CHAPTER 13
"Nandito na tayo," sabi ni Greg pagkatapos ihinto ang sasakyan.
Bumungad kila Zaira ang talampas na sinasabi sa kanila ni Reyna Eliza. Bago sila maglibot, may pinindot si Greg sa susi ng sasakyan upang maging invisible ito.
"May nakatira ba talaga dito?" tanong ni Zaira dahil wala siyang maramdamang tao o sinumang nakatira sa bahay.
Masyadong tahimik sa kinatatayuan nila at kung may nakatira man dapat kanina pa may sumalubong sa kanila.
Pumasok si Greg sa loob ng bahay pero hindi rin nagtagal lumabas siya saka umiling.
"Matagal nang walang nakatira dito. Halatang hindi na nagagalaw ang gamit dahil sa dami ng alikabok sa loob," aniya saka naglibot sa paligid.
Huminto siya sa parteng may sunog na mga puno; makikita ito malapit sa bahay na pinuntahan nila.
"Mukhang may nangyaring labanan dito," sabi ni Greg.
"Hindi na po ba ako makakabalik sa amin?" tanong ni Heidi.
Nalungkot siya bigla dahil sa narinig. Yung kaisa-isang pag-asa niya nawala ba.
"Paano ka ba napunta dito?" tanong sa kanya ni Greg.
"Aksidente ko pong nagamit yung time machine na gawa ng kaibigan ko."
"Hmmm... time machine. Kapag may oras ako igagawa kita ng time machine. Makakabalik ka rin sa inyo."
Hinawakan niya sa ulo si Heidi.
"Talaga po?"
Nagliwanag ang mukha ni Heidi saka napatingala kay Greg. Ningitian siya nito saka tumango.
"Salamat po!"
Sa sobrang saya ni Heidi napayakap siya kay Greg. Kahit papaano may panghahawakan siya na makakabalik din siya sa pinagmulan niya.
"Tignan niyo ito," sabi ni Naomi.
Lumutang sa harapan niya ang crystal habang unti-unting nagbabago ang kulay nito.
"Baka malapit lang tayo sa mythical animal ko," aniya.
Tinignan ni Liam ang dalang tracker. Tulad ng sinabi ni Naomi may mythical animal nga malapit sa kanila.
"Meron nga malapit sa atin. Konting lakad lang kailangan," sabi ni Liam sabay lakad sa direkyong tinuturo sa kanya.
Sinundan naman siya nila Naomi.
"Gumalaw yung mythical animal. Papunta siya sa direksyon na--"
Hindi na natapos ni Liam ang sasabihin niya nang makarinig silang malakas na hini ng ibon. Tumaas bigla ang temperatura ng paligid at isang mainit na hangin ang umihip.
Isang malaking ibon ang natanaw nilang palapit sa kanila. Huminto ito sa taas nila saka ito dahan-dahang bumaba.
"Phoenix," sambit ni Gin.
Naging korteng babae ito na napapaligiran ng apoy sa harapan nila. Nang mawala ang apoy, isang babaeng walang damit ang sumalubong sa kanila. Kulay pula ang buhok nito at kulay orange ang mga mata nito.
"Ako ba hinahanap niyo?" tanong nito.
Lalong nag-init ang pakiramdam ng mga lalaki dahil sa ayos nito.
"Ang init!" sabi ni Adrian sabay iwas ng tingin habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
Kapansin-pansin ang panumula nito dahil na rin sa kulay ng balat nito na sobrang puti.
"Ahem. Kayong mga lalaki, tumalikod muna kayo. Wag niyo sabihing gusto niyo siya titigan?" sabi ni Naomi nang makitang nakatulala sila Tyler.
Kinurot pa niya sa tagiliran si Liam upang matauhan ito.
Nang tignan ni Zaira sina Blaize at Max, tumalikod sila bigla pero hindi nagkaligtas sa mata ni Zaira ang pagtitig nila kaya tinugnan niya ito ng masama kahit hindi na sila nakatingin.
Hinubad ni Naomi ang suot niyang coat saka ito binigay sa babae.
"Suotin mo muna ito," aniya.
Sakto lang ito para matakpan ang katawan niya. Abot hanggamg tuhod ng babae ang coat dahil mas matangkad sa kanya si Naomi.
"Anong pangalan mo?" tanong ni Naomi.
"Hestia," tugon nito saka lumapit kay Naomi.
"Matagal na kitang hinihintay."
Tuluyan nang naging kulay orange ang crystal, senyales na si Hestia ang hinahanap nila.
"Masaya ako na makita ka. Ako nga pala si Naomi. Matagal ka na bang naninirahan dito?"
Tumango si Hestia bilang tugon.
"Alam mo ba kung saan yung nakatira sa bahay malapit dito?"
"Wala nang nakatira doon simula noong dumating ako."
"Gaano ka na ba katagal dito?"
"Dalawang taon."
"Dalawang taon... ibig sabihin matagal nang walang dito yung sinasabi ni granny," sabi ni Liam.
"Baka may masamang nangyari sa kanila. Sabi pa naman ni granny maraming nagtatangkang gamitin sila," sabi ni Zaira.
Hindi niya mapigilang mag-aalala dahil base sa pagkakaitindi niya. Maraming nagtatangkang huliin ang mga space and time wizard dahil sa kapangyarihan nila.
"Sasabihan ko si granny. Vinz, alam mo na gagawin mo," sabi ni Liam.
"Yes Master. Sasabihin ko lahat ng nalaman niyo," tugon ni Vinz bago mawala.
"Balik na muna tayo sa sasakyan saka natin pag-usapan ang sunod na hakbang," sabi ni Greg habang inaayos ang suot na salamin.
"Ano balak niyo?" tanong ni Greg.
"Libutin na muna natin itong East Terrain. Baka may makita pa tayo na mythical animal," sagot ni Liam.
Tumango si Ivan saka nagbigay ng suhestiyon.
"Para mas madali ang paghahanap natin, maghati tayo sa apat na grupo. Ano sa tingin niyo?"
Pumayag ang lahat sa sinabi ni Ivan at nagkanya-kanyang pili sila ng grupo basta bawat grupo may celestial spirit at eternal child.
Binubuo nina Alyza, Dwayne, Levi, Clara, Peirs at Finn ang unang grupo.
Pangalawang grupo naman ang kina Zaira, Blaize, Max, Kaycie, Ivan at Liam.
Pangatlong grupo ang kina Crystal, Kayden, Heidi, Asher, Hazel at Greg.
At ang panghuling grupo sina Gin, Thea, Kim, Adrian, Rhys, at Naomi.
"Kita na lang tayo dito," sabi ni Greg bago sila maghiwa-hiwalay.
Makalipas ang mahigit isang oras,
"Ano Kayden? Wala pa rin ba nangyayari sa crystal mo?" tanong ni Asher.
"Wala... wala pang nangyayari sa amin ni Crystal, hindi pa nga niya ako sinasagot," tugon ni Kayden.
Napailing na lang si Crystal nang batukan ni Asher si Kayden.
"Siraulo! Hindi yung kapatid ko ang tinitukoy ko, yung crystal na binigay ni granny."
"Ang sakit nun ah! Nagbibiro lang naman ako bro."
Napahawak sa likod ng ulo si Kayden saka ito sumagot sa tanong ni Asher.
"Wala pa rin. Tignan mo pa?" aniya sabay pakita ng hawak niyang crystal.
"Ayos lang kaya yun iba?" tanong bigla ni Hazel.
"Wag kang mag-aalala babe, sigurado akong ayos lang sila," tugon ni Asher.
"Babe ka diyan?"
Inis na sabi ni Hazel sabay sipa kay Asher pero umiwas ito habang tumatawa.
"Sus! Pakipot ka pa diyan. Kunwari ayaw niya pero sa loob loob kinikilig."
Pang-aasar sa kanya ni Asher.
"Asa!" sigaw ni Hazel sabay ikot ng mata.
"Cute," bulong ni Asher nang mapansin niyang namumula ito sa kabila nang pagsusungit sa kanya.
"Kuya! Ate!" sigaw ni Heidi habang nanginginig.
"Bakit? Ano nangyari sayo?" tanong ni Asher.
Sa isang iglap sumeryoso ito. Nawala bigla ang mapang-asar na Asher.
Nanginginig na tumuro si Heidi sa mga halamang nasa harap nila. May nakitang gumagalaw si Asher kaya sumigaw ito.
"Sino yan? Lumabas ka diyan!" aniya habang alertong naghihintay sa susunod na mangyayari.
May sumilip na isang demon monster sa halaman saka ito lumundag patungo kay Heidi.
Hinila ni Asher si Heidi saka dinala sa likuran niya habang tumayo naman sa harapan si Kayden at naglabas ng apoy sa kamay.
"Crystal, sa likod lang kayo," sabi ni Asher habang naghahanda makipaglaban.
Humaba ang mga kuko niya at naging kulay asul ang mata niya.
Pagkahagis ni Kayden ng fireball, sumugod na rin si Asher.
"Sandali! Demon ang kalaban. Mas mabuting tumakbo na lang tayo," sabi ni Hazel dahil kumpara sa pangkaraniwang monster mas doble ang lakas ng mga demon monster.
"Mauna na kayo, susunod kami. Kailangan may pumigil sa kanya. Mukhang target niya si Heidi," sabi ni Asher.
Hindi kumilos sila Hazel.
"Umalis na kayo, mas mahalaga ang kaligtasan niyo," sabi ni Greg nang mapansin niyang nagdadalawang isip sila Hazel.
"Tara na," sambit ni Crystal sabay hila kay Heidi para tumakbo.
Sumunod na lang sa kanya si Hazel. Habang palayo sila hindi niya mapigilang tumingin kila Asher hanggang sa hindi na niya ito makita.
Tumigil lang sila sa pagtakbo nang makalayo na sila. Umupo na muna sila para magpahinga.
"Okay lang kaya sila?" tanong ni Hazel.
Sobrang nag-aalala siya sa naiwan nilang kasamahan. Kung malakas lang sana siya, hindi siya tatakbo.
Samantala, sa grupo nila Zaira walang tigil si Kaycie sa pagdikit kay Max.
"Pansin mo naman ako baby."
Pangungulit ni Kaycie kay Max habang nakasunod dito. Binilisan ng binata ang lakad pero tumakbo si Kaycie para humabol. Nang makalapit na ito, dali-dali itong kumapit sa braso ng lalaki.
"Hey! Tigilan mo nga si Ken," sabi ni Zaira habang salubong ang kilay.
Naawa siya sa sitwasyon ni Max. Pansin niya rin na kanina pa ito naiinis.
Bakit ba kasi ang bait niya pagdating sa babae?
Alam ni Zaira na hindi nito kayang manakit ng babae kaya kahit naiinis ito, wala itong ginagawa.
"Bakit ba? Nasayo na nga si Blaize, pati pa naman si Ken aagawin mo?" sagot ni Kaycie.
Lalong nainis si Zaira nang tawaging Ken ni Kaycie si Max.
"Wag mo nga siyang tawaging Ken! Ako lang ang pwedeng gumamit ng Ken sa kanya. Max, ang itawag mo sa kanya."
Sinubukang alisin ni Zaira ang kamay ni Kaycie.
"Bitawan mo siya," sigaw niya nang hindi niya ito matanggal.
"Bakit ka ba naiinis? Don't tell me nagseselos ka?" sambit ni Kaycie sabay lalong dumikit kay Max.
Nagkasalubong ang kilay ni Zaira. Kung pwede niya lang patayin si Kaycie kanina pa niya ito ginawa. Sa pagkakataon na iyon naisip ni Zaira mas mabuting si Zarah ang nasa sitwasyon niya ngayon. Kung si Zarah lang siya siguradong kanina pa nasaktan si Kaycie.
"Oo, nagseselos ako! Masaya ka na? Akin lang itong bestfriend ko."
"Okay fine, sayo na siya! Sa akin na lang si Blaize," sabi ni Kaycie habang nakangiti sabay lipat kay Blaize.
Nang makita ni Zaira na hinayaan lang ni Blaize na kumapit sa kanya si Kaycie, lalo siyang nainis.
"Bakit ka ba namin kasama? Kainis!"
Iritableng sabi niya. Gusto niya na ito suntukin o kaya sabunutan.
"Isa kong celestial guardian. Dapat nga magpasalamat ka dahil ginagawa ko tungkulin ko, kahit ayoko sa inyo."
"Edi salamat. Pwede ka na ba lumayo kay Ian?"
"Duh! Wag ka nga madamot. Nasayo na nga si Max, pati pa naman si Blaize kukunin mo sa akin? Malandi ka rin eh no? Bakit ba hindi ka pumili ng isa para yung maiiwan sa akin na lang."
"Asa ka naman na mapupunta sayo yung isa sa kanila."
"Of course! Sa ganda kong ito? Kahit sino makakagusto sa akin."
Napairap si Zaira sa sagot nito.
"Maganda ka nga, pangit naman ang ugali mo."
"Tumigil na kayo. Mamaya mabulabog niyo yung mga naninirahan dito dahil sa ingay niyo."
Saway sa kanila ni Liam. Natahimik naman ang dalawa.
Napasimangot si Zaira nang wala pa ring ginagawa si Blaize para bitawan siya ni Kaycie. Tinignan niya ng masama ang dalawa bago sinabayan si Max sa paglalakad.
'Siguro gusto niya pa rin si Kaycie kaya ayos lang sa kanya na hawakan siya.'
Lalong nalungkot si Zaira sa naisip. Nakaramdam siya ng kirot sa puso.
Hindi niya alam kaya walang ginagawa si Blaize dahil gusto nito na si Zaira mismo ang magpaalis kay Kaycie katulad ng ginawa niya kay Max.
"Oh? Bakit bigla kang nalungkot?"
Pansin ni Max kay Zaira.
"Wala," sagot nito habang tinutuon ang atensyon sa iba hanggang sa makita niya sila Crystal.
Binilisan niya ang lakad palapit sa tatlo.
"Crystal, ano nangyari sa inyo? Nasaan sila kuya?" tanong niya nang mapansin niyang hindi maganda ang mood ng tatlo.
"May umatakeng demon monster sa amin kanina kaya nagpaiwan sila kuya Paris para makatakas kami," sagot ni Crystal.
Lalong tumamlay ang tatlo. Hindi alam ni Zaira ang sasabihin. Base sa itsura ng tatlo malakas ang kalaban kaya sila tumakbo.
Boom! Isang pagsabog ang umagaw ng atensyon nila.
"Baka nandoon sila Paris. Puntahan natin," sabi ni Liam.
Tumakbo sila papunta sa lugar kung saan nagmumula ang pagsabog.
Boom! Boom! Boom!
Ang tumatagal palakas ng palakas ang naririnig nila.
Nakita nila si Asher na nakaupo sa damuhan, punit-punit ang damit nito habang may iilang galos.
"Sh*t! Bakit ba marunong gumamit ng magic ang demon? Hindi pa ba sapat na halimaw ang lakas ng kayawan nila," sabi ni Asher dahil sa sobrang inis.
"Class A demon? Kaya pala pinatakas nila kayo," sabi ni Ivan kila Crystal.
May apat na klase ang demon. Una ang Class C, ang mga nagsisilbing alipin sa kapwang demon, sila ang pinakamahina. Wala silang kapangyarihan tulad ng ibang demon pero kakaiba maraming resistance ang katawan nila. Kaya madalas ginagami sila pangdipensa.
Sumunod ang Class B na may mga special ability tulad ng invisibility, teleportation at iba pa. Madalas silang gamiting spy o assassin dahil mahirap silang mahuli at makita kahit na wala silang magic.
Pangatlo ang Class A, may kakayahan itong gumamit ng magic tulad ng wizard.
At ang pinakamalakas sa lahat ang Class S demon. Ito ang pinakamalakas sa lahat dahil lahat ng katangian ng mga demon meron ito: physical ability, agility at magic.
Nabubuhay ang mga demon monster sa kadiliman o sa lugar na puno ng dark energy at death aura. Nagmula sila sa Infernal world.
Sapamamagitan ng black hole, pumupunta sila sa Outlandish upang humanap ng makakain.
Lumalakas ang mga demon monster sa pamamagitan ng pagpatay at paghigop ng mga dark energy at death aura. Hindi lahat ng nasa class C na demon nanatiling mahina, may pagkakataon itong maging class B kung marami silang mapapatay.
"Athena!" sigaw ni Asher nang lumipad ang demon patungo kay Zaira.
Hindi agad nakakilos amg dalaga dahil sa gulat at bilis ng pangyayari. Mabuti na lang nahila siya ni Blaize kundi nakuha na siya ng demon monster o baka pinaglalamayan na siya kung hahantong sa pinakamasamang sitwasyon.
"Ayos ka lang?" tanong ni Blaize sabay yakap sa kanya.
"S-salamat," utal na sabi ni Zaira dahil sa kabang nararamdaman.
"Ligtas ka na. Wag ka matakot, hindi kita pababayaan," bulong sa kanya ni Blaize.
Medyo kumalma si Zaira nang maramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito. Pakiramdam niya ligtas siya sa mga braso nito.
Tinignan ni Zaira sila Asher. Hinagisan ni Kayden ng fireball ang demon monster habang na kay Ivan ang atensyon nito.
"Aahhhh!" sigaw nito ng tamaan ito.
Galit itong sumugod kay Kayden pero bago ito makalaban umatake si Asher.
Hindi na alam ng demon kung saan siya titingin. Tuwing susugod siya kay Asher, babatuhin ni Liam ng dark fireball ang demon. Kapag naman magtatangka itong umatake kay Liam susugod si Ivan.
Salitan lang sila sa pag-atake sa demon hanggang sa sumigaw ito.
Napatakip ng tenga si Zaira dahil sa lakas ng sigaw nito habang napalayo sila Liam.
Nagkaroon ng black hole sa kalangitan at doon lumipad ang kalaban.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos! Kuya Hades, atakihin mo!" sabi ni Asher.
Hinagisan ito ng dark fireball ni Liam bago makapasok sa black hole. Tinamaan ang likod nito bago nawala.
Pagbalik nila sa sasakyan, nagsiunahan sila sa kama.
Humiga agad si Zaira dahil sa sobrang pagod. Tumabi sa kanya si Max kaya napatingin siya dito.
Nakapikit ito habang ang isang kamay niya nasa noo. Sinundot ni Zaira ang pisngi nito.
"Bakit?" tanong nito habang nakapikit pa rin sabay tagilid paharap kay Zaira.
Hindi na nagawang lumayo ng dalaga kaya nang dumilat ito nagkasalubong ang mga mata nila.
Bumilis ang tibok ng puso niya at pakiramdam niya may gustong kumawala sa loob niya. Narinig niya bigla ang boses ni Zarah sa isipan niya
'Ang gwapo niya talaga', sabi nito.
"..."
'Mas gusto ko siya kay Blaize. Mas matagal mo na siyang kilala, bakit hindi siya ang piliin mo?'
Napakunot ang noo ni Zaira sa narinig pero hindi pa rin siya umimik.
Rinig niya ang pagbuntong hininga ni Zarah.
'Kung meron lang akong sariling katawan baka inagaw ko na siya sayo.'
Nagulat si Zaira sa narinig. Hindi niya alam na may nararamdaman pala ito kay Max.
'May gusto ka kay Ken?' tanong niya kay Zarah upang masigurado kung tama ang hinala niya.
'Oo, matagal na. Bago mo pa siya magustuhan, nagustuhan ko na siya. Alam mo bang naiingit ako sayo tuwing kasama mo siya.'
"Bakit ganyan ang mukha mo? Mukhang gulat ka," tanong ni Max habang pinapanood ang pag-iiba ng expression ni Zaira.
"May gusto si Zarah sayo."
Wala sa sariling sagot ni Zaira.
'Bakit mo sinabi?'
Napaupo si Zaira dahil sa sigaw ni Zarah.
Tinakpan niya ang bibig niya. Bakit nga ba niya nasabi yun?
"Kaya pala..." sambit ni Max.
Napatuwid ng upo si Zaira at kinakabahang tinignan si Max.
"Kaya pala? Ano?" tanong niya.
Bumuntong hininga si Max saka umalis.
Naging isang palaisipan kay Zaira ang sinabi nito.
Ano ibig sabihin niya? Bakit bigla na lang siya umalis? Bakit pakiramdam niya nasaktan siya nang sabihin niyang mahal siya ni Zarah?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top