Chapter 9

CHAPTER NINE

LOVE NO FEAR

MATAGAL nang nagustuhan ni Zephyr si Elisa nang palihim. Maraming beses na niyang sinubukang magtapat sa dalaga sa kaniyang nararamdaman pero kapag kaharap na niya ang babae ay tila umuurong ang kaniyang dila. Nahihiya at natatakot siya sa kadahilanang baka kapag nalaman ni Elisa ay biglang lalayo ito. Ayaw niyang lalayo ito sa kanya. Mas gugustuhin niya lang na manatili silang magkaibigan kaysa na magkaroon ng ilangan dahil sa kanyang nararamdaman.

Ngunit, sa oras na ito na nasa gitna sila ng panganib kailangan nito ng proteksyon. Gusto niyang bantayan si Elisa dahil baka sa anumang oras ay aatake na naman ang pumapatay sa klase nila.

Kutob ni Zephyr na kaklase lang nila ang may gawa no'n. Siguro may malalim na rason kung bakit may nangyaring patayan. Ito ang gusto niyang malaman kung sino at kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa nito ang mga bagay na walang kaawa-awa.

Nang makita niya si Elisa papasok ng paaralan ay kaagad niya itong hinabol at nagpresenta siyang siya ang magdadala sa notebook na dala-dala ng dalaga. Ibinigay naman ito ni Elisa at nagpasalamat siya sa ginawa ng lalake nang makarating sila sa loob ng kanilang silid.

Naisip ni Zephyr na kailangan niyang ituon ang kaniyang atensyon kay Elisa para masiguro niyang ligtas ito. Nais niyang maging personal guard ng dalaga sa loob ng paaralan.

Nalungkot sila sa natanggap na balita sa karumal-dumal na sinapit ng kaklase nilang si Rica Mae at Margaux. Hinala ng pulis na nag-imbestiga, may sakit sa utak raw ang may gawa no'n sa kaklase nila. Kahit pa sa nangyari nagpatuloy sila sa kanilang pag-aaral kahit masakit sa loob nila ang nangyari.

Sa kabilang banda, si James at Isabelle ay naghaharutan. Naghahalikan pa ito na parang walang nakakakita sa kanila. Nagkaroon pa ito ng oras sa paglalampungan sa kabila ng nangyari.

Matapos ng kanilang halikan, nang makita ni James si Zephyr ay pinuntahan niya ang puwesto nito. Malapit ang dalawa dahil magkapit-bahay sila. Parehong lumaki ng sabay kaya naging magkaibigan.

"You know what dude, I think nandito lang ang killer sa room natin," saad ni James habang minamasahe pa ang kaniyang nguso.

"Paano mo naman naisip 'yan, dude?" takang tanong ni Zephyr.

"The competition is real on getting the first spot. Iyon ang nakikita kong dahilan," walang gana na sagot ng lalake.

"Iyon nga ang nasa isip ko, dude, e. Pero possible namang other student outside our class or maybe a serial killer outside school. Kung sino man siya ay kailangan agad nating malamana upang matigil na ang kagaguhang 'to," medyo napataas ang boses ni Zephyr dahil sa nararamdaman.

Nag-usap ang dalawa at kapwa nagbigay ng mga pangalang kahina-hinala sa room nila at ibang mga estudyante na may koneksyon sa kanilang section. Nagkatinginan sila nang malamang iisa ang hinala nila sa kanilang room. Si Valerie iyon.

Nag-plano silang sundan nila ang babae mamayang uwian upang malaman kung totoo ang kanilang hinala.

Limang araw na lang bago ang kanilang huling exam kaya todo gawa sila sa mga proyektong kailangan ipasa at itanghal. Sa umaga, tinapos nila ang isang short film na proyekto as a class. Nagkaroon din ng debate sa Filipino at isang play sa English tungkol sa Asian Literature na itinanghal sa gymnasium.

Halos hindi na sila makapagpahinga dahil sa dami ng gawain. Tanging lunch break na lang ang oras ng pagpapahinga nila dahil kapag recess time ay ginagamit nila ito para maghanda at mag ensayo sa ilang group activities.

Pagpatak ng hapon, itinodo na nila ang pag-eensayo sa kanilang cheer dance dahil bukas na ito sa umaga itatanghal sa gymnasium. Doon sila nag-ensayo at nagkaroon ng blocking upang hindi malito kung saan ang puwesto ng bawat isa.

Pagkatapos ng ensayo, ang dalawang grupo ay gumawa na sa kanilang mga props at costume na gagamitin at isusuot. Nag-over-time ang lahat para mabilis matapos. Pinayagan naman sila ng guard pero hanggang alas-otso lang ng gabi.

Binilisan nila dahil pasado alas siete na ng gabi at nangangalahati pa sila sa kanilang ginagawa. Tumayo muna si Samantha at umalis sa gymnasium. Bumalik siya sa kanilang room upang kunin ang naiwang sticks na kanilang props.

Pag-akyat niya sa hagdanan ay may narinig siyang kakaibang ingay.

Ang kaklase niyang si Diana na kasalukuyang nanonood ng korean drama. Kilig na kilig pa ito habang hinahawakan ang cell phone.

Sinugod siya ni Samantha at hinablot ang headphone na nakakabit sa tenga nito.

"Ano bang problema mo?" singhal ni Diana matapos hablutin ni Samantha ang headphone.

"Ako pa talaga ang may problema ngayon, a. Hindi mo ba alam na bukas na ang performance natin tapos ikaw tamang chill ka lang diyan? Ang kapal rin ng mukha mo 'no? Tatanggap ka ng grade na hindi mo naman deserve. Pabuhat ka lang sa grupo." Naglakad si Samantha at ibinato sa sahig ang headphone ni Diana.

Nangigigil siya sa ginawa ng babae. Nagawa pa itong mag-chill habang sila ay hirap na hirap sa paggawa ng kanilang costume at props.

Nagpunta si Samantha sa room upang kunin ang sticks. Umalis naman siya kaagad doon nang makuha ang kailangan.

Hindi niya inaasahang naroon pa rin ang babae matapos niya itong insultuhin. Talagang matigas ang ulo nito dahil hindi ito nakinig sa kaniya.

Humahalinghing pa si Diana nang mapanood na malapit nang magkahalikan ang dalawang bidang artista sa pinanood. Nagpainit ng dugo naman ang ginawa niya kay Samantha.

"Talagang matigas ang ulo mo, Diana. Puwes, kailangang turuan ng leksyon ang isang katulad mo," bulong sa isip ni Samantha.

Hinigpitan niya ang hawak na sticks. Naglakad siya sa kinaroonan ng babae. Tinapik niya ang balikat nito at akmang lilingon na sana ito ngunit inuhan na itong tinusok ang mata. Ibinaon nang mariin ni Samantha ang sticks at sinubukan pa niyang ikutin ito. Pumalandit doon ang sariwang dugo at nang sinubukang sumigaw si Diana ay sinaksak niya ng sticks ang lalamunan nito. Tumunog pa aito nang gawin ni Samantha.

Matapos makita ni Samantha na hindi na humihinga si Diana, nagpasiya siyang pumunta sa comfort room para maghugas ng kamay. Hinugasan niya ang kamay na may bahid ng dugo.

Matapos ay naghilamos siya at ipinahid niya ang panyo sa kaniyang mukha. Alam niyang siya ang pagbibintangan kay Diana kaya nag-iwan siya doon ng isang sulat. Isinulat niya roon na si Vangelyn ang pumatay.

Natapos na ang kanilang oras na ibinigay kaya iniligpit na nila ang mga gagamitin bukas at itinapon nila ang ilang kalat. Unang lumabas si Valerie sa gymnasium. Nagkatinginan sina Zephyr at James at tumango bilang hudyat sa kanilang susunod na gagawin. Sinundan nila ang kaklase pabalik ng room.

Mabagal silang naglakad upang hindi makagawa ng ingay. Yumuko pa sila sa bawat lakad nila. Nanlaki ang kanilang mata nang marinig nilang sumigaw si Valerie.

Kaagad silang tumakbo sa kinaroroonan ni Valerie. Napatakip silang tatlo ng bibig nang makitang wala ng mata ang kaklase nilang si Diana. Nasa sahig na ang walang malay na katawan ng kaklase. Nagulat si Valerie nang mabasa niya sa papel na siya ang pumatay.

"No way! Hindi ako mamamatay-tao!" Pinunit niya ang papel at agad na ikinuyom 'yon.

"Huwag kang mag-alala, Valerie. Nakita ka namin dahil nakasunod kami sa 'yo at nasisigurado naming hindi nga ikaw ang may gawa," sagot ni Zephyr.

Nagsidatingan ang lahat ng mga kaklase nila at ganoon din ang naging reaksyon matapos makita ang sinapit ni Diana. Ang iba ay hindi nakayanan ang nakita kaya tumakbo papunta sa room nila.

"Sino ba kasi ang may gawa sa atin nito? Akala ko ba okay na tayong lahat? May lihim pa bang nagagalit dito? Sumagot kayo dahil hindi na ito nakakatuwa. Kung may galit kayo sa isa sa atin, magsabi naman kayo at hindi sa ganitong paraan. Please lang!" Binasag ni Genesis ang katahimikan. Naiiyak na siya dahil marami na ang kaklase niyang namamatay o sa katunayan—pinapatay.

Sinubukan niyang paaminin ang lahat ngunit walang ni isa ang nagsalita at umamin. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang pulis.

"I think si Valerie ang may gawa nito sa mga kaklase natin. Siya lang naman kasi ang may malalim na dahilan na gumanti," wika ni Samantha sabay tingin ng nakakamatay kay Valerie.

"You're right! Ako nga ang may malalim na rason na gumanti ngunit hindi ako ganoong klaseng tao. Pumatay bilang ganti? Hell, no?" sinubukang labanan ni Valerie ang tingin ni Samantha.

"Well, totoong hindi si Valerie ang may gawa kay Diana. Nakasunod kami sa kaniya pabalik sa room," pagtatanggol ni James.

"At paano mo naman nasisiguro? Kilala ka pa namang manloloko?" Samantha said with bitterness to her ex-boyfriend.

"Bitter ka pa rin ba sa nangyari? Oh, come on! Hindi ka pa rin makapagmove-on sa pang-iiwan ni James sa 'yo?" pang-aasar ni Isabelle kay Samantha na nagpapainit ng ulo niya.

"Bitter? Me? Hell no! Sayong-sayo na 'yan si James. Kung gusto mo isaksak mo pa 'yan sa baga mo!" Tumawa nang bahagya si Samantha matapos makitang nainis si Isabelle sa sinabi niya.

"I have Marco now. Ang lalaking akin lang kahit inahas pa ng iba diyan," pagpaparinig niya kay Valerie upang mainis ito. "Hindi na ako magtataka kung ako na ang isusunod ni Valerie dahil nagkabalikan kami ni Marco. If I'll die tomorrow, I'm sure maniniwala na kayo sa 'kin na siya ang mamamatay-tao sa room natin," dagdag niya habang nakangisi at agad inilingkis ang kamay niya sa bisig ni Marco.

Nilampasan nina Samantha at Marco ang mga kaklase. Nagpunta ang dalawa sa room nila upang kunin ang kanilang mga bag at nang makauwi na. Naiwan namang nainis sina Isabelle at Valerie. Sumunod naman sila sa dalawa patungo sa room.

NAKANGITI habang nakaupo si Lucho sa isang malaking upuan. "Malapit na akong maging tao. Kaunting buhay na lang. Magiging malaya na akong makakagawa sa kahit anong gusto ko," saad nito at tumayo nang marinig ang busina ng sasakyan.

Natanaw niya ang pagbaba ni Valerie. Ang babaeng magsasakatuparan ng mga pangarap niya. Mayroon mang pagtataka sa kaniya kung bakit may koneksyon sila. Ang mahalaga ay kapwa makuha nila ang kanilang gusto—ang maghiganti kay Valerie at ang sa kanya naman ay maisakatuparan ang kahilingan niyang maging tao para sa isang misyon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top