4. Your Body



BLOOD SLAVES

CHAPTER FOUR

"Your Body"


"Paano mo ako matutulungan?"

Iyan ang unang tanong na lumabas sa kanyang bibig. Paano siya matutulungan ng lalaking 'to na makaalis sa lugar na 'to at makalaya sa buhay na 'to bilang blood slave ng mga bampira?

"Let's just say that I'm that someone who is capable of doing anything. Saving a mere girl like you is easy as click," sagot ng lalaki sa kanya.

Walang bumibitaw ng tinginan nila sa isa't isa. He has an innocent godly face but his eyes can pierce you just by looking. And if his deadly stare can kill you, she's maybe dead at the moment his eyes laid on her. Pero ang ipinagtataka niya ay bakit ganito ang tingin na ibinibigay sa kanya ng lalaki. She has seen this kind of look. Vampires who desire her gave her this kind of stare. Lustful and deadly eyes... She definitely knows he wants something more than just her blood. His face might not show that lusty desires, but she can see it right through his eyes. He wants more than just her blood.

Napalunok siya.

"I can get you out of here. This place is still lurking with vampires. It's not easy to get out. And your smell..."

Nakita niya ang pagngisi ng lalaki sa kanya. "Your smell is really special. You smell different."

Alam niya. Alam niyang hindi siya makakalabas ng buhay sa lugar na 'to.

Umiwas siya ng tingin sa lalaki. "Kahit makalabas ako rito, kahit mailabas mo ako rito, paniguradong hahanapin pa rin ako ng bampirang nakabili sa 'kin ngayong gabi."

Hindi sumagot sa kanya ang lalaki. Sa halip ay lumayo ito sa kanya saka ito muling naglakad pabalik sa lamesa.

"Who bought you?"

"Isang mayaman na bampira na nagngangalang Liam Tan."

Tumango ito sa kanya saka ito tumingin sa bangkay ng lalaki sa lapag. "That is his uncle. He ran this whole place. Itong tinatawag niyong Underground."

Gulat na gulat siya sa nalaman. Tumingin siya ng hindi makapaniwala sa lalaki. Kung kaya nitong pumatay ng bampirang mayayaman at mayroong malalakas na kapangyarihan, ano pa ang mga kayang gawin nito? Kaya ba ganoon na lamang sila katakutan ng mga bampirang nakita niya kanina? Kung ganoon, sino ang mga ito? Sino ang mga lalaking ito na bigla na lamang umatake dito sa Underground? Ano pang klaseng kapangyarihan ang mayroon sila? Kaya nilang patumbahin ang Underground ng ganito kadali... Hindi ba't mas delikado itong lalaking nasa harapan niya?

"Speechless?" tanong ng lalaki sa kanya. "If you want, I can also kill the man who bought you. You just have to tell me. Kung anong ginawa ko sa uncle niya, kaya ko ring gawin sa kanya."

"Bakit?" Naguguluhan siya. Hindi niya maintindihan ang lalaki.

"Bakit gusto mo akong tulungan?"

"Hindi sa gusto kitang tulungan. This whole thing was just an order from my boss. Saving humans like you is our top priority."

Kumunot-noo siya. "Kung utos sa inyo 'to, bakit kailangan mo pa ng kapalit mula sa akin?"

Nakita niya ang pagngiti ng lalaki na mas lalong ikinatakot niya. There is something behind his smile. He has motives. Pero hindi niya malaman kung ano iyon. At ito ang ikinatatakot niya.

"Clever girl."

Umupo ito muli sa lamesa at humarap sa kanya. Tinanggal nito ang kurbata na suot-suot nito saka nito tinaggal ang unang tatlong butones sa navy blue na longsleeves na suot-suot nito. Kumuha ito ng ballpen na nakalagay sa lamesa at sinimulang paglaruan ito.

"You've sacrificed so many things for your loved ones. Kaya ka nandito. Am I right?"

Hindi siya sumagot sa tanong nito.

"Kung walang-wala ka na, anong kaya mong isakripisyo para sa mga taong mahal mo? Katawan mo?" tanong ng lalaki na hindi niya mabigyan ng kasagutan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagtanong sa kanya. Ngunit kahit siya ay hindi masagot ang tanong nito. She'd sacrificed herself. Is it not enough?

Tumingin ang lalaki sa kaniyang katawan mula ulo hanggang paa. Napalunok siya sa tingin na ibinigay nito sa katawan niya.

"Puso mo?" Itinaas nito ang ballpen at itinuro ito sa kaniyang dibdib.

"O buhay mo?" Nagulat siya nang makitang nasa harap na niya muli ang lalaki. Gumapang ang kamay nito sa kanyang leeg at sinakal ito. Buhay ba niya?

"Ano?" tanong pa ng lalaki.

"Isa kang alipin na lumaki sa lugar na 'to. Nagsakripisyo ka na para sa pamilya mo. Buhay mo ang ibinigay mo kapalit doon. Sa pagkakataon na 'to, anong kaya mong ibigay sa 'kin kapalit ng tulong ko na mailabas ka sa lugar na 'to at protektahan ka sa mga bampirang humahabol sa dugo't katawan mo?"

Sunod-sunod ang mga ibinigay nitong katanungan na ikinagulat at ipinagtaka niya. Kanina lamang ay taimtim itong nakatingin sa kanya. Subalit ngayon ay pinaulanan siya nito ng mga tanong na hindi niya mabigyan ng sagot.

"Nagmamadali ako at inuubos ko ang oras ko sa 'yo ngayon. Marami pa akong gagawin kaya bigyan mo ako ng magandang sagot para tulungan ka."

Hindi siya umimik. Lumayo siya sa lalaki. Nakita niya ang vase sa gilid. Kinuha niya iyon at hinayaan na bumagsak ito sa lapag. Kumuha s'ya ng isang matulis na parte ng basag na vas. Gamit iyon ay sinugatan niya kaniyang sarili. Hinayaan niyang pumatak ang kaniyang dugo sa sahig habang nakatingin lamang sa pulang likido na dahan-dahang kumakalat sa lapag. Nakayuko siya at walang lakas loob na tumingin pabalik sa lalaki.

"Isang bagay na makakatulong para sa 'yo..." bulong niya.

Ito lamang ang naiisip kong bagay na makakatulong sa 'kin at maibibigay ko sa 'yo...

"Wala akong pangalan. Wala akong kayamanan. Wala akong ibang pagmamay-ari kung hindi ang katawan na 'to at kung ano ang nandito," sagot niya at itinuro ang kaniyang ulo. Alam niyang hindi sapat ang mga kaalaman niya lalo na't pinalaki siya bilang isang alipin pero ito lamang ang mayroon siya.

Dugo, kaalaman, at ang kanyang katawan.

"Nagmamadali ka at desperada na ako. Saan ka ba makikinabang ng husto sa katawan na 'to? Ito..." Itinaas niya ang kaniyang kamay at ipinakita ang dugo niyang patuloy na lumalabas mula sa kaniyang sugat.

Kung kaya siya nitong protektahan, ibibigay na niya ang lahat makawala lamang sa buhay na 'to.

"Dugo. Dugo na siyang bumubuhay sa katulad mo."

Hindi umimik ang lalaki. Sa halip ay hinawakan nito ang kanyang kamay at dinilaan ang dugong tumutulo dito. Nagulat siya sa ginawa nito. Damang-dama niya ang malambot nitong labi sa kanyang balat at ang nakakakiliting malambot na dila na gumagapang sa kanyang kamay.

"Huwag mong sugatan ang sarili mo. Huwag mo ring sayangin ang dugo mo. Katawan mo na lamang ang maibabayad mo sa 'kin. Ingatan at pangalagaan mo 'to," wika sa kaniya ng lalaki. Mas lalo pa siyang nagulat sa sinabi nito. Hindi niya mabasa ang lalaki. Hindi niya malaman kung ano ba talagang habol nito sa kanya. Bakit handa itong magsayang ng oras para sa kanya? Para sa anong bagay?

Hinawakan ng lalaki ang maputla niyang labi. Ginapang nito ang kaniyang kamay patungo sa malamig nitong pisngi. "Kapag nawalan ng saysay itong katawan mo, ano na lamang ang ibabayad mo sa 'kin?"

Nakayuko pa rin siya at walang balak na tumingin sa lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang baba upang iangat ang kaniyang ulo. Dito ay napilitan siyang tumingin sa lalaking magliligtas sa kaniya. Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kaniyang baywang. Ramdam na ramdam niya ang paghagod ng kamay ng lalaki sa kurba ng kaniyang tagiliran.

Lumunok siya nang maramdamang bumaba ito sa kaniyang puwetan. Napasinghap siya nang bumaba ito sa likuran ng kaniyang hita.

"Ito ba?" tanong ng lalaki.

"Isa ba 'to sa mga ibabayad mo sa 'kin?" tanong pa nito. Nakita niya ang pagkurba ng labi ng lalaki. Natutuwa ito sa nakikita at nahahawakan sa kaniyang katawan. Kung inaakala niya atang ligtas na siya ay mukhang nagkakamali siya.

Dahil tila bumalik lamang siya sa buhay niyang impyerno. At ngayon ay sa ilalim ng lalaking ito.

"Dugo..." mahinang sagot niya.

"Dugo lamang ang kaya kong ibigay," dugtong pa niya.

"Ahhh..." Tila na-dismaya ito pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi nito.

"Blood slave?" tanong ng lalaki sa kaniya.

"Ito ang tawag sa inyo, hindi ba?"

Tumango siya. Binitawan siya ng lalaki at lumayo sa kaniya. Nagpamulsa ang lalaki sa kaniyang pantalon at itinagilid nito ang kaniyang ulo. Hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Mukhang wala rin talaga itong interes sa dugo niya kahit gaano pa ito ka-espesyal.

"Pasensya na pero hindi ako tumatanggap ng katulad mo."

Nasaktan siya sa sinabi nito. Ilan na ba ang bampirang nakakuha sa kaniya? Ilan na ba ang umabuso sa kaniya? Ilang bampira na ba ang bumaboy sa kaniya? Hindi na siya bago. Laspag na kung tawagin. Ilang beses na siyang pinagpasa-pasahan. Ano bang inaakala niya? Na tatanggapin siya agad ng bampirang nasa harap niya?

Sino nga bang tatanggap ng isang katulad niya na gamit na?

"Ayoko ng dugo," wika pa ng binata.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Kung hindi dugo, anong gusto mo?"

Lakas-loob na siyang nagtanong dito. Desperada na siya. Gusto na niyang makawala dito. At kung ang lalaki lamang na nasa harap niya ang huli niyang pag-asa ay kakapitan na niya ito. Makaalis lamang siya sa lugar na 'to.

Tinuro ng lalaki ang kaniyang katawan.

"Katawan mo ang gusto ko." Binasa ng lalaki ang kaniyang labi gamit ang kaniyang dila saka ito ngumiti sa dalaga.

"Ibibigay mo ba?" tanong pa nito.

Anong isasagot niya? Papayag ba siya sa alok nito? Papayag ba siyang ibigay ang katawan niya rito? Kaya niyang ibigay ang kaniyang sarili sa lalaki ngunit dugo lamang ang kaniyang kayang ialok. Pero ang katawan niya gamit sa ibang paraan?

Anong sagot upang makaalis sa lugar na 'to? Upang magtapos ang kaniyang paghihirap dito? Ito na lamang ba ang natitira? Kakapit ba siya sa alok ng isang demonyo? Huminga siya ng malalim. Tumingin siya muli sa lalaki. Diretso sa mga mata nito.

Desperate times require desperate measures. She badly wants to get out of here.

Hindi niya alam kung saan gagamitin ng lalaki ang katawan niya ngunit susugal na siya.

"Kung iyan ang gusto mo, ibibigay ko," sagot niya sa binata.

Nakita niya ang dahan-dahang pagngiti ng binata. Lumapit ito sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang baywang habang ang isang kamay naman nito ay nasa kaniyang batok. Laking gulat niya nang bigla siyang halikan ng binata. Humawak siya sa braso nito nang maitulak siya nito hanggang sa tuluyan s'yang sumandal sa pader. Ramdam na ramdam niya ang panggigil nito at ang pagkauhaw nito. Sa sobrang pagiging agresibo nito ay naramdaman niyang nagdudugo na ang kaniyang labi.

Ngunit hindi huminto ang lalaki dito. Sa halip ay naramdaman niya ang pagdila at pagsipsip ng lalaki sa kaniyang dugo. Napapikit siya nang makaramdam siya ng hapdi at kirot. Biglang humiwalay ang lalaki sa kaniya. Hingal na hingal siya sa ginawa nito dahil halos hindi na siya nakahinga. Muli ay nakita niyang napangiti ito sa kaniya.

"Hindi na masama," komento pa nito.

"Sa akin ka na. Pagmamay-ari na kita."

"Nasa likod ng labi mo ang marka ko sa 'yo," dugtong pa nito.

Tumalikod ang lalaki saka ito tumingin sa kaniyang paligid. Ngunit nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.

"Kung gusto mong kumawala, kailangang patayin mo muna ako."

Hindi siya umimik at sa halip ay hinawakan lamang ang kaniyang labi.

"Ahhh..." Tila may naalala ang binata.

"Wala kang pangalan hindi ba? Lumaki kang isang Blood Slave. Natitiyak kong wala kang pangalan," tanong nito saka ito muling tumingin sa kaniya. Tumango siya sa lalaki.

"Dahil akin ka na, tatawagin kita sa kahit anong gusto ko. Pero sa ngayon, bibigyan kita ng pangalan."

"Andi," wika ng lalaki. "Simula ngayon, ang pangalan mo ay Andi."

Andi...

"At ikaw?" tanong niya sa lalaki.

"Anong pangalan mo?"

Ngumiti ito sa kaniya. "Alexander. Alexander ang pangalan ko."

Alexander...

"Alexander..." tawag niya rito.

Muli ay nakita niya ang pagnanasa sa mata nito at mapaglarong ngiti sa labi nito.

"Your voice sounds so good."

Nagulat siya sa sinabi nito. Tinawag lamang niya ang pangalan ng lalaki.

"I can't wait to hear you shout and moan my name in bed."

Nabato siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi na mawala pa ang mga ngiti nito sa labi na mas lalong ikinatakot niya.

"Let's hear it later. For now, let's get out of here."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top