[1] 2. Projects
[Cyrene]
"Welcome back, Cap!"
Rinig kong sabay-sabay na sambit ng mga nadadaanan kong mga hunters nang makarating ako sa headquarters. Taas noo lang akong naglakad nang deretso at dinaanan sila. Kagagaling ko lang sa isang operation, ang mga kasama ko ay nagpaalam sa akin para magpahinga.
I let them, of course. It's a tough day for us. I killed dozens of vampires on my own today . . . yet, I don't feel exhausted. Isa sa mga kakayahan na ibinigay sa akin ng organisasyon.
"Captain Cyrene!"
Masyadong malalim ang iniisip ko at hindi ko napansin ang isang pamilyar na lalaki na nasa harapan ko na. Umangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagitan ng tangkad namin, siguro ay apat na talampakan. Sumalubong sa akin ang hindi nawawala niyang ngisi.
He's wearing a fit navy blue shirt that enhances his toned body paired with camouflage pants with army shoes. His hairstyle is side parted and he also has a gold chain necklace. Kapansin-pansin din ang numerong nasa pulso niya.
Project 6.
I faked a smile. "Captain Rimson." Pagbati ko.
Pasimple akong bumuga ng hangin. Sa dinami-rami ng madadaanan ko ay siya pa talaga ang pinalad kong makita.
"Good job. Nakabawi ka na naman ng isang district," nakangising sambit niya sa akin. Because he's always smirking and smiling, I sometimes think that he's really sincere.
"Thank you, Cap. It's our job after all."
Isinandal niya ang balikat niya sa pader habang nakakrus ang mga braso. "Uhm, but I heard the news about one of your members, I'm sorry, condolence." There's a hint of sarcasm in his voice.
Patagong nagbago ang ekspresyon ko. Alam kong babanggitin niya ang bagay na 'yon.
"It's really such a shame . . . pero hindi natin maiiwasan 'yon," dagdag niya pa.
"Yeah . . . I just talked to her family a while ago. I sympathized with them." Bumaba ang tingin ko.
The scenario popped into my mind. Her mother won't stop crying when she heard the news, as if she's going to lose her mind. Her father tried to stay calm and strong but his emotions failed him. Her brothers were clueless, both had no idea that their sister won't be coming home . . . forever.
Siguro masasanay rin ako sa pagkawala ng mga kasama ko . . . pero ang pag-usap sa mga pamilya nila pagkatapos—hinding-hindi ako masasanay.
"Well, that's good to hear." Nag-iba ang tono ng pananalita ng lalaking kaharap ko. He chuckled. "I mean, it's a good thing that you're not that heartless."
Umangat ang tingin ko sa kaniya, walang buhay ang mga mata.
"Don't get me wrong." Umiling-iling at iwinasiwas ni Rimson ang mga kamay niya sa harap ko. "I admire your leadership. Naniniwala akong hindi dapat tayo nagpapakita ng emosyon pagdating sa trabaho . . ."
He gave me a look as if he was trying to point out something. "Pero minsan . . . kailangan mo rin magpakita ng emosyon." He sarcastically chuckled. "I don't want others to think that you're already dead—a vampire."
Hindi kaagad ako sumagot sa sinabi niya. Alam ko ang gusto niyang iparating. Hindi na 'yon bago sa 'kin dahil narinig ko na rin ang tungkol doon.
Others think that the reason why I'm project zero because I'm a failed subject, project. Na kaya mas nakahihigit ang kakayahan na meron ako kumpara sa ibang mga projects, dahil palpak ako.
Imbeciles, isn't it the other way around?
Taas noo kong tinignan si Rimson at kumurba ang labi ko sa isang ngisi, kahit patay ang mga mata. "Don't worry, Cap, I can guarantee you that I'm still alive," sagot ko.
"It will be such a shame if the association loses me, right? I mean." I chuckled. "I'm the best and strongest hunter they have."
Naglaho ang ngisi ng lalaking kaharap ko. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko na kinatuwa ko pa lalo. What a freaking loser-
"Captain Cyrene!"
Pareho kaming napalingon ni Rimson sa likuran ko nang makarinig ng pagtawag sa akin. Sumalubong sa akin ang halatang may pagkalampang babae.
She's wearing a leather camo jacket paired with black pants and army boots. Naka-pigtails ang mahaba at brown niyang buhok na sumasabay sa hangin dahil sa pagtakbo niya. Bumababa ang zipper ng jacket niya dahil sa malaki niyang hinaharap na sumasabay rin sa pagtakbo. Katulad naming dalawa ni Rimson, may gintong kadena rin siya na nakaikot sa pulso niya at ginawa niyang bracelet.
I facepalmed myself while shaking my head. I told her to stop running like that.
But still, even if she looks clumsy which she really is, Yuki is also a captain and one of the projects. Project 4.
I heaved a sigh. "What is it, Yuki?" mahinahon na tanong ko nang makalapit siya sa amin.
She blinks twice as much for a normal person per minute. Madali itong mapapansin dahil hindi rin mapakali ang mga mata niya. Among all of us here, Yuki has the strongest and greatest eyesight.
"T-The General wants to see you," maamo niyang sambit.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Oh, thanks for telling me." You saved me here. Nalipat ang tingin ko sa lalaking ngayon ay walang gana ng nakasandal sa pader. "Nice talk, Captain Rimson." I faked a smile before walking, leaving him.
Kasabay ko sa paglalakad si Yuki sa bakanteng pasilyo. The walls are made of bricks that have a layer of titanium, pati rin ang tinatapakan naming lapag. There are fluorescent lights in every corner that serve as our lights. The floor makes a metal sound as we walk.
"C-Captain Cyrene, I heard about your team member, I offer my deepest condolence," Yuki sincerely said.
Napangiti ako sa sinabi niya bago siya tignan habang naglalakad. "Thanks. And what did I tell you? You can call me Cyrene when it's just the two of us," nakangiting sambit ko sa kaniya.
Napayuko si Yuki at napaiwas ng tingin. "B-But you're older than me, and you're also a senior. I should show you respect."
Napapailing na lang akong napangiti. I hope that all captains are like her, but too bad, they're not. Maliban kay Rimson na punong-puno ng inggit at kayabangan sa katawan, mas marami pang mas pangit ang ugali sa kaniya.
"Thanks, Captain Yuki, I appreciate it." I smiled.
Natagpuan na lang namin ang mga sarili namin sa tapat ng isang pintuan kung saan may nakalagay na palatandaan sa itaas. There are golden chains surrounding the edges of the door, a sign that it's the general's room.
"Thank you for coming with me, Yuki." Pasasalamat ko bago ako kumatok sa pinto. She saluted as a sign of respect.
"It's me, General Fort. Captain Cyrene," malakas na sambit ko sa pinto.
"Come in."
Agad akong pumasok nang makuha ko ang pahintulot niya. Sumalubong sa akin ang malinis at presentableng opisina ng General. Nabubukod tangi ang koleksyon niya ng mga baril na ginamit niya noon no'ng nasa serbisyo pa siya bilang isang captain.
May mga koleksyon din siya ng mga pangil ng mga bampirang napatay niya at masasabi niyang naiiba sa lahat ng mga nakaharap niya.
I saluted when our eyes met. He did the same while sitting in front of his desk.
"Take a seat, Captain."
Umupo ako sa isang sofa katapat ng lamesa niya.
"First of all, thank you for your service. Good job in taking District 109 back." Pangunguna niya.
"Thank you. It's my duty, General."
"I also heard about your team member, I offer my condolences."
I tried faking a smile. Malalim siyang huminga bago sumandal sa swiveling chair niya. "I would like to formally celebrate your success . . . but that needs to wait for now." Pag-iiba niya.
Tumaas ang dalawang kilay ko nang makuha niya ang atensyon ko. "Pardon?"
He heaved a sigh. Seryoso siyang lumapit sa lamesa at pinatong ang dalawa niyang kamay na ngayon ay magkahawak na sa isa't isa.
"I would like you to take another operation, Captain Cyrene."
━━━ † ━━━
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top