[1] 9. Cleansing

[Cyrene]

It didn't take long before everyone managed to climb up to the top. Kapag natatanggal ang dagger na tinarak ko sa pader, mabilis itong pinapalitan ng hunter na tatapak dito.

"Shall we?" marahang tanong ni Captain Aurie.

"At your command, Captain Cyrene," dagdag ni Captain Rowel.

Lahat sila ay nasa akin ang tingin, naghihintay ng magiging utos ko.

I remained expressionless, staring down at the city. I slowly took out my gun at my holster. Lumaglag ang gintong kadena na nakadikit dito. Pinasok ko ang singsing sa daliri ko na nakakonekta rito.

I made sure that my gun was loaded. Without glancing at them, I gave my command.

"Advance," malamig kong sambit na sumabay sa paghampas ng hangin.

Walang hintayang naganap nang magsitalon sunod-sunod ang mga hunters na kasama ko.

"Captain Jake." I called. Napalingon ako sa direkyson niya at mabilis din siyang napunta sa harapan ko.

"Cap!" He saluted.

"All set?"

"Yes, Cap!" Saktong pagsagot niya ay ang pagsulpot ng apat na hunters sa magkabilang gilid niya.

A total of 5 hunters. Sila ang maiiwan dito sa border para magbantay.

"I'm counting on you," I said in a serious tone.

Jake looked at me, assuring me. "You can count on me, Cap!"

I nodded at him. Nalipat ang tingin ko sa district, sunod sa ibaba ko, kung saan ang dulo na ng border. Inihakbang ko ang paa ko sa harapan kong bakante.

Without an effort, I jumped from the top of the border as if I'm just walking. Magkakasunod-sunod kaming bumaba ng mga captains.

Bago ako tuluyang malaglag sa loob ng district, sinigurado kong kinontrol ko ang pagkakabagsak ko. Nang sa gano'n, wala akong tunog na magagawa at walang impact.

"Hold your positions," ma-watoridad kong sambit sa mga naunang hunters na nakababa.

Mabilis silang sumunod sa sinabi ko at naging alerto sa mga pwesto nila.

Parang abandonadong bayan 'tong pinuntahan namin. Walang liwanag maliban lang sa mga bituin at sa buwan na natatakpan pa ng mataas na border.

"Is this still a district?" sambit ni Captain Aurie na hindi rin maipinta ang mukha sa nasasaksihan.

Mas malala ang kondisyon ng bayan nang malapitan. Broken objects are everywhere, with shattered glasses. The doors were destroyed, most of the windows were blasted. Tahimik kaming nagsimulang maglakad sa bayan, pinagmamasdan pa lalo ang nakapanlulumong sitwasyon nito.

Ang tahimik . . . sobrang tahimik.

Inililibot ko ang tingin ko sa paligid, tanging ang hangin lang ang nararamdaman kong nandito.

Where are the civilians?

Are they . . . all dead?

But they can't kill them all that fast! At isa pa, kailangan nila ng livestock—mga pagkain.

"W-W-Walang . . . tao . . ." ani ni Yuki.

Bigla akong nahinto sa paglalakad, na kinahinto rin nila. I raised my hand, gesturing them to stop. Nasa akin ang lahat ng tingin nila.

Pasingkit nang pasingkit ang mga mata ko. Pinakikiramdaman ko mabuti ang paligid, lalong-lalo na, ang pangdinig ko.

Someone . . . someone is huffing—running.

After just a few seconds, napansin na rin ng ibang projects and napansin ko.

"May tumatakbo," bigkas ni Captain Rimson.

Hindi nagtagal, sabay-sabay kaming napalingon sa isang direksyon. Kung saan sumalubong sa amin ang isang batang lalaki na namamayat, namumutla, at sobrang nanghihina.

Tumatakbo siya papalapit sa amin kahit halata sa itsura niya na wala na siyang lakas pa kahit tumayo man lang.

"T-Tulong, tulong po-"

Bago siya tuluyang matumba, mabilis siyang inalalayan ng isang hunter na pinakamalapit sa kaniya.

"B-Bata, okay ka lang? A-Anong nangyari?" nag-aalalang sambit ng kasama kong hunter.

The kid started sobbing. "D-D-Dumating po sila—ang mga taong pula ang mga mata at mahahaba ang mga pangil." His voice cracked, I can sense the fear in his voice.

"Don't worry, we're already here. We'll help you." Pagpapagaan sa loob sa kaniya ng hunter. "Medic! Medic!"

Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang bata. Now that I look at him closely, kanina pa siya nakayuko.

"K-K-Kuya, nanlalamig ako . .. "

"N-Natatakot ako . . ."

Unti-unting humihigpit ang pagkakahawak niya sa kasama ko, nagsimula na rin akong maglakad papalapit sa kanila at humigpit ang pagkakahawak ko sa baril.

"K-Kuya . . ."

"Medic! Medic!-"

Natigilan sa pagtawag ang lalaking may hawak-hawak sa bata nang mapansin niya na rin ang kakaibang kinikilos nito. Mas lalong bumilis ang paglakad ko.

"K-Kuya .  .. higit sa lahat . . ."

Inangat ng bata ang ulo niya, sakto pa at tinamaan siya ng sinag ng buwan. There we saw his red eyes that looks like they're glowing under the moonlight.

"NAGUGUTOM AKO!"

He showed his fangs, about to bite the hunter in front of him. Agad kong tinutok ang baril ko sa bata. I know that I'm fast enough to save the hunter's life, but someone got ahead of me first.

Bago ko pa kalabitin ang gatilyo ay naagaw na kaagad ang mga atensyon namin ng naunang nagpaputok.

Ang muli ko na lang nakita nang kumurap ako ay ang batang nakatulala na nilalabasan ng dugo sa bibig—may butas sa pagitan ng dalawa niyang pulang mga mata.

I looked at the person who shot him, he didn't look like he was happy at all that he killed a vampire and saved a person's life.

Bakas ang panghihinayang at lungkot sa mukha ni Captain Rowel habang hawak-hawak ang baril na nilalabasan pa ng usok. The soft giant.

I sighed. "Thank you, captain." Pangunguna ko, umaasang kahit pa paano, mapagaan ko ang loob niya.

"T-Thank you, Captain Rowel!" Pagsunod ng hunter na niligtas niya na halatang nabigla pa rin sa nangyari.

"Oh, come on, soft giant. It's a vampire, no need to show emotions or sympathy." Pagsali ni Captain Rimson.

Nanatiling mababa ang tingin ni Captain Rowel. "But . . . he's just a kid." Kita ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa baril. "A kid . . . that was a victim of those bloodsuckers."

"Yeah, at kung ayaw mong marami pang bata ang matulad sa kaniya, kailangan na natin silang ubusin," sagot ko.

"Yup! And this is your chance, right now." Pagsingit ni Captain Aurie. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko at mabilis akong napalingon sa direksyon niya.

Doon ko siya nakitang nakatutok ang tingin sa isang direksyon. Pati na rin si Captain Yuki, ang hunter na may pinakamatalas na paningin sa amin.

"C-Captain . . . they're here."

Napunta na rin ang tingin ko sa direksyon kung saan sila nakatingin. Naningkit ang mga mata ko at matalim akong tumingin dito.

Hindi man nga mahahalata sa una, dahil sa galing nilang magtago at makihalo sa paligid. Pero kapag tinignan mo mabuti, malalaman mo rin kung nasaan ang eksaktong mga posisyon nila.

Ang inaakalang mga poste rito sa district, na walang ilaw at hindi naliliwanagan, ay napupuno pala ng mga bampirang deretso ang mga tayo. Doon ko na rin nakita ang mga patago at pasimpleng paggalaw sa mga anino at madidilim na eskenita.

"Looks like we're already surrounded."

━━━ † ━━━

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top