Chapter 5
CHAPTER FIVE
THE PUPPET WOMAN
BUONG buhay ni Valerie Ocampo ay takot siya sa sasabihin ng iba. Lumaki siyang takot mahusgahan. Upang matakpan ang kaniyang totoong pag-uugali ay nagpanggap siya. Alam niyang masama ang magpanggap ngunit wala siyang ibang mapamimilian. Gusto niyang punan ang pagkukulang sa puso niya. Ngunit sino namang tao ang magkakagusto sa mala-demonyo niyang pag-uugali.
Kilala si Valerie na hindi makabasag-pinggan sa loob at labas ng kanilang classroom. Modernong 'dalagang Pilipina' nga sabi ng guro nila na si Teacher Cindy. Kung tutuusin ‘yon naman talaga siya kapag umaarte pero kapag hindi, nanaisin na lang nang kahit na sino na hindi siya mabangga.
Alam ni Valerie sa sarili ang panget at nakakasuka niyang pag-uugali. Kilala na niya ang sarili noong bata pa lamang siya. Nanakit ito sa iba kahit wala namang ginagawa. Minsan pa, naghahanap siya ng gulo para lang may magawa siya sa buhay. Grade six siya nang matanggap sa sarili na mayroong siyang kakaibang pag-iisip. Dahil sa impluwensya ng pamilyang kumupkop sa kaniya, napilitan siyang umakto na parang normal. Maingat siya sa bawat ikinikilos dahil takot siyang malaman at mahusgahan. Takot siyang malaman nang lahat na ang adopted na anak ng Mayor ng bayan nila ay may sayad sa utak.
People will always judge you. Kahit anong maling galaw o kilos ay huhusgahan ka nila agad kahit hindi pa alam ang totoong kuwento. Kahit sa simpleng pagkakamali ay huhusgahan ka na at kakalimutan ang mga magagandang nagawa. Kung si Charlotte ay nagpapakatotoo, kabaliktaran naman siya nito.
Alam niyang mahirap ang magpanggap. Dapat malinis at maingat ang bawat kilos dahil baka mabuko siya nang wala sa oras. Lumaki siya sa pamilyang hindi niya kadugo. Isang pamilyang perpekto sa paningin ng karamihan. Iginagalang dahil sa matataas nitong posisyon na pinanghahawakan. Respetado dahil sa mabait na pakikitungo nito sa kapwa at pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.
Apat na taong gulang si Valerie nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Ito ang kinalakhan na sabi ng mga madre sa orphanage na kumupkop sa kaniya. Parehong namatay raw ito sa pabrikang nasunog na pinagtatrabahuhan. Makalipas ang isang taon ay may kumupkop sa kaniyang mag-asawa.
At ‘yon sina Governor Jose and Mayor Regina Ocampo. Mga kilalang tao dahil sa posisyon nito. Palagi niyang naririnig na sobrang yaman daw ang mag-asawa at mabait ang mga ito. Dahil doon, sobrang excited ang naramdaman ni Valerie at umaasa siyang kukupkupin siya ng mag-asawa. At nangyari nga ang hiniling niya. Lubos ang sayang naramdaman niya nang matupad iyon.
Noong una, akala niya ay ganoon ang inaasta ng mga mayayaman. Kontrolado ang lahat, istrikto kahit sa maliit na bagay at kailangang sumunod sa utos. Ngunit lumipas ang ilang taon, nakaramdam na si Valerie ng pagkahigpit. Tila ba ay nasasakal na siya sa mga ipinapagawa ng mga magulang kahit labag sa kaniyang kalooban.
In her mind, she become a puppet with her fake family. Alam niyang wala siyang karapatang magreklamo dahil utang niya sa mag-asawa ang pagkakaroon niya ng maginhawang buhay. Ngunit hindi niya lubos akalain na ipapahamak siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya nang lubos at kinikilala na tunay na mga magulang.
Gusto ng mag-asawa na siya ang magpatakbo sa kanilang ilegal na negosyo kapag nakatapos na siya sa high school. Balak pa rin naman ng magulang niya na paaaralin siya sa kolehiyo ngunit dapat mas pagtuunan nito ang lihim na ilegal nilang pinagkakakitaan—ang pagbebenta ng droga at maging dealer sa karatig lugar maging sa ibang panig ng bansa.
Napakalaking problema para kay Valerie ang gusto ng mga magulang para sa kaniya. Hindi niya maatim gawin ang isang bagay na labag sa kalooban. Namomoblema siya kung paano sasabihin sa mga magulang na hindi niya gusto ang plano nila para sa kaniya. Nag-iisip na rin siya kung paano tatakas sa mansion na tinitirhan. Hindi na niya ramdam ang sarili sa pamamahay.
She think that getting into the top is the key to solve her problem. Ito ang magiging daan upang makaalis siya sa poder ng mga kinikilala niyang magulang. Kapag nakuha niya ang pagiging class valedictorian, ibig sabihin n’on ay makakatanggap siya ng scholarship. At pipiliin niyang lumuwas ng Maynila upang doon mag-aral. Sa plano niyang ‘yon, matatakasan niya ang kaniyang mga magulang.
“Easy!” bulong niya sa sarili.
Magiging sunod-sunuran muna siya sa mga panahong ito. Magtitiis siya hanggang sa makalaya siya sa impyernong kaniyang kinalalagyan.
Dumagdag pa sa problema niya ang pag-irap niya kanina sa mga lower students. Pinagsisihan niya ‘yon. Nagbigay lang ito sa kaniya ng perwisyo. She’s confident that it will be buried. Kaunting estudyante lang naman ang nairapan niya kanina kaya komportable siyang makakalimutan nila ang kaniyang ginawa. At nangyari lang naman ‘yon dahil kay Marco.
And speaking of Marco, kumukulo pa rin ang dugo niya at nag-iinit ang kaniyang buong katawan dahil sa galit kahit nakabukas ang aircon sa loob ng kotse. Alam na niya sa simula na walang patutunguhan ang relasyon nilang dalawa pero hindi niya sukat akalain na mangyayari ito agad-agad.
Ang mas hindi pa niya inakala ay ang pangyayaring kaniyang nakita. Ang paghahalikan ng dati niyang kaibigan na si Samantha at ng kaniyang nobyo. Nasaktan siya sa kaniyang nakita. But deepest in her heart, it is the wish she longing for. Ang makagawa si Marco ng isang bagay na magpapahiwalay sa relasyon nila.
Marco was only part of her plan. Alam nito ang totoong pag-uugali niya at tinanggap naman siya ng lalake. Alam din ng mga dating kaibigan niya ngunit lahat sila ay nanatiling tahimik dahil sa kaniyang rason. Naiintindihan ng mga ito na may dipirensya siya sa pag-iisip.
Hindi niya alam kung bakit nasisiyahan siya kapag nananakit siya sa iba. Bigla-bigla na lang siya nagagalit sa hindi malamang dahilan. Sa pagkakatanda niya ay nagsimula ang galit niya noong mamatay ang kaniyang mga magulang. Nabalitaan niya na sinadya ang pagkasunog ng pabrika. Puno ng poot at galit ang kaniyang puso. Gusto niyang maghiganti ngunit alam niyang wala pa siyang kakayahan na lumaban. Sa panahon din na iyon ay may nagsimulang bumubulong sa kaniya. Tila nanghihikayat ito na gumawa siya ng masama. Hindi niya mawari kung saan ‘yon nanggaling. Basta-basta lang itong sumusulpot nang hindi inaasahan.
Ilang katulong na rin ang hindi nakatiis sa kaniyang pag-uugali at pang-aalipusta. Binabayaran ng malaking halaga ng kaniyang mga magulang ang mga katulong na aalis upang hindi ito magsumbong at hindi ipagkalat ang nalaman. Sa paaralan, ilang beses nang napatawag ang kaniyang mga magulang at gano’n din ang kanilang ginawa, babayaran ang guidance counselor at teachers upang hindi magsumbong at magkalat.
Doon na nagtaka si Valerie kung bakit binabayaran ng malaking pera ang mga taong sangkot sa kasamaan niya. Napagisip-isip niya na ginagawa lang pala ‘yon ng kaniyang magulang upang mapanatili ang malinis at magandang reputasyon ng mga ito. Akala niya noon ay ginawa nila ‘yon dahil mahal siya ng mga magulang ngunit nagkamali pala siya.
Isang pagkakataon ang sumagot sa kaniyang dasal. Ang malaman kung sino ang may gawa sa likod ng nangyaring pagsunog sa pabrika.
Isang gabi, narinig niya ang pag-uusap ng kaniyang daddy at isang lalakeng puno ng tattoo sa katawan. Masinsinan ang pag-uusap nilang ‘yon, kaya nag-ingat siya nang husto at lihim na nakikinig. Narinig niya ang usapan nila at ito ay tungkol sa sunog sa pabrika.
Umiyak siya nang palihim nang malamang ang amang kumupkop sa kaniya ay siya rin pala ang may gawa kung bakit namatay ang totoong mga magulang.
Labis na galit ang naramdaman niya nang malaman ang totoo. Gusto niyang sugurin at sampalin ng pagkalakas-lakas si Governor Jose ngunit alam niyang wala siyang laban. Nangako siya sa mga yumaong magulang na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito.
Mga hayop.
Ngayon, nagkaroon na siya ng sapat na dahilan upang tumakas sa mga mamamatay-tao niyang magulang.
Naguguluhan nang husto si Valerie. Napadalas nang may palaging bumubulong sa kaniya na patayin ang mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang.
Isang beses, nagtangka siyang gawin ‘yon ngunit palaging nauudlot.
Nang tumuntong siya ng high school, doon nagbago ang buhay ni Valerie. She changed a lot. Binago niya ang pag-uugali just to impress her fake killer parents. Nagbabait-baitan siya kahit labag sa kaniyang kalooban upang mapaniwala ang mga ito. Lahat sinunod niya para lang maging mabait ang paningin nila sa kaniya. Ginawa niya ito para gumanti. Hindi siya makakapayag na hindi nito pagbayaran ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.
PAGKABABA niya sa kotse ay kaagad siyang pumasok sa mansyon nila. Mansyon na sa paningin niya ay isang impyerno. Naabutan niya ang dalawa na kapwa nanonood ng balita sa telebisyon. Lumakad siya nang mabagal at nakipag-beso. Hindi uso sa mayayaman na kagaya nila ang magmano. Bumati na rin siya at pagkatapos ay umakyat na sa kaniyang silid.
Ano pa ang hinihintay mo? Patayan mo na sila.
“Please stop! Lubayan mo na ako," nanginginig na saad ni Valerie nang pagkapasok niya ng kwarto ay bumungad sa kaniya ang isang nilalang na kahindik-hindik ang itsura. May dalawang matutulis na sungay, pula ang mga mata at may nakakatakot na ngiti. Napaatras siya nang makita ang nilalang na ‘yon. Agad naman itong naglaho nang magsalita siya.
Dali-dali siyang nagbihis upang maiwasang makita ang nilalang na ‘yon. Kung saan-saan na lang itong sumusulpot at nagpapakita sa kaniya. Palaging nanghihikayat na pumatay sa madaling panahon.
Umupo si Valerie sa malambot na kama at nag-isip.
“Kung gusto mong pumatay ako sa madaling panahon, maghintay ka dahil alam ko na kung sino ang uunahin ko,” pilyang saad ng dalaga at sumilay ang isang ngiti.
Tama nga na kailangan na niyang pumatay sa madaling panahon at uunahin muna niya ang mga taong tinik sa kaniyang lalamunan.
Ang mga kaklase niyang nakaharang sa kaniyang daan upang maabot ang susi ng kaniyang pagkawala sa impyernong kinalalagyan. Ang dating mga kaibigan niyang kakompetensya sa pagiging class valedictorian at sa scholarship na kaniyang pinapangarap.
“Sino kaya ang uunahin ko? Is it Elisa na kasalukuyang nasa first place? Si Isabelle na pinakaayaw ko sa lahat? Si Charlotte na ka-level ko ng ugali? O si Samantha na nakaaway ko kanina at inihas si Marco? Hmmm. . ." nakakatakot at may kasamang excitement na bulong niya .
Kinuha niya ang pulang kuwaderno at inilista ang mga taong babawian niya ng buhay. In chronological order. Napapalakpak siya nang makitang tama ang pagkakasunod-sunod nito. Inilista niya rin kung sa paanong paraan niya ito papatayin.
“Better be ready, ‘cause death is coming to your way!” Matapos niyang sabihin ‘yon ay tumawa siya nag pagkalakas-lakas na tila nasisiraan ng bait.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top