CHAPTER 12

"Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito," kanta ni Zaira.

"Lasing na si Athena. Patulugin niyo na," sabi ni Gin habang nakatingin sa dalaga.

"Isa pa! Hihihi! Kakanta pa ako," sabi ni Zaira nang matapos ang kanta.

"Tama na yun. Lasing ka na!"

Pigil sa kanya ni Asher.

"Sinong lasing? Hindi pa ako lasing! Hihihi! Kaya ko pa!"

Nilayo ni Zaira ang microphone nang tangkaing kunin ito.

"Matulog ka na. Last na yun! Wala nang kakanta."

Hinila ni Ashet ang kamay ni Zaira saka sapilitang inagaw ang microphone.

"Ang daya! Gusto ko pa eh!"

Reklamo ni Zaira sabay nguso. Nang mapatingin ito kay Shiro, hinawakan niya ito sa pisngi saka kinurot.

"Ang cute cute mo. Hihihi!" aniya habang pinagigilan ang pisngi ni Shiro.

"Athena, tama na yan."

Awat sa kanya ni Max nang makita nitong namula na ang mukha ni Shiro.

Tumigil naman si Zaira pero siya naman ang hinawakan nito sa mukha..

"Ken, bakit ang ganda mo? Hihihi! Pakiss nga! Love na love ka ng bestfriend mo."

Ngumuso si Zaira saka nilapit ang mukha kay Zaira. Agad hinarang ni Blaize ang kamay niya saka tinakpan ang bibig ng dalaga bago hinila palayo kayo Max.

"Hmmmppp."

"Ssshhh! Matulog ka na," sabi sa kanya ni Blaize.

Hinawakan siya nito sa balikat saka tinulak pahiga sa pagitan nina Shiro at Heidi.

Nakahinga sila ng maluwag nang hindi na ito kumilos at pumikit.

Pero pagkabitaw sa kanya ni Blaize, muli itong dumilat at tinignan si Heidi.

"Bakit nakaupo ka pa diyan? Tara dito! Tulog na tayo," aniya sabay hatak kay Heidi.

Hindi niya ito tinigilan hanggang hindi ito humihiga. Niyakap pa niya ito pinatong ang isang paa na para ba itong unan.

"Ate--"

Natigilan si Heidi nang mapansin niyang tulog na ito.

"Hayaan mo na siya. Matulog ka na rin. Hindi maganda sa bata ang nagpupuyat," natatawang sabi ni Asher.

"Eh? Kuya naman!"

Sinubukang umalis ni Heidi dahil hindi siya sanay na may nakayakap sa kanya habang natutulog pero hindi ito natuloy.

Hinawakan kasi ni Blaize ang kamay ni Zaira na nakapatong sa tiyan ni Heidi saka ito humiga at pumikit.

Napabuntong hininga na lang si Heidi at hinayaan ang dalawa na paggitnaan siya.

Tahimik na ang lahat habang nakahiga. Lahat nakapikit maliban sa isa.

Tinignan ni Stephanie ang katabi niya kung tulog na ito.

Dahan-dahan siyang umupo at pinagmasdan si Zaira habang iniisip kung susundin ba niya ang inutos sa kanya ni Magnus.

Nang maglakad-lakad sila, nagkaroon ng pagkakataon si Magnus na kausapin si Stephanie.

"Kumuha ka ng dugo ni Zaira at ibigay mo sa akin sa may cliff malapit sa tinutuluyan niyo. Hihintayin kita doon," aniya sabay abot ng isang box na may lamang injection.

"Kailangan ko ba talaga gawin ito?" tanong ni Stephanie.

"Kung gusto mong matuwa sayo ang ama mong hari, sundin mo ang inuutos ko."

Napabuntong hininga si Stephanie. Naisip niya na wala naman masamang mangyayari kay Zaira dahil kukuha lang naman siya ng dugo.

"Sige."

"Good, mauna na ako bago pa may makakita sa akin."

Nilabas ni Stephanie ang tinatagong injection saka lumapit kay Zaira.

"I'm sorry," bulong niya bago ito itusok at kumuha ng dugo.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa kaba na baka magising ito. Nakahinga lang siya ng maluwag nang mapuno ng dugo ang injection.

Bubunutin na sana niya ito nang may humawak sa kanya.

"What are you doing?" tanong ni Blaize.

Halos mapalundag siya sa takot pero agad rin siya kumilos.

Kinagat niya ang kamay ni Blaize upang mapabitaw ito saka dali-daling binunot ang injection bago tumakbo.

Pinunasan muna ni Blaize ang butil ng dugo ni Zaira sa braso nito dahil sa biglaang pagbunot ng injection bago bumangon para sundan si Stephanie.

Paglabas niya hinarangan siya ni Ivan.

"Kami na bahala sa kanya. Bumalik ka  na sa loob at bantayan si Zaira," aniya habang nakatingin ng seryoso kay Blaize.

Binasa saglit ni Blaize ang isip niya at nang makita niyang alam nila ang nangyayari, hindi na siya napumilit na umalis. Alam niyang may plano na sila.

Pagbalik ni Blaize sa loob, pinagmasdan niya si Zaira. Inalis niya ang buhok nito na nakaharang sa mukha para makita niya ng buo ang mukha ng dalaga.

'She's beatiful and different from all the girl that I met. I like everything about her and everyday I'm falling deeper for her. I really love this girl and I'm willing to go back to my old self just for her,' sa isip ni Blaize habang nakatulala kay Zaira.

Natauhan lamang siya nang magsalita ang dalaga.

"Ian..."

Hinawakan ni Zaira ang kamay niya habang salubong kilay nito.

"Mahal na mahal kita. Please, wag mo kong iwan," aniya habang nanaginip.

Napangiti si Blaize saka pinunasan ang luhang tumulo sa mata ng dalaga.

"Mahal na mahal din kita. Hindi kita iiwan, nandito lang ako sa tabi mo palagi," sambit ni Blaize.

Samantala, hinihingal na nakarating sa cliff si Stephanie.

Medyo nagulat pa siya nang makita niya ang tatlong kasama ni Magnus.

"Dala mo ba?" tanong ni Magnus.

Pinakita ni Stephanie ang hawak na injection.

"Good."

Nakangiting sabi nito habang pinagmamasdan ang dugo.

Iaabot na sana ito ni Stephanie nang nakaramdam siya ng malakas na aura sa likod niya hanggang sa balutin siya niyo.

"Ano ginagawa mo? Dalian mo ibigay mo na sa akin ang hawak mo," sabi ni Magnus.

"Hindi ako makagalaw."

Naging mabigat ang paghinga niya dahil sa pressure na nararamdaman. Kung normal na tao lang siya baka kanina pa siya napaupo.

"What?"

Napasigaw sa inis si Magnus saka tinignan ng masama si Stephanie.

"Tingin niyo ba maiisahan niyo kami? Pagkakita ko pa lang sayo alam kong may binabalak ka na," sabi ng isang lalaki sa likod ni Stephanie.

Kinuha nito ang injection na hawak ng dalaga saka ningisian si Magnus.

Nagdilim ang mukha ni Magnus saka ito gumanti ng masamang tingin.

"Blaire," aniya.

Dahil na kay Ivan lang ang atensyon nila, hindi nila napansin si Kura na kasalukuyang lumilipad sa langit

Kundi pa sila pinaulan ng dark fireball ni Liam, hindi nila ito mapapansin.

Pinalakas ni Mrs. Fiester ang apoy na gawa ni Liam sa pamamagitan ng hangin kaya mas lumaki ito.

Tumalon ang mag-asawang Fiester mula sa likod ni Kura.

Pagkababa nila halos makalimutan na ni Stephanie huminga dahil sa pressure na nilalabas ng dalawa.

Kinaumagahan,

Napahawak ng ulo si Zaira. Pakiramdam niya mabibiyak ito sa sobrang sakit.

"Hindi na ako iinom sa susunod," sambit ni Zaira.

"Athena, halika na dito! Magkape ka para matanggal hangover mo."

Tawag sa kanya ni Mrs. Fiester.

Paglapit niya inabutan siya agad ng kape.

"Dahan-dahan lang sa pag-inom. Mainit pa yan."

Paalala pa sa kanya nito. Tumango si Zaira bilang tugon saka tinignan si Blaize; umiinom rin ito ng kape habang kausap si Ivan.

Hindi naman niya marinig ang pinag-uusapan nila.

"Athena."

"Po?" sagot ni Zaira sa kanyang ama nang tawagin siya nito.

"Naalala mo pa ba ang sinabi sa inyo ng lola niyo tungkol sa 12 celestial guardian at kung ano sunod niyong gagawin kapag nahanap mo na sila?" tanong nito.

"Alin po? Yung kailangan namin hanapin yung mga sandata na makakatulong sa amin sa paglaban?"

"Oo anak. Kumpleto na ang celestial guardians, oras na para gawin niyo ang sunod na hakbang."

"Kailan kami mag-uumpisa?"

"Mamaya, gamitin niyo ang sasakyan ni Greg sa paglalakbay."

"Paano po pag aaral namin?"

"Nakapagpaalam na kami kay headmaster black," sagot ni Mrs. Fiester.

"Pumayag siyang maglakbay kayo. Paglabasin nilang nasa training kayo kasama ng Keeper."

Paliwanag nito kaya napatango na lang si Zaira.

"Alam na po ba ng iba?" tanong niya.

"Mamaya sasabihin  namin sa kanila," sagot ni Mr. Fiester.

Hindi na nagtanong si Zaira at tinuloy na lang ang pag-inom ng kape. Nang matapos siya tumayo na siya at bumalik sa sala saka tinignan ang iba na tulog pa rin hanggang ngayon.

"Morning," bati ni Zaira kay Crystal nang magising ito.

Tinanguan siya nito saka bumangon at naglakad patunggong kusina.

Bibalik ni Zaira ang tingin sa mga kasamahan nila.

"Bakit parang may kulang? Nasaan si Stephanie?" tanong niya kay Asher.

"Nauna ng umalis. Hindi naman siya pwedeng sumama sa atin diba? Saka hindi niya rin pwede malaman yung tungkol sa paglalakbay natin."

"Hindi niyo man lang ako ginising para makapagpaalam ako sa kanya."

"Nagmamadali na siyang umalis," sabi sa kanya ni Mr. Fiester. Base na rin sa totoong nangyari. Wala silang balak sabihin kay Zaira ang totoo dahil masasaktan lamang ito.

***

Sa Demesne,

Isang malakas na sampal ang bumungad kay Stephanie nang harapin niya si Haring Linus.

"Ang tanga mo talagang bata ka! Ano na gagawin natin ngayon? Alam na nila na ikaw ang mata namin sa Black Academy," sigaw sa kanya ni Haring Linus.

Sa sobrang galit nito, akmang sasampalin siya nito ulit pero hinarangan na siya ni Henry.


"Ama tama na yan," sabi ni Henry habang sinusubukang itago sa likod niya si Stephanie.

"Tumabi ka diyan! Kailangan niya maparusahan para matuto. Wala na nga siyang naitulong sa atin puro sakit pa sa ulo ang binibigay. Wala ka talagang kwentang tao!"

Napayuko si Stephanie nang marinig ang masasakit na salita mula sa kanyang ama. Para siyang binuhusan ng malamamig na tubig sa sinabi nito. Ginawa niya ang lahat para bigyan sila ng impormasyong nakuha niya sa black academy, pero lahat yun balewala. Para sa ama niya wala pa rin siyang kwenta.

Alam niya na kaya ito ganun sa kanya dahil sa pinanganak siyang tao. Simula nang iwan si Haring Linus ng kanilang ina para sumama sa ibang lalaki, lumaki ang galit nito sa tao.

Kahit ganun umaasa pa rin siya na mamahalin siya ng kanyang ama kaya ginawa niya ang lahat. Pero matapos niya marinig ang sinabi nito hindi na niya napigilang maglabas ng sa ng loob.

"Lagi naman eh! Lahat ginawa ko para sa inyo, pero lahat yun balewala. Lagi na lang akong mali! Lagi na lang yung mali ang nakikita niyo. Kailan ba ako naging tama sa inyo?" sigaw ni Stephanie na ikinagulat ng kanyang kakambal na si Henry.

Iyon ang unang beses na sumagot ito sa kanilang ama.

"Steph, tama na."

Awat sa kanya ni Henry sa takot na baka lalo siyang saktan ni Haring Linus.

Umiling si Stephanie habang umiiyak.

"Sumosobra na siya. Sawang-sawa na ako maging sunod-sunuran sa kanya. Pagod na pagod na ako. Kahit anong gawin ko hindi magbabago ang tingin niya sa akin!"

Sa sobrang sama ng loob ni Stephanie hindi niya namalayang naging pula na ang niya.

Napansin naman ito ni Henry kaya agad siyang hinila nito upang makita niya ng maayos.

"Steph, kailan ka pa naging bampira?" tanong nito nang masiguradong nag-iba ang itsura ng kapatid.

Naging mas maputla ito kumpara noong umalis ito para mag-aral sa Black Academy.

Napaiwas ng tingin si Stephanie dahil hindi pa nito sinasabi ang tungkol sa nangyari sa kanya.

"Nakagat ako ng bampira sa black academy," sagot niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kamusta pakiramdam mo?"

Hindi sumagot si Stephanie.

"Steph?"

"Hayaan mo siya kung ayaw niya magsalita. Bumalik ka na sa kwarto mo," sabi ni Haring Linus kay Henry saka tinignan ng seryoso si Stephanie.

Kalmado na ito kumpara kanina pero hindi pa rin maiwasang mabahala ni Henry dahil sunod na sinabi nito.

"Sumama ka sa akin may pupuntahan tayo," sabi ni Haring Linus sabay hawak sa kamay ni  Steph upang hilain.

"Ama, saan mo siya dadalhin?" tanong ni Henry.

Tumigil sa paglalakad si Haring Linus.

"Sa Guiria, para namang may pakinabang itong kapatid mo ipapakasal ko siya sa anak ni Haring Lazaro."

"Po? Ipapakasal mo siya kay Dominic? Ama, sasaktan lang niya si Stephanie. Alam mo naman na sadista ang lalaking yun."

Sinubukan niyang bawiin si Stephanie sa kamay ni Haring Linus pero isang masamang tingin ang ibinig nito kasabay ng malakas na aura.

Dahil sa pressure na nararamdaman hindi na nakagalaw si Henry.

"Napagkasunduan na namin ito ni Haring Lazaro. Kung hindi natin ibibigay ang gusto nila, magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng kaharian natin at ng kahariang nila."

"Pero Ama mapapahamak lang si Stephanie kay Dominic."

"Wala akong pakialam kung ano gawin sa kanya ni Dominic, mas mahalaga sa akin ang kaharian. Bumalik ka na sa kwarto mo bago pa kita ikulong."

Napakuyom ng kamao si Henry sa sobrang galit. Alam niyang wala siyang laban sa ama niya kung susugurin niya ito. Napapikit na lang siya nang tuluyang hilain ni Hariny Linuns si Stephanie.

"Ama, ayoko po magpakasal kay Dominic. Please, maawa po  kayo sa akin."

Pakiusap ni Stephanie sa kanyang ama pero tinulak lang siya nito papasok sa kwarto niya.

"Tahimik! Ayusin mo ang sarili mo. Aalis na tayo mamaya," sabi nito sabay sarado ng pinto.

"Mahal na prinsesa, maligo na po kayo at magbihis," sabi ng katulong niya.

'Prinsesa? Mukha ba akong prinsesa sa paningin niyo?' sa isip ni Stephanie.

"Iwan niyo na lang diyan ang susuotin ko. Kaya ko maligo mag-isa," sabi ni Stephanie nang subukan siyang sundan sa banyo.

Pagkasara niya ng pinto muli nanaman siya naluha. Tinignan niya ang kwintas na iniwan sa kanya ng kanilang ina.

"Ina, bakit mo ko iniwan dito? Sana sinama mo na lang ako sa pag-alis mo," sambit niya habang umiiyak.

***

Sa Terrain,

"Wow! Ganito pala loob ng  palasyo," sabi ni Kim.

Unang beses pa lang niya makapasok sa loob ng palasyo ng Terrain kaya hindi niya mapigilan ang sarili na tignan ang bawat sulok nito.

"Maligayang pagbalik sa inyo mga apo," sabi ni Queen Eliza kila Zaira sabay yakap sa kanila.

"Sa wakas matatawag ko na rin kayong apo," aniya kina Crystal, Alyza at Gin.

Napatingin siya kila Blaize.

"Kayo ba ang mga celestial guardian?Bakit ang dami niyo?"

"Pinasama po ni Headmaster Black ang Keeper ng Black Academy," sagot ni Mr. Fiester.

"Okay, mas marami mas maganda. Sumunod kayo sa akin. Sasabihin ko sa inyo kung paano niyo makikita ang mga mythical animal at weapon."

Nagpunta sila sa library. Umupo si Reyna Eliza sa madalas niyang pwesto tuwing nagbabasa siya ng libro. Sa mesa niya may mapa na nakabukas at may lalagyan na naglalaman ng maliit na bolang crystal.

Napatingin sila Zaira sa crystal dahil nakaguhit doon ang simbolo ng mga celestial guardian.

Nang mapansin ito ni Reyna Eliza, kinuha niya ang lalagyan saka nilapit kila Zaira bago pinaliwanag ang gamit ng mga crystal.

"Ito ang magtuturo sa inyo kung nasaan ang mga mythical animal na kailangan niyo. Sila ang una niyong hahanapin dahil sila lamang makatulong sa inyo para mahanap ang weapon ng mga celestial guardian."

Pagkatanggal ng seal, nagsilutangan ang mga crystal at lumipad patungo sa mga celestial guardian.

"Mag-iiba ang kulay ng mga crystal kapag nasa tabi niyo na ang mythical animal katulad ng kay Blaize."

Napatingin sila Zaira sa crystal ni Blaize. Kasalukuyan itong umiilaw ng kulay pula habang ang sa iba transfarent lang.


"Ingatan niyo yang crystal. Ito ang mapa ng buong Outlandish. Nakalagay diyang ang buong detalye ng bawat lugar, pangalan man bundok o gubat nandyan na. Mag-iingat kayo sa paglalakbay niyo."

Kinuha ni Liam ang mapa saka nagpasalamat.

"Salamat po."

Tinanguan siya ni Reyna Eliza bago nilingon si Mr. Fiester. Alam niyang may sasabihin rin ito.

"Mas maganda kung umpisahan niyo maghanap dito sa terrain. Gamitin niyo itong tracker para makahanap  kayo ng mythical animal," sabi ni Mr. Fiester saka pinaliwanag ang gamit nito.

May binigay itong gadgets; makikita doon kung nasaan sila at kung saang lugar merong mythical animal. Kaya nitong makasagap ng magical energy na na meron ang isang mythical animal. Magkakaroon ng pulang tuldok ang lugar kung saan may nasasagap ito. Makikita rin sa tracker kung gaano sila kalayo sa mythical animal.

"Mag-iingat kayo. Greg, ikaw na bahala sa kanila," sabi ni Mrs. Fiester.

Bago sila umalis lumapit si Zaira kay Reyna Eliza.

"Granny, may kilala po ba kayong space-time manipulator?" tanong niya.

"Meron apo. Bakit mo natanong?"

"Kailangan po kasi namin siya para makabalik si Heidi sa hinaharap."

Tinignan ni Reyna Eliza si Heidi saka tumango.  Hindi na ito nagtanong kung ano nangyari.

"Sa panahon ngayon bihira lang ang wizard na may kapangyarihan na space and time. Si Nora lang ang kilala kong marunong gumamamit. Nakatira ang pamilya niya sa loob ng gubat ng silangang bahagi ng Terrain."

"Bakit po doon siya nakatira? Bakit hindi sa Tera firma?"

"Para magtago. Marami kasing naghahangad gamitin ang kapangyarihan niya sa kasamaan. Matagal na rin akong walang balita sa kanya. Pupuntahan niyo ba siya?"

"Opo."

"Sa may talampas ng silangang Terrain siya nakatira. Mas mabuting lumipad kayo papunta doon dahil mataas ito."

Tumango si Zaira bilang tugon.

"Salamat po Granny."

Ngumiti si Reyna Eliza saka hinawakan sa kamay si Zaira.

"Mag-iingat kayong lahat."

"Opo," sagot ni Zaira saka niyakap si Reyna Eliza.

Habang nagpapaalam ang iba, lumapit si Liam kay Max. Inakbayan niya ito saka bumulong.

"May ideya na kami kung sino yung pinapahanap ng mama mo."

Natigilan si Max sa narinig.

"Sino?"

Pagkarinig niya ng pangalan, nagtatakang tinignan niya si Liam. Hindi niya inaasahang kilala niya ang pangalang babanggitin nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top