Chapter 7

CHAPTER SEVEN

KARMA IS A BITCH

MABILIS pa sa alas kuwatro na kumalat ang balitang patay na si Sid sa buong campus kinaumagahan. Ayon sa statement na ibinigay ng ospital, may nagtangkang pumasok sa kuwarto ni Sid at doon ito pinatay. Lihim na napangiti si Valerie nang marinig ang balitang 'yon. Pinuri pa niya ang sarili sa ginawa niya.

Napakatahimik ang klase nila. Marami ang nalungkot sa pagkamatay ni Sid pero si Valerie masayang-masaya at nagdidiwang ang kanyang puso. Natanaw rin niya ang demonyong si Lucho sa labas na nakatingin sa kanya at tuwang-tuwa sa kaniyang ginawa.

Nagkaroon ng isang maikling pag-uusap ang mga estudyante ng Sampaguita. Sa pangunguna ni Genesis, napagdesisyunan nila na bumisita sa burol ng kaklase. Gusto nilang makiramay. They agreed na magkikita-kita na lang sila mamayang ala sais ng gabi sa labas ng paaralan para sabay-sabay na silang pumunta. Malapit-lapit lang naman ang bahay ni Sid mula sa paaralan.

Bumuhay ang isang ideya sa isip ni Valerie. Umayon talaga sa kaniya ang tadhana at tila binibigyan siya ng pagkakataon na gumawa na naman ng isang bagay. Ang kumitil na naman ng isang buhay.

Magkakaroon ng isang activity sa school nila mamayang hapon. Idadaos muli ang taunang beauty pageant ng kanilang paaralan bilang selebrasyon ng anniversary ng school. This pageant is an annual celebration.

Sa pamumuno ni Jomar Alcantara, president ng student council na kaklase rin nila, alam nilang magiging masaya at memorable na naman ito. Alam na ng mga mag-aaral ng Sampaguita na sila na naman ang mananalo through their representative Margaux.

Margaux volunteered to represent their class on the said pageant.

In every pageant, Sampaguita always won not because of the connection of student council president came from their class, but because every representative they brought, always showed confidence and impressed the judges.

Due Jomar's order that whole day will be no class, they prepare for banners. Abala ang lahat sa paggawa ng iba't ibang pakulo para lang maipakita ang suporta sa kaklase nilang si Margaux. Kinalimutan nila saglit ang lungkot kay Sid at itinuon ang atensyon para sa pageant na gaganapin mamaya.

Handang-handa na ang lahat. Matapos ang puspusan nilang pag-aayos ay kumain sila sa Cafeteria. Nang mamataan nila ang mga mukha ng mga kandidata sa isang tarpaulin, nangingibaw talaga ang ganda ni Margaux sa lahat. Simple lang ang ngiti pero nang-aakit.

Dali-dali silang pumasok sa Cafeteria. Pagkapasok nila ay pinagtitinginan sila. As always naman kaya hindi na sila nabigla. Lahat sila sabay maliban na lang sa mga kaklase nilang bahagi ng student council dahil abala ito sa gaganaping programa.

Pumunta sila sa order lane pero may ilang estudyante na hindi binigyan sila ng daan. Halos lahat ng estudyante ay takot sa kanila pero may mangilan-ngilan pala talaga na hindi kaya nagsalita si Bea.

"Mag-o-order kami kaya bigyan n'yo kami ng daan!" Hinawi ni Bea ang tuwid niyang buhok at tiningnan nang masama ang mga babaeng nakapila sa unahan nila ngunit siya nilingon.

"Excuse me! Mga bingi ba kayo? O sadyang nagbibingihan.? Gusto n'yo yata na mapatalsik sa school na 'to," Itinulak ni Jielvi ang isang babae. Nagtaas siya ng kilay nang makitang iniirapan siya nito.

"You are nothing but a low class, bitch! Huwag mong hintayin na pati ulo ko mag-init sa 'yo!" Sumali na sa usapan si Jane.

Kinatatakutan ang tatlong babae sa school. Bukod sa pagiging masama ng ugali ay dahil na rin na ang pamilya nila ang may hawak ng paaralan. Kaya ganoon sila umasta sa mga kapwa nila estudyante. Sinubukang awatin ni Isabelle ang mga kaibigan at nakinig naman ito. Humingi ng pasensya si Isabelle sa babae sa ginawa ng tatlong kaibigan. Umalis naman ang babae sa harap nila at mabilis na lumabas sa Cafeteria.

Pagpatak ng ala una, kaagad na sinimulan ang programa. Opening production pa lang ay pasabog na ito. Isinunod ang casual wear at long gown. Pinili ng mga judges ang limang kandidata na maglalaban para sa question and answer portion. Dumagundong ang kanilang sigawan ng unang inanunsyo ng host ang pangalan ni Margaux. Naghiyawan sila bilang pagpapakita ng suporta sa kaklase.

Madaling natapos ang pagpapalitan ng sagot at tanong mga kandidata at ng mga hurado. Bawat isa sa kanila ay kinabahan ng makitang hawak na ng host ang isang puting envelope na naglalaman ng resulta. Alam nilang si Margaux ang mananalo. Siya lang at wala ng iba pa.

"And our Miss Teen Personality for this year is. . . ," malakas at pambibitin na anunsyo ng host.

"Miss Janna Patricia Santiago from section Rose," anunsyo ng host. Tigalgal at hindi makapaniwala sila sa resulta. Hindi nila inakalang matatalo si Margaux.

"No! Hindi ito puwedeng mangyari! Margaux's answer is better from that trying-hard woman," nagpapadyak sa karereklamo si Bea sa mga kaklase. Malakas ito kaya narinig ng mga estudyante mula sa section Rose. Binigyan si Bea nang mapang-asar na ngiti nang mga iyon at kaagad na nagsigawan para iparamdam na natalo sila. Labis ang pagkainis na naramdaman sa dalaga matapos gawin niyon ng mga estudyante sa kaniya.

Bumalik sa room na dismaya ang kanilang mga mukha. Lahat sila hindi matanggap ang resulta.

"It's okay, guys! We know that Margaux did her best and that's enough." Binigyan ng pilit na ngiti ni Genesis ang mga kaklase nang makapasok na sila sa loob ng silid.

"No! Her performance was not enough. Malaking kahihiyan na natalo tayo. Unang beses itong nangyari sa 'tin na natalo. Sana ako na lang ang sumali. I'm pretty sure that I will make eveyone's proud," irap nito at inayos ang kaniyang upo.

"You're right girl! Sana nagdiwang na tayo ngayon kung ikaw ang sumali," dagdag ni Jielvi.

"It's done! Wala na tayong mukhang maihaharap sa lahat. Baka nga paglabas natin sa room na 'to, pagtatawanan na nila tayo," ani Jane na kitang-kita ang pagkabahala sa mukha.

Valerie saw three bitches getting into her nerves. Kanina pa ito nagbibigay ng init ng ulo sa kaniya. Wala na nga itong naiambag, nagrereklamo pa.

MABILIS na lumipas ang oras at uwian na. Hindi na nila hinintay si Margaux dahil umuwi na ito dahil nahihiya sa pagkatalo. Pinaalala rin ni Genesis ang pagpunta nila sa burol kaya nagsiuwian na ang mga kaklase niya.

Pagdaan ni Valerie sa hallway ay madilim na ito. Naaalala niya ang nangyari kina Marco at Samantha sa lugar na 'yon na naghahalikan. Nagulat siya nang makitang may naglalakad. Biglang nakarinig siya ng bulong at nasisiguro niyang si Lucho ito.

"Pumatay ka na!"

Tinignan niya nang maigi ang nakatalikod na babae. Si Isabelle ang unang pumasok sa isip niya. Magkatulad na magkatulad ang tindig nito. Binilisan niya ang kaniyang paglalakad at nang nasa likuran na siya ay kinuha niya ang foldable knife nakalagay sa kaniyang shoulder bag. Inilagay niya iyon sa isang maliit na pouch upang hindi makita ng security guard kung sakaling titignan ang laman ng kaniyang bag.

Mabilis na tinakpan ni Valerie ang bibig ng babae at ibinaon niya ang matulis na kutsilyo sa tagilirang bahagi ng babae. Bumagsak ang babae na akala niyang si Isabelle sa sahig. Kinapa niya ang kaniyang bulsa at kinuha ang cell phone. Binuhay niya ang flashlight at itinutok ang liwanag sa babae. Nagulat siya nang malamang hindi si Isabelle ito. Nakahandusay at naligo sa sariling dugo ang walang buhay na si Jielvi matapos niyang saksakin ito.

Kumaripas siya nang takbo sa hallway at mabilis siyang nakalabas sa hallway. Pawis na pawis siya at habol ang kaniyang hininga.

Kalat na ang dilim ng paglabas niya sa gusali. Nilibot niya ang paningin at wala ng mga estudyanteng nakakalat. Naglakad siya ngunit ang inalala niya ay ang kaklaseng pinatay.

Nagdesisyon siyang balikan ang kaklase ngunit pagbalik niya ay mas nagulat siya nang makitang hindi lang si Jielvi ang nakahandusay sa sahig. May katabi na ito na katulad niyang sinaksak. Nagtaka si Valerie dahil si Jielvi lang ang pinatay niya ngunit bakit magkasamang nakahandusay sa sahig sina Bea at Jane. Kapwa itong naliligo sa sariling nitong dugo. Luminga-linga si Valerie sa paligid at nakita niyang may tumakbong isang tao patungo sa itaas ng gusali.

Tumakbo si Valerie dahil baka may makakita sa kaniya. Dali-dali siyang tumakbo sa labas ng paaralan. Hindi na siya umuwi at naghintay na lang siya ng ilang minuto sa mga kaklase. Nai-text na rin niya ang mga magulang na pupunta siya kasama ang kaniyang mga kakaklase sa burol ni Sid.

Habang nakaupo siya sa bench malapit sa gate. Napaisip siya kung sino ang pumatay kay Bea at Jane. Nasisiguro niyang kaklase niya lang ito. Walang siyang pagsisisi sa ginawang pagpatay kay Jielvi. Deserve nitong mamatay dahil sa masama nitong ugali pati ang mga kaibigan nitong sina Bea at Jane.

Masyadong pabida ang mga ito at mataas ang tingin sa sarili.

"Karma is a bitch" sa isip-isip ni Valerie.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top