1. The Blood Auction
BLOOD SLAVES
CHAPTER ONE
"The Blood Auction"
"Bring her in."
Bumukas ang pinto. Isang dalaga ang nakasuot ng kulay asul na bestida ang pumasok. Maayos ang postura at nakaayos ang dalaga. Kinulot ang buhok nitong pagkahaba-haba habang nilagyan naman ng kolorete ang kaniyang mukha. Dahil sa pagbabagong ito ay lumabas ang natatagong kagandahan ng dalaga.
Sa loob ng kuwarto ay tumutugtog ang paboritong musika ng lalaking naghihintay sa kaniya. Chopin Nocturne Op. 9 No. 2 - isang napakagandang tunog para sa lalaking ito ngunit para sa dalagang pumasok ay sawang-sawa na siya rito.
"Hmm... As always, you're beautiful, my dear. Such a pity you became like this."
Nakatayo lamang ang dalaga habang nakatingin sa sahig. Hindi siya nagtatangkang tumingin pabalik sa lalaki. Hindi niya masikmura na tingnan ang mukha nito. Kagwapuhan ang lalantad sa iyong mga mata, ngunit kabaliktaran at kasuklam-suklam ang natatagong ugali nito.
"Come."
Lumapit ang dalaga sa lalaki. Kumakabog ang kaniyang dibdib sa kaba. At hindi nakakatulong ang tunog ng piano na kaniyang naririnig. Mas lalong bumibilis ang tibok ng kaniyang puso sa takot. Alam na niya ang gagawin ng lalaking ito sa kaniya lalo na't ngayon ay nakabihis siya. Nasisiguro siyang isang mahabang gabi na naman ito para sa kaniya.
Bumukas muli ang pinto. Doon pa lamang ay alam na niyang samutsaring bisita ang pumasok sa kuwarto. Pinaupo siya ng lalaki sa sofa na madali niyang sinunod.
"Welcome," bati ng lalaki sa mga taong dumating. Tumingin siya sa mga ito. Pumaling ang kaniyang ulo. Imbis na tao, ano nga bang tawag sa kanila ng karamihan?
Bampira.
Hindi tao ngunit mga bampira ang mga pumasok sa loob ng kuwarto. Namumukhaan niya ang iba habang ang iba naman ay bago pa sa kaniyang paningin. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Nakita niya ang mga ngiti nito sa kaniya. Ngiting nasasabik sa nakikita, naamoy, at matitikaman nila.
Tumingin siya sa lalaking abala sa pakikipag-usap sa mga dumating na bisita.
Ang walang hiyang bampirang ito ay ang lalaking nagmamay-ari sa kaniya. At siya, sa harap ng mga bampirang ito ay walang iba kung hindi ang masararap na hapunan ngayong gabi. Pero hindi siya mamamatay ngayon, kahit bukas, o sa susunod na araw, sapagkat hapunan man siya ngayon, sa loob ng kuwartong ito ay siya ang pinaka-iingatan. Sapagkat kapag nawala siya sa mundong 'to, alam niya ang malaking panghihinayang ng mga bampirang ito.
Laking pasasalamat niya at mayroon siyang masarap na dugo na wala ang iba. Ito ang dahilan kung bakit buhay pa siya ngayon. Ito ang bumubuhay sa kaniya.
Muli siyang tumingin sa mga bisita. Sanay na siya sa mga ekspresyon na ibinibigay nito sa kaniya. Mga mukhang nananabik na matikman ang kaniyang dugo. Dumako ang tingin niya sa dulo. Isang lalaki ang nakasuot ng tuxedo gaya ng ibang kalalakihan na narito. Pero may kakaiba sa lalaking ito. Hindi niya makita ang pananabik at ang uhaw sa mukha ng lalaki. Sa halip ay kalmado ito at tila hindi interesado sa nangyayari sa kaniyang paligid, lalo na sa kaniya, sa kaniyang dugo.
"Shall we start?"
Narinig niya ang boses ng kaniyang Master kaya't dito siya naalerto. Lumunok siya at dahan-dahan na tinanggal ang strap ng kaniyang bestida. Nakatingin lamang siya sa sahig at blangko lamang ang kaniyang ekspresyon. Labag man sa kalooban niyang gawin ito ngunit alam niyang wala siyang laban sa mga bampirang nakapalibot sa kaniya. At lalong-lalo na sa Master niyang taimtim siyang pinapanood.
Nasa kamay siya ng lalaking ito ng halos isang taon na. At ang mga susunod na kaganapan ay hindi na alintana sa kaniya. Sapagkat simula noong siya'y bata pa lamang ay ginagawa na niya ito. Simula pagkabata ay hawak na siya sa leeg ng mga bampirang ito. At kahit kailan ay hindi na siya makakatakas pa sa mga ito.
Nang bumaba ang strap ng kaniyang bestida sa kaniyang braso ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kaniyang suot-suot na bestida. Wala siyang suot-suot na underwear dahil ito ang preparasyon ng kaniyang Master para sa munting palabas nito.
Lumantad ang kaniyang hubot hubad na katawan sa kaniyang Master at sa ibang bisita. Mas lalong nanabik ang mga ito nang makita ang kaniyang katawan. Humiga siya sa sofa katulad ng dating gawi. Nakatingin lamang siya sa kisame habang hinahantay ang susunod na gagawin ng kaniyang Master sa harap ng mga ito.
"Ready your cards everyone. Now tell me, where should I cut her?"
Lumunok siya muli.
Hindi niya alam ang mga cards na hawak-hawak ng mga ito. Kung ano ang nakasulat rito. Hinihintay na lamang niya ang paghiwa ng matulis na kutsilyo sa kaniyang balat.
"Thighs, hmm... Legs... Neck... Majority wins everyone."
This is the basic. Everyone has their cards. They will vote on which part of her body will her Master cuts her. As her Master said, majority wins. From then, ang unang titikim ay ang kaniyang Master. At sa point of view ng mga bampirang nanonood, that thing excites them the most. Magkakaroon ng bidding. At kung sino manalo, ito ang makakasolo sa kaniyang dugo.
Ginagawa ito every Sunday ng kaniyang Master. Kung tutuusin, wala pa ito sa pang araw-araw na buhay niya sa ilalim ng kamay ng kaniyang walanghiya at gagong ito. There's a rule if you're handling a Blood Slave, you'll only go for their blood. Her Master always crosses the line. Hindi lamang ang dugo niya ang tinitkman nito.
Bakit hindi na lamang siya mamatay nang matapos na ang paghihirap niya.
She's also wondering bakit hindi na nga lamang siya mamatay. Baboy na baboy ang kaniyang katawan at ubos na ubos na ang kaniyang pag-asa.
But those monsters won't let her die.
Napangiti siya ng mapait doon.
"Hips then."
Lumunok siya muli at huminga ng malalim. Wala nang pumapasok sa utak niya ngayon kung hindi ang tunog ng piano na siyang nakapagpapakaba sa kaniya. Nakatingin na lamang siya sa chandelier na nasa kisame habang hinihintay ang paghiwa ng kutsilyo sa kaniyang tagiliran.
Sa loob ng isang taon, tuwing linggo ganito ang ginagawa sa kaniya. At araw-araw, kung hindi siya muntik-muntikan nang patayin ng kaniyang Master sa sobrang pag-inom ng dugo ay pangbababoy naman sa katawan niya ang ginagawa nito.
Gusto ko nang matapos 'to.
She bit her lip nang maramdaman ang paghiwa ng kaniyang Master sa kaniyang tagiliran. Binabagalan niya ang kaniyang paghinga upang hindi maramdaman ang kirot nito. Ngunit kahit ilang beses na itong gawin sa kaniya ay hindi pa rin mawala-wala ang sakit nito.
Bakit hindi ko magawang maging manhid?
Tumulo ang kaniyang mga luha nang maramdaman ang pagdila nito sa kaniyang dugo.
"Mmm..." Rinig na rinig niya ang pagsinghap ng karamihan nang maamoy ang kaniyang dugo.
Pumikit siya nang maramdaman ang pagkagat sa kaniya ng kaniyang Master. Rinig na rinig niya ang pag-ungol nito sa sarap ng kaniyang dugo. Mas lalong ginaganahan ang mga manonood sa nakikita.
"Let me start. Five thousand."
At mula rito, nagsimula na ang bidding na hinihintay ng kaniyang Master.
"Ten thousand."
"Twenty-five."
Samutsaring boses ang naririnig niya na patuloy sa pagbi-bid. At pataas ng pataas ang presyo na kaniyang naririnig.
"Forty."
"Sixty."
"One hundred. Close it."
"Hmm... Anyone who still wants to bid?" tanong ng kaniyang Master. Tumayo ito at nagtungo sa lamesa. Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang kaniyang bibig.
"One million. Give the girl to me." Boses ng babae.
Her Master clicked his tongue. "Nah. She's more expensive than that."
"Two million." Boses ng matandang lalaki.
Dahan-dahan siyang lumingon sa bampirang nagsalita.
"Five million," wika ng isa kaya't sabay-sabay na tumingin ang lahat sa lalaking nakaupo sa dulo.
Nang akmang may magbi-bid pa ay madali ito nagsalita. "Ten million. I want the contract now."
Mukhang nagulat naman ang kaniyang Master sa laki ng pera na handang ibayad nito para lamang sa kaniya.
"I thought we were clear about this auction. It's only for her blood for one night. She is not for sale, Mister. I bought her for fifty. Lugi ata ako sa ten million lang." Nakangiting sagot nito sa misteryosong lalaki.
"One hundred then."
"She is not for sale." Matigas na sagot ng kaniyang Master.
"Five hundred."
Napalunok ang kaniyang Master.
"No?" tanong pa nito muli ngunit hindi umiiimik ang kaniyang Master.
"That's good price but no. I won't give her to you. You can't buy her blood..." Tumingin ang kaniyang Master sa kaniya at ngumiti bago ito muling tumingin sa misteryosong lalaki.
"And her body."
"One billion."
Everyone was shocked when they heard the price. Umupo siya at tumingin ng nagtataka sa lalaki. Wala pang bampirang kayang magsakripisyo ng ganoong kalaking pera para lamang sa dugo niya.
"No."
Ngunit mas nakakagulat pa rin para sa kaniya at sa lahat nang sinagot ng kaniyang Master. Matigas ito at hindi ito papayag na mayroong makakuha na iba sa kaniya.
"All right, then, enjoy your night everyone," wika nito saka ito tumayo at lumabas ng kuwarto.
Tumikhim muli ang kaniyang Master kaya't muling napunta ang atensyon ng lahat sa kaniya.
"Shall we continue?"
Magpapatuloy na muli sana ang bidding nang biglang bumukas ang pinto. Ang isa sa mga security ng mansyon ay biglang pumasok. Lumapit ito sa kaniyang Master at bumulong. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.
"All right everyone tonight has been a long night. There is an emergency that I really need to attend to. Let's continue this on Sunday, shall we?"
Mas lalo nagtaka ang dalaga nang pumasok ang mga security ng buong mansyon at isa-isang inescort-an ang mga bisita palabas ng kuwarto. Nagulat siya nang ihagis sa kaniya ng kaniyang Master ang dress na suot-suot niya kanina.
"Magbihis ka. Bilisan mo."
Madali siyang nagbihis gaya ng inutos sa kaniya ng kaniyang Master. Nagulat siya nang haltakin siya nito palabas ng kuwarto. Akala niya'y babalik siya sa kaniyang kuwarto ngunit hindi nangyari iyon. Sa halip ay dire-diretso ang paglabas nila sa mansyon at dumaan pa sila sa likod. Hindi siya nagtangkang magtanong kung ano ang nangyayari. Nakikita niya lamang ang pagmamadali at pagiging alerto ng lalaki.
Nang tuluyan silang nakalabas ng mansyon ay agad siyang inapasok nito sa isang kotse na nakagarahe.
"Don't move. Stay here. Kapag tumakas ka, hahanapin kita at sisiguraduhin kong papatayin kita. Naiintindihan mo?"
Agad siyang tumango.
Isinara ng kaniyang Master ang pinto at bumalik sa loob ng mansyon. Walang katao-tao sa kaniyang paligid. Ito na ang magandang pagkakataon upang siya'y tumakas ngunit mas matindi ang takot niya sa lalaki kaya't hindi niya magawang lumabas ng sasakyan.
Everyone, maybe some, knows this. Sa sobrang takot mo ay hindi mo maigalaw ang buo mong katawan. At wala kang magawa dahil mas nananaig ang takot sa iyong puso't isipan. And she's been living like this for almost twenty-three years.
Lumipas ang ilang minuto. Dito na siya nagtaka. Bakit wala pang bumabalik kahit isa sa kanila mula sa loob?
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Lumabas siya at tumingin sa kaniyang paligid. Ramdam na ramdam niya ang lamig ng gabi. Napakanipis ng kaniyang suot at tumatagos ang lamig sa kaniyang katawan. Niyakap niya ang kaniyang sarili at nagtangkang lumakad pabalik sa mansyon. Ngunit alam niyang may mali kaya't siya'y huminto.
Sobrang tahimik.
Nagulat na lamang siya nang may biglang lumabas na isang babae sa kaniyang harapan. Kasing tangkad lamang niya ang babae, gupit lalaki ito at maraming tattoo sa katawan.
"Ikaw ba?" tanong nito sa kaniya.
"Hmm..." Bumaba ang tingin niya sa kaniyang tagiliran. Bukas pa rin ang sugat niya at patuloy pa rin ang pagdugo nito.
"Siya nga," wika pa nito.
Gulat na gulat siya nang biglang may pumulupot na kamay sa kaniyang leeg.
"You're the famous one, aren't you? Sad to say, darling. Tapos na ang pagiging buhay prinsesa mo."
"M-Master..." Hirap na wika ng dalaga dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kaniyang leeg.
"That asshole?" Ngumisi sa kaniya ang babae. "They're all dead. Including those psychos na tuwang-tuwa sa pagbi-bid sa dugo mo. No one can save you, princess."
Sapilitan siyang hinila ng isa patungo sa isang truck. Nang buksan ang pinto sa likod ay gulat na gulat siya nang makitang sobrang daming mga bata, binata, at dalaga ang naroroon sa loob. Nakagapos ang kamay at ang mga bibig nito. Ang iba ay tahimik na nakatingin sa kaniya. Ang iba naman ay patuloy ang pag-iyak. She can hear their whimpers. At kitang-kita niya ang pagtulo ng mga luhang namumuo sa mga mata nito.
They are all hopeless.
Can they all be saved?
Ang sunod na ginawa ng mga taong kumuha sa kaniya ay tinali ang kaniyang kamay at tinakpan ang kaniyang bibig upang siya'y hindi makagawa ng kahit anong ingay. Sapilitan siyang ipinasok sa loob kasama ang iba.
Ang huli niyang nakita ay ang ngiti ng babaeng nakausap niya bago tuluyang isinara ang pinto at kadiliman ang bumalot sa kanila.
Tahimik siyang umupo sa gilid habang naririnig ang mga iyak ng mga batang kasama niya sa loob ng truck. At mula rito, bumalik na naman ang lahat sa kaniya. Kung paano siya napunta sa sitwasyon na ito at kung bakit hindi niya magawang makatakas o makalaya sa mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top