11. Bad News


BLOOD SLAVES

CHAPTER 11 – BAD NEWS


Every day Andi would sit beside the window and drink her coffee peacefully. All-day her mind would be in a complete mess trying to sort out how she would explain everything to Alexander. Right after she and Maru talked, she stayed in the living room until the evening. She was readying herself, taking notes, and being careful to pick the right words so there would be no misunderstandings. Yet when she went down to the dining room, she was greeted by all the employees and she couldn't find him. She was told that the three went outside in a hurry as if there was an emergency. Still, Alexander didn't forget her and reminded the employees to take care of her.

He also left a note for her.

I'll be back late. Eat, Andi. Don't wait for me if you're too sleepy. I'll be back as soon as I can.

That night, she ate alone inside a big dining room and at a long dining table.

She went back to his room. She cleaned herself and took a good and refreshing shower. There was already a set of clothes on the bed when she went out of the bathroom. She stayed there inside the room, sat on the bed, and patiently waited for him but he didn't come. She fell asleep because she couldn't wait any longer. She then was bothered by her nightmares every night again.

This was her constant routine every day while she was waiting for him to come home. She would just sit idly in the living room while drinking coffee. Sometimes she would walk around the house and check every room to see interesting things. She would eat five times a day. Breakfast, lunch, snack, dinner, and another midnight snack as she couldn't really sleep. Every day right after she took her walk, she would go back to the living room and look outside expecting to see him, but there was no trace of that man.

It was already been a week since the last time she saw Alexander and she was getting worried.

"Madame, kararating lamang po ng mga bagong damit at mga bago niyong gamit. Ipapadala ko na lang po ba 'to sa kuwarto mo?" tanong ni Dana. Ito rin ang unang empleyado na nagsilbi sa kanya. Ito na rin tila ang personal maid niya dahil ito ang laging tumutulong sa kanya araw-araw.

Ang kuwarto naman na tinutukoy ni Dana ay ang bagong gawang kuwarto para sa kanya. Kinabukasan nang sinabi sa kanya ni Alexander na bibigyan siya nito ng sariling kuwarto ay ibinalita rin agad ni Dana ang kanyang bagong kuwarto.

When she saw the room, she was surprised. It was a big and spacey room. She had her own bathroom, closet, large bed, and even a personal space where she could do her own stuff. There was a computer, a bunch of bookshelves, paintings, and other decorations hanged on the wall. She was in awe as she stood there at the door, unable to move her own feet.

Unti-unting dumadami ang mga damit araw-araw dahil araw-araw din ang pagdating mga gamit na ibinili para sa kanya ni Alexander. Ngunit kahit may sarili siyang kuwarto ay bumabalik pa rin siya sa kuwarto ng binata para doon matulog. Mas komportable at tila mas nakakasiguro siyang ligtas siya sa kuwarto nito.

Tumango lamang si Andi sa katanungan ni Dana habang tahimik itong nakaupo sa paborito niyang puwesto at iniinom ang kapeng itinimpla para sa kanya ng dalaga.

Kalmado man siya kung makita ng mga empleyado ngunit sa totoo n'yan ay hindi na ito mapakali. Iniisip niya kung mayroon bang paraan para ma-contact si Alexander. Usong-uso na ang cellphone sa panahon ngayon at sobrang advance na ng teknolohiya.

"Dana, alam niyo ba kung may telepono si Alexander?"

Napahinto saglit si Dana nang magtanong si Andi sa kanya. Napaisip din ito kung nakita niya nga ba ang kanyang amo na may dala-dalang telepono.

Tumango si Dana. "Mayroon po. Madalas si Sir Alexander sa study room niya dahil doon po s'ya palagi nagtra-trabaho."

"Trabaho?" tanong ni Andi.

Tumango muli si Dana. "Madaming mga kailangang asikasuhin sa kumpanya."

Doon napagtanto ni Andi kung bakit ganito na lamang kayaman ni Alexander. May negosyo ito na hindi lamang sa mundo ng mga tao ngunit pati na rin sa mundo ng mga bampira. Muli na naman siyang napaisip, kung ganito at sobrang yaman ng binata, ano nga bang estado ni Alexander at ng kanyang mga kapatid sa mundo ng mga bampira? Bakit gano'n na lamang kadali sa kanya na patayin ang mga bampira sa Underground sa loob ng isang gabi?

Narinig na niya ito noon mula sa bulong-bulungan ng mga bampirang pinagsilbihan n'ya noon.

They're back.

We're doomed.

What's going to happen to us now?

What will happen if they take over again?

Living with the vampires for years, she knew how they work and how status was important for them. She well knew the hierarchy in the vampire community. She was passed around to vampires with a rich and noble background. Most of them do illegal things and were affiliated to that place, the Underground. Those noble vampires ranked second. There were other vampires who stood above those nobles. Like the family who governed the Underground for how many years, the family of Tan.

At ang lalaking nakabili sa kanya no'ng huli siyang maibenta sa lugar na 'yon ay ang isa sa mga kinakatakutan ng mga bampira.

Katulad din ba ng mga Tan ang estado at kapangyarihan ni Alexander? O mas higit pa?

Habang iniisip 'to ay napapikit na lamang ng mariin si Andi. Iniisip pa lamang niya ay kinikilabutan na siya. Hindi niya alam ang gagawin kapag totoo nga itong pinag-iisip niya.

Napansin naman ni Dana ang pag-aalala sa mukha ni Andi kaya't napangiti na lamang ito. "Gusto niyo po ba ng cake, Madame?"

"Cake..." Matamis na pagkain.

Umiling lamang ito. "I-try niyo lang po muna. Baka magustuhan niyo," pagpupumilit ni Dana.

Tumingin s'ya sa dalaga na ang ekspresyon ng mukha ay nagsusumamo na siya'y pumayag. Napangiti s'ya rito at tumango na lamang.

"Dadalhin ko rin po 'yong cake agad dito. Dito lang po kayo. Huwag po kayong aalis, Madame."

Natawa ng mahina si Andi habang kumaripas na ng takbo ang dalaga palabas ng kuwarto. Nang huminto siya sa pagtawa ay muli siyang tumingin sa labas ng bintana. Saktong pagtingin n'ya rito ay hindi nakalagpas sa kanyang mga mata ang isang lalaking nakatayo sa labas ng gate. Nanlaki ang mata ni Andi sa gulat at agad na napatayo sa kaba. Nanginginig niyang hinawi ang kurtina at agad na napaatras papalayo sa bintana. Hindi niya namalayan ang pagtama n'ya sa lamesa kaya't nahulog ang tasa.

Namamalikmata lamang ba siya? O tama bang nakita niya ang lalaki sa labas ng pamamahay ni Alexander?

Saktong pumasok si Dana sa kuwarto dala-dala ang cake na inihanda niya para kay Andi. Nakita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Namumutla ito at tila ba kakakita lamang nito ng multo. Nakita niya rin ang kamay ni Andi na nanginginig sa takot.

"Madame!" tawag agad ni Dana. Inalapag niya ang cake sa lamesa at agad na lumapit sa kanya.

"Okay lang po ba kayo? Ano pong nangyari?" tanong niya. Sumunod niyang nakita ang basag na tasa sa lapag. Nakatulala pa rin si Andi habang nanginginig sa takot. Nakatingin pa rin ito sa bintana. Kumunot-noo si Dana at lumapit doon. Akmang hahawiin na ni Dana ang kurtina nang sumigaw si Andi.

"Huwag!" Napahinto si Dana at nirespeto ang hiling ni Andi. Lumapit siya muli sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.

"Madame, maupo po muna kayo."

Nanginginig na sumunod si Andi kay Dana at naupo sa sofa. Umalis saglit si Dana at nagtungo sa labas. Sumunod na pumasok ang isang maid at nilinis ang tasang nabasag sa lapag habang bumalik si Dana dala-dala ang cake.

"Sheryl, puwede bang magdala ka rin ng isang basong tubig. Salamat." Tumango lamang ang isa pang maid habang dala-dala ang pira-pirasong basag na tasa.

"Madame Andi," tawag ni Dana sa kanya.

"Okay na po ba kayo?"

"Ilan ang guards sa bahay na 'to, Dana?" tanong agad ni Andi sa dalaga.

"Marami-rami din po ang nagbabantay sa mansyon, Madame."

"Tao o bampira?" tanong ni Andi. Napalunok si Dana at kinilabutan sa katanungan nito.

"Mayroong mga tao na nagbabantay sa umaga at bampira sa gabi, Madame."

"Paki taasan ang security ng mansyon. Sinong kailangan kong kausapin para dito?" tanong ni Andi.

"Ang head butler po, Madame."

Tumango si Andi. Huminga siya ng malalim at ikinalma ang kanyang sarili. Tumayo siya at tumingin muli kay Dana.

"Paki tabi muna ang cake, Dana. May aasikasuhin lamang ako."

"Masusunod po, Madame."

Ngumiti si Andi sa dalaga at madaling umalis ng kuwarto. Muling napatingin si Dana sa bintana kung saan takot na takot na nakatingin si Andi kanina. Lumapit siya rito at hinawi ang kurtina. Mula sa puwestong ito, kitang-kita ang labas ng mansyon at ang gate. Wala namang nakitang kakaiba si Dana sa labas. Walang katao-tao doon. Kung ano man ang nakita ni Andi sa labas, tiyak hindi ito maganda. At kung may alam ang Madame nila sa mga bampira, mas nakakabuting ipagpaubaya ito sa dalaga.

Huminga ng malalim si Dana. "Kailangan na sigurong contact-in ang Master."


***


Andi went directly to the stock room where the head butler was. She saw him standing while he was holding a bunch of papers, checking every listed good that just came. The man was wearing his butler uniform with sophistication. He looked like he was in his early thirties. At first glance, Andi knew that he was just an ordinary human. He knew something for sure. And now that Alexander was not here, she could only get some help from the butler.

"Sir?" tawag niya rito.

Agad itong lumingon sa kanya at yumuko, "Madame."

"Puwede ba kitang maabala saglit?"

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Madame?"

"Gusto ko lang sana magtanong tungkol sa security ng mansyon."

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki at nakinig lamang sa dalaga.

"Ilan po ang mga guards ng mansyon?"

"Meron po tayong benteng guards na nagbabantay araw-araw sa mansyon."

"Bente?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andi.

"Opo, Madame. Nagpadagdag po ng mga tauhan ang Master simula noong pagdating niyo rito."

Gulat na gulat si Andi sa nalaman. Alexander already did everything. She didn't know. Of course, how would she know? He surprised her again.

"Gusto ho niyo ba magdagdag pa, Madame? Itatawag ko lamang po ito sa kumpanya at magpapadala sila agad ng mga tauhan."

Ngumiti si Andi at umiling. "Ahh, hindi na po. Maraming salamat po."

"Wala pong anuman. Kung may kailangan po kayo, huwag po kayo mahiyang lumapit sa akin. At ako nga po pala si Osca."

"Maraming salamat ulit, Sir Osca."

"Kahit ano po para sa inyo, Madame."

Napangiti muli si Andi. "Babalik na po ako ulit sa loob. Salamat po ulit."

Tumango at ngumiti na lamang si Osca sa dalaga. Bumalik sa loob ng mansyon si Andi at dumiretso agad sa kuwarto ni Alexander. Dito ay tila nakahinga siyang muli. Naglakad siya patungo sa gilid ng kama at umupo sa sahig. Siya'y napahilamos sa kanyang mukha at muling bumuntong-hininga.

Ang lalaking 'yon...

She knew damn well that they would find her. She knew. It was only a matter of time before they would take her. They were giving her enough time. To enjoy everything before she would go back to that hell again. She deserved this after all. She said it so. Andi was only been here for two weeks pero ayaw na niyang umalis pa rito.

Why would you leave a heavenly place? Where she can do everything? Where she can be free? Who would leave him?

She was after her.

The Tan was after her.

There were so many vampires who wanted to get her. They could not afford to lose a valuable asset after all.

Nagulat si Andi nang marinig niyang may kumatok sa pinto. "Madame?" tawag ni Dana.

Tumayo siya at binuksan ang pinto. May hawak-hawak itong cellphone at ibinigay sa kanya.

"Nasa kabilang linya po si Master. Gusto po kayong makausap."

"S-salamat..." Biglaan ito at hindi alam ni Andi ang gagawin. Pagkatapos ng isang linggo ay maririnig niya rin sa wakas ang boses ng binata.

"Maiiwan ko po muna kayo," wika ni Dana saka nito iniwan ang dalaga.

Isinara ni Andi ang pinto.

"Hello?"

"Andi..." Pumikit ng mariin si Andi nang marinig niya ang boses ng binata. Huminga siya ng malalim at sumandal sa pinto.

"Alexander..." tawag niya sa pangalan nito.

"How are you?" tanong nito.

Hindi agad sumagot si Andi sa tanong nito. Gustong-gusto niyang sabihin na hindi siya okay. Nangangamba siya. Nag-aalala siya sa binata, nangangamba siya sa kanyang natitirang oras, at gusto na niyang makita muli ang binata.

"Okay lang ako," pagsisinungaling niya.

"You're a terrible liar, Andi."

Napakagat sa labi si Andi.

"It's all right to say that you're not okay. That's completely normal."

Lumunok si Andi at muling huminga ng malalim.

"Kung ganoon, hindi ako okay, Alexander."

"Why?"

"Dahil pakiramdam ko nauubos na ang oras ko."

Natahimik sa kabilang linya ang binata.

"Sasabog na ako sa kakaisip. Wala ka rito. Wala ka sa tabi ko."

Hindi na umimik pa si Alexander at hinayaan na magsalita ang dalaga.

"Sibunukan ko namang kumalma. Pero—Nababaliw na ata ako."

"Do you miss me, Andi?" Alexander asked at doon napatigil si Andi.

"Don't worry. I'm on my way home."

Pauwi na siya? Muling nagpanic si Andi sa nalaman.

"I'm sorry if I left without saying goodbye and I'm sorry if you haven't heard anything from me for one week. We were so busy. I had no time to contact you. I'm sorry."

"O-okay lang. Walang problema sa 'kin 'yon. Mag-iingat ka."

"Thank you."

Tila nag-echo ang boses ni Alexander sa kanyang tainga at paulit-ulit na nagre-play sa utak niya. It was the first time that someone thanked her and it was him again. He was the first person who apologized to her,  thanked her,  and protected her. The first man who did not force her to do anything. He let her do anything she wanted.

Just where she could find someone like him in this world? Maybe he was the first and last. Maybe he was the only one in this world.

She didn't want to let go of him.

For the first time in her life, she felt so selfish. She wanted to keep this man all by herself.

He was the only man who could do this to her and Andi could only sigh. This was indeed bad news.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top