Chapter 6

CHAPTER SIX

BEAUTIFUL MISTAKE

MAAGANG nagsidatingan ang mga mag-aaral sa section Sampaguita. Sabik na sabik na silang pumasok sa unang klase nila sa Physical Education. Sa katunayan, hindi naman sila sa subject na-e-excite kundi sa guwapo, matangkad at may nakakatunaw na ngiti nilang guro na si Teacher Jay Alonzo o mas kilala sa tawag nilang "Teacher Handsome". Ilang araw kasi itong nawala at hindi pumasok dahil dumalo sa isang Sports Festival. Isa kasi itong coach sa basketball team at isa ang paaralan nila na participants sa naturang event.

Marami ang humahanga sa nasabing guro. Bukod kasi sa pagiging sporty at guwapo ay mabait rin ito. Mas dumami ang nahuhumaling dito nang malamang wala pa itong nobya. Todo paganda at gumagawa ng paraan ang ibang kababaihan para lang mapansin. Kasama na rito ang ilang mga babaeng estudyante sa Sampaguita. Kaya todo ayos at paganda ang mga ito habang wala pa ang guro.

"Good morning, class!" masiglang bati ng guro nila na si Teacher Jay nang pumasok na ito sa kanilang classrom. Inilapag nito ang dalang aklat sa mesa na nasa harapan nito.

Agad na nagsitayuan ang lahat at tumugon sa bati ng kanilang guro. Niligpit na rin ng ilang mga kababaihan ang mga kagamitang pampaganda at sinimulang ituon ang atensyon sa kanilang guwapong guro.

Nagbigay ito ng isang paalala para sa kanilang huling performance sa nasabing asignatura. Magtatanghal sila ng isang cheer dance na gagawin sa quadrangle. Kasunod na ibinigay ng guro ang ilang mechanics at criteria kung paano sila bibigyan ng puntos. Pagkatapos ay hinati niya ang klase sa dalawang grupo.

Kaagad na nag-discuss si Teacher Jay ng ilang basic steps sa cheer dancing. Ang ilang basic steps na kaniyang itinuro ay kinakailangang ma-apply sa kanilang huling performance. Ipinaliwanag din niya ang ilang tips upang mas mapaganda at magabayan sila sa pagsayaw.

Napangiti si Teacher Jay nang makita niya sa mga estudyante ang excitement matapos ang kaniyang discussion. Nagsitilian at kilig na kilig naman ang ilang kababaihan dahil sa ginawa ng guro. Nagpapadagdag kasi ang ngiti nito sa kaniyang kagwapuhan. Dinagdagan pa ito ng malalim na biloy na lalong napapatingkad sa taglay nito.

Nagtungo ang lahat sa quadrangle. Alas otso pa lang ng umaga ngunit tirik na tirik na ang araw. Nagsipuntahan ang lahat sa kani-kanilang grupo. Sinimulan nila ng isang warm-up exercise at kaagad na isinunod ang basic steps ng cheer dance na kanina ay itinuro ng guro nila.

Labinlimang minuto ang oras na ginugol nila sa ensayong 'yon. Hinihingal na ang ilan at pinagpapawisan.

Nang makita ng guro nila ang pag-usad ng ensayo, pinahinto niya ang mga ito at pinahintulutang magpahinga.

Pawisan si Valerie nang umupo sa isang bench sa gilid ng quadrangle. Kaagad na kinuha niya ang puting towel at ipinunas sa niya sa pawisang mukha. Binuksan niya ang kaniyang shoulder bag at kinuha ang isang tumbler na may lamang tubig.

Pagkasarado niya ng bag ay nagulat siya nang tumambad sa kaniyang tabi si Samantha. Umupo ito at nagpupunas rin ng pawis kagaya niya. Magkasama sila sa iisang grupo na pinangungunahan niya. Si Valerie lang naman kasi ang lider ng grupo nila dahil ito ang magaling sumayaw. Member rin kasi ito sa dance organization ng school.

"Tubig, gusto mo?" Kasabay na inabot niya ang isang tumbler na may lamang tubig sa kaklase. She remain nice despite of their misunderstanding at away kahapon.

"Thanks but no thanks!" Nagulat siya sa sinagot nito. She tried to remain calm. Ibinaba niya ang tumbler at bumuntong-hininga. "Okay fine," tipid niyang sagot.

Kapwa silang napalingon sa bagong dating na si Sid, kaklase rin nila. Hinihingal ito at pawis na pawis. Kitang-kita ang pawisang damit na nagmistulang sinabuyan ng tubig.

"Puwede painom ng tubig?" Hinamblot nito ang tumbler kahit hindi pa nakasagot si Valerie. "H-huwag!" Pinigilan ni Valerie si Sid na huwag inumin ang kaniyang tubig ngunit huli na ang lahat dahil tapos na itong uminom. "Ahhh!" ginhawang ekspresyon nito matapos mapawi ang uhaw.

Hindi maipagtataka kung bakit hinihingal ang kaklase nilang si Sid Alvarez. May kalakihan kasi ang lalake. Sa madaling sabi, mataba ito. Minu-minuto itong kumakain sa loob ng klase. Kaya nagtaka sina Samantha at Valerie nang wala itong dalang tubig. Naisip rin ng dalawa na baka naubusan ito o nakalimutang magdala.

Ilang sandal pa ay nakarinig sila ng isang pito galing kay Teacher Jay. Hudyat ito na ipagpatuloy ang kanilang pag-eensayo. Ngunit sa pagkakataong ito, magdadagdag na sila ng ilang steps para sa kanilang sayaw.

Bumalik sila sa kanilang puwesto at nag-isip ng mga steps. Ang mga lider ang nagplano sa mga dapat gagawin nila. Nag-ambagan naman ang ilang miyembro maliban na lang sa hindi marunong sumayaw. Nag-presenta lang ang mga ito na sila ang gumastos sa costumes at props na gagamitin sa performance.

Group leader si Valerie sa isang grupo habang si Elisa ang nasa kabila. Hindi maiwasan ng dalawa ang pressure at kompetisyon. Malaking performance ito at halos lahat ng guro at estudyante ay nanonood.

Napansin ni Elisa na nanghihina si Sid na miyembro niya.

"Okay ka lang ba, Sid?" Hinawakan niya ang noo at leeg upang i-check kung may lagnat ba ang kasama. Ngunit nasa tamang pakiramdam naman ito.

Ipinagpatuloy ni Elisa ang pag-a-assign sa mga miyembro. Nagulat sila nang biglang natumba ang kasamahan nilang si Sid. Agad nila itong pinagtutulungang buhatin papunta sa isang bench na hindi natatamaan ng sikat ng araw.

Lumapit na rin si Teacher Jay at tinawagan ang nurse sa clinic ng school gamit ang kaniyang cell phone. Ilang minuto pa ay dumating na ito. Agad na inilalayan ang walang malay na si Sid at isinakay sa stretcher. Matapos 'yon ay dinala ito sa clinic.

Hindi na pinatapos ni Teacher Jay ang pag-eensayo. Nagpasiya siyang magpahinga muna ang lahat matapos ang nangyari. Pinabalik niya na ang lahat sa classroom para makapag-bihis at makapag-pahinga. Pinaalala rin niya sa mga estudyante na palaging mag-ingat at magsabi sa kaniya kung masama ang pakiramdam upang maagapan sa madaling panahon.

"Safety first always. Huwag mahihiyang magsabi sa 'kin kung masama ang pakiramdam," bilin niya sa mga estudyante bago umalis.

Nakaramdam ng ilang kilig ang iba dahil sa pagiging concern ng guro. Mas lalo nabighani ang ilang estudyante dahil sa katangian nito. Agad naman sinita ng guro ang ilang estudyante na humihiyaw sa ginawa niya. Aniya, hindi 'yon ang tamang oras para kiligin sapagkat seryoso siya sa sinabi niya.

Nag-ayos ang lahat sa loob ng silid. Nagkaingayan ang lahat. May nagtatawanan at naghaharutan. Nagbabatuhan ng mga papel. Mga tipikal na gawain na makikita sa isang normal na klase. Nagkaroon pa rin ng enerhiya ang ilan matapos ang ensayo. Dalawang oras ang Physical Education nila ngunit dahil sa nangyari kay Sid hindi natapos ang klase. Mayroon pang thirty minutes na natitira.

May iba na lihim na natutuwa sa nangyari kay Sid. Nagpapasalamat dahil may malaking oras para makagpahinga.

Nagpatuloy ang ingay sa klase nang biglang magsalita ang mayor ng klase na si Genesis. Pinagsabihan niya na maging tahimik ang bawat isa dahil baka makadisturbo sila sa katabing classroom na may klase.

Hindi nakikinig ang lahat at nagpatuloy sa pinagagawa nila. Nag-iingay at nagkakat pa ang iba sa room. Ang dating tuwid na ayos ng mga upuan ay tila dinaanan ng bagyo. Hindi na nakatiis si Genesis at pumunta na ito sa harap.

"Guys, mga bingi ba kayo?" nanginginig na wika ni Genesis dahil sa galit na nararamdaman. Hindi natinag ang kaniyang mga kaklase sa sinabi niya kaya nagpasya siyang lumabas sa kanilang classroom.

Nalungkot si Genesis sa inasta ng mga kaklase niya. Apat na taon siyang namuno sa klase bilang president, pero ngayon lang siya hindi sinunod at pinakinggan ng mga ito. Nakaramdam siya pangungulila dahil nakikita niyang hindi na ganito ang dating samahan nilang magkaklase. Dati rati, isang utos lang niya ay sumusunod ang mga ito. Madalas rin ay sensitive at may iniatitive ang mga kaklase kaya hindi siya nahirapang mamuno.

Ang samahan nila noon ay matatag. Malapit ang bawat isa't isa. May hindi pagkakaunawaan man ngunit agad na naaayos sa masinsinang usapan. Samahan nilang akala niya ay hindi matitibag. Lahat kasi ng kaguluhan ay nag-iisa sila. Sa saya at lungkot ay nandiyan ang bawat isa nakikisama at nakikiramay.

Ngayon ay nagbago ang lahat. Nag-iba ang takbo ng hangin. Biglang nagbago ang ilang ugali.

"Nagbago nga ba o sadyang hindi niya pa lubusang kilala ang mga kaklase?"tanong niya sa sarili.

Lahat ay nagiging kompetisyon. Utakan na ang labanan sa loob ng klase. Isinantabi ang pagkakaibigan para lang sa hinahangad na pangarap. Napaiyak na lang si Genesis sa kaniyang iniisip. Siguro hindi niya nga yata kilala ng lubos ang mga kaklase.

"Ano ba kayo? Nagwalk-out na si Genesis, ayaw n'yo pa ring makinig? Hindi ko na alam kung paano ko kayo pagsasabihan. Kung ayaw n'yo, bahala kayo sa buhay n'yo!" umeeksenang bulyaw ng bise-presidente ng klase na si Courtney. Galit na galit ito at tila sasabog nang wala sa oras. Hindi na ito nakakapagtimpi sa inasta ng mga kaklase kaya nasigawan niya ang mga ito.

"Wow! Umaastang good leader. Ngayon lang talaga na malapit na matapos ang school year, Courtney? Mahiya ka naman." Tumatawa ang lahat sa sinabi ni Martin, ang prangka na kaklase nila.

"Away na 'yan. Away na 'yan," sigawan ng kanilang mga kaklase na nagpadagdag ng tensyon sa pagitan ng dalawa. Parehong nagpakumbaba ang dalawa at walang gulong nangyari.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik si Genesis sa loob ng silid. Tiningnan niya ang mga kaklase at nasisiyahan siyang natahimik na ang mga ito.

"Sorry, Genesis!" sabay-sabay na paghingi ng mga kaklase niya. Natutuwa naman siya sa ginawa ng mga ito na dahilan na mapangiti siya.

"Apology accepted but never do that again!' He tried not to cry. Sobrang mahal niya ang mga kaklase kaya siya ganito kung makaasta. Itinuring na niya ang mga kaklase na tunay na mga kapatid kaya gusto niyang madisplina ang mga ito kahit sa simpleng bagay man lang. Sa isang bahagi ng isip niya, naroon pa rin pala ang dating mga kaklase na nakilala niya simula sa unang araw ng high school.

"Since mahaba-haba pa ang oras para sa susunod nating subject, bibisitahin natin si Sid sa clinic. Okay lang ba sa inyo 'yon?" naka-cross-armed na anunsyo ni Genesis.

Nagsitanguan ang lahat bilang pagsang-ayon at napagpasiyahang tumungo na sa clinic.

Paglakad pa lang nila sa hallway ng building ay binigyan na sila ng daan ng mga lower students. As expected na ito sa kanila, takot kasi ang mga ito. Kilala kasi ang section Sampaguita na maimpluwensiya at makapangyarihan ang estudyante.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating sa clinic.

Bigo sila nang malamang wala doon si Sid. Ayon sa isang nurse, isinugod nila ito sa malapit na ospital. Napag-alaman din nilang nalason ito sa kung anong pagkain o inumin.

Pagkarinig ni Valerie sa sinabi ng nurse ay doon niya napagtanto na pinainum niya pala kanina si Sid ng tubig matapos itong humingi. Napakagat siya sa kaniyang labi nang wala sa oras. Palpak na naman siya sa unang plano niya. Naiinis siya nang maisip 'yon.

Ang tubig na may lason ay para kay Samantha sana ito ngunit tumanggi naman ang kaklase sa alok niya. Plano na niya ito bago mag-ensayo sa kanilang cheer dance. Kaso, kay Sid ito napunta dahil hinablot ito kahit wala namang permiso galing sa kaniya.

Tumalikod siya at sinubukang umalis ngunit nakita siya ni Genesis.

"Saan ka pupunta, Valerie?" tanong na may kasamang kunot ng noo ng president nila sa klase.

"A-ano. . . mag-c-cr lang ako saglit," ani Valerie. Buo ang isip ni Valerie na magtungo sa malapit na ospital upang puntahan si Sid. Iisa lang ang malapit na ospital sa bayan nila kaya alam niyang naroon naka-confine ang kaklase. Sumakay siya ng taxi at tinungo ang naturang ospital.

Labinlimang minuto bago niya narating ang lugar. Pagkatapos magbayad sa driver ay bumaba na siya. Pagkapasok niya sa ospital ay agad niyang tinanong ang isang nurse na nasa assistance section kung nasaan ang room ni Sid Alvarez. Nagpakilala siya bilang pinsan ng pasyente. Binigay naman ng nurse ang room number na lihim niyang ikinatuwa.

Plano niyang tuluyan ang buhay ni Sid. Napagisip-isip niya na baka kung mabuhay ito ay magiging problema lamang kapag nagkataon. Mabuko pa siya tungkol sa lason na inilagay niya sa tubig.

Pumasok siya sa comfort room ng ospital at doon nagbihis. Suot ang itim na t-shirt na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Nagsuot rin siya ng itim na sumbrero. Mahirap na baka makita sa surveillance camera at mahuli siya.

Tinungo niya ang room ayon sa sinabi ng nurse. Room 106.

Pagkapasok niya ay nakikita niyang mahimbing itong nakaratay sa hospital bed. Sakto at walang bantay. Mabilis niyang sinuot ang itim na shade at surgical mask na itinago kanina sa bulsa.

Minasdan niya nang mabuti ang inosenteng mukha ng kaklase. Nagpaalam siya rito at humingi ng tawad sa kaniyang gagawin. Hinablot niya ang nakakabit na dextrose at kinuha ang unan. Mabilis niyang tinakpan ang mukha at sinugurong malalagutan ito ng hininga.

Kumisay-kisay si Sid na parang manok na pinugutan ng ulo. Diniinan ni Valerie nang husto ang pagtakip ng unan sa mukha hanggang sa mawalan na ito ng hininga. Luminga-linga siya at baka may nakakita sa kaniyang ginawa. Tiningnan niya rin ang bawat sulok ng kuwarto at baka may nakakabit na surveilance camera. Laking pasalamat niya dahil walang nakakabit.

Inayos niya ang pagkakahiga ng kaklase upang magmukhang natutulog lang. Naglakad siya nang buong tapang na may kasamang tuwa. Naging palpak man ang unang plano niya kay Samantha ay nakagawa naman siya na siguradong ikakatuwa ng kaibigan niyang si Lucho—ang masamang nilalang na palaging bumubulong sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top