Chapter 4
CHAPTER FOUR
BETRAYAL
PILIT iniintindi ni Samantha ang mga pinagsasabi ng kanilang guro sa Physics na si Teacher Abby. Nag-di-discuss ito tungkol sa elements of periodic table. Ngunit wala talagang ni isa ang pumasok sa isip niya, besides napag-aralan na rin niya ang aralin na ‘yon.
Ang nasa isip pa rin niya ay ang panloloko sa kaniya ni James. Napaisip siya sa na kung iisipin ay mababaw lang naman ‘yon na dahilan— ang pagtanggi . It just a simply date na hindi siya pumayag. Hindi niya maiwasang magtaka na baka pinaglalaruan lang ni James ang puso niya. Na baka may iba pang mas malalim na dahilan. Kilala pa naman ito na playboy sa campus.
Pagtunog ng bell mula sa quadrangle ay nagpaalam na ang kanilang guro. Hudyat na ng katapusan ng kanilang klase. Nagsiligpitan na ng mga gamit ang mga mag-aaral sa seksyon Sampaguita.
Samantha wanted to talk to James. Binilisan niya ang pagliligpit at akmang lalapitan na sana niya si James pero mabilis na inilingkis ni Isabelle ang kamay nito sa braso ng lalake. Nginitian pa siya ng dalaga nang mapang-asar. Hindi niya maiwasang mainis lalo pa’t hindi man lang makatingin sa kaniya ang lalake nang diretso.
She concluded. Nagkabalikan nga ang dalawa and at the same time pinaglaruan lang pala siya. All this time, niloloko lang siya ni James. At labis siyang nasaktan doon. Hindi niya magawang titigan ang lalake dahil sa tuwing titignan niya ito, naroon sa puso niya na nagsusumamong bumalik ito sa piling niya.
Napabuntong-hininga lang si Samantha at inayos ang sarili. Sinimulan na niya ang paglalakad para makauwi na. Napaisip rin siya na baka nandiyan na ang magsusundo sa kaniya. As always ang yaya naman niya sakay sa driver nito na susundo. Walang pinagbago. Pero hindi pa man siya nakalabas ng classroom ay napahinto siya nang may mabilis na humawak sa kaniyang kamay.
Hinarap niya ito at napag-alamang niyang si Marco. Mabilis siyang hinila ng lalake papunta sa ikalawang palapag ng gusali malapit sa silid-aklatan. Sinubukan niyang alisin ang mahigpit na pagkakahawak ng lalake. Ngunit hindi niya magawa ‘yon dahil sa sobrang higpit. Sinubukan niya ring sumigaw ngunit walang tao sa bahaging ‘yon dahil uwian na at bihira lang talagang may tumambay o dumaan malapit sa silid-aklatan dahil takot mapagalitan ng librarian. Masungit talaga ito sa mga estudyante lalo na kapag maiingay.
Nagpupumiglas si Samantha at hinampas ang dibdib ni Marco. "Ano ba? Bakit bigla-bigla ka na lang nanghihila?” galit na wika nito na medyo hinihingal sa panghihila ng lalake.
“Hindi mo ba napapansin? Mahal pa rin kita, Samantha,” diretsong pahayag ni Marco kay Samantha sa kaniyang nararamdaman. May halong kaba na sambit niya dahil baka may makarinig bukod sa kanilang dalawa.
Nabigla si Samantha sa sinabing ‘yon ng lalake.“Are you out of your mind?” napatawa nang bahagya matapos marinig ang sinabi ni Marco.
“Gagawin mo pa talaga akong third party sa lagay na ‘to? Wow! Just wow!" sarkastikong sagot ng dalaga. “Bilib naman ako sa kakapalan ng mukha mo,” dagdag niya.
“I’m just being true. I know, mahirap paniwalaan dahil kami pa ni Valerie. But I am willing to break-up with her just to prove that I still love you!" pangungumbinsi ni Marco kay Samantha at sinubukan hawakan ang mga kamay nito. Mabilis na binitiwan ng dalaga ang kamay na humawak sa kaniya. Mabilis pa sa alas kwatro na sinampal ni Samantha ang lalake.
“I’ve been longing for true love at hindi sa mga kagaguhan at panloloko ninyo. I’m used to it and I’m tired of being broken. Huwag mong tangkain na saktan ang dating kaibigan ko para lang sa ‘kin." Napaiyak nang wala sa oras si Samantha. "Alam ko ang pakiramdam ng sinaktan. Kaya huwag na huwag mong subukan na iwan siya, " dagdag nito at tinalikuran ang lalake.
Akmang aalis at maglalakad na sana siya nang biglang hinawakan at iniharap siya ni Marco. Marahas nitong inaangkin ang kanyang labi. Sinubukan ni Samantha na pumiglas at manlaban pero malakas ang pagkakahawak ng kamay ni Marco. Naging matagumpay ito na angkinin ang kaniyang labi. Gustuhin man ni Samantha na paghiwalayin ang labi nila ngunit ikinulong siya sa malalakas na braso ng lalake.
HULING lumabas sa silid si Valerie kasama ang ilang kaklase niya dahil sila ang naatasang maglinis. Siya ang lider ng grupo at hindi naman magandang tignan na mismo ang lider ay hindi tumutulong. At kapag ganoon din ang ipinakita niya ay baka malaman ng mga kaklase niya ang kaniyang totoong kulay. Dalawang tao lang ang nakakaalam sa maitim niyang sikreto. Isa na ang nobyo niyang si Marco at ang isa ay dati niyang kaibigan.
Dumidilim na ang paligid kaya binilisan ni Valerie ang kaniyang paglalakad. Bumaba siya sa ikalawang palapag ng gusali nang mapatingin siya sa bahaging malapit sa silid-aklatan. May naaninag siyang dalawang bulto ng tao at sa tantiya niya ay babae at lalake ito. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya at sobrang bilis ang pintig ng kaniyang puso.
Hindi niya namalayan na dinala siya ng kaniyang mga paa papunta sa nakita niya. Hindi niya makita ang mga mukha dahil madilim na ang paligid. May ilaw naman itong nakalagay sa lugar sa pagkakaalam niya. Naisip na lang niya na baka papunta pa lang ang security guard para i-on ang ilaw.
Kinapa ni Valerie ang bulsa ng kaniyang palda upang alamin kung naroon ba ang kaniyang cell phone. Napag-alaman niyang naroon ito at kaagad niya itong kinuha. Hinanap niya ang flashlight sa phone at akmang iilawan na niya ang dalawang tao nang biglang lumiwanag ang paligid dahil sa ilaw. Binuhay ito ng security guard. Tama nga siya na papunta pa lang ito para magpailaw.
Nagulat siya nang makitang kakahiwalay lang ng dalawang tao sa paghahalikan. Mas nagulat siya nang makitang si Marco ang lalake, ang kaniyang nobyo. Agad niyang tiningnan ang babaeng kahalikan nito na nakatalikod. Pagharap nito ay mas nagulat siya nang makitang si Samantha ang babae.
Nabitawan ni Valerie ang kaniyang cell phone at kasabay niyon ay ang paglandas ng kaniyang luha. Hindi niya maisip na kayang gawin ni Marco ito sa kaniya. Aminado siyang marami siyang pagkukulang sa nobyo. Parati silang nag-aaway at hindi nagkakaintindihan. Pero hindi niya akalain na hahantong ito sa panloloko.
Agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at matalim na tiningnan si Samantha.
“Valerie, mali ‘yang nasa isip mo," pangungumbinsi ni Samantha at umaasang maniniwala si Valerie sa kaniyang sinabi.
“At sa tingin mo, maniniwala ako sa ‘yo? Kitang-kita ng dalawang mata ko kung ano ang ginawa ninyo,” hagulgol na sabi ni Valerie.
“Si Marco. Kagagawan niya ang lahat ng ‘to!” galit na hinarap ni Samantha ang lalake ngunit walang itong imik.
“Walang hiya ka! Mang-aagaw! Lahat na lang talaga ay kinukuha mo. Una si James na boyfriend ng kaibigan nating si Isabelle at ngayon si Marco naman? No doubt kung bakit walang nagmamahal sa ‘yo dahil masama ka. Mang-aagaw!" galit at malakas na sabi ni Valerie kay Samantha. “Kaya nga nawasak ang samahan natin noon dahil gahaman ka talaga. Lahat na lang ng bagay inaangkin mo!" dagdag pa niya.
"What? Ako pa talaga ang pinalabas mo na masama? Bakit ako bang nang-agaw? Unang naging akin si Marco at ngayon sa nakita mo, sa maniwala ka man o hindi, hindi ko ‘yon ginusto," paliwanag ni Samantha kay Valerie.
"Just shut up! Kahit anong paliwanag mo, hindi pa rin mababago ang lahat na mang-aagaw ka. Ganiyan ka naman talaga, e. Kaya nga siguro hindi ka mahal ng mga magulang mo. Bakit pa sila mag-aaksaya ng panahon sa isang katulad mo na kahit kailan ay walang ginawang mabuti, " pang-iinsulto ni Valerie na nagpataas ng galit kay Samantha. Dahil sa pandadamay nito sa personal niyang buhay, lalong kumulo ang dugo niya.
Umigting ang tenga ni Samantha matapos marinig ang sinabi ni Valerie sa kaniya. Nasaktan siya roon. Sa pagkakataong ito, hindi niya mapapalampas ang sinabi ng kaklase at dating kaibigan.
“Walang hiya ka! Dinamay mo pa talaga pamilya ko sa selos mo!" Sinampal niya ito at sinabunutan ang buhok. Malakas ang pagkakasampal na ‘yon na talaga namang nagpapula sa pisngi ni Valerie.
Nagsabunutan ang dalawang babae at hindi nagpapigil. Sinubukang awatin ni Marco ang dalawa ngunit nasampal pa siya ni Valerie.
“Isa ka pa. Malibog ka talaga kahit kailan!” Napagbuntungan din ito ng galit.
Hindi nagpaaawat ang dalawa sa pag-aaway. Mabuti na lang ay sumaklolo ang security guard na nagpailaw. Nagkaroon ng ilang galos si Samantha maging si Valerie rin. Gulong-gulo ang kanilang mga buhok at hindi maipinta ang kanilang itsura matapos ang kanilang pag-aaway.
"Hindi pa tayo tapos, Samantha. Magtutuos pa tayo!" gigil na turan ni Valerie at kaagad pinulot ang bag at cell phone na kapwa nasa sahig. Inayos niya ang sarili at mabilis na nilisan ang naturang lugar. Naglakad siya at tinahak ang daan pauwi. Ipinapangako niya sa sarili na pagsisihan ni Samantha ang ginawa niya sa kaniya. Sinisuguro niyang hindi nito magugustuhan ang kaniyang gagawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top