[1] 1. Zero

[Cyrene]

Bloody red eyes. Pale skin that makes their veins visible. Monstrous strength and fast regeneration. Doesn't get old.

What a beautiful creature it is.

Vampires.

Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa paangat na araw. Nakasandal ang nguso ng baril kong may gintong kadena na nakadikit sa daliri ko sa noo ko. My black eyes are reflecting the golden light in front of me.

I heaved a sigh. It's already sunrise.

Prente akong nakaupo sa rooftop ng tatlong palapag ng abandonadong gusali. My right leg is hanging, while the other is supporting my arm that's leaning on it. Kitang-kita ko rito sa pwesto ko ang isang lalaking paikot-ikot lang sa baba at hindi alam kung saan pupunta.

Walang gana ko siyang tinitignan.Nahinto siya sa pagtakbo nang matagpuan niya na naman ang sarili niya sa tapat ng isang pader. Wala na siyang matatakbuhan.

Tumayo ako sa pagkakaupo. Sumabay ang mahaba at itim na itim kong buhok sa paghampas ng hangin. I effortlessly jumped down. Tanging ang takong ko lang ang nagsisilbing ingay habang naglalakad ako papalapit sa lalaking balisa at nakaharap sa pader na hindi niya matalunan.

"Are you done running?" I asked, fixing the golden chains that circled my pulse.

I saw him flinched. Nanginginig siyang napalingon sa akin habang umiiling.

Nang lingunin niya 'ko ay kitang-kita ang mapupula niyang mga mata at ang matutulis niyang mga pangil. Punong-puno siya ng takot na nakatingin sa akin.

"T-Teka lang-"

"I gave you a chance. I told you to run for a minute. Instead, naglalaro ka rito." Pagputol ko sa sasabihin niya.

"W-Wala na 'kong malulusutan! Alam mo 'yon! Kaya pinatakas mo 'ko!"

Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya. Bagkus ay itinaas at tinutok ko na ang baril sa kaniya. Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at nanginginig na napailing.

"T-Teka lang-"

"Gya, gya, gya."

I didn't let him finish what he wanted to say nor let him beg for his life. Agad kong binaril siya sa ulo.

Saktong pagtama ng bala sa balat niya ay ang paglaho niya na para bang mga abo. He won't live anyway if he manage to escape. It's already sunrise.

As I turned away, I felt the wind blew. Without looking back, I knew his ashes—the only thing left from him, flew with the wind.

I've finished the job.

Bumalik ako sa meeting point na napag-usapan namin ng squad ko. Ang capital ng district na 'to.

Just like what the higher-ups said, this district was already full of vampires. The city was abandoned, no wonder why the vampires lurk here. It took us until morning to cleanse this town. Pinapunta kami rito para ubusin sila at nang sa gano'n ay pwede na 'to ulit tirahan ng mga tao.

As expected, ako ang naunang makabalik sa meeting point.

"The West is already clear, Cap!"

Hindi nagtagal ng isang minuto nang pumunta ako, sumalubong sa akin ang kanang kamay ko, together with his group.

There are 4 of them and they all saluted.

"Good," maikling sagot ko.

Ibinaba nila ang mga kamay nila. Lumapit sa akin ang nagsisilbing kanang kamay ko. He's not in that position just because of his skills, but I personally took him since he's one of the few people I really trust. He's already been with me since we were kids until training camp.

My childhood friend and co-captain, Ark.

"You really cleared the East on your own, huh?" he said, surprised and couldn't believe it as if he hadn't witnessed me doing this before.

Napabuntong-hininga ako bago itaas ang kanan kong paa sa bench na inuupan ko. Ipinatong ko rito ang kaliwang kamay ko habang hawak-hawak ko ang baril ko sa kanan.

"There are only a few of them anyway," I answered, lying to cut the conversation short.

Napailing na lang si Ark bago tumabi sa akin.

"The South is already clear, Cap!" Another set of 4 came and they all saluted.

Hindi ko pa nagagawang sumagot sa kanila nang maagaw ng tingin ko ang huling grupo na parating. Nauunang naglalakad ang nagsisilbing leader nila at nakasunod ang dalawang nakaalalay sa isang babaeng kasama namin.

"T-The North is already clear, Cap," balisang sambit ng tumatayong leader nila.

Naningkit ang mga mata ko bago lumapit sa dalawang ka-squad ko na may akay-akay na kasama namin. Sinundan ako ng tingin ng iba pa. Tumalim ang tingin ko nang mapansin ang mabigat niyang paghinga. There, I saw her wrist. She was bitten.

"C-Cap, we miscalculated the numbers of vam-" Nahihirapang magsalita ang babaeng may akay-akay. Kita ko ang namamasa niyang mga mata na para bang paiyak na.

Tsk, they are still lacking. It's a protocol to kill anyone bitten on the spot.

I looked at the girl who was bitten. Inalala ko ang pangalan niya pero hindi ko magawa. Other than Ark and a few of my squad members who've been around for a long time, I don't remember the new members' names.

Kasi alam ko . . . hindi rin naman sila magtatagal.

"Surname?" malamig kong tanong sa babaeng kaharap kong mabigat na ang paghinga.

I can hear her breathe as she takes all the strength she has to look up at me and respond.

"Sa-Saldiego, Cap . . ."

Huminga ako nang malalim bago sumaludo. Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin.

"Very well, Saldiego. Thank you for serving humankind and doing your duties," puno ng respeto kong sambit. "You know what you have to do."

I saw her plastered a smile. Unti-unti siyang tumango bago bumitaw sa mga naka-akay sa kaniya.

"C-Cap- hindi ba n-natin siya matutulungan?!" Nagsimula ng umiyak ang babaeng nanatiling pilit na inaakay siya. Perhaps, a friend of hers. "W-We can't let her-"

"Surname?" May tonong pagputol ko.

Napalunok siya nang malalim bago pilit na sumagot. Namumutla, nanginginig. "R-Rivera . . . Cap . . ."

"Then, Rivera, ano ang trabaho natin?" matigas na tanong ko na hindi niya kaagad nasagot. "Ang patayin ang mga bampira. Hindi ang dagdagan sila," sagot ko sa sarili kong tanong.

Hindi niya nagawang makapagsalita sa sinabi ko. Napatikom siya ng bibig at napayuko. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkaka-akbay sa kaniya ni Saldiego bago tahimik na umiyak.

"A-Alam mo ba . . . alam mo ba ang pakiramdam ng maiwan?" Rinig kong bulong niya.

Walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. I can see her biting her lower lip, fist clenching. From pleading to rage—a normal response for a human in this situation.

"H-Hey, that's enough-"

"Ang maiwan ba?"

Natigilan sa pagpigil si Ark nang sagutin ko ang tanong ni Rivera. In the corner of my eye, I could see him looking at me as if telling me that I didn't have to answer it. But, if it will make her feel better with my answer, I will.

"At the age of 7, my sister, the only family I have, got bitten by a vampire."

Natigilan sa paghikbi ang babaeng kaharap ko, napaangat ang ulo. Pare-parehong napaiwas ng tingin ang mga ka-squad ko, lalo na ang mga luma na matagal ng alam ang kwento na 'to, kabilang na rin si Ark.

"I shot her in the head." 

Her eyes widened, dumbfounded.

"If you really want to be with her, I'm letting you die with her."

Walang ekspresyon akong tumalikod sa kanila, hindi ko hinintay na makita ang reaksyon ni Rivera. Hindi nagtagal ng ilang segundo, narinig ko ang huling salita ng isa sa mga myembro ng squad ko.

"Thank you for everything, Cap! May Blood Hunt Association triumph! For humanity!"

Matapos niyang bigkasin ang sinumpang kasabihan ng BHA, narinig ko ang pagputok ng baril.

I'm used to hearing gunshots, hundreds- no, thousands of them. We use guns to kill vampires, it's normal to hear them. Yet, when I hear just one, followed by silence . . . I knew that it came from one of my kind.

Naramdaman ko ang pagtama ng hangin sa balat ko bago ako magsimulang maglakad paalis.

"Move out," ma-awtoridad kong sambit.

"Yes, Cap!" they all answered in chorus.

Nagsimula na kaming umalis sa district. Walang ekspresyon akong naglalakad at walang buhay ang aking mga mata.

I just lost one of my squad member. I may not remembered her name, but I remembered her face. Kasama siya sa bagong recruit no'ng nakaraang dalawang buwan. Sumali siya sa BHA para protektahan ang pamilya niya.

She has 2 younger brothers and loving parents. Yeah, I know that. I may not remember some of my squad members' names . . . but I know their backgrounds. I watch them when they meet their families after every mission, I hear them when they talk to each other, and do not fail to mention their families.

Ang dahilan kung bakit sila sumali, ang pinoprotektahan at pinaglalaban nila, at ang gusto nilang patunayan.

Alam ko 'yon . . . pero bakit . . .

Wala akong maramdaman na lungkot?

Walang kaemo-emosyon akong napatingin sa kamay ko. Sa pulso kong may nakalagay na isang numero.

Zero.

Maybe because on the day that I obtained these abilities and powers . . . I lost something instead-

No.

Walang kaemo-emosoyong umangat ang tingin ko sa paangat na araw.

No'ng araw na nawala sa akin ang lahat. Nasama na rin siguro ang pagkatao ko.

━━━ † ━━━

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top