CHAPTER 14

Muling nag-iikot sila Zaira  para maghanap ng mythical animals sa North Terrain.

Naghati ulit sila sa apat na grupo at naghiwa-hiwalay.

"ROAR!"

Isang kulay asul na tigre ang mabilis na dumaan sa harapan nila Zarah; hinahabol nito ang isang itom tigre.

"Ang bilis," sambit ni Zaira.

Napatingin si Max sa crystal na hawak niya nang umilaw ito at panandaliang naging kulay lila pero agad rin bumali sa dati.

"Umilaw! May mythical animal malapit sa atin."

Excited na sabi ni Zaira. Ang tagal na nila naglalakad pero ngayon lang ito nagkaroon ng reaction.

"Ah! Yung kulay asul na tigre kanina... mythical animal," sabi ni Shiro sabay turo sa lugar kung saan tumakbo ang tigre kanina.

"Sundan natin," sambit ni Liam.

Sa tulong ni Shiro hinanap nila ang tigre sa pamamagitan ng pagsunod sa mga bakas na iniwan nila.

Naabutan nila ang dalawang tigre na magkaharap habang galit na nakatingin sa isa't-isa.

"ROAR!" ungal ng kulay asul na tigre.

Samantala, napansin naman ng kaharap nitong itim na tigre si Zaira nang matisod ito at madapa.

Bago pa siya makatayo, tumalon sa kanya ang itim na tigre para kagatin.

"Athena!"

Bumalik sa pagiging lion si Shiro saka sinalubong tigre. Sa lakas ng pagkabangga niya dito, tumalsik ito sa may puno.

"ROAR!"

Galit na tinignan ni Shiro ang tigre. Gusto niya ito patayin pero ayaw niyang mapahiran ng dugo ang puti niyang balahibo. Tumabi sa kanya ang kulay asul na tigre at tinulungan siyang takutin ang kaharap na itim na tigre para umalis.

"Ayos ka lang?" tanong ni Liam habang tinutulungang makatayo si Zaira.

"Mm," tugon ni Zaira sabay tango.

"ROAR!"

Sabay na ungal ni Shiro at ng asul na tigre.

Nagbago ng anyo ang itim na tigre, naging isang uwak ito saka lumipad sa langit.

"Ah! Demon," sabi ni Ivan habang nakatingin sa uwak.

Hindi niya akalain na isa pa lang demon ang itim na tigre. Tingin niya isa itong shapeshiffter.

"Salamat," sabi ng asul na tigre kay Shiro.

"Ginawa ko lang yun dahil sinugod niya master ko," sagot ni Shiro.

Bumalik sa pagiging tao si Shiro saka lumapit kay Zaira.

"Salamat," nakangiting sabi sa kanya ni Zaira.

"Mag-iingat ka sa susunod, paano kung hindi ako agad nakasugod?"

Napasimangot si Shiro sa dalaga. Kung hindi ito nadapa kanina, hindi siya mapapansin ng demon kanina.

"Okay, sa susunod titignan ko nilalakaran ko."

"Good."

Nakarinig sila ng isang mahinang tawa ng babae. Pagtingin nila sa kulay asul na tigre, tao na ito. Nakilala nila ito agad dahol katulad ng kulay ng balahibo niya ang buhok niya.

Muling umilaw ang crystal ni Max saka naging kulay lila.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Zaira.

"Tora," tugon nito.

Napatitig si Zaira sa mata nito na kulay lila. Nagagandahan siya sa kulay nito, idagdag pa cute na babae ito. Kung hindi niya alam na tigre ito, iisipin niyang pusa ito.

Naahiya bigla si Tora, tinakpan niya ang mukha niya saka nagtago sa likod ni Max.

'Cute'

***

Sa kabilang dako ng gubat, pawis na pawis sila Alyza habang naglalakad sa arawan.

"Ang init!"

Reklamo ni Alyza habang mabagal na naglalakad.

"Batis!" sigaw ni Tyler sabay takbo patungo sa nakitang batis.

Binasa niya ang mukha niya upang malamigan kahit papaano.

"Pahinga muna tayo dito," sabi ni Clara saka naghanap ng mauupuan.

Sumilong si Alyza sa may puno saka sumandal at pumikit habang pinapaypayan ang sarili.

"What the hell!" sigaw niya nang may nagbuhos ng tubig sa kanya.

Nakarinig siya ng mahinang tawa sa tabi.    Tinignan niya ito ng masama.

"Tyler."

Galit na tawag niya dito pero ngumiti lang ito saka siya muling binasa bago tumakbo palayo.

Namula sa galit si Alyza sala ito hinabol.

"Papatayin kita kapag nahuli kita," sigaw ni Alyza.

"Anong sabi mo?!" tanong ni Tyler habang nagkukuwaring hindi niya narinig ang sinabi nito.

"Papatayin kita!"

"Ha? Ano?"

Tinapat ni Tyler ang kamay niya sa tenga. Lalo naman nainis si Alyza.

"Ewan ko sayo!"

Muling tumawa si Tyler habang tuloy pa rin sa pagtakbo. Wala siyang kamalay-malay na nahulog na siya sa patibong.

Huli na nang mapansin niyang nag-iba ang paligid.

"Wait! Parang may mali," aniya sabay hinto sa pagtakbo.

Napahinto naman si Alyza saka nilibot ng tingin ang paligid.

Sa gitna ng katahimikan nakarinig siya ng isang pamilyar tunog.

"Hsss!"

"Ahas!" sigaw ni Alyza sabay takbo sa tabo ni Tyler.

Nang makita niyang palapit ito sa kanila, napahawak siya sa balikat ng binata.

"Oh my god! Gumawa ka ng paraan," sabi ni Alyza habang takot na takot ito.

Lalo siyang natakot nang makita niya hindi lang isang ahas ang nasa harapan nila. Kahit saan siya tumingin may nakikita siyang ahas. Nag-umpisang manginig ang katawan niya.

"Takot ka sa ahas?" tanong ni Tyler nang mapansin nito ang panginginig ng dalaga.

Hindi sumagot ang dalaga pero himigpit ang pagkakahawak nito sa balikat ni Tyler.

'Ayos ah! May kinakatakutan din pala ang babaeng ito?' sa isip ni Tyler.

Lihim siyang napangiti dahil nakahanap siya ng kahinaan nito.

"Aaahhh!! Ayan na sila! Tyler!" sigaw ni Alyza.

Nawala ang ngiti ni Tyler nang mapansin niyang may mali sa sitwasyon nila.

Bakit ang daming ahas sa paligid? Para bang pinalilibutan sila nito. Pakiramdam niya tuloy may nag-uutos o kumokontrol sa ahas.

"Ikaw ba si Alyza?"

Napaangat ng tingin si Tyler.

Isang lalaki ang bumungad sa kanya.

"Sino ka?" tanong niya.

"Ako si Drake at misyon kong kunin ang babaeng kasama mo. Kung ayaw mo masaktan, ibigay mo siya sa akin," sagot nito.

'Kailangan ko makuha ang anak ni Jake at Rina. Ito na lang ang paraan ko para makaganti sa pagpatay nila sa ama ko at pagsira sa tirahan ko,' sa isip ni Drake.

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?"

Tinignan ni Tyler nang masama si Drake.

"Hindi mo na kailangan malaman yun."

Naging isang malaking ahas si Drake saka sumigaw.

"Hssss!"

Nag-umpisang umatake ang mga ahas na nakapaligid kila Tyler.

Naging taong lobo si Tyler saka pinagkakalmot ang mga ahas na umaatake sa kanila. Paminsan-minsan hinuhuli niya ang mga ito at pinapatay.

Dahil na sa mga ahas lang nakatutok sila Tyler, indi nila na napansin ang isang babae sa likod ng isang puno.

Pabulong itong nagbigkas ng spell sabay tutok ng wand kay Tyler. Nang umilaw ito, nawalan bigla ng malay ang binata.

"Tyler?" sambit ni Alyza nang bumagsak ito.

Magkahalong takot at pag-aalala ang naramdaman niya habang palapit siya dito.

"Tyler, gumising ka! Anong nangyari sayo? Hey! Wag kang magbiro ng ganya. Hindi ito oras para matulog ka!"

Nag-umpisang mataranta si Alyza nang hindi umimik si Tyler. Halos maiyak siya dahil niya alam ang gagawin.

Muling nagbigkas ng spell ang babae saka ito itinapat kay Alyza. Bago bumagsak ang dalaga, sinalo siya ni Drake.

"Salamat Patricia," aniya habang nakatingin sa punong tinataguan ng babae.

Lumabas na sa tinataguan si Patricia saka nilapitan sila Drake. Gumamit siya ng sleeping spell upang mapadali ang misyon nila. Kung magpapatuloy pa ang labanan nila kanina baka makita sila ng mga kasamahan nila Alyza at mabigo sila sa misyon.

Binuhat ni Drake si Alyza saka sila nagmadaling umalis.

Huminto sila sa may kweba saka nilagyan ng tali si Alyza.

"Dito ka lang, titignan ko kung may kalaban malapit sa atin," sabi ni Drake.

Lumabas siya ng kweba at inutusan ang mga ahas na tulungan siyang mag-ikot.

Habang naglalakad siya, nakarinig siya ng boses. Agad siyang nagtago sa puno at tahimik na nakinig kila Zaira.

"Kain muna tayo," sabi ni Liam.

Sumilip si Drake sa may puno.

Nakita niyang naglabas ng lutong pagkain si Liam. Kumuha doon si Zaira saka kumain.

"Maiwan muna namin kayo."

Paalam ni Ivan.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Zaira.

"Bakit? Gusto mo sumama?" tugon ni Blaize.

"Huh? Hindi! Nagtatanong lang."

"Maghahanap kami ng maiinom na dugo, mahirap na baka makaroon kami bigla ng bloodlust dahil sa gutom."

Paliwanag ni Ivan nang mapansin niyang walang balak magsabi si Blaize. Tumango si Zaira bilang saka tinuloy ang pagkain.

Tinignan sila ng masama ni Drake saka sineyasan ang isang ahas; pinapunta niya ito sa tabi ni Zaira.

"Hsss!"

"Hm?"

Napatingin si Zaira sa gilid niya nang may maramdaman siyang gumagalaw.

"Aaaaahhhh! Ahas!" sigaw niya sabay tayo.

Hinugot ni Max ang espada niya at saka pinatay ang ahas.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango si Zaira bilang tugon saka tumingin sa paligid. Kinilabutan siya bigla, pakiramdam niya may nakamasid sa kanila.

Pagtingin niya sa may isang puno, nasaktuhan niya ang pagsilip ni Drake.

Napakunot ano noo ni Zaira dahil pamilyar ang mukha nito. Nang tignan niya ang ahas sa paanan niya pumasok sa isip niya mukha ng isang lalaki.

"Taong ahas!" sambit niya.

Naglabas ng apoy sa kamay si Liam saka tumingin rin sa paligid. Pamilyar siya sa kakayahan ng ang taong ahas kaya naalarma siya sa sinabi ni Zaira.

Samantala, nagmadaling umalis si Drake bago pa siya ituro ni Zaira.

"Alis na tayo. Nakahanap na ako ng madadaanan natin para makaiwas sa kalaban," sabi ni Drake nang makabalik siya sa kweba.

Dumiretso siya agad kay Alyza saka ito binuhat.

***

"Sh*t! Ano nangyari?" sambit ni Tyler nang  magising siya.

Bakit siya nakatulog? Ang huli niyang naalala nakikipaglaban siya sa ahas.

"F*ck! Si Alyza," sigaw niya sabay tayo.

Tumingin siya sa paligid at nang hindi niya makita ang dalaga nag-umpisa na siyang kabahan.

"Alyza! Nasaan ka? Alyza?"

Walang sumagot kahit anong sigaw niya at hanap sa dalaga.

"Ano gagawin ko? Paano ko ipapaliwanag kila Levi na nawawala si Alyza?"

Napasabunot siya sa sarili dahil sa sobrang inis. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Kapag may masamang nangyari kay Alyza, hindi niya mapapatawad ang sarili.

'Kung hindi ko iyon ginawa kanina, hindi siya makukuha ni Drake. Tungkulin kong protektahan siya pero ako pa ang nagpahamak sa kanya,' sa isip ni Tyler.

"Sorry Alyza. Wala sana silang gawing masama sayo. Makita lang kitang ligtas, pangako hindi na kita aasarin."

Nag-umpisang magdasal si Tyler para lang maging ligtas si Alyza. Nakaluhod siya habang nakatingin sa langit.

Sa ganung posisyon siya naabutan nila Levi.

"Tyler, anong ginagawa mo? Bakit ka nakaluhod diyan?" tanong ni Clara.

Matamlay na tumingin si Tyler sa kanila. Kahit hindi ito magsalita alam nilang may hindi magandang nangyari.

"Anong nangyari? Kanina pa namin kayo hinahanap. Nasaan si Alyza? Bakit mag-isa ka lang?" tanong ni Levi.

Lalong nag-aalala si Levi nang yumuko si Tyler.

"May nangyari ba sa kanya?" tanong niya.

"Sorry, hindi ko siya naprotektahan. Mas mabuti pang mawala na lang ako tutal wala akong kwentang celestial guardian," sagot ni Tyler.

Kiniwelyuhan siya ni Levi at galit na tinignan ang binata.

"Bago ka magdrama diyan, pwede bang sahihin mo muna kung ano nangyari kay Alyza?"

"Hindi ko alam! Basta nagising na lang ako na wala na siya."

Himigpit ang pagkakahawak ni Levi sa kwelyo nito at lalong tumalim ang tingin niya.

Hinawakan siya sa kamay ni Clara.

"Huminahon ka muna, walang manyayari kung magpapadala ka sa init ng ulo mo," sambit ni Clara saka niya pinaghiwalay ang dalawa.

"Kwento sa amin lahat ng nangyari," sabi ni Levi kay Tyler.

Sinabi ni Tyler lahat ng nangyari simula nang makaharap nila si Drake.

"Hindi ko alam kung bakit ako nawalan ng malay kanina. Pero sigurado akong kinuha ni Drake si Alyza."

Naiinis na sabi ni Tyler. Napakuyom siya ng kamao.

"Lagot sa akin ang taong ahas na yun kapag nakita ko siya," aniya pero pagkatapos nila sabihin sa iba ang nangyari, bumalik nanaman siya sa pagiging matamlay.

"Sorry, kasalanan ko ang nangyari," sabi niya kila Liam.

Nag-aalala si Zaira sa kalagayan ng binata. Ngayon niya lang itong nakitang matamlay.  Hinawakan niya ito sa balikat saka pinagsabihan.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala  kang kasalanan, hindi mo ginusto ang nangyari."

"Kailangan natin iligtas si Alyza," sabi ni Levi.

"Paano? Hindi nga natin alam kung saan niya dinala si Alyza. Hindi rin natin alam kung ano ba pakay nila. Mas mabuting unahin na muna natin ang paghahanap sa mythical animal," tugon ni Liam.

"What? Nawawala si Alyza, uunahin pa ba natin yan? Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay," sigaw ni Levi.

Si Alyza ang pinag-uusapan nila. Kahit pinsan niya ito sa totoong buhay, kapatid ang turing niya dito. Hindi niya akalaing mas pipiliin ni Liam na hanapin ang mythical animal kaysa kaligtasan ng kapatid niya.

"Kapatid ko rin si Alyza. Hindi lang ikaw ang nag-aalala. Gustuhin ko man siyang hanapin, wala tayong clue kung nasaan siya," sagot ni Liam.

Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Levi pero hindi nila pwedeng itigil na lang basta ang paghahanap sa mythical animal. Kailangan nila ito para maprotektahan ang mga kapatid niya.

Bumuntong hininga siya saka seryosong tinignan si Levi.

"Paano kung may mas malalim pa silang dahilan kaya nila dinukot si Alyza? O kaya plano nilang ilihis ang atensyon natin, para matigil ang paghahanap natin? Paano kung bukod kay Drake may iba pang nasa likod ng pangyayari?"

"Tama si Liam. Kung ako tatanungin tingin ko may kinalaman ang pagiging eternal child niya sa nangyari. Mas mabuting magpalakas muna tayo habang wala pa tayong balita sa kanya. Para na rin sa ibang eternal child," sabi ni Ivan.

"Simula bukas yung mga kailangan maghanap ng mythical animal lang ang mag-iikot sa gubat. Yung iba maiiwan dito sa sasakyan,"

Pahayag ni Liam saka sinabihan si Levi.

"Kung gusto mong hanapin si Alyza, malaya kang gawin yun."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top