pabalik sa Outlandish.

"Paano si Zaira?"

"Ako na bahala sa kanya. Hindi ako aalis dito hanggang  hindi ko siya kasama."

Tinanguan siya ni Greg saka pumasok sa black hole at nang mawala ito tinignan ni Zeque ang mga demon sa harapan niya.

Napabuntong hininga siya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan mangyari ito. Kung hindi lang siya pinigilan ng isang tinig, umpisa pa lang pinabalik na niya sa Outlandish sila Zaira.

Sinubukan niya itong wag sundin pero sa hindi malamang dahilan hindi siya makabalik sa totoong katawan niya noong mga naunang araw.

"Siguro nakatadhanang mangyari ito?"  sambit niya bago kumilos.

Pagtaas niya ng kamay nagkaroon ng paggalaw ang lupa saka ito nahati; may mga iilang demon ang nahulog dito.

Nang isara ni Zeque ang kamay niya bumalik na sa dati ang lupa. Pinalibutan niya ng apoy ang katawan niya saka siya gumawa ng espada na gawa sa light magic.

Light magic at pure fire ang isa sa mga kahinaan ng demon kaya matamaan lang niya ang mga ito napapasigaw na ito sa sakit.

"Hindi pa ako tapos."

Ngumiti ng parang demonyo si Zeque saka napalibutan ng kidlat ang isa niyang kamay. Nang itutok niya ito sa langit, sunod-sunod na bumagsak ang mga kidlat.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top