Chapter 8
CHAPTER EIGHT
DEVIL'S MISSION
MASUSING nag-imbestiga ang mga kapulisan tungkol sa naganap na krimen. Isa-isang inimbestiga ng mga pulis ang mga estudyante sa Sampaguita kaya walang nangyaring klase sa section nila. Nang matapos ay bigo ang mga pulis na malaman kung sino ang totoong salarin sa patayan.
Kinabahan si Valerie sa oras na siya ang kinausap ng isang pulis ngunit kinontrol niya ang sarili para hindi mabuko. Kaya nandito siya sa canteen umiinom ng iced tea para mahimasmasan.
"I'm pretty sure na kaklase lang natin ang pumatay sa tatlong bitch na 'yon," sambit ni Rica Mae habang kasalukuyang kausap nito sina Elisa at Margaux.
Napatingin si Valerie sa puwesto nila. Namataan niyang nasa unang puwesto lang ang tatlo nakaupo at nakatalikod sa puwesto niya. Napataas ang kilay niya matapos 'yong marinig.
"Tama kayo. But I'm pretty sure rin na hindi n'yo siya mahuhuli," mahinang sambit ni Valerie sa sarili at hinigop ang natitirang iced tea.
Tumayo siya at dahan-dahang naglakad. Nang makita ang isang trash can ay itinapon niya roon ang walang lamang cup ng iced tea. She gently wipe her lips with tissue. Tinahak niya ang daan patungong comfort room para magre-touch.
Kinuha niya sa loob ng kaniyang bag ang mga pampaganda. Tamang lagay ng foundation at red lipstick ang gamit niya. There's no such thing to apply in her face because she knows she's beautiful.
Nang ibinalik na niya sa bag ang mga ginamit na pampaganda. Narinig na naman niya ang mga kaklase niyang nakasama sa canteen. Elisa, Margaux and Rica Mae to be exact.
"Kung sino man ang may gawa no'n sa mga kaklase natin, sana mahuli na," nag-aalalang sabi ni Margaux. Kitang-kita niya pa ang panlulumo ng mga mukha nito.
Valerie continue to fix her things at nagdesisyong lumabas na sa lugar na 'yon. Lalabas na sana siya sa pintuan pero may isang kamay na humawak sa balikat niya. Hinarap niya ito upang malaman kung sino. It's Margaux, ang kaklase nilang talunan at nagdala ng kahihiyan.
"Isa ka rin ba sa nadismaya sa 'kin?" She ask with a casual tone.
"Of course, sino ba naman ang matutuwa sa naging resulta. We're known for being number one pero in just one glimpse, sinira mo!" diretso at walang pagdadalawang-isip na pang-iinsulto ni Valerie sa kaklase.
"She did her best and that's enough, Valerie!" pagtatangol sa kaibigan na medyo napataas ang boses dala ng emosyon. Nakataas pa ang kilay nito na nagpainit ng dugo kay Valerie.
"It's a no for me. She did her best but it wasn't good enough. And that's the truth you need to accept." Tinalikuran niya ang mga kaklase at tuluyang lumabas ng comfort room.
Tinungo ni Valerie ang rooftop upang doon magpalamig ng ulo. Balak niya rin na mag-isip sa susunod na hakbang at kung sino ang isusunod niya. Hindi pa rin siya mapakali dahil alam niyang bawat isa sa kanila ay nagdududa kung sino ang pumatay kay Jielvi.
Nag-isip rin siya kung sino ang maaaring pumatay kina Jane at Bea. Ito ang gusto niyang malaman. Kung sino ang isang mamamatay-tao sa kanilang klase.
MATAMLAY at wala sa sariling pumasok si Elisa sa paaralan. Kinakabahan siya sa bawat galaw na gagawin niya. Hindi niya maisip na makakagawa siya ng isang bagay na mali sa mata ng batas at Diyos. Mas tumaas ang kaniyang kaba ng nakaharap na niya ang isang pulis para mag-imbestiga.
Nakahinga siya nang maluwag nang matapos 'yon. Akala niya ay mahuhuli siya ngunit naging malikot rin pala ang isip niya at nakasagot nang diretso.
Siya ang pumatay sa dalawa niyang kaklase. Pinatay ni Elisa sina Jane at Bea. Nagawa lang naman niya 'yon dahil sa init ng dugo niya. Nadala lang siya sa kanyang emosyon kaya nagawang niyang patayan ang dalawang kaklase. Masyado kasing iniinsulto nito ang kaibigan niyang natalo sa pageant na si Margaux.
Nag-iba ang pagkatao niya nang magawa ang bagay na 'yon. Tila sinasapian si Elisa ng demonyo upang gawin iyon. Hindi siya nakatulog nang maayos kaya wala siya sa sariling pumasok.
Pinagsisihan ni Elisa ang ginawang pagpatay. Ngunit natatakot siyang sumuko dahil natitiyak niyang matatapos lahat ng pangarap niya. Mas naramdaman niya ang kahihiyan sa sarili ng mismo mga kaibigan niya ay gustong malaman kung sino ang pumatay. Nagi-guilty si Elisa sa kaniyang ginawa. Alam niyang malaking kasalanan ang pumatay at iyon ang pinagsisihan niya.
Ngunit nagtataka rin si Elisa kung sino ang pumatay sa isa niyang kaklase si Jielvi. Nang saksakin niya sina Bea at Jane malapit sa library, hinila niya ang mga bangkay nito upang doon ilagay sa gitna ng hallway. Nang makarating siya doon ay nagulat siya nang makitang may patay doon at iyon ay si Jielvi. Pinagtabi niya ang tatlo upang magmukhang iisang tao lang ang gumawa.
Nang makarinig siya ng lakad ng tao ay dali-dali siyang tumakbo sa lugar na iyon at pumunta sa likod ng building. Umakyat siya sa fence gamit ang hagdan na yari sa kahoy.
Ang akala noon ni Elisa na walang nakakita sa paglagay niya ng mga patay na katawan nina Jane at Bea pero nagkakamali ito. Nakita ni Valerie ang pangyayaring 'yon pero hindi niya mamataang si Elisa ang may gawa n'on. Masyadong madilim ang paligid dahil walang ilaw. Naka-sumbrero pa si Elisa at naka-jacket kaya ligtas pa rin siya dahil hindi siya nakita ni Valerie.
NANG kumagat ang dilim, pauwi na sana si Valerie ngunit nakita niyang nag-iinuman sina Rica Mae at Margaux sa isang malapit na kainan. Nakita rin niyang may tama na ang dalawa ng alak. Pinauwi ni Valerie ang driver at sinabihang may gagawin pa siyang project. Iti-text niya lang raw ito kapag natapos at pauwi na siya.
Pumasok si Valerie sa lugar na nag-iinuman ang dalawang kaklase. Nag-order na rin siya ng ilang makakain habang hinihintay ang tamang tiyempo.
She wanted to end another life—lives actually. Dahil nakikita niya na dalawa ang babagsak ngayong gabi. Tiningnan niya ang orasan na nakakabit sa dingding at alas siete na ito. Maaga pa para isagawa ang plano. Nilingon niya ang kabuuan ng kainan at iilan na lang ang kumakain rito.
Nagulat siya nang makitang nakangiti nang malapad sa bintana ang isang demonyo. Nandadala na naman ito sa kaniya para pumatay.
"Isang shot pa, Rica. Woah!" sigaw ni Margaux sa kainumang kaibigan na si Rica Mae sabay cheers ng baso nito. Kapwa lasing na ang dalawa dahil sa mahigit anim na bote ng beer ang naubos. Sabado kinabukasan kaya hindi sila nag-aalala dahil hindi maagang gigising para pumasok. At ang totoong dahilan kung bakit sila umiinom ay dahil gusto ni Margaux na kalimutan ang kahihiyang ginawa niya.
Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya at nahihiya dahil sa pagkatalo niya. Sinira niya ang tiwala ng kaniyang mga kaklase. Sinira niya ang pagiging number one at undefeated ng section nila. Kaya gusto niyang sandaling kalimutan iyon kaya ang paglalasing ang naisip niya. Sinamahan naman siya ni Rica upang suportahan sa kanyang gagawin.
Pagpatak ng alas-otso ng gabi. Napagpasiyahan ng dalawa na umuwi na. Matapos magbayad sa ininum nila ay lumabas na sila sa kainan. Naglakad ang dalawa ng walang kaalam-alam na sinusundan sila ni Valerie.
Pumunta ang dalawa sa isang waiting shed para maghintay ng taxi. Habang naghihintay, wala silang ideya na ito na ang kanilang katapusan. Wala silang kaalam-alam na ito na ang huling sandaling mabubuhay sila.
Pumulot si Valerie ng isang bato na sinlaki ng kamao. Matulis ang dulo nito na siyang plano niyang ipukpok sa dalawa. Nang makitang walang sasakyan na dumaan, kaagad siyang pumunta sa harapan ni Margaux at ipinukpok sa ulo ang hawak na bato. Ilang beses niya iyong ginawa at siniguradong hindi ito mabubuhay.
Nang makitang wala na itong malay. Hinanap niya si Rica Mae na nawawala sa paningin niya. Inilibot niya ang paningin at nakitang tumatakbo ito. Hindi ito masyadong nakatakbo ng maayos dahil sa kalasingan nito. Nagawa niyang maabutan ang babae. Binato niya ang ulo at narinig ang pagtunog nang matamaan. Napahawak si Rica sa ulo at sinubukang tumakbo ngunit nahawakan ni Valerie ang paa niya na nag-resulta ng kaniyang pagkatumba.
Wasak ang bungo ni Rica nang unang tumama ito sa isang malaking tipak ng bato. Lumabas doon ang malapot na dugo. Napasigaw si Rica sa sakit. Sinubukan niyang bumangon ngunit bigo siya nang biglang tinapakan ng malakas ang likod niya ni Valerie.
Sisigaw sana siya ng tulong ngunit mabilis na pinasukan ni Valerie ang bibig niya ng bato na hawak nito kanina. Pinilit na ipasok ni Valerie ang bato sa bibig ni Rica na nagpadilat ng mata nito.
Napaisip si Rica na ito na yata ang katapusan niya. Ipinikit na lang niya ang kanyang mata dahil sa sakit. Napaluha siya sa ginawa ni Valerie sa kaniya. Hinila siya nito. Nagkasugat-sugat ang mukha niya habang patuloy siyang hinihila. Tinalian siya ng kamay at hinila siya patungo sa gitna ng kalsada.
Habang nakahiga si Rica sa kalsada, bumalik si Valerie sa patay na katawan ni Margaux at iginapos ito sa isang punong-kahoy. Dumadaloy pa rin ang malapot na dugo nito. Binilisan ni Valerie ang pagkilos upang walang makakita. Nang matapos siya ay bumalik siya sa waiting shed. Nai-text niya ang driver at naghintay siya roon ng ilang minuto.
May rumaragasang ten-wheeler truck na dumaan sa kalsada. Sumilay ang isang pilyang ngiti sa labi ni Valerie.
"Tiyak nanlalata na ang buong katawan ni Rica ngayon," aniya at nang marinig ang busina ng kotse nila ay sumakay siya roon.
All things quickly came up to her mind. Nage-enjoy siyang pumatay sa mga kaklaseng wala sa listahan niya. Mas nag-enjoy rin ang kaibigan niyang si Lucho. They kill as they simply play on it. Walang pagdadalawang-isip na akala mo'y hindi ito isang masamang gawain.
She better kill those people wanted to know who the killer is. Sa mga taong gusto siyang mahuli, sinisigurado ni Valerie na babagsak at pupulutin sa lupa ang mga taong nais siyang makulong. Kung pabagsakan lang ang usapan, natitiyak niyang hindi siya ang unang bubulosok pababa. Kung babagsak man siya, sisiguraduhin niyang iuuna niya ang mga taong may sala sa kaniya.
"Break my bones but you won't see me fall," kanta niya sa isang linya ng musika habang nakasakay pa rin sa kotse. Pumikit siya ilang sandali at ninanamnam ang bawat liriko ng kantang "Hold My Hand" ni Jess Glyne.
Pagkababa niya ng sasakyan ay bumungad sa kanya ang demonyong si Lucho. Nakangiti pa rin ito at napapansin niyang nagbago ang anyo nito. Ang mukha nito'y hindi na kagaya ng dati na kahindik-hindik ang itsura. Nagkaroon na ito ng pigura kagaya ng tao. Ang dalawang sungay naman nito ay hindi na mahaba at matulis.
"Mukhang may lihim na itinatago ang demonyong ito! Kailangan ko itong malaman sa lalong madaling panahon," sa isip-isip ni Valerie.
"Halika, may sasabihin ako sa 'yong mahalaga." Naglakad silang dalawa papunta sa kuwarto ni Valerie. Masaya si Valerie dahil hindi niya na pala kailangang mag-aksaya ng panahon. Ang demonyo na ang kusang magpaliwanag sa pagbabagong anyo nito. Kung ano man ang dahilan ng kanyang pagbabago ay natitiyak ni Valerie na may kinalaman siya roon.
"Bawat taong pinapatay mo ay unti-unti kong natutupad ang aking kahilingan na maging tao," saad ni Lucho na may malalim na boses. Tila nanunuot sa kaniyang pandinig ang kakaibang boses ng demonyo. Kumunot ang noo ni Valerie nang marinig ang sinabi ni Lucho. Nagtaka siya kung ano ang koneksyon nila at bakit may epekto sa demonyo ang kaniyang pagpatay.
"Ibig mong sabihin, gusto mong maging isang tao? Bakit? Papaanong may koneksyon ang pagpatay ko sa kahilingan mo?" sunod-sunod na tanong ni Valerie habang nagtataka. Kinutuban si Valerie sa titig ni Lucho. Nakakapaso ang kaniyang titig na tila malulusaw siya kapag nagtagal ito.
"Simple lang, ikaw ang isinugo. Ako ang iyong tagapag-bantay. Nang mamamatay ang mga magulang mo, ako ang naging taga-bantay sa bawat kilos mo. Itinapon ako ng haring diablo para sa isang misyon at 'yon ang bantayan ka at para rin sa kahilingan mong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo." Tumalikod si Lucho at bigla itong nawala sa harap ni Valerie matapos ipaliwanag ang lahat.
Naiwang tulala at naguguluhan si Valerie sa sinabi ni Lucho. Sinubukan niyang intindihin iyon ngunit ipinagwawalang bahala na lang niya dahil wala siyang mapapala kapag pinipilit niya. Pinapagod niya lang ang kanyang sarili. Ano man ang pakay nito sa buhay niya, sana ay maging matagumpay silang dalawa. Sa tulong nito ay mapadali nilang mapatay ang mga taong nagkasala sa kaniya at sa kaniyang mga magulang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top